You are on page 1of 13

JMJ

CONGREGATION OF DOMINICAN SISTERS OF ST. CATHERINE SIENA


NOTRE DAME-SIENA COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
NLSA ROAD EXT., PUROK MASAGANA, SAN ISIDRO, GENERAL SANTOS CITY
SY: 2020-2021

PORTPOLYO SA FILIPINO SA
PILING LARANGAN

MGA URI NG AKADEMIKONG SULATIN

Ipinasa ni:
Solana, Jenesis Victory R.

Ipinasa kay:
Bb. Kylene Celeste

DISYEMBRE 2020
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Title Page 1
Talaan ng Nilalaman 2
Layunin ng Akademikong Sulatin 3-4
Mga Uri ng Akademikong Sulatin 5-11
LAYUNIN NG AKADEMIKONG SULANIN

ABSTRAK

- Ang kahulugan ng abstrak ay paglalahad ng problema o suliranin, metolohiya, at


resulta ng pananaliksik na isinagawa. Dito rin nakasaad ang konklusyon at
rekomendasyon ng pananaliksik. Ang abstrak ay isang maikling buod ng isang artikulo,
ulat, pag-aaral, at pananaliksik na makikita bago ang introduksiyon. Nakasulat dito ang
mahahalagang bahagi.

SINOPSIS O BUOD

- Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit samga akdang
nasa tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at
iba pang anyo ng panitikan. Maaari rin itong mabuo sa pamamagitan ng isa o higit o
maging ilang pangungusap lamang. Mahalaga nagamitin ang sariling salita sa
pagsusulat ng synopsis.

KATITIKAN NG PULONG

- Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong . Isinusulat dito ang


tinatalakay sa pagpupulong ng bahagi ng adyenda. Nakasulat din kung sino-sino ang
dumalo, anong oras nagsimula at nagwakas ang pagpupulong gayundin ang lugar na
pinagganapan nito. Ito ang nagsisilbing tala ng isang malaking organisasyon upang
maging batayan at sanggunian ng mga bagay na tinalakay.

POSISYONG PAPEL

- Ang posisyong papel ay isang sanaysay na naglalahadng opinyon hinggil sa


isangusapin, karaniwan ng awtor o ng isang tiyak na entidadtulad ng isang
partidongpolitikal.Ang mgaposisyong papel ay inilalathala sa akademya, sa politikal, at
sa batas.

PANUKULANG PROYEKTO

- Ang kahulugan ng Panukalang Proyekto ay isang dokumento na ginagamit upang


kumbinsihin ang isang sponsor na ang isang proyekto ay kailangang gawin upang
malutas ang isang partikular na problema sa negosyo o oportunidad. Inilalarawan nito
nang malalim, kung paano ang proyekto magsisimula.
LAKBAY SANAYSAY

- Ang Lakbay Sanaysay o Travel Essay sa wikang Ingles ay sanaysay na ang


pinanggagalingan ng mga ideya nito ay mula sa pinuntahang lugar, hindi lamang ang
lugar ang tinatampok dito pati na rin ang mga kultura, tradisyon, pamumuhay, uri ng
mga tao, damdamin ng isang taong nakaranas pumunta sa partikular na lugar at lahat
ng aspektong natuklasan ng isang manlalakbay.
MGA HALIMBAWA NG AKADEMIKONG SULATIN

ABSTRAK

ANG BUHAY AT MGA KARANASAN NG MGA KAMAG-ANAK NG ISANG TAONG


MAY SAKIT NA ALZHEIMER

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman ang buhay at mga


karanasan ng kamag- anak ng isang taong na diagnosed sa sakit na Alzheimer. Upang
suriin ang ibat- ibang pinagdaan pagdating sa pakikitungo at pakikipaghalubilo sa
pasyente. At upang maintindihan ang hamon na kanilang hinarap sa usapin ng
pagbibigay ng gamot at tulong sa medikal na pang-pinansyal. . Sa pangkalahatan,
hinahangad ng mga mananaliksik na masagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Sa papaanong paraan nakikitungo ang mga kamag-anak sa taong may


sakit na Alzheimer?

