You are on page 1of 1

Ang pilipinas ay isang bansa na matatagpuan sa timog-silangang asya.

Ang
pilipinas ay isa sa mga pinaka maraming likas na yaman at isa sa may pinaka
mayamang kultura at tradisyon na dapat isa alangalang at pahalagahan nating mga
Pilipino. Ang kultura at tradisyon ay ang pamana sa atin ng ating mga ninuno, mga
kultura tulad ng panghaharana, pagdarasal, pagmamano at pagbabayanihan at marami
pang iba na hanggang sa kasalukuyan ay atin paring isinasagawa. Isa sa
magagandang kaugalian nating mga Pilipino ay pagiging magalang katulad ng
pagmamano at pag halik sa mga mamatanda ,ipinapakita rin ang paggalang tuwing
nakikipag-usap sa mga matatanda gumagamit sila ng po at opo at magalang na
pananlita. Pagtutulungan o bayanihan isa rin ito sa tradisyon ng mga Pilipino tuwing
may mga fiesta o handaan marami ang tumutulong upang maging matagumpay ang
kanilang selebrasyon. Panghaharana isa ito sa mga paraan ng mga lalaki upang
manligaw sa mga kakabihan sa panahon noon, isa rin sa mga paraan nila upang
sagutin sila ng mga babae ay ang pag-igib ng tubig pag sibak ng kahoy paraan ito
upang maatunayan nila na tapat ang kanilang hangarin. Ang pilipinas ay nakakaranas
ng dalawang klima o panahon tag init at tag ulan ang mararanasan mo. Isa sa mga
tradisyon ng mga Pilipino ay pagsasagawa ng makihang pista, ang mga pista ay
kadalasang may patimpalak tulad ng pagsayaw at pag-awit at sa ibang lugar ay
mayroon pang sabungan.
Bayang magiliw ito ang kauna-unahang linya sa ating pambansang awit na
lupang hinirangang linyang ito ay sumasalamin sa ating kulturang pagiging makatao.
Pagiging hospitable o magiliw ay isa sa mga katangi-tanging katangian ng mga Pilipino.
Sinasalamin din ang ating pagiging matulungin ang ating pagiging makatao . ito ay susi
sa pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa bawat isa. Ito ay nagpapatunay sa
kagandahan ng kalooban ng mga Pilipino. Ang wikang Pambansa na kadalasang
nagagamit ay filipino o natatawag na tagalog at ingles., ngunit marami pa ang bilang ng
mga diyalekto o wika na mahahanap lamang sa loob ng ating bansa . ang pilipinas ay
may higit na isang daang walumput tatlong daan na wika na tanging lumalaganap sa
rehiyon ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan
. isa bilang bansa at marami dahil sa pagkakahiwalay ng mga ito,ang pilipinas ay
binubuo ng pitong libo’t anim naraan apat naput isang pulo. Dahil sa mga pulo na ito ay
may maayos na kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa pagitan ng mga kristiyano,
muslim at iba pang pangka; sa pagitan ng mga nasa lungsod at samga nayon; mga
tagabundok at tagapatag; at sa pagitan ng mga mayayman at ng mga mahihirap.

436 word

You might also like