You are on page 1of 3

Mga Karaniwang Tradisyon ng mga Pilipino

Piyesta   
Ang piyesta o pista ay isang pagdiriwang bilang paggunita sa isang mahalagang araw na
karaniwang kaarawan ng mga patron ng isang lugar o bayan. Ito at isa ng tradisyon ng mga
Pilipino, ipinagdiriwang ang pista bilang pasasalamat na rin para sa mga biyaya na
ipinagkakaloob sa mga tao ng mga santo at santa ng simbahan, bahagi na rin ito ng ating
kultura. Ang mga pista ay karaniwang tungkol sa relihiyon dahil sa impluwesa ng mga
Kastila. Ito ay ang panahon ng kasiyahan at galak para sa mga tao.

Mahal na araw/ Senakulo


Ang Mahal na Araw ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyanong
Filipino sa pinaniniwalaan nilang diyos na tagapagligtas na kinakatawan ni Hesuristo. Taon-
taon, ipinagdiriwang ito ng mga Filipino upang palalimin ang kanilang pananampalataya,
habang binubuhay ang mahabang tradisyon ng mga Kristiyano, gaya ng pag-aayuno at
pamamanata. Nakikiisa ang mga Filipino sa ginawang pagpapakasakit ni Hesukristo para sa
kaligtasan ng buong daigdig. Naniniwala sila na muling nabuhay si Hesukristo at magbabalik
bilang patotoo sa mga ipinangaral nito sa kaniyang mga alagad at mananampalataya.

Mamanhikan
Ang pamamanhikan (Ingles: supplication, request) ay isinasagawa kapag
ang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay
ng babae sa magulang nito habang kaharap ang sarili niyang magulang. Sa ilang lugar ay
isinasama pa ng lalaki ang Punong Barangay o iba pang maimpluwensiyang kamag-anak o
kaibigan upang lumahok sa pamamanhikan.

Harana
Ang Harana ay isang salitang Pilipino na nangangahulugang 'to serenade'.
Gayunpaman, sa ganitong kahulugan, hindi ito tungkol sa anyo ng isang piraso,
ngunit ang gawa ng paghaharana. Ang Harana ay isang lumang tradisyon ng
panliligaw sa mga pre-kolonyal at kolonyal na araw ng Pilipinas.

   Simbang gabi
Isa itong misang idinaraos bawat madaling araw sa loob ng siyam na araw
bago sumapit ang araw ng Pasko. Nagsisimula ang pagmimisa tuwing ika-16
ng Disyembre hanggang ika- 24 ng Disyembre, na kadalasang sinasagawa sa
mga Romano Katolikong simbahan sa Pilipinas tuwing ikaapat hanggang
ikalima ng umaga.

Flores De mayo
Ang Bulaklak ng Mayo o Flores de Mayo ay isang kapistahan na idinadaos sa
Pilipinas sa buwan ng Mayo. Ito ay isa sa mga pamimintuho kay Birheng Maria
sa Mayo at nagtatapos sa kabuuang buwan.

TRADISYON/PANINIWALA
1. Paggamit ng PO at OPO
Isa sa nakagawian ng mga Pilipino ang paggamit ng po at opo bilang paggalang sa mga
nakatatanda.
2. Pagmamano
Ang pagmamano ay kaugalian din ng mga Pilipino bilang paggalang sa mga nakatatanda. Ito
ay ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat nito sa noo, sabay ang pagsabi ng
mano po. Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis.
3. Pista
Ang pista naman ay isa sa mga pinakamalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa iba't
ibang lugar o dako sa Pilipinas. Ang selebrasyon ay may mga makukulay na parada, mga
katutubong seremonya, sayawan, paligsahan, at masasaganang handaan.
4. Bayanihan
Ang bayanihan ay isang katagang Pilipino na nagmula sa salitang “bayan” na maaaring
tumukoy sa isang komunidad. Ang salitang bayanihan ay tumutukoy naman sa pagkakaisa ng
isang komunidad para sa isang layunin.
5. Simbang Gabi
Ang simbang gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon
ng Kapaskuhan.
6. Pamamanhikan
Ang pamamanhikan ay isang tradisyon sa mga pamilya ng mga ikakasal. Ito ay
ang pagpupulong na ginaganap bago ikasal ang dalawang magkasintahan kung saan
pumupunta ang pamilya ng lalaki sa tahanan ng pamilya ng babae.
7. Panghaharana
Ito naman ay ang paraan na ginagawa ng mga lalaki kung nais magpahiwatig ng damdamin sa
isang dalaga.
8. Pagsusuot ng Barong at Saya
Ang barong at saya ay ang pambansang kasuotang pambabae ng Pilipinas na binubuo ng
manipis at binurdahang pang-itaas, at palda o saya na makulay at kadalasang guhitan.
Sinusuot ito kung may mahalagang okasyon.
PAMAHIIN

1. Bawal isukat ang damit pangkasal.


2. Bawal matuluan ng luha ang kabaong.
3. Kapag may nakitang taong pugot ang ulo ay maaari siyang mamatay.
4. Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata.
5. Bawal magwalis sa araw ng burol.
6. Bawal maggupit ng kuko sa gabi.
7. Huwag kumanta habang nagluluto.
8. Ang makakita ng itim na pusa ay malas.
9. Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo
ng kamalasan.
10. Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata.

You might also like