You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Laguna

BAYAN NG CAVINTI

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BAYAN

HALAW SA KATITIKAN NG IKA-13 NA PANGKARANIWANG PULONG NG


SANGGUNIANG BAYAN (2019-2022) NG CAVINTI, LAGUNA, NA GINANAP
NOONG IKA– 30 NG SETYEMBRE, 2019, DITO SA BULWAGANG
PULUNGANG BAYAN, GUSALING ABC HALL.

MGA DUMALO: KGG. ARRANTLEE R. ARROYO, PANG. PUNUMBAYAN;


Kgg. Elma P. Flores, Kagawad;
Kgg. Ulysses R. Bituin, Kagawad;
Kgg. Anita C. Baeyens, Kagawad;
Kgg. Pedro O. Villegas, Jr., Kagawad
Kgg. Jimmy Jose V. Oliveros, Kagawad;
Kgg. Crispin D. Sanchez, Kagawad;at
Kgg. Marlon F. Villanueva, Kagawad; AT
Kgg. Rosemarie F. Esperanza,Kagawad.
Kgg. Manuel A. dela Roca, Kagawad/ABC-President; at
Kgg. Adrian O. Lope, Kagawad/SKF President.

HINDI DUMALO: “WALA“


.

KAPASIYAHAN BLG. 041- 2019

KAPASIYAHAN HUMIHILING SA TANGGAPAN NI KGG. VICENTE “TITO”


CASTELO SOTO III, SENADOR NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, NG
TULONG PINANSYAL NA MAY HALAGANG PITUMPO’T WALONG
MILYONG PISO (₱78,000,000.00) UPANG IUKOL SA PAGPAPASEMENTO
NG KALSADA SA SITIO CALMINUE, BARANGAY CANSUSO PATUNGO SA
CAVINTI UNDERGROUND RIVER AND CAVE COMPLEX (CURCC),
CAVINTI, LAGUNA.

SAPAGKAT, isa sa mga pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng


kasalukuyang administrasyon ay mabigyan ng maayos ng mga pasilidad at
istruktura ang buong bayan tulad ng pagpapasemento ng mga daang barangay
(farm-to-market road) na mag-uugnay sa mga sakahan patungo sa kabayanan;

SAPAGKAT, ang bayan ng Cavinti, Laguna ay patuloy ng nakikilala sa


pagkakaroon ng mga magagandang tanawin at likas-yaman, na isa sa
magandang paraan upang mapataas ang antas ng industriyang
pangkabuhayan, agrikultura at panturismo, na magdadala sa mabilis na
pagsulong at pag-unlad ng bayan;

SAPAGKAT, ang Cavinti Underground River and Cave Complex


(CURCC) na matatagpuan sa bayan ng Cavinti, Laguna ay isa sa mga dindayo
ng maraming turista na kapwa Pilipino at mga dayuhan, na nangangailangan ng
maayos at sementadong daan upang mabilis na marating mga turistang
nagnanais na magtungo sa lugar;

Page 1 of 2
Kapasiyahan 041-2019
DAHIL DITO, pangmadlang kagalingan at kapakinabangan na maitaas
ang antas ng industriyang pangturismo at pangkabuhayan ang
pinahahalagahan, sa mungkahi ni Kagawad Rosemarie F. Esperanza na
pinangalwahan atbuong pagkakaisang sinang-ayunan ng lahat

IPINASIYA, gaya nang ngayon ay ginagawang pagpapasiya, na


mapitagang HILINGIN KAY KGG. VICENTE “TITO” CASTELO SOTO III,
SENADOR NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, NG TULONG PINANSYAL NA
MAY HALAGANG PITUMPO’T WALONG MILYONG PISO (₱78,000,000.00)
UPANG IUKOL SA PAGPAPASEMENTO NG KALSADA SA SITIO CALMINUE,
BARANGAY CANSUSO PATUNGO SA CAVINTI UNDERGROUND RIVER
AND CAVE COMPLEX (CURCC), CAVINTI, LAGUNA.

IPINASIYA PA RIN, na padalhan ng sipi ng kapasiyahang ito, ang


tanggapan ni Kay Kgg. Vicente “Tito” Castelo Soto Iii, Senador Ng Republika
Ng Pilipinas, Batasang Pambansa, Quezon City, para sa kanyang maagang
kaalaman at mabilis na pagtugon sa kahilingang ito;

PINAGTIBAY. SETYEMBRE 30, 2019.

PINATUTUNAYAN KO na ang kapasiyahang ito ay halaw sa katitikan ng


ika-13 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Cavinti, Laguna
(2019-2022), na ginanap noong ika-30 ng Setyembre , 2019.

NITZSHELL TORRES DELA TORRE


Kalihim ng Sangguniang Bayan

MAY KINALAMAN:

VM ARRANTLEE R. ARROYO
Pangalawang Punumbayan/Nangungulong Pinuno

PINAGTITIBAY:

KGG. MILBERT L. OLIVEROS


Punumbayan

Page 2 of 2
Kapasiyahan 041-2019

You might also like