You are on page 1of 5

PATUPAT

KONTEKSTWALISADONG KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO:


 Paglinang sa pag-unawa ng mga sining sa Pilipinas lalong lalo na ang paglikha
“Patupat” upang higit na mapahalagahan at makabuo ng mga katangi-tanging
likhang sining.

TIYAK NA MGA LAYUNIN:


• Maipaliliwanag ang kalikasan, kaligiran at impluwensya sa paglikha ng Patupat
• Matutukoy ang iba't ibang paraan sa paggawa ng Patupat
• Maihahambing ang mga kasanayan sa pagluluto ng Patupat ng SANTIAGO
CITY sa iba pang lokalidad sa Pilipinas.
• Naipapakita ang interes ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng mga bagong
kasanayan sa pamamagitan ng proseso sa paglikha ng patupat.
• Mapagninilayan ang paglikha ng Patupat (mga kasanayan sa pagluluto) bilang
isang mahalagang pamana ng ating kultura sa pamamagitan ng likhang sining na
Patupat.

L1. MAIPALILIWANAG ANG KALIKASAN, KALIGIRAN AT IMPLUWENSYA SA


PAGLIKHA NG PATUPAT
Mula sa dahilig na lupain at kawalan ng irigasyon sa patubig, pinili ng mga lokal na
magsasaka na magtanim ng tubo sa kanayunan ng Investment Hub of the North o ang
Santiago City, Isabela partikular na ang Bannawag Norte. Ang Banawag Norte ay isang
barangay na matatagpuan sa kahabaan ng mga lalawigan ng Quirino at Isabela.

Ang PATUPAT ay isang espesyal na kakanin ng mga Ilokano. Ito ay gawa sa malagkit
na bigas na mahigpit na isinilid sa isang lagayang nilikha mula sa mga hibla ng dahon ng
niyog at isinasawsaw hanggang sa maluto mula sa kumukulong pulot ng tubo. Tulad ng
mataas na kalidad ng organic na muscovado sugar. Ang patupat enterprise ay naging tanyag
at naitala ang lungsod sa rehiyunal na mapa dahil hinihikayat nito ang mga turista bumili at
matikman ito, hindi makukumpleto ang kanilang paglalakbay sa lungsod kung walang
kumpol ng patupat na mai-uuwi.
Mula 1988 hanggang sa kasalukuyan ang produktong ito ay naging kilala hindi
lamang sa lugar na ito kundi maging sa iba pang kalapit na bayan. Na naging tatak ito ng
programang One town, One product (OTOP) ng nasabing barangay sa pamamagitan ng
suporta ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA), kung
kaya't nagkakaroon ng paraan upang suportahan ang panlipunan at pang-ekonomiyang
pagsulong hindi lamang para sa mga lokal na produser kundi pati na rin ang mga
mamamayan ng mismong bayan.

Ang carbohydrates ay ang pinaka-masaganang sustansya na matatagpuan sa


komposisyon ng patupat. Ito ay binubuo ng carbon, hydrogen at oxygen na tinuturing bilang
monossacharides o multiple ng monosaccharides. Nakakatulong ito upang mapanatili ang
matatag na antas ng asukal sa dugo ng katawan, na tumutulong na na mapayabong at
mapatatag ang enerhiyang dumadaloy sa katawan.

Ang mga macromineral tulad ng calcium at phosphorus ay kasama rin sa nilalaman o


komposisyon ng patupat, humigit-kumulang 1.5%-2% ng calcium ang bumubuo sa timbang
ng pang-adulto na halos 99% ay matatagpuan sa mga buto at ngipin at ang natitirang 1% ay
matatagpuan sa malambot na mga tisyu at likido ng katawan at nagsisilbi sa ilang
mahahalagang tungkulin na may kaugnayan sa istraktura ng buto.

Sa unang tingin ang kakaning ito ay simple lang at ordinaryo. Pero maniniwala ba
kayo na inaabot ito ng halos isang araw ang paggawa nito? Narito ang proseso kung paano
makabuo ng isang natatanging likhang sining.

L2: MATUTUKOY ANG IBA'T IBANG PARAAN SA PAGGAWA NG PATUPAT


Niluluto sa kumukulong sugarcane syrup o (Pulot ng tubo) ang patupat. Ito ay
maaaring iimbak sa normal na temperatura ng isang silid o lugar nang walang anumang
pangusilba o preserbatibo hanggang sa limang araw na kahit hindi ipinapalamig o inilalagay
sa repridyerator. Ito rin ay nililikha upang magsilbing token na maaaring ipamahagi para sa
mga kaibigan at kamag-anak.

