You are on page 1of 11

STI COLLEGE CALOOCAN

109 Samson Rd. corner Caimito Rd. Caloocan City

FEASIBILTY

Binongo, John Rohi B.


Estrella, Nino Gabriel P.
Maypa, Hazel Faith R.
Murillo, Aldonney S
Santero, Lara Jane V.
.

Enero 2023
STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Rd. corner Caimito Rd. Caloocan City

I. Excecutive Summary

Ang "laing" ay isang sikat na lutuing Pilipino na gawa mula sa mga dahon ng gabi

o taro leaves, gata ng niyog, at mga pampalasa. Nagmula ito sa Bicol kung saan

tinatawag rin nila itong Pinangat. Tipikal ang laing sa lutuing Bikolano, na kilala sa

paggamit ng sili at gata. kilala rin ang laing bilang ginataang laing, pinangat na laing, at

pinangat na gabi, bukod sa iba pang mga pangalan. Ang laing ay kinakain kasama ng

kanin o palaman sa tinapay, Kadalasan kinaikain din ito bilang pamutat (pagkaing

palamuti o pagkaing panggilid). Ayon kay Sta. Ana. (2018), ang mga Bikolano ay

nakilala dahil sa kanilang husay at galing sa pagluluto ng iba’t ibang pagkain. Kadalasang

ang mga putaheng ito ay gumagamit ng maraming sili at gata, at kilala rin ang mga

Bikolano sa paggamit ng copra o ang laman ng niyog sa pagluluto, kung kaya’t

nabiyayaan nila tayo ng mga pagkain tulad ng bicol express at laing.

Ang salitang "laing" ay nagmula sa pangalang Bicolano ng dahon ng gabi o taro

leaves, na tinatawag ding "laing" sa kanilang wika. Dahil dito, tinawag na "laing" ang

putahe na gawa mula sa mga dahon ng gabi na niluto sa gata ng niyog. Karaniwang

inilalagay sa Laing ang iba't ibang mga sangkap tulad ng bawang, sibuyas, alamang

(shrimp paste), luya, kakang gata (krema ng niyog) at sili upang ito ay magkaruon ng

masarap na lasa. Upang maiwasan ang posibleng pangangati at nasusunog na

pakiramdam sa bibig, mahalaga na linisan ng maigi ang mga dahon ng gabi, na

naglalaman ng kristal ng kalsyo oksalato o raphide. Karaniwang hakbang sa paghahanda

ay ang paghuhugas at ganap na pagluluto ng mga dahon nang maayos. Ito ay upang
STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Rd. corner Caimito Rd. Caloocan City

maibsan o mabawasan ang dami ng kristal na ito na maaaring maging sanhi ng hindi

kanais-nais na karanasan sa lasa at pakiramdam habang kinakain ang pagkain.

Ang Laing ay isang mahusay na halimbawa ng lutuing rehiyonal sa Pilipinas na

nagpapakita ng kasaysayan, kultura, at likas na sangkap ng Bikol. Ito ay naging

paboritong putahe hindi lamang sa mga lokal kundi pati na rin sa ibang bahagi ng bansa.

Ang pangalang "laing" ay ginamit para tawagin ito dahil sa pangunahing sangkap nito na

mga dahon ng gabi, na itinatawag ding "laing" sa Bicol.

Ayon kay Melendres & Pontejos (2022), unang nagmula sa Maguindanao ang

pastil ay unti-unting lumaganap sa iba’t ibang sulok ng Mindanao. Tulad ng bawat putahe

ng mga Filipino, ang pastil ay nag-iiba sa bawat lugar na iyong pupuntahan. Sa Cagayan

de Oro ay nagdadagdag sila ng turmeric sa kanin upang magiba ang lasa nito. Niluluto ito

na may palaman na kagikit o ginisang isda, baboy o baka, ngunit sa siyudad ng General

Santos ay gumagamit sila ng ginisang talong. Ang "pastil" ay isang tradisyonal na lutuing

Muslim sa Pilipinas, partikular na sikat sa mga lugar na may malalaking komunidad ng

mga Muslim, tulad ng Mindanao. Ito ay isang simpleng pagkain na karaniwang binubuo

ng kanin na kinalat sa isang dahon ng saging. Ang karaniwang bigas ay hahaluan ng

malagkit na bigas upang pag nagging kanin ito ay manatili ang hugis nito pag binalot sa

dahoon ng saging. Ang kagikit naman ay ang tawag sa bahagi ng ulam sa pastil na

karaniwang gawa mula sa ginayat na baka, manok at isda.

