You are on page 1of 3

NAGA CITY MONTESORRI SCHOOL

BUWAN NG WIKA 2021

Isang maligayang araw ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa inyo lahat!


Ako po si Teacher Ally ang inyong guro sa Filipino at makakasama rin natin ngayon si
Teacher Marga. Kami po ang inyong magiging tagapag-daloy ng programa ngayon.
Narinig niyo na ba ang mga katagang ito, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit
sa hayop at malansang isda: kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala”?
Ito ay tanyag na katagang nagmula sa ating Pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na
nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Nakatutuwa’t sa Pilipinas ay mayroon
tayong higit sa isandaang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi,
ngunit ang Pambansang Wikang “Filipino” pa rin ang ating ginagamit dahil ito mas maiintidihan
ng mga tao sa buong kapuluan. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakilanlan o identity.
Sa pamamagitan ng ating wika, nakikita ang iba’t ibang impluwensya at kultura sa bansa na
siyang nakapagbabago at humuhulma sa pagkatao ng sambayanang Pilipino.
Kaya ngayong umaga ating muling saksihan ang isang palatuntunan ng ating paaralan
bilang pagbabalik-tanaw sa kadakilaang ginawa ng ating itinuring na Ama ng Wikang Pambansa
na si Minuel Luiz Quezon. Siya ang naging tulay upang Magkaroon ng Pagkakaisa ang ating
bansa sa pagtalaga ng isang Pambansang wika, ang Filipino.
Halina’t sama-sama nating ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa ngayong
Agosto taong kasalukuyang na may temang …..
“Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”
Sa pagsisimula ng ating pagdiriwang, maaaring umupo nang maayos para sa ating
panalangin.
(Insert: Panalangin Bidyo)

Ngayon naman ay inaanyayahan ko kayong lahat na tumayo nang matuwid para sa


pagpugay sa ating watawat at sa pag-awit ng Lupang Hinirang.
(Insert: Lupang Hinirang Bidyo)

Magsiupo na po ang lahat. Sa puntong ito, Malalaman natin ang mga pambansang sagisag ng
Pilipinas. Sa pamamagitan nito madaragdagan ang ating kaalaman ukol sa sarili nating bansa.
Handa na ba kayong malaman at mapakinggan ito?
Kung gayon, halina’t makinig tayo sa mga ibabahagi ni Hiraya. Bigyan po natin siya ng
masigabong palakpakan.
(Bidyo ukol sa Pambansang Sagisag ng Pilipinas)
Maraming salamat Hiraya. Tunay ngang nakatulong ito na mapalawak ang ating
kaalaman ukol sa bansang ating tinitirahan. Sang-ayon po ba kayo sa akin, aking mga mag-aaral?
Maaari po kayong gumamit ng “Yes” button kung sang-ayon po kayo at “No” button kung hindi.
Wow! Talaga namang nakinig ang lahat sa pagtalakay ni Hiraya.
Para mas ganahan at matuwa pa kayo, Magkakaroon tayo ng isang laro. Ito ang ating
panuto. Una, huhulaan ninyo ang mga salitang bibigkasin ko habang ang aking audio ay naka-
mute. Pangalawa, Kailangang mahulaan ng isa sa mga mag-aaral ang salita sa loob lamang ng
isang minuto. Pangatlo, Ang mag-aaral na mayroong pinakamaraming nahulaang salita ang
siyang hihiranging panalo. Ang ating kategorya ay tungkol sa mga bahagi ng katawan.
Handa na ba kayo?
Halina’t simulan na natin.
MATA
SIKO
ILONG
KAMAY
PAA
Magaling! Pagbati sa lahat ng mga nanalo at nakilahok. Bigyan natin ang ating sarili ng
masigabong palakpak.
Ngayon naman ay panoorin natin ang isang pamukaw-sigla na nagmula kay Trisha
Venice.
(PT 1 – Trisha Venice)

Wow! Kay galing naman talaga ng ipinakita ni Venice. Mahusay Venice!


Ngayon naman, ating panoorin ang isang bidyo ukol kay Dr. Jose Rizal.
(Bidyo ukol kay Dr. Jose Rizal)

Talaga naman lubhang nakagagalak na malaman ang mga naging kontibusyon ni Dr. Jose
Rizal sa ating bansa. Sa puntong ito ay silipin naman natin ang isa pang pamukaw-sigla. Ito ay
ihahandog nina Gavin at Tristen Belle. Halina’t panoorin natin.
(PT 2 – Gavin at Tristen Belle)

Kahanga-hanga ang ipinakitang pagtatanghal nina Gavin at Belle! Tunay na magagaling


ang mga Pilipino.
Sa puntong ito, tayo ay maglaro ng bunyag-larawan. Ito ang mga panuto ng laro; Una,
Huhulaan ng mga mag-aaral ang mga larawan ng nakatago sa likod ng mga kahon. Pangalawa,
Kailangan mahulaan ng isa sa mga mag-aaral ang larawan sa loob lamang ng isang minuto. At
ang pangalo naman ang mga mag-aaral na mayroong pinakamaraming nahulaang salita ang
siyang hihiraging panalo. Handa na ba kayo?
(Game 2: Bunyag-Larawan)

Magaling! Pabati muli sa lahat ng mga nanalo at nakilahok. Nakatutuwa naman sapagkat patuloy
natututo at humuhusay kayo sa paggamit ng ating Pambansang wika. Sa puntong ito ay silipin
naman natin ang pang huling pamukaw-sigla. Ito ay nanggaling kina Leona at Marco.
(PT 3 – Leona at Marco)

Tunay na nakapakahusay! Palakpakan muli natin ang ating mga sarili.


Sa mga napanood nating mga pagtatanghal ay napatunayan natin na tunay ngnag
kahanga-hanga ang mga talento nating mga Pilipino! At hindi lang yan, Talagang
pinaaalalahanan tayo na huwag na huwag nating kalilimutan ang ating sariling wika, dahil ito ay
napakalaking bahagi ng ating pagiging Pilipino. Huwag nating hayan na mas magaling tayo sa
pananalita gamit ang wikang ingles kesa sa wikang Filipino. Huwag nating hayan na tuluyang
mawala ang ating sariling wika dahil tayo ang magpapasa nito sa mga susunod pang mga
henerasyon. Kaya ipagmalaki natin ang pagiging Pinoy!
Sana hindi Matapos dito sa ating simpleng programa ang pagtangkilik at pagpayabong ng
ating sariling wika. Sa halip ito ang maging simula upang maiparating natin sa ating mga
kababayan na ang ating Wikang Pambansa ay hindi lamang para sa pakikipag-komunikasyon
ngunit isa ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidwal at bilang isang
bansa.
Para sa katapusan ng programang ito, inaanyayahan ko kayo na umupo nang maayos para
sa pagkuha ng larawan. Ipakita natin ang ating pinakamagandang ngiti.
Muli, ako po si Teacher Ally. Ang inyong taga-pagdaloy sa programang ito na may
temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”.
Maraming salamat po at paalam!

-Tapos na-

You might also like