You are on page 1of 11

STI COLLEGE CALOOCAN

109 Samson Rd. corner Caimito Rd. Caloocan City

FEASIBILTY

Santero, Lara Jane V.


Maypa, Hazel Faith R.
Estrella, Nino Gabriel P.
Binongo, John Rohi B.
Murillo, Aldonney S.
I. Excecutive Summary

Kaligiran ng produkto

Ang "laing" ay isang sikat na lutuing Pilipino na gawa mula sa mga dahon ng gabi

o taro leaves, gata ng niyog, at mga pampalasa. Nagmula ito sa Bicol kung saan

tinatawag rin nila itong Pinangat. Tipikal ang laing sa lutuing Bikolano, na kilala sa

paggamit ng sili at gata. kilala rin ang laing bilang ginataang laing, pinangat na laing, at

pinangat na gabi, bukod sa iba pang mga pangalan. Ang laing ay kinakain kasama ng

kanin o palaman sa tinapay, Kadalasan kinaikain din ito bilang pamutat (pagkaing

palamuti o pagkaing panggilid).

Ang salitang "laing" ay nagmula sa pangalang Bicolano ng dahon ng gabi o taro

leaves, na tinatawag ding "laing" sa kanilang wika. Dahil dito, tinawag na "laing" ang

putahe na gawa mula sa mga dahon ng gabi na niluto sa gata ng niyog. Karaniwang

inilalagay sa Laing ang iba't ibang mga sangkap tulad ng bawang, sibuyas, alamang

(shrimp paste), luya, kakang gata (krema ng niyog) at sili upang ito ay magkaruon ng

masarap na lasa. Upang maiwasan ang posibleng pangangati at nasusunog na

pakiramdam sa bibig, mahalaga na linisan ng maigi ang mga dahon ng gabi, na

naglalaman ng kristal ng kalsyo oksalato o raphide. Karaniwang hakbang sa paghahanda

ay ang paghuhugas at ganap na pagluluto ng mga dahon nang maayos. Ito ay upang
maibsan o mabawasan ang dami ng kristal na ito na maaaring maging sanhi ng hindi

kanais-nais na karanasan sa lasa at pakiramdam habang kinakain ang pagkain.

Ang Laing ay isang mahusay na halimbawa ng lutuing rehiyonal sa Pilipinas na

nagpapakita ng kasaysayan, kultura, at likas na sangkap ng Bikol. Ito ay naging

paboritong putahe hindi lamang sa mga lokal kundi pati na rin sa ibang bahagi ng bansa.

Ang pangalang "laing" ay ginamit para tawagin ito dahil sa pangunahing sangkap nito na

mga dahon ng gabi, na itinatawag ding "laing" sa Bicol.

Ang "pastil" ay isang tradisyonal na lutuing Muslim sa Pilipinas, partikular na sikat

sa mga lugar na may malalaking komunidad ng mga Muslim, tulad ng Mindanao. Ito ay

isang simpleng pagkain na karaniwang binubuo ng kanin na kinalat sa isang dahon ng

saging. Ang karaniwang bigas ay hahaluan ng malagkit na bigas upang pag nagging

kanin ito ay manatili ang hugis nito pag binalot sa dahoon ng saging. Ang kagikit naman

ay ang tawag sa bahagi ng ulam sa pastil na karaniwang gawa mula sa ginayat na baka,

manok at isda.

Ang karne ay niluluto nang katulad ng adobo. Nilalaga muna ito hanggang

sa ,lumambot na ang manok, baka, o isda, pagkatapos ay pinapalamig ito bago hiwain

nang maliliit na piraso. Pagkatapos, gigisahin ang maliliit na bawang at sibuyas sa isang

kawali kasama ang ginayat na karne at lalagyan ito ng oyster sauce o toyo at iba pang

mga pampalasa at hahayaan lang itong matuyo. Madalas na may halo itong chili paste
dahil karamihan sa mga Muslim Filipino na putahe ay maanghang. Ang pastil ay pagkain

na halal, kaya't hindi kailanman ginagamit ang baboy. Ang mga bersyon ng pastil na

hindi halal ay tinatawag sa iba't ibang pangalang gaya ng "binalot" upang maiwasan ang

kalituhan at mapanatili ang tradisyon ng pastil.

Ang pangalang "pastil" ay mula sa Maranao word na "pastilan," na

nangangahulugang "balutan" o "balot." Tinawag rin itong “paster” sa iranun. Sa

karamihan ng mga pagkakataon, ang pastil ay inihahanda nang masinop na ibinabalot sa

mga dahon ng saging o niyog para maging mas madaling kainin at dalhin. Ang dahon na

ito ay gumaganap bilang natural na lalagyan ng pagkain, kaya't hindi mo na kailangang

gamitin ang plato o kutsara. Ang pastil ay isang uri ng budget meal sapagkat ito ay mura

at madali lang kainin. Ito ay isang popular na lutuin sa mga lugar na may mga Muslim

community sa Pilipinas, at madalas itong makikita sa mga tindahan o kalsadang

nagtitinda ng street food.

