You are on page 1of 3

Pagtitiwala sa Panginoon

Isang magandang katangian ng mga Pilipino


ang pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa kanilang
mga mag-anak ay matapat sa pananampalataya.
Naniniwala silang may isang Panginoong
pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. Batid
din nilang tumutulong Siya sa mga taong tumutulong
sa kanilang sarili.

Pagiging Magalang
Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang
paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda.
Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito
ng mga bata matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling
sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may
dumadating o bumisitang kamag-anak o matanda, at
kapag nakita at nasalubong nila ang kanilang ninong at
ninang.
Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang
Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda. Gumagamit sila ng po at opo
at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at "Magandang
hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda
gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.
Pagtutulungan

Nagsisimula ang pagtutulungan sa


sariling tahanan. Nagtutulung-tulong ang mga
kasapi ng mag-anak sa mga gawain dito.
nagtutulungan din ang baway isa sa
magkakapitbahay upang maisaayos at
mapaunlad ang kanilang pamayanan. Iyan ay
likas na katangian ng isang Pilipino.
Ang karaniwang tawagan sa
pagtutulungang ito ay bayanihan. Tumatawag
ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may
malaking gawain isasagawa sa maikling
panahon. Nagtutulungan ang bawa't isa upang
maging magaan ang isang mahirap na gawain.

Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani at sa


paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar.
Mabuting Pagtanggap at Pakikitungo

Kilala ang mga Pilipino sa mabuti at magiliw na


pagtanggap. ibig nilang masiyahan at maging
maginhawa ang kanilang mga panauhin. nagsisilbi sila ng
pinakamasarap na pagkaing kanilang makakaya at
naghahanda ng maayos na tulugan para sa mga bisita.
Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag
paalis na ang kanilang mga panauhin.

Pagsama-sama ng Pamilya

Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit


na pagsasama-sama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa pagsasagawa ng
mga gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa magulang ang nag-asawang
anak kapag ito'y naninirahan sa ibang lugar. Nagsasama-sama pa ang maganak tuwing may "family reunion" kung Pasko at iba pang pagdiriwang o
okasyon. Iyan ang nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga mag-anak
na Pilipino.
Inaalagaan at minamahal ng bawat miyembro ng mag-anak ang
matandang kasapi nito. Tungkulin ng bawat Pilipino na magsilbi sa kanyang
matatandang magulang, mga lolo't lola, at kamag-anak hanggang sila'y
nabubuhay. Iyan ang paraan ng pagpapakita ng magandang pagtingin sa
matatanda.

You might also like