Ang karne ay niluluto nang katulad ng adobo. Nilalaga muna ito hanggang

sa ,lumambot na ang manok, baka, o isda, pagkatapos ay pinapalamig ito bago hiwain

nang maliliit na piraso. Pagkatapos, gigisahin ang maliliit na bawang at sibuyas sa isang
STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Rd. corner Caimito Rd. Caloocan City

kawali kasama ang ginayat na karne at lalagyan ito ng oyster sauce o toyo at iba pang

mga pampalasa at hahayaan lang itong matuyo. Madalas na may halo itong chili paste

dahil karamihan sa mga Muslim Filipino na putahe ay maanghang. Ang pastil ay pagkain

na halal, kaya't hindi kailanman ginagamit ang baboy. Ang mga bersyon ng pastil na

hindi halal ay tinatawag sa iba't ibang pangalang gaya ng "binalot" upang maiwasan ang

kalituhan at mapanatili ang tradisyon ng pastil.

Ang pangalang "pastil" ay mula sa Maranao word na "pastilan," na

nangangahulugang "balutan" o "balot." Tinawag rin itong “paster” sa iranun. Sa

karamihan ng mga pagkakataon, ang pastil ay inihahanda nang masinop na ibinabalot sa

mga dahon ng saging o niyog para maging mas madaling kainin at dalhin. Ang dahon na

ito ay gumaganap bilang natural na lalagyan ng pagkain, kaya't hindi mo na kailangang

gamitin ang plato o kutsara. Ang pastil ay isang uri ng budget meal sapagkat ito ay mura

at madali lang kainin. Ito ay isang popular na lutuin sa mga lugar na may mga Muslim

community sa Pilipinas, at madalas itong makikita sa mga tindahan o kalsadang

nagtitinda ng street food.

II. Description of Products and Services

Ang Pastil na Laing ay isang pagkain sa Pilipinas na may mga sangkap mula sa

dalawang kilalang mga putahe: "Pastil" at "Laing." Narito ang mga karaniwang sangkap

ng Pastil na Laing:

Ang mga dahon ng gabi ay ang pangunahing sangkap na niluluto sa gata ng niyog

kasama ang mga pampalasa. Ginagamit ang gata ng niyog upang magkaruon ng
STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Rd. corner Caimito Rd. Caloocan City

kremosong lasa ang Laing at magbigay ng tamang kahalumigmigan sa laing. Ang luya

(ginger) ito ay nagbibigay anghang at aroma sa putahe na nagbibigay karagdagang

dimensyon sa lasa ng laing. Nakatutulong rin ito sa pagbabalanse ng matamis na lasa ng

kakang gata at maalat na lasa ng laing. Karaniwang inilalagay ang bawang para sa

masarap na lasa at aroma ng laing. ito rin ay nagbibigay ng umami o "sabaw" na lasa na

nagpapahayag ng kakaibang sarap sa laing. Ang Sibuyas ay mayroong natural na tamis na

nag-aambag sa tamang balanse ng matamis at maalat na lasa ng Laing. Tulad ng bawang,

ang sibuyas ay mayroong malakas na aroma na nagdadala ng kanyang partikular na

pampalasa at bango sa putahe. Ang Siling berde ay hindi masyadong matindi ang

anghang, kaya't nagbibigay ito ng kaanghangang nahahaluan ng iba't ibang pampalasa.

Ito ay nagbibigay ng tamang balanse sa lasa ng Laing at nagbibigay buhay sa lasa ng

laing. Ang Asin ay nagpapakita ng mga naka-imbak na mga aroma at lasa ng iba't ibang

sangkap sa Laing, kaya't nagiging mas makulay ang lasa ng laing. ito rin ay nagbibigay

ng tamang alat na kinakailangan upang maibalanse ang lasa ng Laing. Ang paminta ay

may malakas na aroma na nagdadagdag ng makulay at masarap na amoy sa putahe.

