You are on page 1of 28

DANCING FOUNTAIN SA VIGAN: HATAK TURISTA

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Senior High School ng

Divine Word College of Vigan.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bahaging kailangan sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino.

JOHN PATRICK JAVIER QUISQUIRIN


SERTIPIKASYON

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang DANCING FOUNTAIN SA VIGAN: HATAK

TURISTA na iniharap JOHN PATRICK JAVIER QUISQUIRIN, bilang bahaging

kailangan sa pagtatapos ng asignaturang komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang

pilipino ay sinuri at iminungkahi at tanggapin sa pasalating pagtatagol.

__________________________

GNG. ARLENE P. PAGAY

Tagapayo
DAHON NG PAGTITIBAY

Pinagtibay ng mga lupong ng mga tagasuri na ang grado ay pasado/hindi pasado.

GNG. FLORA NAVARRO

Tagapangulo

___________________________ ___________________________

G. DANNY MAR FRIO GNG. ARLENE P. PAGAY

Kasapi Kasapi

Tinanggap bilang Bahaging kailangan sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino.

_________________________________

GNG. MIRIAM A. TABUR,MAEd

SHS, Coordinator

_________________________________

G. ANTONIO C. PRADO, MAEd

SHS,Prinsipal
PASASALAMAT

Ang mananaliksik ay taos pusong inaabot ang kanyang pasasalamat sa mga taong tumulong,

nagkontribusyon, at nagbigay suporta sa reyalisasyon ng pamanahong papel na ito.

Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang niya sa mga sumusunod:

Sa pamilya ng mananaliksik na walang sawang sumusuporta, tumutulong sa kanyang pangangailangan at

gumagabay upang makamit ang pangarap at sa mga problema na hinaharap bilang isang estudyante.

Kay Gng. Arlene Pagay, ang kanyang matiyagan guro na nagbigay ng pagkakataon na gumawa ng

pananaliksik na ito at sumoporta sakanya upang lubas na maintindihan ang asignatura.

Sa paaralang Divine Word College of Vigan na isa sa mga susi na mas lalong makamit ang ipinagdadasal

na pangarap.

Sa mga tagatugon sa mga talatanungan, nagbigay nang mga impormasyon o datos na kailangan sa pag-aaral

na ito.

Sa mga kapwa estudyante, na nagbahagi ng kanilang kaalaman o ideya tungkol sa titulo at tumulong sa

mananaliksik upang matapos ang pag-aaral na ito.

At higit sa lahat, sa ating Poong Maykapal na patuloy na gumagabay at nagbibigay kaalaman, kalakasan at

mabuting kalusugan para matapos ang pananaliksik na ito.

J.P.J.Q
PAGHAHANDOG

Buong puso hinahandog ng mananaliksik ang pag-aaral na ito sa mga taong tumulong, gumabay

at naging bahagit inspirasyon upang matagumpay na maisagawa ang pananaliksik na ito.

Sa mga magulang ng mananaliksik, na walang sawang umuunawa at sumusuporta sa pag-aral, na

nagbigay ng pagganyak at inspirasyon upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito at isa itong

regalo para sakanila para maipakita ang maliit na tagumpay at kakayahan ng mananaliksik.

Sa kanyang mga kaibigan

Mga kamag aral,

Kaeskwela ,

Sa mga susunod na gagamit ng proyektong ito ,

At higit sa lahat,

Sa poong Maykapal

na siyang nagbigay ng katatagan, lakas, patnubay at walang hanggang biyaya upang maayos na

maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

J.P.J.Q
ABSTRAK

Ang unang ginawa nang mananaliksik ay ang pagpili ng paksa. Ang pag-aaral na ito ay

nakatuon sa Dancing Fountain: Hatak sa turista. Ito ay nakabatay sa kwalitatibong disenyo

ng pananaliksik. Pangalawa ay ang pagbuo ng mga katanungan para sa sarbey. Sa pag-aaral na ito

naglalayong na malaman ang mga sumusunod na tiyak na talatanungan: (1)Ilarawan ang Dancing

Fountain?, (2)Kung is aka sa Turista na pupunta dito sa Vigan, dadalawin mo ba ang dancing

