You are on page 1of 3

“May buntot daw ang mga Igorot.

Madalas mapabuntong hininga at kumukunot ang noo ng aking ina kapag naririnig niya ito. Susunod rito
ang mga litanya, sama ng loob at pagkadismaya kung bakit maraming naniniwala rito. Isinilang at lumaki
ang aking ina sa kabundukan ang Cordillera. Kabilang siya sa lahi ng mga Kankanaey na kabilang sa grupo
ng mga Igorot. Kilala ang katutubong grupong ito na taga-Norte at madalas rin itong nagiging halimbawa
ng isang katutubong Pilipino. Subalit, bakit nga ba ang katutubong dating kinatatkutan dahil sila ay
headhunters ay nakakaranas ngayon ng diskriminasyon dahil sa alegasyon ng pagkakaroon ng buntot.

May nakapagsabi na maaaring dahil ang kanilang mga ninuno ay nanatili sa bundok. Kaiba sa karamihan
ng mga Pilipino na pumayag manirahan sa nayon sa sistemang reduccion noong panahon ng mga Kastila.
Ang pananatili nila sa bundok ay kapansin-pansin dahil sa pagbabagong dinala ng mga dayuhan ay
madalas hindi naabot ang mga nasa kabundukan. Mula sa pananamit, tradisyon at kostumbre ay
mapapansing mas napanatili ng mga Igorot ang mga katutubong elemento nito. Isa itong katagumpayan
para sa mga matatandang Igorot, ang mapanatili ang kanilang kultura, subalit iba ang tingin ng mga nasa
ibaba (kanayunan).

“Bakit maputi ka at hindi maitim?”

Maaaring bilad sila sa araw

Ang pnagunahin nilang kabuhayan ay pagsasaka

Marami rin silang inaalagaang mga hayop

Ang bahay nila ay tulad ng karamihan noong na nakaangat

May tatlong bahagi/palapag (hayo, kuwarto, palay)

Kaingin, madalas gawin dahil pinakamadaling paraan para

“Akala ko maliliit ang mga Igorot”

Madalas mapagpalit ang mga igorot at agta


Marami sa pamilya ng nanay ko ang katamtaman nag laki at may ilan ding matatangkad

Madalas sa kanila ay simple lang ang nais sa buhay

Pakilarawan ang inyong lahi? Anong masasabi mo sa inyong lahi? Saan kayo nagmula? Sino ang mga
kilalang tao sa inyong lahi? Ano ang pinagkaiba nito sa ibang lahi?

Ano ang Kankanaey? Sino sila? Ano ang mga tradisyon na meron kayo? Mga bagay na madalas gawin sa
inyong komunidad? Mga bagay na hindi maaaring gawin? Mga pagbabagong iyong napansin sa inyo
bayan?

Ang kankanaey ay salita nang isang katotobong lahi na IGOROT. Karamihan ay nakatira sa lalawigan nang
Benguet. Maraming tradisyon ang mga Igorot ito ay ang mga sumusunod:unang una ang bayanihan
system ito ang tradisyon mula pa sa aming sinaunang ninuno ito ay ang pagtutulongan sa mga Gawain
tulad nang pagtatanim nang mga gulay at sa harvesting , pangalawa ang GANGSA o "TALLAK" Isa ito sa d
mawala-wala kasi ito ang nakasanayang kultura/Gawin kapag may CANYAO o pagtitipontipon kagaya sa
pagsapit nang bagong taon.ang pinakamadals Gawin sa aming kumunidad ay ang bayanihan system,

Kabuhayan

Ang pangunahing kabuhayan Dito sa amin ay ang pagsasaka.ang iBang kabuhayan ay ang pagtatanim Ng
gulay at pagkakaingin. Masasabi kung nakakapagod ang Buhay dahil kahit magsumikap kaming
magtrabaho ay walang nangyayari o walang pag unlad sa aming Buhay Lalo na't ang kabuhayan Namin
Ngayon ay ang pagtatanim nang gulay,kami'y nangungutang para sa puhunan pero pagsapit nang
harvesting at itoy ipagbibili masyadong mababa ang presyo nang gulay. Kaya kaming mga farmers ay
uma aray sa madalas na pag angat nang mga bilihin.
Pananaw-mundo

Pangarap ko na sana maging Masaya Ang aking pamilya.kahit Isang kahig Isang tuka Basta't healthy tsaka
Hindi mawawala Ang pananalig sa Panginoong may kapal. Siyempre walang magulang na Hindi gusto
makpgtapos sa pag aaral Ang kanilang mga anak mbigyan Sila nang masaganang Buhay para Hindi nila
maranasan Ang hirap nang Buhay. At maitoro sa kanila Ang mabubuting aral.yung nasa banal na aklat o
BIBLIYA

Ano ang pangunahing kabuhayan? Ano pa ang ibang kabuhayan ng mga tao rito? Kumusta ang buhay?
Nakakapagod ba? Ano ang madalas suliranin sa pang-araw-araw na buhay? Paano ito sinosolusyunan?

Ano ang inyong pananaw sa mundo? Ano ang kahulugan ng buhay? Ano ang inyong pangarap? Ano ang
pangarap sayo ng mga magulang mo at ano naman ang pangarap mo sa mga anak mo? May mga
pagbabago ka bang inaasahan? Pano ikakahulugan ang salitang “tagumpay”? Ano ang nais mong
magawa/maranasan sa iyong buhay?

You might also like