Narito ang mga kailangang ihanda at gawin sa paglikha ng patupat:


1. Gagawa ng bahay ng patupat gamit ang silag.
Gamit buli ginagamit ito upang gumawa ng bahay ng patupat na siyang
nagsisilbing sisidlan nito. Una munang gigisgisin o tatanggalan ng tangkay ang dahon
ng niyog. Saka ito lalagain na siyang magiging sisidlan ng malagkit. Dapat mahigpit
upang hindi tatagas ang malagkit.
2. Ilalagay ang malagkit sa loob ng bahay ng patupat.
Kalahati lamang ang ilalagay kapag umalsa hindi siya hilaw. Itataling
magkapares ang mga tali ng patupat.
3. Magdamag na ibababad sa tubig.
4. Kukunin ang katas ng tubo.
Pipitpitin ang tubo sa makinang tinatawag nilang Darapilan upang makuha
ang katas nito.
5. Ilalagay ang katas ng tubo sa kawa.
Ang mga nagawang patupat pagkatapos makuha ang katas ilalagay ito sa kawa
at doon papakuluan. Kapag wala ng bula sa kawa ibig sabihin luto na ang patupat. At
pwede na itong hanguin.
6. Pakuluan ang patupat sa katas ng tubo sa loob ng 3-4 oras.
Ang pinagpigaan ng tubo ay ibibilad upang siya namang gagamitin na
panggatong mula sa pagluluto ng patupat. Ilulubog ang patupat para doon na lulutuin. Yung
ibinabad na magdamag sa tubig ay yun na ang ibababad sa kumukulong katas ng tubo at doon
na kakapit. Matapos ang apat na oras, hahanguin na ang mas pinayaman at mas pinasarap na
patupat. Ang natirang katas ng tubo ay papakuluan pa ulit hanggang sa lumapot at maging
panutya. Walang patid ang paghaalo dito upang hindi masunog. Kapag malapot na itatabi ito
saglit para lumamig saka isasawsaw ang mga nalutong patupat para sa extra-sweet experience
at ready na siya para ito ay makilala at matikman ng buong Pilipinas.

L3: MAIHAHAMBING ANG MGA KASANAYAN SA PAGLULUTO NG PATUPAT


NG SANTIAGO CITY SA IBA PANG LOKALIDAD SA PILIPINAS.
Ang Patupat ay ang pangkaraniwang terminong Ilocano na ginagamit para sa kakanin
na nakabalot sa alinmang dahon tulad ng dahon ng saging o dili naman kaya’y sa dahong
tinatawag na "silag" (palm) o dahon ng niyog. Ang naunang nabanggit ay niluluto sa katas ng
tubo sa isang malaking kawa. Isinasabit ang mga ito mula sa pinaghalo-halong pinakuluan
hanggang sa maluto at ang katas nito kapag naluto na ay inilalagay sa isang "surusur" sa itaas
na bahagi ng hiniwang bao ng niyog upang tumigas at ito’y tinatawag na panutsa kapag tapos
na.

Nahahawig ang “Patupat” sa “Ketupat” ng ilang South East Asian countries gaya ng
Malaysia at Indonesia. Ang kakaning ito ay naiiba sapagkat ang tamis nito’y nanunuot
hanggang sa loob. Subalit ang patupat ng Santiageno at natatangi at hindi matatawaran. Sa
proseso palamang nito’y nilalakipan na ng isang makapangyarihang sangkap, at ito ang taos
pusong pagmamahal ng mga mamamayan sa naturang lugar sa paglikha ng patupat.

L4: NAIPAPAKITA ANG INTERES NG MGA MAG-AARAL SA PAGKATUTO NG


MGA BAGONG KASANAYAN SA PAMAMAGITAN NG PROSESO SA PAGLIKHA
NG PATUPAT.

L5: MAPAGNINILAYAN ANG PAGLIKHA NG PATUPAT (MGA KASANAYAN SA


PAGLULUTO) BILANG ISANG MAHALAGANG PAMANA NG ATING KULTURA
SA PAMAMAGITAN NG LIKHANG SINING NA PATUPAT.
Ang tubo ay dominanteng pananim sa barangay kung kaya’t naging tanyag ang
Bannawag Norte sa paggawa ng lokal na katutubong alak na tinatawag na basi at suka ng
tubo. Ang malayong nayon ay naging kilala sa mga lokal na turista at manlalakbay na
bumabagtas sa lugar dahil sa mga produktong ito na nagmula sa tubo.

Isa lamang ito sa produktong ipinagmamalaki ng Investment Hub of the North. Ang
produktong nagbigay ng pagkakakilanlan. Ang produktong maipagmamalaki at maipapamana
hanggang sa mga susunod na henerasyong magdaraan. Ang Patupat na isang obra mestrang
nakakabusog hindi lamang ng mga mata kundi higit na ng tiyan. Ang Patupat na kukumpleto
sa paglalakbay sa naturang lugar ninuman.
VIDEOS FOR THE OTHER INFORMATIONS

https://www.youtube.com/watch?v=vXL_uj1RzBk

https://www.youtube.com/watch?v=GDZKgxvHTrk

https://www.youtube.com/watch?v=0Yn_STex8K8

https://www.youtube.com/watch?v=NenYDNT1qb0

You might also like