Karaniwang bigas at bigas na malagkit, ang bigas na malagkit na hinalo sa karaniwang

bigas ay ang nagbibigay dikit upang makabuo ng hugis kapag ito ay binalot, nagbibigay

rin ito ng aroma at kaunting tamis sa putahe. Dahon ng saging, ito ay ang nagsisilbing

plato at pangbalot sa Pastil na Laing ngunit ito rin ay nagbibigay ng aroma at kaunting

tamis sa putahe.

Sa pagluto ng pastil ay gumagamit ng iba’t ibang angkop na kagamitan upang

masigurado na ang magiging produkto ay naluto nang maayos, masarap, at presentable.


STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Rd. corner Caimito Rd. Caloocan City

Una sa lahat ay kinakailangan ng dalawang magkahiwalay na kaldero, isa para sa

paghahanda ng laing, at isa para sa pagsaing ng bigas. Kakailanganin din natin ng spatula

o kaya naman ay wooden spoon upang mahalo ang niluluto at nang maiwasan ang

pagkasunog at pagdikit nito sa kaldero. Para sa paghahanda naman ng mga sangkap ay

gagamit din ng sangkalan (chopping board), kutsilyo upang mahiwa ang mga sangkap sa

ninanais na laki ng mga ito, at Gunting para sa pagugupit ng mga dahon ng gabi o laing at

dahon ng saging.

Ang produktong Malangga de Pastil ay mayroong pangunahing sangkap na dahon

ng gabi, at ang mga sustansyang makukuha sa pagkonsumo ng taro leaves ay ang

Bitamina C na tumutulong sa katawan na maiwasan ang mga chronic disease, pangalawa

ang vitamin A na maraming benipisyo sa ating buhok, kuko, at kutis, pangatlo ang folate

na nakatutulong sa ating katawan na gumawa ng mga malusog na red blood cells, at ang

panghuli ay ang calcium na nakapagtitibay ng mga buto. Ang pastil na may pangunahing

sangkap na kanin ay isang mahusay na pinagkukunan ng enerhiya dahil sa mataas na

nilalaman ng carbohydrates nito na kinakailangan para sa pang araw-araw na lakas ng

katawan.

Ayon kay Erica Julson (2023), ang dahon ng gabi naman ay mataas sa potasyo at

folate na tumutulong sa pagbuo ng mga selula at sa pangangalaga sa kalusugan ng puso,

ang fiber naman ay nag-aambag sa regular na pagdumi at kalusugan ng tiyan. Mayaman

din ito sa bitamina C at A, mababa ito sa calories at mataas ang fiber at micronutrients na

makatutulong upang makaiwas sa sakit at magkaroon ng malusog na pangangatawan.


STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Rd. corner Caimito Rd. Caloocan City

III. Technology Considerations

Ang mga tiyak na teknolohiyang gagamitin sa pagbuo ng produkto ay Gas stove o

Electric stove, para sa pagluluto ng Laing. Rice cooker naman para sa pagsasaing ng

bigas sa produkto ng mangangalakal na Malanga De Pastil.

IV. Product Marketplace

Napagdesisyunan ng mga mangangalakal na ang pinakamabuting pagbentahan ng

kanilang produkto ay sa Divisoria. Kumpara sa labas ng mga paaralan o mga parke na

panigurado nga na maraming tao, hindi masisigurado na magiging mabenta ang produkto

na ito sapagkat hindi gaano ka-patok sa panlasa ng mga kabataan ang gulay. Ngunit kung

ihahambing ang mga lugar na ito sa Divisoria, kung saan mas maraming mas nakatatanda

tulad ng mga trabahador at mamimili na dumadaan, ay makapagbenta ang mga

mangangalakal ng mas mataas na pagbenta kumpara sa mga bata.

Ang mga inaasahang katunggali ng mga mangangalakal ay ang mga ibang

tagapagbili ng iba't ibang makakain tulad na lang ng Nacho King!, Chowking Divisoria,

Jollibee Divisoria, Six Ladies Carinderia, I Love Taps, Fruito King Cuisine, Leticia

Carinderia, Teresita Carinderia, Dong Bei Dumplings, Roberto Carinderia, Ilang-Ilang

Restaurant.

Ang patalastas na gagamitin ng mangangalakal ay Facebook Myday at flyers.

