You are on page 1of 1

Name: Sam Alexia M.

Manalili
Grade & Section: 10-Saint Ignatius of Loyola

MELCHORA AQUINO
Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong Enero 6,1812 at namatay naman
noong Pebrero 19,1919.Siya ay mas kilala noon bilang “Tandang Sora” at “Ina ng
Balintawak”.Siya ay anak nila Juan at Valentina Aquino, Siya ay ikinasal kay Fulgencio
Ramos, isang cabeza de barrio at may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos
noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang
nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling nagpakasal.

Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung makikipagkapwa tao


ang pag uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring ituro ng isang guro sa
paaralan.Tinagurian siyang Tandang Sora,sapagkat matanda na sya noong sumuiklab
ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong 1896. Noong Agosto,
1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng
nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Maraming
mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim
ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo
si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi
at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa
munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda,
babae o lalaki.

Ang kanyang tindahan ay nagsilbing isang make-shift na ospital kung saan siya ay
nagbigay ng pangangalagang medikal para sa mga maysakit o nasugatan na mga
rebolusyonista. Nagbigay din siya ng pagkain, tirahan, pampatibay-loob, at panalangin
para sa mga sundalo, maging ang pag-host ng 1,000 lalaki sa bakuran ng kanyang
tahanan sa panahon ng Hibik ng Balintawak.

You might also like