2. Ano ang mga pagsubok na hinarap ng mga kamag-anak sa pag aalaga ng


taong may sakit na Alzheimer sa mga tuntunin ng:

2.1 Pisikal;

2.2 Emosyonal;

2.3 Social; at

2.4 Pinansyal na aspeto?

3. Paano nila nakayanan ang mga hamon sa pakikipaghalubilo sa kamag-


anak na may sakit na Alzheimer?

Ang sinabing pananaliksik ay sumailalim sa qualitative method, kung saan ang


mga respondente ay nagkaroon ng panayam sa mga mananaliksik. Ang bilang ng mga
respondente ay apat (4) na mga taong kamag- anak ng taong na diagnosed sa sakit na
Alzheimer.
SINOPSIS O BUOD

Ang Mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae: Buod

Noong unang, panahon may isang matandang babae na may magandang hardin
ng mga bulaklak sa tabing lawa. Malapit ang matandang babae mangingisdang
naninirahan sa kalapit baryo. Madalas na bumibisita ng mga mangingisda at ang kani-
kanilang pamilya sa matandang babae upang magbigay ng isda kapalit ng ilang
magaganda at mababangong bulaklak mula sa hardin.

Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong angking kapangyarihan ang


matandang babae dahil palaging nagliliwanag ang kapaligiran na may kasamang
magandang babae at duwendeng tumutulong sa pag-aalaga ng tanim. Sinubukan
nilang tanungin ang matanda ngunut sinabi ng matanda na wala siyang kasama.

Isang araw ay may isang mag asawang bumisita sa baryo at nakita nila ang
magandang hardin . Pumasok sila at pumitas ng bulaklak ng walang pahintulot. Nakita
sila ng matanda at pinakiusapang umalis ngunit pinagkatuwaan lamang dahil sa pangit
nitong anyo.

Dahil sa kalaspatangan ng dalawa, ginawa silang magandang kulisap. Noon diin


ay nagbago ang anyo ng dalawa naging paru-paro at nakita lamang ng taumbayan na
may kakaibang kulisap na umaaligid sa mga bulaklak.
KATITIKAN NG PULONG

DADIANGAS HEIGHTS ELEMENTARY SCOOL

GENERAL SANTOS CITY

Layunin:

Oras/Petsa: Nobyembre 21, 2020 sa ganap na ika- 10:00 ng umaga

Tagapakuna: Gg. Rex A. Arellano

Bilang ng mga dumalo:

Mga Dumalo: Gng. Jchariss Mae Gamalo, Gng. Sheng Escobar, Gng. Rose Sison

Dubos, Gng. Grace Acharon-Gonzales, G. John Rey Espinosa Rocha,

Gng. Diosyfel Divera, Gng. Cha Sudaria, Gng. Pam Oftana Dayondon.

Mga Liban:

I. Call to order
Sa ganap na 10:00 ng umaga ay pinasimulan ni G. John Rey
Espinosa Rocha ang pulong sa pamamagitan ng pagtawag ng
atensyon ng lahat.
II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Gng. Pam Oftana Dayondon
III. Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa na dumalo ay malugod na tinanggap ni Gg. Rex A.
Arellano bilang tagapakuna ng pulong at punong- guro ng
paaralang Dadiangas Heights Elementary School

IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikang Pulong

Ang nagdaang katikan ng pulong na ginawa noong Oktubre 11,


2019 ay binasa ni Gng. Jchariss Mae Gamalo. Ang mosyon ng
pagpapatibay ay pinangunahan ni Gng. Sheng Escobar at ito ay
sinang-ayunan ni Gng. Rose Sison Dubos.

V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong


Ang susunod ay ang mga adyenda sa paksang tinalakay sa
pagpupulong.

