You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Laguna

BAYAN NG CAVINTI

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BAYAN

HALAW SA KATITIKAN NG IKA- 37 NA PANGKARANIWANG PULONG NG


17TH SANGGUNIANG BAYAN (2019-2022) NG CAVINTI LAGUNA, NA
GINANAP NOONG IKA–15 NG HUNYO 2020, DITO SA BULWAGANG
PULUNGANG BAYAN, GUSALING ABC HALL.

MGA DUMALO: KGG. ARRANTLEE R. ARROYO, PANG.PUNUMBAYAN;


Kgg. Elma P. Flores, Kagawad
Kgg. Ulysses R. Bituin, Kagawad;
Kgg. Anita C. Baeyens, Kagawad;
Kgg. Pedro O. Villegas Jr. ,Kagawad;
Kgg. Crispin D. Sanchez, Kagawad;
Kgg. Marlon F. Villanueva,Kagawad;
Kgg. Rosemarie F. Esperanza, Kagawad;
Kgg. Manuel A. Dela Roca, ABC-President; at
Kgg. Adrian O. Lope, SKF-President

HINDI DUMALO: Kgg. Jimmy Jose V. Oliveros , Kagawad (VL)

KAPASIYAHAN BLG. 139-2020

Mga May Akda:


Kgd. Ulysses R. Bituin
Kgd. Pedro O. Villegas, Jr.
Kgd. Rosemarie F. Esperanza
Kgd. Elma P. Flores
Kgd. Anita C. Baeyens
Kgd. Manuel A. Dela Roca

ISANG KAPASIYAHAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG CAVINTI, LAGUNA


NA MAGALANG NA HUMIHILING SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
NG LAGUNA NA PANSAMANTALANG IHINTO ANG PAGBABAYAD NG
REAL PROPERTY TAX (RPT) NA SINISINGIL SA FIRST LAGUNA ELECTRIC
COOPERATIVE INC. (FLECO).

SAPAGKAT, ayon sa pang unang pagtatasa ng Provincial Assessor’s


Office ay kailangang patawan ng Real Property Tax (RPT) ang mga makinarya
tulad ng mga transformer, insulators at mga poste ng kuryente ng First Laguna
Electric Cooperative, Inc. (FLECO) mula 2009 hanggang 2019 na kailangang
bayaran sa itinakdang panahon;

SAPAGKAT, ang FLECO Inc. na nagseserbisyo ng kuryente sa labing


isang Bayan mula sa ika- 4 na Distrito ng Lalawigan ng Laguna, kabilang dito ang
Bayan ng Cavinti, ay binubuo ng mga Member-Consumer-Owners kung kaya at
sa mamamayan din ng mga nasabing bayan ipinapasa ang naturang
Page 1 of 3
Kapasiyahan Blg. 139-2020
pagbabayad ng RPT na nakakaapekto sa pagtaas ng kanilang Monthly Electric
Bill o Buwanang Singil sa Kuryente;

SAPAGKAT, walang naging sapat na pang unang abiso, public hearing


at information campaign bago ipinatupad ang paniningil ng FLECO, Inc. ukol
dito;

SAPAGKAT, sa epekto ng Pandemya dahil sa COVID-19, maraming


mamamayan ang nawalan ng trabaho o napatigil ang hanapbuhay kung kaya’t
naging dagdag pasanin pa ang naturang RPT sa buwanang singil ng kuryente
ng FLECO;

DAHIL DITO, para sa ikaluluwag ng buwanang bayarin sa kuryente ng


mga mamamayang nasasakupan ng FLECO kabilang ang mga taga Cavinti,
Laguna, sa mungkahi ni Kagawad Ulysses R. Bituin na pinangalwahan at
malugod na sinang-ayunan ng lahat ng miyembro ng Saqngguniang Bayan na
nagkakatipon, ay

IPINASIYA, gaya nang sa ngayon ay ipinapasiya, na magalang na


humihiling sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna na pansamantalang ihinto
ang pagbabayad ng Real Property Tax na sinisingil sa First Laguna Electric
Cooperative, Inc. (FLECO).

IPINASIYA PA RIN, na padalhan ng sipi ng kapasiyahang ito, ang mga


sumusunod para sa kanilang kaalaman, gabay, tala, at pagtitibay:

a) Tanggapan ng Punong Panlalawigan, Sta. Cruz, Laguna


b) Tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan, Sta. Cruz, Laguna
c) Tanggapan ng Provincial Assessor, Sta. Cruz, Laguna
d) Tanggapan ng Provincial Treasurer, Sta. Cruz, Laguna
e) Tanggapan ng First Laguna Electric Cooperative, Inc. (FLECO),
Lumban, Laguna
f) Tanggapan ng Energy Regulations Commission, Pacific Center
Building, San Miguel Avenue, Ortigas Center, Ortigas Center,
Pasig, 1600 Metro Manila

PINAGTIBAY.

PINATUTUNAYAN KO na ang kapasiyahang ito ay halaw sa katitikan ng


ika- 37 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Cavinti, Laguna,
na ginanap noong ika- 15 ng Hunyo 2020.

NITZSHELL TORRES – DELA TORRE


Kalihim ng Sangguniang Bayan

MAY KINALAMAN:

ELMA P. FLORES MARLON F. VILLANUEVA


Kagawad Kagawad

ULYSSES R. BITUIN ROSEMARIE F. ESPERANZA


Kagawad Kagawad

Page 2 of 3
Kapasiyahan Blg. 139-2020
ANITA C. BAEYENS MANUEL A. DELA ROCA
Kagawad ABC – President/Kagawad

KGG. PEDRO O. VILLEGAS JR. KGG. ADRIAN O. LOPE


Kagawad SKF – President/Kagawad

CRISPIN D. SANCHEZ
Kagawad

ARRANTLEE R. ARROYO
Pangalawang Punumbayan

PINAGTITIBAY:

MILBERT L. OLIVEROS
Punumbayan

Page 3 of 3
Kapasiyahan Blg. 139-2020

You might also like