You are on page 1of 4

WAKLITODA- WAKAS LITA TRICYCLE OPERATORS

AND DRIVERS ASSOCIATION INC.


SEC. REG. NO. 200811706
Brgy. Wakas, City of Tayabas Province of Quezon

Katitikan ng WAKLITODA sa General Assembly na ginanap noong ika -14 ng Disyembre


taong 2018 sa Brgy. Wakas Tayabas City ganap na ika-1 ng hapon.

MGA DUMALO

56 Kasapi

DI DUMALO

2 Kasapi

1. PASIMULA NG PAGTITIPON
 Sa pangunguna ng Pangulo, mga Opisyales, Miyembro at ilang panauhin

2. PANALANGIN
 Matapos magpatala bilang katunayan ng pagdalo, tumayo ang lahat para sa isang
Panalangin sa pangunguna ni Ginoong Frisco Oabel.

3. PAG-AWIT NG PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS


 Pinangunahan ni Ginoong Samson P. Eleazar

4. ROLL-CALL: BILANG PAGKILLAA SA MGA DUMALO


 Pinangunahan ng pangulo ang roll call at idineklarang may sapat na bilang kung
kaya maaari ng magsimula ang pagpupulong.

5. Pagbasa ni Ginoong Rhoderick Gonzales matapos basahin ni Pangulong Samson Eleazar


ang huling katitikan at nang walang pagtutol at nais na baguhin ito ay pinagtibay ng
pangulo.

6. PAMBUNGAD NA PANANALITA NG PANGULO


 Pasasalamat sa mga kasaping dumalo gayundin sa mga panauhin sa kanilang
pakikibahagi sa mahalagang araw ng pagtitipong ito. Gayundin binanggit niya ang
mga programa at proyekto na maayos na maisagawa ng samahan

7. FINANCIAL REPORT STATUS


 Nagsimulang magulat an gaming ingat-yaman tungkol sa kalagayang pananalapi
ng samahan ang lahat ng kanyang iniulat ay may kalakip na papeles bilang patunay
na ito ay ginagamit ng tama na sinang-ayunan naman ng aming tagasuri.
8. PAG-UULAT NG MGA NAGAWANG PROYEKTO AT PROGRAMA
 Muling nag-ulat ang Pangulo hinggil sa mga aktibidades ng nakaraang panahon at
dito ay binanggit din niya ang mga programang gagawin ng samahan sa hinaharap.
Binigyang linaw niya ang mga hakbangin na dapat gawin upang naisakatuparan
ang mga programang nabanggit.

9. OPEN FORUM
 Dito binigyan ng pagkakataon ang mga kasapi na magbigay ng opinion, suhestyon,
at magtanong upang mabigyan ng kasagutan at masulusyunan.
10. PAGTATAPOS NA PANANALITA
 Nagbigay ng panghuling pananalita ang Pangulo at nagpasalamat sa mga dumalo
sa kanilang pakikiisa sa pagtitipon.

11. PAGTATAPOS NG PANGKALAHATANG PAGPUPULONG


 Natapos ang pagpupulong ganap na ika-6 ng gabi sa pamamagitan ng isang salo-
salo

Pinatunayan ni:

RHODERICK GONZALES
Secretary Binigyang bias ni:

SAMSON P. ELEAZAR
President
WAKAS LITA TRICYCLE OPERATORS AND DRIVERS
ASSOCIATION INCORPORATED (WAKLITODA)
SEC. REG. NO. 200811706
Barangay Wakas, City of Tayabas Province of Quezon

MGA DUMALO

PANGALAN POSISYON
1. Samson P. Eleazar President
2. Frisco Oabel Vice President
3. Rhoderick Gonzales Secretary
4. Ireneo Nosa Treasurer
5. Jay Ar Pineda Auditor
6. Pepito Perlas B.O.D.
7. Luisito Leonar B.O.D.
8. Leonardo Claveria B.O.D.
9. Norberto Gaela B.O.D.
10. Gerry Sacramento B.O.D.
11. Samuel Pimentel B.O.D.
12. Joel Mismanos B.O.D.
13. Pedrito Caalaman B.O.D.

DI DUMALO
Wala

RESOLUSYONG BILANG IKA-3 TAONG 2019


HUMIHILING NA MULING I-ACCREDIT ANG WAKAS LITA
TRICYCLE OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION INC.
(WAKLITODA)

Kapasyahan na humihiling sa Sangguniang Panglungsod sa muling pagkilala sa aming


samahang WAKAS LITA TRICYCLE OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION INC.
(WAKLITODA). Isang legal na samahan ng Lungsod ng Tayabas, Lalawigan ng Quezon na una
ng nakilala mula pa noong 2008 hanggang sa kasalukuyan.

SAPAGKAT, ang pagkilala ng ating pamahalaan sa aming samahan bilang isang Non-
Government Organization o Civil Social Organization ay susi sa aming legal na operasyon sa
buong Lungsod ng Tayabas at makatulong sa maayos at mabilis na pag-unlad ng ating Lungsod.

SAPAGKAT, ang aming samahan ay handing sumunod at makiisa sa mga alituntunin at


regulasyon na ipinatutupad ng ating Lungsod tungo sa epektibong Sistema.

KUNG KAYA’T, sa mungkahi ni Ginoong SAMSON P. ELEAZAR na muling ipa-accredit


ang samahan na pinangalawahan ni Ginoong FRISCO OABEL ang nasabing panukala.

KUNG KAYA’T, nagkaisa ang lahat ng dumalo na pagtibayin ang resolusyong ito na
muling masumite ng mga kailangang dokumento sa inyong tanggapan upang muli ay kilalanin
ang samahang WAKAS LITA TRICYCLE OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION INC.
(WAKLITODA).

Pinatunayan ni:

RHODERICK GONZALES
Secretary
Binigyang bias ni:

SAMSON P. ELEAZAR
President

You might also like