You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Lungsod ng Tagaytay
BARANGAY SILANG CROSSING EAST

SIPI SA KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BARANGAY NG


SILANG CROSSING EAST LUNGSOD NG TAGAYTAY. GINANAP NOONG IKA-3 NG HULYO, 2018
GANAP NA IKA-4:00 NG HAPON SA BAHAY PULUNGAN NG BARANGAY.

MGA DUMALO:

Kgg. Bernardo B. Cabasi Punong Barangay


Kgg. Francis V. Cabasi Kagawad
Kgg. Ma. Teresa M. Hernandez Kagawad
Kgg. Pablo C. Angcaya Kagawad
Kgg. Arnie Cherry R. Cabasi Kagawad
Kgg. Nenita B. Baybay Kagawad
Kgg. Samuel G. Magdadaro Kagawad
Kgg. John Matthew C. Roxas Kagawad
Kgg. Ana Paula A. Aquino SK Chairman

KAPASIYAHAN BLG 2018 -006

KAPASIYAHANG PINAGTIBAY NG SANGGUNIANG BARANGAY NA PINAHIHINTULUTAN ANG


PUNONG BARANGAY AT INGAT – YAMAN NG BARANGAY SA PAGLAGDA NG MAHAHALAGANG
DOKUMENTO NG BARANGAY.

SAPAGKAT: sang ayon sa Seksyon 389(b) (2) ng Batas ng Pamahalaang Lokal ng 1991, ang Punong
Barangay ay makikipag ugnayan,papasok at lalagda sa mga kontrata para sa kapakanan at pangalanan ng
barangay,oras na mabigyan ng pahintulot ng Sangguniang Barangay.

SAPAGKAT: sang ayon sa Seksyon 389(e) (3) ng Batas ng Pamahalaang Lokal ng 1991, ang Punonmg
Barangay ang siyang maglalabas ng pondo sang ayon sa mga pamamaraang pamoananalapi na itinakda sa
kodigong ito.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO:

PINAGPASIYAHAN ng Sangguniang Barangay na pinahihintulutan ang Punong Barangay at Ingat –


Yaman ng Barangay na lumagda sa mga mahahalagang dokumento ng Barangay na ito;

PINAGPASIYAHAN PA RIN, na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang ikababatid.

PINAGTIBAY, ngayong ika- 3 ng Hulyo sa mungkahi ni Kagawad Arnie Cherry R. Cabasi na


pinangalawahan ni Kagawad John Matthew C. Cabasi.

Pinatutunayan ko ang kawastuhan ng kapasiyahang ito,

ANN-JELAINE NOVENO
Kalihim

Patotoo:

KGG. BERNARDO B. CABASI


Punong Barangay
PINATUTUNAYAN NAMIN:

KGG.FRANCIS V. CABASI KGG. MA.TERESA M. HERNANDEZ


Brgy.Kagawad Brgy. Kagawad

KGG. PABLO C. ANGCAYA KGG.ARNIE CHERRY R. CABASI


Brgy. Kagawad Brgy. Kagawad

KGG.NENITA B. BAYBAY KGG.SAMUEL G. MAGDADARO


Brgy Kagawad Brgy. Kagawad

KGG. JOHN MATTHEW C.ROXAS KGG.ANA PAULA A. AQUINO


Brgy.Kagawad Brgy.SK Chairman

You might also like