You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Laguna

BAYAN NG CAVINTI

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BAYAN

HALAW SA KATITIKAN NG IKA- 119 NA PANGKARANIWANG PULONG NG


17TH SANGGUNIANG BAYAN (2019-2022) NG CAVINTI LAGUNA, NA
GINANAP NOONG IKA - 2 NG MAYO 2022, SA BULWAGAN NG
SANGGUNIANG BAYAN

MGA DUMALO: Kgg. ARRANTLEE R. ARROYO, Pang.Punumbayan;


Kgg. Elma P. Flores, Kagawad;
Kgg. Ulysses R. Bituin, Kagawad;
Kgg. Anita C. Baeyens, Kagawad;
Kgg. Pedro O. Villegas, Jr., Kagawad;
Kgg. Crispin D. Sanchez, Kagawad;
Kgg. Marlon F. Villanueva, Kagawad;
Kgg. Rosemarie F. Esperanza, Kagawad; at
Kgg. Adrian O. Lope, SKF- President;

HINDI DUMALO: Kgg. Jimmy Jose V. Oliveros, Kagawad;


Kgg. Manuel A. Dela Roca, ABC-President;
(Mga nasa Opisyal na Lakad)

KAPASIYAHAN BLG. 324 - 2022

PINAGTITIBAY AT BINIGYAN NG GANAP NA PAGKILALA ANG CAVINTI


TRICYCLE OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION (CATODA) BILANG
ISANG “SAMAHANG DI-PAMPAMAHALAAN” DITO SA CAVINTI, LAGUNA.

SAPAGKAT, isinasaad sa Seksyon 35 ng Batas ng Republika Blg.7160,


na ang yunit ng Pamahalaang Lokal ay maaaring pumasok sa
pakikipagsapalaran at iba pang katulad ng kooperatiba at iba pang pakikipagayos
na pangmamamayan at ng hindi pampamahalaang organisasyon na gagamitin
ang panahon sa pagpapabatid ng mga tiyakin, pangunahing paglilingkod,
proyektong pangkabuhayan at makabuo ng kakayahan at paunlarin ang mga
lokal na gawing panghanabuhay na binabalangkas, upang mapagbuti ang
produksyon at kita, pasiglahin ang industriyalisadong pagbubukid, itaguyod at
ilaan ang balanseng ekolohiya at payabungin ang pangkabuhayan at
panlipunang kagalingan ng mga mamamayan;

SAPAGKAT, maganda ang hangarin at layunin ng samahan na


makatulong sa pangkaunlarang kalagayan ng ating bayan;

DAHIL DITO, matapoos ang masusing talakayan sa paksa, kaunlaran at


kapakinabangan ng mga mamamayan ang pinahahalagahan, sa mungkahi ni
Kagawad Pedro O. Villegas, Jr., na buong pagkakaisang sinang-ayunan ng lahat
ng miyembro ng Sangguniang Bayan, ay

Page 1 of 2
Kapasiyahan Blg. 324-2022
IPINASIYA, gaya nang dito ay pinagpapasiyahan na PAGTIBAYIN at
BINIBIGYAN NG GANAP NA PAGKILALA ANG CAVINTI TRICYCLE
OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION (CATODA) BILANG ISANG
SAMAHANG DI-PAMPAMAHALAAN DITO SA BAYAN NG CAVINTI, LAGUNA.

IPINASIYA PA RIN, na padalhan ng sipi ng kapasiyahang ito, ang


Samahan, Tanggapan at mga ahensiya na may kinalaman dito, para sa kanilang
kaalaman, gaya at kaukulang tala.

PINAGTIBAY.

PINATUTUNAYAN KO na ang kapasiyahang ito ay halaw sa katitikan ng


ika- 119 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Cavinti, Laguna,
na ginanap noong ika-2 ng Mayo 2022.

NITZSHELL TORRES – DELA TORRE


Kalihim ng Sangguniang Bayan

MAY KINALAMAN:

ARRANTLEE R. ARROYO
Pangalawang Punumbayan

PINAGTITIBAY:

MILBERT L. OLIVEROS
Punumbayan

Page 2 of 2
Kapasiyahan Blg. 324-2022

You might also like