You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

PROVINCE OF LAGUNA
CITY OF CALAMBA
BARANGAY BANLIC
OFFICE OF THE BARANGAY CHAIRMAN

SIPI SA KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG


BARANGAY NG BARANGAY BANLIC, LUNGSOD NG CALAMBA, LALAWIGAN NG
LAGUNA NA GINANAP SA BULWAGAN NG BARANGAY NOONG IKA -12 NG
AGOSTO, 2023 SA GANAP NA IKA – 8:00 ng UMAGA.

MGA DUMALO:
KGG. CRISPIN P. MALABO PUNONG BARANGAY
KGG. JANUARY Y. PARASO KAGAWAD
KGG. RODANTE D. GUTIERREZ KAGAWAD
KGG. OLYMPIO D. CARAAN KAGAWAD
KGG. ROGELIO B. AGUILA, JR. KAGAWAD
KGG. TEODORO B. ALMONTE KAGAWAD
KGG. ARLENE A. TERRONES KAGAWAD
KGG. MARIO C. EVARITA KAGAWAD
KGG. HASMINE MHAE G. MENDIOLA SK CHAIRMAN
Bb. JELYN W. LANTICAN INGAT – YAMAN
GNG. AIMEE J. KARUNUNGAN KALIHIM

DI – DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. – 20
TAON 2023

ISANG KAPASIYAHANG PINAGTIBAY PARA SA PAGKAKAROON NG


ALITUNTUNIN ANG BAWAT ORGANISASYON O SAMAHAN SA
PAGSASAGAWA NG SPORTS ACTIVITIES SA BRGY. BANLIC
CALAMBA CITY.

SAPAGKAT, Sa nagdaang pandemya, ang anumang sports activities o


contact activities ay pinagbabawal kung saan ang mga organisasyon at
samahan ay natuwa sa pagbabalik ng mga sports activities ngayong taon.
Ang sports activities ay maaring basketball o volleyball.

SAPAGKAT, bukod sa Sports League na taunang ginagawa ng


Sangguniang Kabataan ay nagkakaroon pa rin ng iba’t ibang sports
activities na pinamumunuan ng iba’t ibang organisasyon sa Banlic,
Calamba City at pagkakataka ng ilang mga naninirahan sa walang tigil na
palaro sa iba’t ibang palauran.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
PROVINCE OF LAGUNA
CITY OF CALAMBA
BARANGAY BANLIC
OFFICE OF THE BARANGAY CHAIRMAN

SAPAGKAT, Sa kakulangan ng endorso o pagpapaalam sa Barangay, ito


rin ay nagiging dahilan ng pagkaantala sa responde kung may aksidente at
pagtataka o pagkagulat ng ilang Kawani ng Barangay sa ilang mga
aktibidades.

SAPAGKAT, Minungkahi ng Tagapangulo ng SK, Hasmine Mendiola at


pinangalawahan ni Kgg. Teodoro Almonte na magkaroon ng alituntunin
ang mga organisasyon o samahan sa pagsasagawa ng ganitong
aktibidades. Ito ay upang magkaroon ng “PROPER COORDINATION” at
“PROSESO” ang bawat organisasyon o samahan sa paglulunsad ng
sports activities.

Bago isagawa ang isang sports activity, ang organizer ng palaro ay dapat
mag sumite ng ilang dokumento bilang represensiya ng Sangguniang
Barangay sa gagawing aktibidades.:

1. Liham na Kahilingan kung saaan nakasaad ang:


a. Pagdadausan o Lokasyon
b. Kalahok at Edad
c. Petsa o Araw
d. Pananagutan ng organizer sa kaso ng insidente
2. Talaan ng Magagastos
a. Isasaad kung ito ay sponsor ng isang private / organization.
b. Kung ito ay for solicitation. Ang solicitation letter na gagamitin
ay dapat may lagda ng Punong Barangay.

Kapag ang programa o aktibidades ay naaprubahan na ng Punong


Barangay ay maaari ng magpa-iskedyul sa mga palaruan sa Brgy. Banlic
Calamba.

DAHIL DITO, Ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay ay


pinagpasiyahang mag lilikom ng donasyon tuwing magkakaroon ng sports
activities at magaabiso sa BPSO O BQRT para sa responde kung may
insidente.

IPINASYA, ng ating Punong Barangay, Kgg. Crispin Malabo at


sinangayunan ng lahat ng dumalo. Ang kopya ng resolusyon na ito ay
ipapadala sa lahat ng nangangalaga ng palaruan para sa kanilang
kaalaman.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
PROVINCE OF LAGUNA
CITY OF CALAMBA
BARANGAY BANLIC
OFFICE OF THE BARANGAY CHAIRMAN

PINAGTIBAY, ngayong araw, 19 ng Agosto taong 2023.

KGG. JANUARY Y. PARASO KGG. RODANTE D. GUTIERREZ


KAGAWAD KAGAWAD

KGG. OLYMPIO D. CARAAN KGG.ROGELIO B. AGUILA JR.


KAGAWAD KAGAWAD

KGG. TEODORO B. ALMONTE KGG. ARLENE A. TERRONES


KAGAWAD KAGAWAD

KGG. MARIO C. EVARITA BB. JELYN W. LANTICAN


KAGAWAD INGAT YAMAN

BB. AIMEE L. KARUNUNGAN


KALIHIM.

PINAGTIBAY:

KGG. CRISPIN P. MALABO


PUNONG BARANGAY

You might also like