You are on page 1of 6

Bakit nga ba “It’s More Fun in The Philippines”?

Totoo ba ito o haka-haka lamang? Ngayon ay sabay sabay nating talakayin kung bakit nga ba mas
masaya magbakasyon o manirahan sa Pilipinas.

Unang-una, ang Pilipinas ay mayaman sa kalikasan. Isa ang Puerto Prinsesa sa naparangalan upang
mapabilang sa “Seven Wonders of the World.” Ito ang may pinakamahabang underground river sa
buong asya at pangalawa naman sa buong mundo. May haba ito na 8.2 na kilometro. At sa loob nito ay
pinung-puno ng sari-saring mga istraktura at hayop. Dito rin sa lugar na ito kilala ang ilang sa mga exotic
food kagaya ng tamilok (“shipworm”) at buwaya. Pero hindi lang ito ang nag-iisang kalikasan na
matatagpuan mo sa Pilipinas dahil mayroon rin tayong Tubattaha Reed na may sari-saring isda, Boracay
na sikat sa mga turista, at ang El Nido na may napakalinis na tubig.

Kung hindi ka naman mahilig sa dagat at gusto mo lang mag sightseeing, magandang puntahan ang
Bohol. Dito ay mayroong 1,268 na buhol na kulay tsokolate. Bukod doon, dito mo rin matatagpuan ang
mga maliliit na tarsier. Mayroon din tayong Banaue Rice Terraces. Kung init na init ka na sa Pilipinas,
pwedeng puwede ka ring pumunta ng Baguio. Sinasabi nila na marami raw mga dayuhan ang
namamalagi at nag-aaral dito dahil malamig ang klima kumpara sa siyudad. Kung kaya’t kung gusto
ninyo makakain ng masarap at legit na Korean Barbeque, ito ang tamang destinasyon na dapat niyong
puntahan dahil kalat na kalat sila doon. Kung ayaw mo naman lumabas, pwede ka rin namang mag-
shopping na lang sa Mall of Asia na isa sa pinakamalaking mall sa buong Asya. Sinasabi nila na hindi raw
ito kayang libutin ng isang araw. Araw-araw raw ay tumatayang halos 200,000 na tao ang nasa
establisimientong ito.

Bukod sa mga destinasyon na maaring puntahan, ay marami ring mga pagkain na tiyak na dapat niyong
tikman sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay ang lechon, balot, sisig, at samu’t saring mga pagkaing kalye
kagaya ng tukneneng at iskrambol na paboritong-paborito ko. Ang lechon ay isang inihaw na buong
baboy na niluluto gamit ang uling at madalas itong hinahanda tuwing kapaskuhan at pyesta. Karaniwan
itong nilalagyan ng mansanas sa bibig na nagsisimbolo raw ng pagkabuhay at pagkamatay ng hayop. Ang
balot naman ay isang bibe na hindi pa lubusang buo. Ito ay nilalako tuwing gabi at karaniwang kinakain
ng mga manginginom bilang pulutan. Napakalakas raw nito sa protina kung kaya’t maganda ito sa mga
taong mahilig mag-ehersisyo. Ako mismo ay mahilig sa balot pero ang kinakain ko lamang ay yung dilaw
sa parte at yung sabaw ng itlog. Sabi ng aking Nanay ay marumi raw ang mga pagkaing ganito pero para
sa akin napakasarap ng mga pagkaing bawal. Kung “street food” naman ang pag-uusapan, dalubhasaako
diyan. Isa sa mga sikat na pagkaing kalye na natikman ko rito ay ang kwek-kwek, siomai, at fishballs.
Kinakain ito tuwing hapon at nagsisilbing pantawid gutom dahil na rin sa murang presyo nito. Tuwing
uwian, bago ako umuwi sa bahay, ay lagi namin itong binibili ng aking barkada at minsan ay masarap rin
itong ilagay sa kanin para gawing ulam. Isinasawsaw rin ito sa suka o kaya naman sa matamis na sauce
na kung tawagin nila ay “manong sauce.” Mahigpit akong pinagbabawalang kumain ng ganitong klaseng
pagkain dahil sabi nila ay marumi raw ito. Lagi pa ngang sinasabi ng nanay ko na kesyo dinuraan raw ito,
nilulubluban ng ipis, at may sipon rin raw ito. Pero dahil sadyang masarap ito ay gumagawa talaga ako
ng paraan makabili lang ng pagkaing ito na swak sa aking panlasa. Ito lang ang ilan sa mga pagkain na
dapat tikman kung ikaw ay bibisita sa Pilipinas.

