You are on page 1of 31

WEEK 3 –

Q3

Ang Kultura ng
Aming Lalawigan
BALIK-
ARAL

Iguhit ang sa patlang kung ang pahayag


ay tama at naman kung ito ay mali.
_____ 1. Ang lokasyon at klima ng isang lugar
ay malaki ang kinalaman sa pamumuhay ng
mga tao.
_____ 2. Sa lalawigan ng Laguna ay
nangunguna ang produksiyon ng palay at niyog.
_____ 3. Nakakaapekto sa uri ng produkto sa
isang lugar ang uri ng kapaligiran nito.
_____ 4. Kung taglamig ang mga tao ay
nagsusuot ng makakapal na damit upang hindi
sila ginawin.
_____ 5. Sa mga lugar na higit na maulan kaysa
maaraw, abaka, niyog, at palay ang angkop sa
kanilang klima.
PAGGANYA
K

Nakakita ka na ba ng parada ng mga


lechon?

Saan kaya ito ipinagdiriwang?


PAGLALAHA
D

Ano ang pagkakakilanlang kultural ng


lalawigan ng Batangas?
KULTURA ng LALAWIGAN ng
BATANGAS
Sa mga lalawigan sa rehiyon ng
CALABARZON, ang lalawigan
ng Batangas ang may natatangi at
kakaibang kultura. Tagalog ang
wika ng mga Batangueño, ngunit ang
paraan ng pagsasalita nila ay may mariing
punto.
KULTURA ng LALAWIGAN ng
BATANGAS
Kilala sila pagdaragdag ng salitang “eh”
at “ga” sa pakikipagusap. Halimbawa ang
salitang “Ano ba yun?” ay magiging “Ano
ga un?” at “Ay oo nga!” ay magiging “Ay,
ala oo eh!” naman.
KULTURA ng LALAWIGAN ng
BATANGAS
May pamamaraan ang mga Batangueño
na tinatawag na
“Matanda sa Dugo”. Ito ay ang paggalang
sa lahat ng nakakatanda
sa edad kahit may pagkakataon na
magtiyo na mas bata ang tiyuhin.
KULTURA ng LALAWIGAN ng
BATANGAS
Tradisyon sa kanila ang dapat ang nakababata
ang tumawag ng tiyo
o kuya.
Tulad ng ibang lalawigan sa rehiyon,
meron ding maipagmamalaki ang mga
Batangas pagdating sa produkto at
pagdiriwang. Ito ay ang;
KULTURA ng LALAWIGAN ng
BATANGAS
Kapeng Barako
Ang kapeng barako ay uri ng kape na
tumutubo lamang sa Batangas at ilang lugar
sa Cavite. Tinawag itong Barako dahil sa
tapang ng lasa nito na gustong gusto ng
karamihang Batangueño.
KULTURA ng LALAWIGAN ng
BATANGAS
Ayon sa kanila, mas masarap ihain ito
kung papakuluan sa tubig, lalagyan lamang
ng kaunting asukal at papanatilihin ang itim
na kulay nito. Para rin sa kanila ito ay
nagbibigay ng tapang at lakas ng loob.
KULTURA ng LALAWIGAN ng
BATANGAS
Ang kapeng barako ay unang pinakilala
ng mga Kastila noong panahon ng kanilang
pananakop sa Lipa, Batangas at nagkalaon ay
naging pagmamay-ari ng mga Pilipino. Ang
Batangas ngayon ang isa sa mga pangunahing
lugar buong daigdig na pinaggagalingan ng
kape.
KULTURA ng LALAWIGAN ng
BATANGAS
Lechon Festival
Ang Lechon Festival o pagdiriwang ng
litson sa Balayan, Batangas ay isa sa mga
pinagmamalaking kultura ng Batangas. Ito ay
ginaganap tuwing ika-24 ng Hunyo bilang
pag-alala sa kanilang
patron na si San Juan Baustista.
KULTURA ng LALAWIGAN ng
BATANGAS
Lechon Festival

Pinaparada ang mga


litson sa buong bayan
na nakabihis ng
magaganda at mga
kakaibang suot.
KULTURA ng LALAWIGAN ng
BATANGAS
Kultura na rin ng mga taga-rito na habang
pumarada ang mga litson ay nagsasabuyan ng
tubig at alak ang mga tao dahil para sa kanila
ito ay pagkilala nila sa kanilang patron.
TANON
G
Anong kultura ang natatangi sa Batangas?
Anong pagdiriwang ang tanyag sa
Batangas?
Paano mo pahahalagahan ang sariling
kultura natin?
PAGLINAN
G

Tukuyin kung TAMA o MALI ang


sumusunod na pangungusap tungkol sa
kultura ng lalawigan ng Batangas.
1. Tagalog ang wika ng mga Batangueño,
ngunit ang paraan ng pagsasalita nila ay
may mariing punto.

TAMA
2. Niyog ang natatanging produkto sa
lalawigan ng Batangas.

TAMA
3. Ang paggalang sa lahat ng nakakatanda
sa edad kahit may pagkakataon na
magtiyo na mas bata ang tiyuhin ay
tinatawag na “Matanda sa Dugo”.

TAMA
4. Ang Lechon Festival o pagdiriwang ng
litson sa Balayan, Batangas ay isa sa mga
pinagmamalaking kultura ng Batangas.

TAMA
5. Kultura na rin ng mga taga-rito na
habang pumarada ang mga litson ay
nagsasabuyan ng tubig at alak ang mga
tao.

TAMA
PAGLALAPA
T

Buuin ang tsart na naglalarawan ng kultura


sa sariling lalawigan.
Kultura ng
Lalawigan ng
Batangas
PAGLALAHA
T

Ano ang pagkakakilanlang kultural ng


lalawigan ng Batangas?
PAGTATAY
A

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


1. Lalawigan kung saan ang paraan ng
pagsasalita nila ay may mariing punto.
2. Anong ang ipinaparada ng mga tao tuwing
ika-24 ng Hunyo sa Balayan, Batangas ay isa
sa mga pinagmamalaking kultura ng
Batangas.
3. Ano ang tawag sa pamamaraan paggalang sa
lahat ng nakakatanda sa edad kahit may
pagkakataon na magtiyo na mas bata ang
tiyuhin.
4. Ito ay produktong tumutubo lamang sa
Batangas at ilang lugar sa Cavite.
5. Kilala sila pagdaragdag ng salitang “_____
at “_____” sa pakikipagusap.
Karagdagang
Gawain

Gumawa ng isang maikling talata na


naglalarawan sa kultura ng ating
lalawigan.

You might also like