II. Description of Products and Services

Sangkap

Ang Pastil na Laing ay isang pagkain sa Pilipinas na may mga sangkap mula sa

dalawang kilalang mga putahe: "Pastil" at "Laing." Narito ang mga karaniwang sangkap

ng Pastil na Laing:
Ang mga dahon ng gabi ay ang pangunahing sangkap na niluluto sa gata ng niyog

kasama ang mga pampalasa. Ginagamit ang gata ng niyog upang magkaruon ng

kremosong lasa ang Laing at magbigay ng tamang kahalumigmigan sa laing. Ang luya

(ginger) ito ay nagbibigay anghang at aroma sa putahe na nagbibigay karagdagang

dimensyon sa lasa ng laing. Nakatutulong rin ito sa pagbabalanse ng matamis na lasa ng

kakang gata at maalat na lasa ng laing. Karaniwang inilalagay ang bawang para sa

masarap na lasa at aroma ng laing. ito rin ay nagbibigay ng umami o "sabaw" na lasa na

nagpapahayag ng kakaibang sarap sa laing. Ang Sibuyas ay mayroong natural na tamis na

nag-aambag sa tamang balanse ng matamis at maalat na lasa ng Laing. Tulad ng bawang,

ang sibuyas ay mayroong malakas na aroma na nagdadala ng kanyang partikular na

pampalasa at bango sa putahe. Ang Siling berde ay hindi masyadong matindi ang

anghang, kaya't nagbibigay ito ng kaanghangang nahahaluan ng iba't ibang pampalasa.

Ito ay nagbibigay ng tamang balanse sa lasa ng Laing at nagbibigay buhay sa lasa ng

laing. Ang Asin ay nagpapakita ng mga naka-imbak na mga aroma at lasa ng iba't ibang

sangkap sa Laing, kaya't nagiging mas makulay ang lasa ng laing. ito rin ay nagbibigay

ng tamang alat na kinakailangan upang maibalanse ang lasa ng Laing. Ang paminta ay

may malakas na aroma na nagdadagdag ng makulay at masarap na amoy sa putahe.

Karaniwang bigas at bigas na malagkit, ang bigas na malagkit na hinalo sa karaniwang

bigas ay ang nagbibigay dikit upang makabuo ng hugis kapag ito ay binalot, nagbibigay

rin ito ng aroma at kaunting tamis sa putahe. Dahon ng saging, ito ay ang nagsisilbing

plato at pangbalot sa Pastil na Laing ngunit ito rin ay nagbibigay ng aroma at kaunting

tamis sa putahe.
Ang Pastil na Laing ay nagbibigay-daan sa mga sangkap ng Laing na ito na magkasama

para sa masarap at malasa na pagkain na maaring samahan ng kanin.

Kagamitan

Sa pagluto ng pastil ay gumagamit ng iba’t ibang angkop na kagamitan upang

masigurado natin na ang ating magiging produkto ay naluto ng maayos, masarap, at

presentable. Una sa lahat ay kinakailangan ng dalawang magkahiwalay na kaldero, isa

para sa paghahanda ng laing, at isa para sa pagsaing ng kanin. Kakailanganin din natin ng

spatula o kaya naman ay wooden spoon upang mahalo ang niluluto at nang maiwasan ang

pagkasunog at pagdikit nito sa kaldero. Para sa paghahanda naman ng mga sangkap ay

gagamit din ng sangkalan (chopping board), kutsilyo upang mahiwa ang mga sangkap sa

ninanais na laki ng mga ito, at Gunting para sa pagugupit ng mga dahon ng gabi o laing at

dahon ng saging

Benipisyo

Ang aming produkto na Malangga de Pastil ay ang main ingredient ay taro leaves,

at ang mga sustansyang makukuha sa pagkonsyum ng taro leaves ay una ang vitamin C

na tumutulong sa ating katawan na maiwasan ang mga chronic disease, pangalawa ang

vitamin A na maraming benipisyo sa ating buhok, kuko, at kutis, pangatlo ang folate na

nakatutulong sa ating katawan na gumawa ng mga malusog na red blood cells, at ang

panghuli ay ang calcium na nakapagtitibay ng mga buto.


III. Technology Considerations

Mga teknolohiyang ginamit

Gas stove o Electric stove, para sa pagluluto ng Laing. Rice cooker naman para sa

pagsasaing ng bigas sa produkto ng mananaliksik na Malanga De Pastil.

IV. Product Marketplace

Target na lugar para sa negosyo

Napagdesisyunan ng mga mananaliksik na ang pinakamabuting pagbentahan ng

kanilang produkto ay sa Divisoria. Kumpara sa labas ng mga paaralan o mga parke na

panigurado nga na maraming tao, hindi masisigurado na magiging mabenta ang produkto

na ito sapagkat hindi gaano ka-patok sa panlasa ng mga kabataan ang gulay. Ngunit kung

ihahambing ang mga lugar na ito sa Divisoria, kung saan mas maraming mas nakatatanda

tulad ng mga trabahador at mamimili na dumadaan, ay makapagbenta ang mga

mananaliksik ng mas mataas na pagbenta kumpara sa mga bata.