Bukod sa lahat, sa Pilipinas mo madidiskubre ang iba’t ibang klase ng tao. Isa sa mga nagustuhan ko sa
ating mga Pilipino ay ang pagbibigay natin ng halaga sa ating mga pamilya, kung papaano tayo magbigay
respeto sa mga nakatatanda at tulong sa mga nakababata. Yung tipong, kahit hirap na hirap ka na ay
nagagawa mo pa ring magpasalamat dahil lagi mong karamay ang iyong pamilya. Isa pa, doon, kahit
pasko at wala kang pamilya, kukupkupin ka pa rin ng pamilya ng iyong mga barkada o kahit na sino man.
Sabi nga nila, minsan parang ilegal doon maging malungkot. Na kahit yung mga nawalan ng bahay at
nasalanta ng bagyo ay mukhang masaya pa rin at patuloy na naghahanap ng ikasasaya nila sa kabila ng
trahedyang naranasan nila. Sabi nga, parte lang ‘yan ng buhay. Makikita mo ang hirap ng buhay duon
kung kaya’t mas napapahalagahan mo ang buhay mo dito sa Amerika. Ngunit kahit na naghihirap ang
mga tao sa Pilipinas, ay makikita mo pa rin na nagpupursige sila para miahon ang buhay ng kanilang mga
pamilya. Hindi rin nawawala ang ngiti sa kanilang mga labi at hindi sila basta-bastang sumusuko sa mga
hamon ng buhay. Makikita mo kung papaano ka nila alayan ng pagkain na yung tipong kahit wala na
silang makain ay ibibigay pa nila ito sayo. Mararamdaman mo yung busilak nilang kalooban kaya para sa
akin sila ay walang katulad at sadyang nangingibabaw sa karamihan. Kaya’t kung ako sainyo, puntahan
niyo na ang Pilipinas at inyong diskubrihin kung gaano nga ba kaganda ito!
It's more fun in the Philippines

It's more fun in the Philippines sabi nga nila, ito ang mga dahilan kung bakit dapat bumyahe ang mga
dayuhan dito:

Una sa pagkain; andami nating maipagmamalaking FILIPINO DISH, na sabi ng iba ay kinuha lamang
daw sa mga banayaga, hindi naman lahat. Gaya ng abodo, mechado, pochero, nilaga,caldereta, ast iba
pa, na kapag nakain mo ay talagang babalik-balikan mo! Ingat lang sa mga cholesterol na nakapaloob
dito.

Isa pa sa mga pinagmamalaki ng mga Pilipino ay ang mga talentadong mga tao na kilala sa buong
mundo; tunay o may dugo man; katulad ni Charice Pempengco, na sumikat dahil sa Youtube, isang
Music-Video sharing site na siyang nagpakilala sa mga banyaga sa galing at talentado nating mga
Filipino. Isa rin dyan ang may dugong Filipino na sumali sa American Idol, na si Jessica Sanchez, bagamat
runner-up lang ang napanalunan niya laban kay Philip Philips, ay malaking rekognisyon sa mga Filipino at
sa bansang Pilipino.

Ang pagiging maalagain nating mga Filipino ay isa ring itinatangkilik ng


mga dayuhan; kagaya ng mga caregivers; ang mga banyaga'y kinukuha tayo upang maging
nurse/caregiver nila. Mapagmahal at Maalagain ang mga babaeng Pilipino, ewan ko na lang sa aming
mga lalaki.

Isa rin ang pinagmamalaki nating mga Filipino'y, ang mga


tourist spots, na Naku! Napakaganda Talaga! Kagaya nang sa Banaue Rice Terraces, na bunga nang
pagod ng mga Sinaunang Katutubong igorot. Ang boracay, na mala-palasyo ang ganda. Ang Mayon
Volcano na mala-perpektong kono ang hugis. Ang "Magic" Chocolate Hills na kapag
nauulanan/nababasaan ay nagiging brown, mula sa orihinal na kulay berde, Ang mga talon katulad ng
Pagsanjan sa Laguna, Tinuy-an Falls sa Bislig, Agusan del Sur, na lantay ng mga mayayaman at malilinis
na bukal na tubig. KAYA NAMAN ANG "PILIPINAS" ay isang pinagpalang bansa, kaya nga inaagaw ng
China ang teritoryo natin.

Kahit may mga masasamang yugto o bahagi ng


bansang pilipinas,katulad ng mga HOLDA-fun, CARNA-fun,KIDNA-fun ay kaya nating lagpasan at
patunayan ang mga batikus na hindi naman totoo at kung totoo man, ay kaya nating bumangon at
patunayan na hindi lahat ng mga Filipino ay ganoon kasasama.

Mahal tayo nang diyos, dahil


binayayaan niya tayo. Babalik siya, at tandaan mo, nasa tabi mo lang siya. at huwag kang magalala dahil
hindi tayo papabayaan ng ating Diyos.

