You are on page 1of 2

Ang kultura ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong

tradiyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito


noon. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay
maraming hiniram na salita galing Kastila. Ang Pilipinas ay isa sa mga
bansang may pinkamaraming wika sa buong daigdig. Ang mga Pilipino ay
kilala sa pagiging matulungin sa kapwa kahit hindi kilala. Ang pagiging
masayahin, palagiang pagngiti at pagiging positibo sa buhay ay kilala rin.
Tayo ay magiliw sa mga pangunahin at tinatanggap natin sila ng malugod.
Ang kultura na nakasanayan natin ay ang pagmamano, paghaharana,
pagbabayanihan at iba pa. Ang mga tradisyong nagaganap naman dito ay
ang pamamanhikan na ginagawa kapag ang babae at lalaki ay nagkasundong
mag pakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae mula sa mga
magulang nito. Piyesta na ginagawa para ipagdiwang ang araw ng isang
lalawigan. Hindi rin mawawala dito ang peryahan, palaro at mga pagtitipon
ng mga kamag-anak,kaibigan o magpapamilya upang mag salu-salo sa
hapag. Simbang Gabi na ginagawa ng siyam na gabi bago sumapit ang pasko
o kapanganakan ni Hesukristo. Sama-sama ang buong pamilya sa pag punta
sa simbahang katoliko at doon mag dadasal, sinasabi din nilang pag
nakumpleto mo ang siyam na gabi ay tiyak na matutupad ang iyong
kahilingan. Mahal na Araw o Senakulo ay ang paggunita at pagbabalik loob
ng mga Kristiyanong Pilipino sa pinaniniwalaan nilang diyos na tagapagligtas
na kinakatawan ni Hesukristo at iba pa. Ang mga kaugalian naman ng mga
Pilipino ay ang pagkamatulungin o pagbabayanihan, paggalang,
pagbubuklod ng mag-anak, pag-alala sa mga yumao at malugod na
pagtanggap ng bisita. Relihiyoso tayong mga Pilipino, mayroong malalakas
na pananampalataya sa Diyos. Ang bansang Pilipinas ay isa sa may
pinakamaraming relihiyon. Tulad ng Roman Catholic, Born Again, Baptist,
Iglesia ni Cristo, Jehova Witnesses, at iba pa. Ang kasuotan dito ay Baro't
Saya na ang pambansang kasuotang pambabae ng Pilipinas na binubuo ng
manipis at binurdah ang pang-itaas, at palda o saya na makulay at
kadalasang guhitan at ang Barong Tagalog naman ay isang binurdahang
pantaas na baro at kinikilalang pambansang kasuotan ng lalaki sa Pilipinas.

You might also like