You are on page 1of 5

I.

Pagtingin sa Kabuuan ng Pananaliksik

Ang Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng katutubong tradisyon at kultura ng


mga mananakop noong unang panahon. Ang kultura ay isa sa mga pamana ng
pananakop ng ibat ibang lahi sa ating bansa na hanggang ngayon ay nadadala parin
natin sa kasalukuyan.

Masasabing ang kultura ng isang bansa ay nailalarawan sa kanyang lutuin. Ang taal
ng pagkaing pinoy ay payak. Pero ito ay nadagdagan ng putahe galing Tsina, Espanya
at Amerika sapagkat tayo ay nasakop noong unang panahon. Ang ibat ibang rehiyon sa
Pilipinas ay may pinagmamalaking pagkain, ito man ay mga masasarap na ulam o mga
panghimagas. At dahil sa ating masasarap na pagkain ay maraming toristang gustong
tumikim dito. Hindi lang nagiging sikat ang ating bansa dahil dito kundi nakakatulong din
ito sa panghanapbuhay ng bawat indibiduwal. Ngunit marami pang masasarap na
pagkain na hindi pa nadiskubre at natitikman ng madla na pwedeng pagkakitaan sa
bawat mamamayan.

Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito na pinamagatang “​WALA PATAY TITLE​”


ninanais nitong masagot ang mga katanungan patungkol sa kung ano pa ang
natatanging pagkain sa ibang lugar na may potensiyal na maipagbili. Bukod dito,
tinatangka ring ipamulat sa mga mga Pilipino lalo na sa mga milinyal na dapat
ipagmalaki ang pagkaing pinoy at isabuhay dahil sa panahon ngayon ay mas
binibigyang pansin ang ibang pagkaing nagmula sa iba’t ibang bansa kaysa sa sariling
atin.

II. Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nagnanais makolekta ang mga kinakailangang data para
masagot ang mga sumusunod na katanungan:

● Ano-ano nga ba ang mga sangkap sa sikat na panghimagas na Banana Meat sa


Dumaguete?

● Bibilhin ba ito ng mga tao mula sa ibang bayan?

● Saan o kanino ba nanggaling ang paraan ng pagluluto nito?

● Paano nito hinuhubog ang mga taong naninirahan sa Dumaguete ngayon?


III. Paglalahad ng Layunin

Ang pananaliksik na ito ay naghahangad na makamit ang mga sumusunod na


layunin:

● Mailarawan kung paano naiimpluwesiyahan ng mga dayuhan at mga mananakop


ang kulturang sinusunod ng mga tao na naninirahan sa Dalaguete ngayon.

● Maipaliwanag kung gaano ka halaga ang mga na-iambag ng mga dayuhang ito
sa kulturang Pilipino;

● At magsisilbing paalala sa mga mamamayan na tratuhin nang may paggalang


ang mga bagay o katulad nitong simpleng panghimagas na ito, sapagkat ito’y
nag-uugnay natin sa ating mga ninuno;

● At ipagpatuloy ang pagpalaganap sa pamamagitan ng pagtuturo nito sa


salinlahi’t salinlahi para mapanatili ito sa maraming taon pang darating.

IV. Pagtukoy sa Pook at mga Taong may Kinalaman sa Pagsusuri

Ang bayan ng Dalaguete ay ika-tatlong bayan sa lalawigan ng Cebu. Marami ang


magandang puntahan o tanawin doon pero mas marami ang na antig sa pagkain na
tinatawag nilang ” banana meat” dahil sa Dalaguete lamang may ganitong pagkain sa
buong lalawigan ng Cebu. Ang pangunahing katuwang namin sa paggawa ng
pananaliksik na ito ay isa sa miyembro ng aming grupo na si Kate Gabrielle, siya ay
ipinanganak sa Dalaguete at base sa kanyang mga sagot sa mga naitanong namin ang
banana meat raw ay isang katutubong pagkain sa lugar nila at inihanda ito tuwing pista
sa bayan, birthday, at mga ispesyal na okasyon. Mula pagkabata ay nagluluto na sila
ng pagkaing galing sa saging at kadalasan ay toron, maruya at banana que pero ang
pinakapatok sa lahat ay ang banana meat.