PAKSA TATALAKAYIN AKSIYON

SULIRANIN
POSISYONG PAPEL
PANUKULANG PROYEKTO

Mula kay Jenesis Victory R.Solana

Block 7 Morales Subdivision

Barangay Heights

General Santos City

Ika- 20 ng Nobyembre 2020

Haba ng panahong gugugulin: Humigit kumulang tatlong (2) taon at anim (6) na
buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ito ay isang proposal para sa 40 poste ng ilaw para sa aming


barangay,Barangay Constancia sa San Lorenzo. Ang 40 poste ng ilaw na ito ay itatayo
sa kalsadang nasabing barangay lalo na sa mga madidilim na lugar na kadalasan
aypinangyayarihan ng aksidente at krimen at upang maging ligtas ang mga tao
sabarangay at magabayan ang mga motorista na dumadaan sa lugar na ito lalo na
kung may emergency

II. Layunin

Ipinapanukala ang pagbili at pagpapatayo ng mga poste ng ilaw na magagamitng


barangay upang mabawasan ang bilang ng aksidente sa mga motorista, angkaligtasan
ng mga gumagamit ng kalsada ay may kasiguraduhan, at maraming mgaturista ang
makakagamit ng kalsada sa Barangay Constancia.

III. Plano na Dapat Gawin

 Pag-apruba ng Badyet
 Pag Sarbey ng Lugar
 Paggawa ng Plano kasama ang mga Inhinye
 Pag-Bidding
 Paghahanap ng mga Kinakailangang Tao para sa Proyekto
 Pagtatayo ng mga Poste ng Ilaw
 Paggamit at Pagsusuri kung Maayos ang mga Ito
LAKBAY SANAYSAY

Bohol Island Province of The Philippines: Lakbay Sanaysay

ni Jenesis Victory R. Solana

Sa bawat araw na lumilipas, pa lagi kong iniisip kung ano ang mga memorya na
naranasan ko sa aking buhay. Bunga ito ng pagpapahalaga ko sa mga pamilya ko . Ang
paglalakbay ang daan upang magkaroon ng pakikipag-ugnayan ng mga miyembro ng
isang pamilya . Ang memorya importante sa buhay dahil ito ay parang simbolo ng
pagsulong sa buhay. Sa dinami dami ng mga nalakbay ko na tanawin sa buhay ko .
Ang paglalakbay na kasama ko ang aking pamilya sa bohol ay isa sa mga alaalang
hindi ko makakalimutan. Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar
na may iba’t ibang tanawin.

Isa sa napuntahan ko na hinding hindi ko makakalimutan ay ang Bohol dahil


bukod sa maganda nitong tanawin ay kasama ko ang buong pamilya. Ang Bohol ay isa
sa mga sikat na lugar dito sa Pilipinas na dinadayo ng maraming turista mapa-Filipino
man o turista nagaling pa sa ibang bansa. Kinikilala ang Bohol dahil sa iba’t-ibang uri ng
magagandang tanawin na nakapalibot nito. Sa kagandahan ng Bohol, isa sa mga
magagandang tanawin nito ay kasali sa “Seven wonders of the world” ang pitong
magagandang tanawin na makikita sa buong mundo. Nabighani ako sa angking ganda
ng Bohol lalo na sa burol na mayroon ito na tinatawag na “Chocolate Hills”. Ang
eskulptura ng Blood Compact, Man-made forest sa Bilar, Hinagdanan Cave, Loboc-
Loay River Cruise, Hangig Bridge, Sagbayan Peak at ang pinakamatandang simbahan
sa buong mundo ang La Purisima Concepcion de la Virgen Maria Parish Church o
Baclayon Church ay ilan lamang sa mga napuntahan kong lugar na makikita sa bohol.

Sa aming paglalakbay ay napatunayan at nadiskubre kong napakaganda ng


Bohol at isa sa mga lugar ng Pilipinas na maaaring ipagmalaki dahil sa kagandahan ng
mga tanawin nito. Sa pangalawang pagkakataon ay nabisita ko ulit ang Bohol at labis
na tuwa ang aking naramdaman dahil nakakapagbigay ng satispakyon ang lugar na ito
sa mga turista.

You might also like