You are on page 1of 26

Learning In Depth through Virtual Education

SY 2021-2022
Ang Kulturang
Pilipino
Kultura
Ito ay paraan ng
pamumuhay ng mga tao.
Bahagi nito ang mga
kaugalian, tradisyon, wika,
sining, musika, mga libangan,
pagkain, pananamit, Sistema
ng edukasyon, pamahalaan,
uri ng tirahan o panahanan,
at iba pa.
Mabubuting Kultura,
Kaugalian, at
Pagpapahalagang
Pilipino
Matapang at Makabayan
Ang mga bayaning napag-aralan
na natin ay kilala sa pagiging
matatapang at mga makabayang
Pilipinong lumaban at nagbuwis ng
kanilang buhay para matamo natin
ang kalayaan.
Sila ang patunay na sa dugong
Pilipino ay dumadaloy ang
katapangan at pagkamakabayang
hindi matatawaran.
Masayahin
Kilala ang mga Pilipino sa
pagiging masayahin. Madalas
tayong makitang nakangiti at
nagtatawanan habang
masayang nagkukuwentuhan.
Ang katangiang ito ay
nagpapagaan sa anumang
hirap o problemang
pinagdadaanan.
Masayahin
Makikita rin ang ating pagiging
masayahin sa pagiging mahilig natin
sa mga kasayahan. Hindi
makokompleto ang isang
pagdiriwang kung walang kantahan,
sa videoke man o sa saliw ng gitara,
na madalas sinasabayan pa ng pag-
indak o pagsayaw at walang
katapusang tawanan.
Mahigpit na Pagkakabuklod ng Pamilya
Ang pamilyang Pilipino ay kilala
sa mahigpit na pagkakabuklod-
buklod. Nagdadamayan at
nagmamahalan ang bawat
kasapi ng pamilya. Madalas
dinadalaw ng mga anak at
mga apo ang lolo at lola kung
hindi sila magkakasama sa
iisang bahay.
Matibay na Pananampalataya sa Diyos
Matibay ang ating pananalig na
ginagabayan tayo ng
Panginoon sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay. Lagi
tayong nagdarasal, hindi
lamang upang humiling ng mga
biyaya at pangangalaga kundi
upang magpasalamat din sa
lahat ng mga biyayang
natanggap.
Magalang at Malambing
Naimulat sa bawat batang
Pilipino ang kahalagahan ng
pagiging magalang. Hindi natin
nakakaligtaan ang paggamit
ng po at opo kapag nakikipag-
usap tayo sa nakatatanda. Ang
paghalik sa kamay o
pagmamano sa nakatatanda
ay isa ring paraan ng
pagpapakita ng paggalang.
Magalang at Malambing
Malambing din ang mga
Pilipino. Makikita ito hindi
lang sa kilos kundi sa mag
katawagan ng
paglalambing na nagagamit
sa pagtukoy “Mahal” sa
Tagalog at “Pangga”
naman sa Bisaya.
Mainit na pagtanggap sa Bisita
Ikinatutuwa ng mga Pilipino ang
pagdalaw ng mga bisita kaya
naman mainit silang
tinatanggap sa ating mga
tahanan. Ipinaghahanda natin
sila ng mga pagkaing kaya
nating ihain at kung nagmula
sila sa malayong lugar ay
pinapatulog din natin sila sa
ating tahanan.
Mapagpahalaga sa Edukasyon
Para sa magulang na Pilipino,
ang edukasyon ay itinuturing na
pinakamahalagang pamanang
maibibigay sa mga anak
sapagkat ito ay isang yamang
hindi nananakaw at hindi
mauubos. Nagtitiis at
nagsasakripisyo ang magulang
para lang mapagtapos ng pag-
aaral ang kanilang mga anak.
Masipag at Matiyaga
Ang mga Pilipino ay kilala sa
pagiging masipag at matiyaga.
Hindi tayo namimili ng trabaho
bastat ito’y mabuti at
marangal. Ginagawa natin
nang lubos ang ating
makakaya upang
magampanan at matapos
nang maayos ang ating
trabaho.
Malikhain
Makikita sa ating paligid ang
maraming bagay na bunga
ng pagiging malikhain ng
mga Pilipino. Halimbawa ng
mga ito ang mga obra
maestra ng mga bantog na
pintor, eskultor, at iba pang
alagad ng sining.
Malikhain
Kabilang dito ang mga
imbensyon ng mga
katangi-tanging Pilipino na
nakapagbuti sa buhay ng
marami tulad ng
incubator ni Dr. Fe del
Mundo, karaoke ni Roberto
del Rosario at videophone
ni Gregorio Zara, at iba pa.
Matapat
Maging noong panahon ng ating mga ninuno, ang
ating lahi ay nagpapakita na ng hindi matatawarang
katapatan. Sinasabing iniiwan ng negosyanteng
Tsino ang kanilang mga kalakal sa ating mga
ninuno at binabalikan na lang pagkatapos ng ilang
buwan. Matapat na ibinibigay ng mga pinag-iwanan
ang kabayaran sa mga panindang iniwan sa kanila.
Hanggang sa ngayon ay makikita pa rin ang
katangiang ito sa mga Pilipino.
Matulungin
Likas sa mga Pilipino ang
matulungin. Kapag
kinakailangan ang ating tulong
lalo na sa panahon ng
matitinding pangangailangan,
hindi tayo nagsasawang
tumulong. Makikita rin ang
kahandaan natin kapag may
sakuna ntulad ng bagyo at
kinakailangan nating magbigay
ng makakaya.
Ilang Negatibong
Kaugaliang
Nakahahadlang sa
Pag-unlad
Mañana Habit
Ito ay ugaling pagpapaliban
muna ng mga gawaing maaari
namang tapusin na. Ito ay
nakahahadlang sa pag-unlad
dahil ipinagpapaliban pa ang
gawaing dapat sana’y natapos
na. Nagreresulta tuloy ito sa
mabagal na paggawa o kaya sa
Bukas na lang ako
mag-aaral. Maganda mga trabahong nabibinbin o
ang palabras sa TV e. tuluyan nang hindi nagtatapos.
Ningas-Cogon
Ang tagal matapos
ng paglilinis ko. Ito ay isa ring negatibong
Tinatamad na pag-uugali dahil ang
akong tapusin ito.
kasipagan o motibasyon ay
sa simula lamang at unti-
unting nawawala habang
nagtatagal hanggang sa
tuluyan nang hindi matapos
ang gawain.
Crab Mentality o Pagkakaroon ng Isip-Talangka