Tara na! Byahe Tayo! It's


more fun in the Philippines!
It's more fun in the Philippines

MARAMI ANG MGA BANSANG SIKAT AT NAGNININGNING SA ATING MUNDO. ITO ANG MGA BANSANG
AMERICA,LONDON,CHINA,EUROPE AT MARAMI PANG IBA.MARAMI AKONG PINAPANGARAP NA
MAPUNTAHANG BANSA SAPAGKAT GUSTO KUNG MALAMAN O MAKITAANG KANILANG PAMUMUHAY O
PAMAMARAAN SA BUHAY. SINABI RIN NA ANG MGA BANSANG ITO AY MAUUNLAD O
MAYAYAMANGBANSA KAYA NAMAN ,MARAMI ANG NANGANGARAP NA MAKARA-TING SA MGA
BANSANG ITO. GUSTO KO RIN NA MALAMAN KUNG PAANO ANG PAKIKITUNGO NILA SA KANILANG
KAPWA,KULTURA,PANANALITA AT MAGING ANG TANYAG NA MGA LUGAR SA MGA BANSA NILA.
NGUNIT MAYROON PARING BANSA NA NAGNININGNING PARA SA AKIN

IYON ANG ATING BANSANG PILIPINAS DAHIL PARA SA AKIN ANG BANSA NATIN ANG PINAKA-MAGANDA
SA LAHAT. MARAMI ANG MGA SIKAT SA ATING BANSA TULAD NALANG NG ATINGMAGAGANDANG
TANAWIN,KULTURA,UGALI NATING MGA PILIPINO,PAGKAIN,KLIMA AT MARAMI PANG IBA.

    ANG ATING MAGAGANDANG TANAWIN AY MAKIKITA SA IBAT-IBANG PARTE NG ATING BANSANG
PILIPINAS TULAD NG BULKAN MAYON NA MATATAGPUAN SA ALBAY, NATATANGI ITO DAHIL ITO AY ISA
SA PINAKAMAGANDANG HUGIS NG BULKAN SA BUONG MUNDO.PALAWAN UNDERRGROUND RIVER NA
NAKASALI SA 7 WONDERS OF THE WORLD, NANALO ITO DAHIL SA PAGTUTULUNGAN NG ATING MGA
PILIPINO. TALON NG PAGSANJAN O MARIA CHRISTINA FALLS NA MATATAGPUAN SA LAGUNA
LUZON,SIKAT ITO DAHIL SA ANGKIN NITONG GANDA. ISLA NG BORACAY ISA ITO SA MGA SIKAT NA
DESTINASYON NG MGA TURISTA. HAGDANG HAGDANG PALAYAN NAMATATAGPUAN SA L-UZON.
NAPAKARAMIPANG MAGAGANDANG TANAWIN NA MAKIKITA SA ATING BANSA AT ISA
ANG MAGAGANDAND ANG TANAWIN SA NAGPAPAGANDA O NAGPAPASIKAT SA ATIN.

     ANG UGALI NATING MGA PILIPINO AY KAKAIBA KUNG IKUKUMPARA SA IBA. BAWAT TAO AY MAY
IBAT-IBANG UGALI, MAYROONG MABUTI AT MAYROONG MASAMA. NGUNIT HALOS LAHAT DAW NG
PILIPINO AY MASISIPAG, MABABAIT,MAAASAHAN AT MAKADIYOS. MAYROON LANG TALAGANG MGA
TAONG NAKAGAGAWA NG MASAMA DAHIL SA IBAT-IBANG DAHILAN TULAD NALANG NG
PAGNANAKAW  NAGAGAWA LANG NILA ITO DAHIL SA KAHIRAPAN O KAWALANG NG PERA. NGUNIT
MAS MARAMI PARIN ANG MGA TAONG PILIT PARING GUMAGAWA NG KABUTIHAN KAHIT SILA AY
KAPUSPALAD NA DAHIL SILA AY MAY TAKOT SA DIYOS. NAIIBA RIN TAYO DAHIL TAYONG MGA PILIPINO
AY MAGAGALANG DAHIL TAYO AY MAHILIG GUMAMIT NG PO AT OPO SA MAS  NAKATATANDA SA ATIN.

