You are on page 1of 2

PAMUMUHAY NG MGA PILIPINO

Sa paglipas ng panahon, marami ang naging pagbabago


sa pamumuhay ng Pilipino . Malaki rin ang naging epekto
ng mga dayuhang sumakop sa bansa na ang nagdulot ng
pagkakaiba sa mga pamamaraan ng pamumuhay.  
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay
pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon
at mga kultura ng mga unang mangangalakal at
mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas, sa pamamahala ng España, na tumagal ng
mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa
Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Filipino, na mas
kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na
salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na
mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba
pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon,
ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng
malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron
ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga
Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong
pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan.
Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga
bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi
ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay
nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Pagdating naman sa mga pagkain ng mga
Pinoy mayroong pinagsama samang lutuin ng iba’t ibang
mga pangkat etniko ng Pilipinas. Naimpluwensiyahan ito
ng mga lutuin ng mga Tsino, Kastila, at mga Amerikano.
Ipinapakita sa lutong Pilipino ang kasaysayan ng Pilipinas.
Lumitaw ang pagiging katangi-tangi at kaiba nito mula sa
pagkakaroon ng batayan ng mga sangkap na Malay,
Intsik, Hindu, Kastila, at Amerikano. Ang katutubong
pagkaing Pilipino ay malinamnam. Hindi gaanong
may panimpla o pampalasa ang talagang mga
katutubong lutuing Pilipino bagaman maraming
makukuhang mga pampalasa o panimpla sa
Pilipinas. Pinakapayak na pagkain sa bansa
ang kanin o nilutong bigas. Pangunahing
napagkukunan ng protina ang isda, ngunit
karaniwan din ang pagkain ng karne ng baboy at
manok. Isa sa nakaugaliang gawi sa pagkain ng
mga Pilipino ang pagkakamay o paghuhugis-bilog
ng kanin sa pamamagitan ng mga daliri habang
pinipisil sa plato bago isubo sa bibig.
Marami ng pagbabago ang naganap sa bansang Pilipinas
at mas maunlad na ang pamumuhay sa kasalukuyan. Ito
ay dahil sa katapangan ng ating mga ninuno na nakipag
laban para sa ating Bayan kayat nakamit natin ang
kalayaang ating minimithi.

You might also like