Ito ay nagpapakita ng
pagkainggit sa mga
taong umuunlad o
bumubuti ang buhay.
Crab Mentality o Pagkakaroon ng Isip-Talangka
Kung sakaling taglay mo ang ugaling ito ay
dapat mo itong baguhin sapagkat ang
pagkainggit ay negatibong emosyong maaaring
magtulak sa isang taong gumawa nang hindi
maganda. Sa halip na mainggit ay dapat pa nga
tayong matuwa at sumuporta sa ating kapwa
upang magtuloy-tuloy ang kanilang pag-unlad
habang ginagawa rin natin ang makakaya para
sa sarili naman nating pag-unlad.
Kaisipang Kolonyal
Ito ay ang paniniwalang mas
mahusay at mas maganda
ang gawa o anumang bagay
na banyaga. Napaniwala
tayong mas mahuhusay ang
anumang bagay na
mayroon sila kompara sa
mga gawaing Pilipino.
Palaging Pagkahuli
Ang palaging pagkahuli o
pagiging late ay hindi rin
magandang uugali dahil ito
ay nagpapakita ng
katamaran at kawalan ng
disiplinang pansarili. Dapat
tandaan na ang bagong
“Filipino time” ay pagiging
“on-time”.
Hanggang sa
muli mga bata

You might also like