You are on page 1of 3

HALAW SA SIPI SA KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG

BARANGAY NA GINANAP NOONG IKA – 3 NG AGOSTO, 2021 SA BULWAGANG PULUNGAN NG


SANGGUNIANG BARANGAY NG BARANGAY SAN JOSE, RODRIGUEZ, RIZAL

MGA DUMALO:

KGG. JAMES PHILIP C. MARCELO ACTING PUNONBARANGAY/Presiding Officer


KGG. SAMUEL A. BALIBALOS JR. KAGAWAD
KGG. DIANA JEAN C. GERVACIO KAGAWAD
KGG. JANET B. DE VERA KAGAWAD
KGG. JOSE S.J. MALAPO JR. KAGAWAD
KGG. EDGARDO N. DEGUCENA KAGAWAD
KGG. MARCIAL C. PASTORAL KAGAWAD
KGG. MARJORIE C. TUPAZ SK CHAIRPERSON

DI DUMALO:

WALA

********* ******** ******** ********

KAPASIYAHAN BLG. 45-2021

MAY AKDA : KGG. EDGARDO N. DEGUCENA

KAPASIYAHANG NAGPAPATIBAY SA PAGTATALAGA SA MGA PILING KAWANI NG BARANGAY


SAN JOSE BILANG MGA “DEPUTIZED CHECKER” GAYON RIN ANG PAGLALAGAK NG
KAUKULANG CASH BOND PARA DITO

SAPAGKAT, sa kasalukuyan ay nagkaroon ng transisyon sa pamunuan ng Pamahalaang


Barangay kung saan ay itinatalaga ang Kgg. James Philip C. Marcelo bilang Acting Punong
Barangay at kaalinsabay nito ang pagtatalaga rin ng mga bagong kawani gaya ng deputized
collector/checker kung kaya’t nararapat lamang ang pagpapasa ng isang Kapasiyahan ukol dito;

SAPAGKAT, dahil lubhang malawak ang nasasakupan ng Barangay San Jose, Rodriguez,
Rizal kung saan ay may kabigatan rin ang responsibilidad at gawain ng Ingat-Yaman kung kaya’t
kinakailangan ang pagtatatalaga ng mga assistant o deputized collector/checker upang siyang
maging kaagapay nito sa pagkakaloob ng resibo at pagtanggap ng mga kabayaran para sa mga
ibang Barangay Fees na sinisingil o kinokolekta nito sa araw-araw;

SAPAGKAT, bunsod nito ay kinakailangan rin na ang mga naitalagang kawani bilang mga
deputized checker ay magkaroon ng kanya-kanyang “Surety Bond” upang magkaroon ng
kasiguraduhan at proteksiyon ang kanilang pagtanggap at pag-kakaloob ng resibo alinsunod sa
sa tungkulin na iniatas sa mga ito;
IKA-2 Pahina sa HALAW SA SIPI SA KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG
BARANGAY NA GINANAP NOONG IKA – 3 NG AGOSTO, 2021 SA BULWAGANG PULUNGAN NG SANGGUNIANG
BARANGAY NG BARANGAY SAN JOSE, RODRIGUEZ, RIZAL

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, at sa mungahing inihain sa hapag ni Kgg. Edgardo N.


Degucena na pinagalawahan ni Kgg. Samuel A. Balibalos Jr. at Kgg. Jose S.J Malapo at buong
pagkakaisang sinang-ayunan ng lahat na;

PINAGTIBAY RIN, ang pagtatalga sa mga sumusunod ng kawani bilang lahetimong


Deputized Collector/Checker ng Pamahalaang Barangay gaya ng mga sumusunod;

Deputized Collector/Checker

MA. ISA S. GALVAN


GARRY S. AYUSON
CONNIE M. DE GUZMAN
EDGARDO E. CABAL
RUSSEL JOSEPH C. CRUZ
MARK KENNETH H. MAGNO
MANNY SERRANO
CONRADO C. CRUZ
NATHANIEL LIBISTER
RICARDO DEZA

PINAGTIBAY RIN MULI, na ang mga nabaggit na deputized checker ay gaganap sa


kanilang tungkulin at siyang magiging responsible sa lahat ng koleksyon na kanilang natanggapa
na siyang pamumunuan ng Monitoring and Collection Department sa ialalim na superbisyon ng
Tangggapan ng Ingat-Yaman.

PINAGTIBAY,

Inihanda ni:

MARIA TERESA E. HARINA


Kalihim ng Barangay
IKA-3 Pahina sa HALAW SA SIPI SA KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG
BARANGAY NA GINANAP NOONG IKA – 3 NG AGOSTO, 2021 SA BULWAGANG PULUNGAN NG SANGGUNIANG
BARANGAY NG BARANGAY SAN JOSE, RODRIGUEZ, RIZAL

Pinatutunayan nina:

KGG. SAMUEL A. BALIBALOS JR. KGG. DIANA JEAN C. GERVACIO


Kagawad Kagawad

KGG. JANET B. DE VERA KGG. JOSE S.J. MALAPO


Kagawad Kagawad

KGG. EDGARDO N. DEGUCENA KGG. MARCIAL C. PASTORAL


Kagawad Kagawad

KGG. MARJORIE C. TUPAZ


SK Chairperson

Pinagtibay ni:

KGG. JAMES PHILIP C. MARCELO


Acting Punong Barangay

You might also like