   ISA ANG PAGKAIN SA MGA SIKAT DITO SA PILIPINAS. SA ATING PAGKAIN MARAMI ANG GINAGAYA NG
IBANG BANSA MGA IBAT-IBANG PUTAHE  NA NAPAKASASARAP NGUNIT KAHIT ANONG GAWIN NILA AY
HINDI PARIN NILA MAGAYA ANG TUNAY NA TIMPLA. MARAMI ANG MGA PAGKAIN NA SIKAT AT TUNAY
NA SA ATIN NANGGALING TULAD NG MGA PAGKAING ADOBO,LAING,SINIGANG SA BAYABAS,
DINUGUAN AT MARAMI PANG IBA. ITO ANG MGA PAGKAING TALAGANG NAPAKASASARAP PARA SA
ATIN. HINDI NATIN MAIKAKAILA NA MARAMI RIN TAYONG GINAGAYA SA IBANG BANSA TULAD NA LANG
NG SUSHI,CARRY,FRIED CHICKEN,MAMI AT MARAMI PANG IBA. MAYROONG MGA TAONG HANGANG
HANGA SA SARILI NATING MGA GAWA AT WAG NATIN KALILIMUTAN NA ANG PAGKAIN AY MAHALAGA
RIN S ATIN.

  

   SA PILIPINAS MAYROON TAYONG MHA TRADISYONAL NA SELEBRASYON SA IBAT-IBANG PARTE NG


ATING BANSANG PILIPINAS  ITO ANG MGA ATI-ATIHAN FESTIVAL,FIESTA NG STO. NINO,PENA FRANCIA,
FIESTA NG JUAN AT MARAMI PANG IBA. GINAGAWA NILA ITO UPANG IPAALALA O ALALAHANIN ANG
ATING MGA KULTURA O MGA NAKAGAWIN NA GAWAIN NOONG SINAUNANG PANAHON. SA NGAYON
MASASABI KUNG MINSAN NA NAKALILIMUTAN NA NATIN ANG ATING MKA KULTURA O MGA
NAKAGAWIANG GAWIN TULAD NALANG NG PAGMAMANO SA MAS NAKATATANDA SA ATIN, GUMAMIT
NG PO AT OPO AT HINDI NATIN IYON MAITATANGGI. MARAMI PA RIN ANG MGA NAGMAMAHAL SA
ATING KULTURA MAKIKITA PA RIN NA GINAGAWA ITO SA KASULUKSULUKAN NG ATING BANSA. ANG
KULTURA AY MAHALAGA SA ATIN SAPAGKAT ITO ANG NAGBUBUKLOD SA ATING MGA PILIPINO.

      SA PILIPINAS MAY DALAWANG URI NG KLIMA ITO ANG TAG-INIT AT TAG-ULAN DUMARATING ANG
TAG-INIT TUWING NOBYEMBRE HANGGANG ABRIL. SAMANTALA ANG TAG-ULAN AY DUMARATING ITO
SA BUWAN NG HUNYO HANGGANG SETYEMBRE. ANG ATING KLIMA AY NAIIBA SA IBANG BANSA DAHIL
KARAMIHAN NG KLIMA SA IBANG BANSA AY 4 O DI KAYA AY 3. SA PILIPINAS TUWING MAGSISIMULA
ANG TAG-ULAN AY MAGSISIMULA NA RIN ANG MGA MAGSASAKA SA PAGTATANIM. SA TAG-INIT
NAMAN NAGSISIMULA ANG BAKASYON,KASIYAHAN AT DUMADAGSA ANG MGA TURISTA. DITO SA
PILIPINAS AY MAGSISIMULA NARIN ANG ANG MGA MAGBABAKASYON PARA PUMUNTA SA 
KANIKANILANG  MGA PROBINSIYA AT ANG MGA ESTUDYANTE ATY PURO LARO NA LAMANG ANG
GINAGAWA AT ANG MGA MAGULANG AY NAGPAPAHINGA. ANGG ATING KLIMA AY MAHALAGA SA
BAWAT BANSA.

       LAGI NATING TATANDAAN NA ANG LAHAT NG ITO AY IBINIGAY NG DIYOS SA ATIN. ANG MGA
MAGAGANDANG KALIKASAN O TANAWIN NA ISA SA MGA NAGPAPASIKAT SA ATIN AT NAKATUTULONG
SA ATIN ITO AY DAPAT NATING PAHALAGAHAN. GAYUN DIN ANG ATING MGA UGALI NA LUBOS NA
HINAHANGAAN NG LAHAT ANG MGA PAGKAIN NA IPINAGKALOOB SA ATIN NG DIYOS UPANG TAYO AY
MABUHAY. ANG MGA KULTURA NA NAGBUBUKLOD SA ATING MGA PILIPINO AT ANG ATING KLIMA NA
NAGBIBIGAY SA ATIN NG INIT AT ULAN. LAHAT NG ITO AY DAPAT NATING PAHALAGAHAN ILAN LANG
YAN SA IPINAGKALOOB SA ATIN NG DIYOS KUNG WALA ANG MGA IYAN SIGURADONG MAHIHIRAPAN
TAYO MABUHAY SA MUNDO.

You might also like