You are on page 1of 2

Aclao, Bejie Paulo T. Dr.

Randy Din

Kulturang nagpapakilala bilang isang Pilipino


Ika-15 ng Agosto, 2020

Ang Pilipinas ay sagana sa mga natatanging kultura. Mula sa pagkain hanggang sa mga
kinagawian ay tunay na kakikitaan ng tatak pinoy.

#KaluluwangPinoy
Ang wikang Filipino ay ang pangunahing salita na ginagamit ng mga Pilipino. Ito ang
nagsisilbing pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Tagalog ang dayalektong ginagamit ng
karamihan. Ang wikang Filipino ay binubuo ng iba’t ibang panlalawiganing salita o dayalekto.

Ang Ingles naman ang pangalawang wika na ginagamit ng karamihan ng mga Pilipino.

#SikatAkoSaIbangBansa

Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging maaalalahanin lalo na sa mga dayuhan. Sa tuwing
may bisita sa tahanan, nakasanayan na ng mga Pilipino ang asikasuhin ang mga panauhin sa
pamamagitan ng pagtanggap sa kanila ng naka ngiti at pag hahain ng inuman at pagkain sa mesa.

#PagkainNiJuan

Ang paboritong pagkain ng mga Pilipino na talaga naming kaiba sa lahat ay ang Balot, ito
ay isang itlog na mayroong maliit na sisiw. Karaniwang makikita ito sa mga tindera sa kanto at
mga naka bisikleta tuwing gabi.

Hindi rin maaaring mawala sa hapagkainan ng isang Pilipino ang namumukod tanging
Adobo. Mayroon itong ibat-ibang klase ng pag luto, mayroong Adobong baboy, Adobong baka
Adobong manok at Puting Adobo. Ito ay isang ulam kapares ng kanin.

Sinigang ay isa rin sa mga paborito ng mga pinoy, ito ay may pangunahing sangkap na
baboy at pinaasim naman ng sampalok at hinahaluan in ito ng ube. Katulad ng Adobo, ito rin ay
isang uri ng ulam.
Ang Pandesal naman ay ang pinakasikat na pang agahan ng mga pinoy. Ito ay isang
tinapay na binibigyan ng iba’t ibang sangkap at lasa. Mayroong ube pandesal, cheese, malungay,
chocolate, milk pandesal at marami pang iba.

#MaynilakongMahal
Ang kapitulyo ng Pilipinas ay ang Maynila. Dito matatagpuan ang Luneta Park kung saan
binaril ang pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. Dito rin matatagpuan ang ilan sa
mga makasaysayang lugar sa Pilipinas tulad ng Intramuros at Fort Santiago.
#Piesta
Ang Pilipinas ang may pinakamadaming festival o piesta na ipinagdiriwang sa buong
mundo. Kaya naman ganoon na lang ang pagiging masiyahin natin. Isa sa mga sikat na piesta na
ipinagdaraos sa Pilipinas ay ang Pista ng Itima na Nazareno. Ito ang may pinakamadaming
deboto ng isang pista, umaabot ng milyong milyong Pilipino ang mga lumalahok dito.
Ipinagdaraos ito tuwing Ika-9 ng Enero taon-taon.

#LaranganNatinTo
Kasama sa kulturang Pilipino ang mga isports, pagkanta, pagsayaw at pag arte.
Mayroong iba’t-ibang uri ng sayaw at kanta na kakikitaan na kumakatawam sa kukturang
Pilipino. Hal. Carinosa at Matud Nila. Sepak Takraw sa isports at Pelikulang Pilipino naman sap
ag arte.

#UgalingPinoy
Likas na sa mga Pilipino ang pagiging malasakit sa kapwa. Nabuo natin ang konsepto ng
bayanihan hanggang ngayon sa pag iral ng pandemic Covid 19 kung saan napatunayan nating
maraming Pilipino ang maymalasakit sa kapwa.
Pagmano at paggamit ng po at upo ay ang uri ng pagpapakita ng paggalang at pa respeto
ng mga pinoy sa kapwa at nakatatanda.

Ang kulturang Pilipino ay tunay ngang napakayaman, hindi lamang ito makikikita sa
damit o kilos bagkus ay sa kabuuan ng pagiging isang Pilipino. Ang maging isang Pilipino ay
kahanga-hanga at napakasaya. Mabuhay.

You might also like