V. Marketing Strategy

Ang mga patalastas na gagamitin ay ang facebook Myday, at flyers. Ang

mangangalakal ay gagawa ng disenyo na ipi-print upang gawing flyers at poster na


STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Rd. corner Caimito Rd. Caloocan City

ipamimigay sa mga taong dumadaan sa lugar na aming napili. Ilalagay naman ng

mangangalakal ang sa kanilang Facebook ang digital na bersyon ng kanilang flyers upang

hikayatin ang mga tao na bumili.

Ang makikitang kakaiba sa produkto ng mga mangangalakal ay ang laing. Ang

pastil ay karaniwang sinasamahan ng mga karne na ulam tulad na lang ng adobo, kaya

naman ang pastil na gagawin ng mga mangangalakal ay sasamahan ng laing na walang

halong karne.

Ang mga inaasahang mamimili o konsyumer ng mga mangangalakal ay mga

trabahador na matatagpuan sa divisoria.

VI. Organization and Staffing

Ang mga tauhan sa negosyo ay sina Lara Santero, Hazel Maypa, Nino Estrella,

John Rohi Binongo, at Aldonney Murillo.

Ang mangangalakal na si Lara Santero at Hazel Maypa ay ang magluluto ng

kanilang produkto na Malanga De pastil. Ang mangangalakal na si Nino Estrella, John

Rohi Binongo at Aldonney Murillo ay tutulong sa pag-aayos, at paghuhugas ng mga

kagamitan na gagamitin para sa paggawa ng kanilang produkto na ibebenta. Ang limang

mangangalakal na nabanggit ay magtutulong-tulong upang bumili ng mga sangkap na

gagamitin sa paggawa ng kanilang produkto na Malanga De Pastil.

Ang mga mangangalakal ay makatatanggap ng ₱420 na sahod. Kaya naman kung

tatayain ang ₱25 sa 84 piraso ng pastil ay inaasahan ng mga mangangalakal na

makalilikom ng ₱2,100
STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Rd. corner Caimito Rd. Caloocan City

VII. Financial Projections

Sangkap Bilang Presyo Produkto

Dahon ng gabi 1kg ₱250

Luya 250g ₱10

Gata Tatlo(3) pirasong niyog ₱120

Sili (berde) 1/4g ₱20

Bawang Isang (1) piraso ₱5

Sibuyas Dalawang (2) piraso ₱15

Bigas Tatlong (3) kilo ₱159

Paminta 5g ₱5

Asin 5g ₱5

Dahon ng saging 1/2kg ₱25

kabuuan= ₱615 84 piraso

615/84=7.32 2100-615=1485

25 x 84=2100
STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Rd. corner Caimito Rd. Caloocan City

VIII. Findings and Recommendation


Technology
Ang mga tiyak na kagamitan na gagamitin sa pagluluto ng produkto na Malangga

de Pastil ay una ang kawali, kaldero, spatula, kutsilyo, sangkalan, kutsara, mangkok,

kalan.

Marketing

Ang mga mangangalakal ay napag-desisyunan na ang lugar na kanilang napili ay

Divisoria sa 820 San Nicolas Elcano St. Binondo, Manila Barangay 271 zone 25 zipcode

1013 at ang mangangalakal ay may istratehiya na magbigay ng flyers sa mga dumadaan

ng kanilang produkto upang bumenta ito, sa flyers ay nakalagay ang facebook name kung

saan makikita rin online ang produkto ng mga mangangalakal. Isa rin sa mga istratehiya

ng mga mangangalakal na maglako ng kanilang produkto sa napiling lugar.

Organizational

Ang mga mangangalakal ay magbebenta ng kanilang produkto na Malanga De

pastil sa Divisoria sa pamamagitan ng paglalako sa divisorial.

Financial

Ang inaasahang magiging kabuuan ng presyo ng mga sangkap ay ₱615.

Magkakaroon kami ng ₱17.68 na tubo dahil ibebenta ng mangangalakal ang kanilang


STI COLLEGE CALOOCAN
109 Samson Rd. corner Caimito Rd. Caloocan City

produkto sa halagang ₱25. Ang puhunan naman na malilikom ng mangangalakal ay

₱1485. Ang inaasang sahod ng mga mangangalakal ay ₱420.

You might also like