Katunggaling negosyo

Ang mga inaasahang katunggali ng mga mananaliksik ay ang mga ibang

tagapagbili ng iba't ibang makakain tulad na lang ng tusok-tusok, footlong, mani, at iba

pa.
Patalastas

Ang Patalastas na gagamitin ng mananaliksik ay Facebook post at flyers.

V. Marketing Strategy

Paano gagamitin ang patalastas?


Ang mga patalastas na aming gagamitin ay ang facebook post, at flyers. Ang

mananaliksik ay gagawa ng disenyo na maaaring mai-print upang gawing flyers at poster

na ipamimigay sa mga taong dumadaan sa lugar na aming napili. Ilalagay naman ng

mananaliksik ang sa kanilang Facebook ang digital na bersyon ng kanilang flyers upang

hikayatin ang mga tao na bumili.

Ano ang kakaiba sa produkto?


Ang makikitang kakaiba sa produkto ng mga mananaliksik ay ang laing. Ang pastil

ay karaniwang sinasamahan ng mga karne na ulam tulad na lang ng adobo, kaya naman

ang pastil na gagawin ng mga mananaliksik ay sasamahan ng laing na walang halong

karne.

Sino ang target na mamimili?


Ang mga inaasahang mamimili o konsyumer ng mga mananaliksik ay mga

trabahador na matatagpuan sa divisoria.

VI. Organization and Staffing

Sino-Sino ang magiging tao?

Ang mga tauhan sa negosyo ay sina Lara Santero, Hazel Maypa, Nino Estrella,

John Rohi Binongo, at Aldonney Murillo.


Ano ang kanilang gawain sa negosyo?

Ang mananaliksik na si Lara Santero at Hazel Maypa ay ang magluluto ng kanilang

produkto na Malanga De pastil. Ang mananaliksik na si Nino Estrella, John Rohi

Binongo at Aldonney Murillo ay tutulong sa pag-aayos, at paghuhugas ng mga kagamitan

na gagamitin para sa paggawa ng kanilang produkto na ibebenta. Ang limang

mananaliksik na nabanggit ay magtutulong-tulong upang bumili ng mga sangkap na

gagamitin sa paggawa ng kanilang produkto na Malanga De Pastil.

Magkano ang inaasahang sahod?

Ang mga mananaliksik ay bibigyang halaga ang Malangga de Pastil sa halagang

dalawampu't limang halaga kada piraso. Kaya naman kung kokompyutin ang 25 pesos sa

50 piraso ng pastil ay inaasahan ng mga mananaliksik na makalilikom ng 1,250.

VII. Financial Projections

Sangkap Bilang Presyo Produkto

Dahon ng gabi 1kg ₱150

Luya 250g ₱15

Gata Tatlo(3) pirasong niyog ₱120

Sili (berde) 1/4g ₱25

Bawang Isang (1) piraso ₱5

Sibuyas Tatlong(3) piraso ₱10

Malangkit na bigas Kalahating Kilo(1/2) ₱35

Bigas Dalawa’t Kalahating Kilo ₱130


Paminta 5g ₱5

Asin 5g ₱5

kabuuan= ₱500 50 piraso

500/50=10 500-1250=750

25 x 50=1,250

VIII. Findings and Recommendation


Technology-mga tiyak na kagamitan
Ang mga tiyak na kagamitan na gagamitin sa pagluluto ng produkto na Malangga

de Pastil ay una ang kawali, kung saan iluluto ang laing. Pangalawa kaldero, ang

pagsasaingan ng bigas para sa pastil. Pangatlo ay ang spatula na gagamitin panghalo sa

lulutuin na laing. Pang-apat ay ang kutsilyo na ipanghihiwa para sa mga sangkap na

gagamitin sa pagluluto ng laing. Pang-lima ay sangkalan kung saan hihiwain ang mga

sangkap na gagamitin sa pagluluto ng laing.

Pang-anim ay ang kutsara, gagamitin sa pagsandok para mailagay ang laing sa

ibabaw ng kanin. Pang-pito ay mangkok, ang lalagyanan ng laing pagkatapos maluto.

Pang-walo ay ang kalan sa kung saan ay gagamitin upang maluto ang laing at kanin. At

panghuli at ang dahon ng saging kung saan ilalagay ang tapos na produkto, ang pastil.

Marketing-mga tiyak na istratehiya at lugar

Organizational-paraan ng pagbebenta

Financial-tiyak na tala
Ang inaasahang magiging kabuuan ng presyo ng mga sangkap ay ₱500.

Magkakaroon kami ng ₱15 na tubo dahil ibebenta namin ang aming produkto sa halagang

₱25. Ang aming naging puhunan naman ay ₱750.

You might also like