Ang pananaliksik na ito ay pinag-aralan ng Unibersidad ng San Jose-Recoletos


Departamento ng Senior high school Baitang-11 Seksyon Blessed Gonzalo of Lagos.
Ang mga pangunahing naging katuwang sa pagsusuri na ito ay ang mga estudyante ng
Blessed Gonzalo of Lagos na may edad na 17 hanggang 18 taong gulang. Ang
pananaliksik na ito ay malaking tulong sa mga taong nakatira sa lalawigan. Dahil gusto
namin na ang mga katutubong pagkain sa Dalaguete ay maibahagi sa mga toristang
pumunta dito na sa ganon ay mabahagi din nila sa mga taong gusto pumunta sa
Dalaguete.
V. Paglalahad ng Hangganan ng Pagsusuri

VI. Pamamaraan sa Pagkuha ng Kinakailangang Impormasyon

Kami, mga mananaliksik mula sa Blessed Gonzalo of Lagos na seksyon (USJ-R), ay


gumamit ng isang ​search engine na kung tawagin ay ​Google.​ Ito ay may kaugnayan sa
paggamit ng internet, dahil hindi gumagana ang Google kapag wala ito. Dito kami
kumukuha ng kaalaman at impormasyon ukol sa pinili naming panghimagas na Banana
Meat. Masusi naming pinag-aralan at sinaliksik ng mabuti ang mga impormasyon na
aming nakalap, upang siguraduhing marami kaming makukuhang ideya tungkol sa
Banana Meat at Dalaguete, lugar kung saan nagmula ang Banana Meat. At sa tulong
din ng aming ka grupo na si Kate na nagmula sa Dalaguete ay mas naintindihan namin
kung paano ang proseso ng paggawa ng Banana Meat. Sa pamamaraang ito ay mas
napabilis ang pagkuha impormasyon na maaaring maka-pagbibigay sa amin ng
karagdagang pananaw tungkol sa Banana Meat ng Dalaguete.

VII. Mga nakalap na impormasyon tungkol sa mga kulturang nakasanayan


noon.

Isa sa mga pangunahing pamumuhay ng mga taga Dalaguete ay ang paghuli ng Isda
at lalo na ang pagsasaka. Sa katunayan, tinaguriang Vegetable Basket of Cebu ang
bayan ng Dalaguete. Kaya naman tuwing sasapit ang ika 9 at 10 ng Pebrero ay
ipinagdiwang ng mga taga Dalaguete ang Utanon Festival na bilang parangal at
pasasalamat ng kanilang Patron na si San Guillermo sa pagbigay ng masaganang ani
sa kanila at ipinagdiriwang din ng mga Dalaguetnons ang kapistahang ito upang
pagbibigay halaga ng kanilang mga ani na isa sa mga pangunahing dahilan ng paglago
ng kanilang ekonomiya. Ang kapistahang ito ay naka-pokus sa mga konsepto ng
relihiyosong pagsamba ng mga tao at pagpapasalamat sa biyaya ng kanilang Patron sa
pamamagitan ng pagsasayaw at pag-aalay ng mga dasal. At isa sa mga inaabangan
tuwing sasapit ang kapistahang ito ay ang kumpetisyon sa sayawan hinggil sa Utanon
Festival. Bukod pa rito, ang banana meat ang karaniwang matatagpuan sa mga lamesa
tuwing sasapit ang kapistahan sa Dalaguete dahil nakaugalian na nilang mag handa
nito tuwing sasapit ang kapistahan sa kanilang lugar dahil tulad ng letson, naging
tradisyon na din nila ito.
VIII. Repleksyon

Ang Pilipinas ay hindi lamang mayaman sa likas na yaman sapagkat sagana rin ito sa
kultura dahil maraming iba’t ibang pangkat etniko ang naninirahan dito. Ang pagkain ay
isang napakalaking bahagi ng kultura sa isang bayan dahil isa ito sa mga paraan upang
malaman ang pagkatao ng isang pangkat o bayan. Kailangan nating tangkilikin ang iba’t
ibang uri ng pagkaing pinoy upang mas lumawak ang ating kaalaman kung ano ang
kayang ipagmalaki ng isang bayan o pangkat at dapat din natin itong bigyan ng pansin
at kahalagahan dahil ito ay nakakatulong upang umusbong ang kultura na meron tayo.
Napagtanto namin na kahit tayong mga Pilipino ay may mga pagkakaiba kinakailangan
parin nating magkaisa upang ating maitaguyod ang ating kultura hindi lamang sa isang
bayan o sa sarili nating bansa kundi sa iba’t ibang bahagi ng mundo kahit na sa
pamamaraan lang ng paglinang ng ating pagkaing pinoy.

You might also like