You are on page 1of 1

Pagpag: Tira-tirang Pagkain o Pagpag, Bumubuhay sa Mahihihirap na Pamilyang

Pilipino
Jean Kezia M. Bayer

Sa pamamagitan ng isang dokumentaryo, namulat ang ilan tungkol sa buhay ng ilan nating
kababayan na nabubuhay sa "pagpag". At kahit pa alam nilang hindi ito malinis, marami sa kanila
ang hindi na ito iniintindi pa. Sa isang lugar sa Manila, Philippines ang pagpag o tira-tirang pagkain
ang nagsilbing hanapbuhay o nagpapabuhay sa kanila. Ito ay binebenta nila, nilinisan at niluluto ulit
sa iba't ibang mga putahe kagaya ng kaldereta, adobo at prito. Madami ang bumili nito sa kanilang
lugar. Madami din ang nasasarapan at nandidiri. Naisip mo ba kung ano ang nangyari sa natitirang
pagkain na hindi mo natapos sa mga fast food at restawran? Maaari mong isipin na sila ay itinapon
at itinapon para sa kabutihan. Para sigurado na patungo sila sa basurahan matapos iwanan sila ng
mga tao sa mesa. Ngunit kung ano ang susunod na mangyayari ay isang bagay na dapat mong
malaman. Ang lahat ng mga natitirang itapon mo sa fast food at restawran ay maaaring magpakain
sa buong mga kapit bahayan sa Pilipinas at ito rin ang nagsilbing pangkabuhayan nila. Ang pagpag
ay isang katawagang tagalog para sa mga tirang pagkaing itinapon ng mga restawran o kainan sa
basurahan o sa tambakan ng basura na hinahalungkat o kinakalakal para kainin. Sa totoo lang, ang
pagpag ay naging isang walang kabuluhan na solusyon para sa krisis sa kagutuman ng Pilipinas.
Isang baghagyang pag-asa sa mga mahihirap na nagdadala pa rin ng mga malalaking peligro
kasama na ang kamatayan o peligro sa kalusugan.
Ipinanood ng aming guro sa asignaturang Retorika ang isang dokumentaryo na may
pamagat na “Tira-tirang pagkain o pagpag, bumubuhay sa mahihirap na pamilyang pilipino.”
Aaminin kong ako’y nakonsensya sa aking mga nakita. Matakaw kasi akong kumain at pakiramdam
ko ay saka lang ako titigil sa pagkain ng marami kapag medyo tumaba taba na ako. Minsan din ay
hindi ko nauubos ang pagkain ko sa dami ng gawain o kaya madami akong kinukuha na pagkain at
hindi ko na maubos at ang nagiging resulta niyon ay ang pagkain ko ay nagiging pagkain ng aso at
manok namin. Ngunit kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaluwalhatian dahil proud ako na
hindi ako nagtatapon ng pagkain na hindi ko gusto, pilit ko pa ring kinakain iyon kumpara sa ibang
mga kakilala ko na tinatapon ang mga pagkaing ayaw nila. Sa napanood ko, ay labis akong naawa
sa mga tao dito sa ating sariling bansa na hindi man lang nakakakain ng mga pagkain na may
wastong nutrisyon, napapabayaan ang sikmura at kumakain ng mga pagkaing pagpag. Hindi ko
lubos maisip na maraming mga opisyal ang nagpapakasasa sa dami ng kanilang pera at lupain at
hindi man lamang buksan ang kanilang mga mata at puso para sa bayan na dapat ay binibigyan nila
ng tapat na serbisyo.
Kung may bagay man akong natutunan dito, iyon marahil ay ang matutong magtipid,
pahalagahan ang bawat pagkain, huwag magsasayang at higit sa lahat, matutong buksan ang
mata’t isipan sa mga kapus-palad nating mga kalahi. Lalo na ngayong may pandemya mahalaga
talaga ang magtipid. Kaya, sa mga ibang tao diyan na nagrereklamo tungkol sa kanilang pagkain o
kaya'y sinasayangan lang ang pagkain isipin muna natin na may mga kababayan tayong naghihirap
at pilit na kinakain ang natitira nating pagkain. Kaya magpasalamat nalang tayo kung ano ang
meron sa atin at huwag tayong magsayang ng mga pagkain.

You might also like