Fountain? Pangatwiran, (3)Ano sa tingin mo, dumami ba ang Turista dito sa Vigan simula noong

naipatayo ito ang Dancing Fountain?(4) Ano ang iyong maimumungkahi para sa ikagaganda ng

Dancing Fountain. Pangatwiran. Pangatlo, ibinigay nang mananaliksik ang mga katanungan sa

mga 20 katao bilang kanyang respondante sa pag-aaral. Matapos ang sarbey ay nakapag buo na ng

kaligiran ng pag-aral ang mananaliksik. Ito ay pinag-aralan sa kanilang likas na kapaligiran.

Ipinaliwanag ang mga suliranin ayon sa obserbasyon, pananaw at pag-aaral sa mga salitang

binanggit ng mga respondent. Ang pag-aaral na ito na naglalayong Tuklasin ang bisa o hatak

ng Dancing Fountain sa pagdagsa ng Turista sa Siyudad ng Vigan.


TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat` i

Sertipikasyon ii

Dahon ng Pagtitibay iii

Pasasalamat iv

Paghahandog v

Abstrak vi

Kaligiran ng pag-aaral 1

Mahahalagang tanong

Kahalagahan ng pag-aaral

Batayang Teorikal o Konseptuwal

Kaugnay na Pag-aaral

Saklaw at Limitasyon

Depinisyon ng Termino

Disenyo o Metodolohiya

Metodo

Presentasyon at Interpretasyon

Lagom

Kongklusyon

RekomendasyoN
A. Kaligiran ng Pag-aaral

Sa ating mundo, Maraming Lugar na magaganda at makasaysayan ang pwede mapuntahan

ng kahit sinoman. Bawat bansa ay mayroong ipinagmamalaking lugar. Isa na rito ang ating

Bansang Pilipinas. Maraming mga magagandang tanawin at lugar ang pwedeng puntahan ng

kahit sinoman sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay mayroong labingpito (17) na rehiyon, at sa bawat

rehiyon na ito ay mayroong "Tourist Spots" o sa tagalog, Mga lugar na kung saan madalas

dinadayo ng mga Turista o mga manlalakbay. Isa na rito ang Lungsod ng Vigan na

ipinagmamalaki ng bansang Pilipinas. Ang Vigan ay matatagpuan sa Rehiyon ng Ilocos

(Rehiyon I) sa hilangang kanlurang bahagi ng baybaying lalawigan ng Ilocos Sur. Ang lungsod

na ito ay kilala dahil sa makasaysayang mga bahay at mga gusali na may pinaghalong

impluwensyang disenyo ng Asyano at Europeo. Ito ay tinaguriang "best preserved Spanish

colonial town". Kapag ito'y nilakbay mo, para ka na ring naglalakbay sa panahon ng sinakop ng

mga Kastila ang Pilipinas. Kamangha-mangha ang pag-aalaga nila dito dahil napapanatili nila

ang kalumaan at kasaysayan ng lugar na ito. Ito ay natatanging "World Heritage City" sa

Pilipinas base sa UNESCO World Heritage list of Sites and Monuments noong December 2,

1999. Ito ay kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo dahil ito ay napasama sa

titulong "7 Wonders of the World" at sa kasalukuyan ito ay kasama sa "New 7 Wonders Cities.

Ang Lungsod ng Vigan ay dating Isla na napapalibutan ng Ilog Abra, Ilog Govantez at

Ilog Meztizo na umiikot sa paligid nito. Ang pangalan ng lungsod na ito ay nagmula at nakuha sa

pangalan ng isang uri ng halaman na tinatawag na "Biga-a" na tumutubo sa pampang ng mga

Ilog dito at kadalasang nakikita sa mga ilog dito noon. Ang Halamang "Biga-a" ay kauri/kalahi
ng isa ring uri ng halaman na "Gabi". Nakuha ang pangalang Vigan dahil sa isang kuwento

o anekdota na galing pa sa mga nakalipas na henerasyon, na meron daw isang Kastila na may

nakasalubong na isang katutubo at tinanong niya dito kung ano ang pangalan ng lugar, ngunit

hindi ito maintindihan ng isang katutubo ang kanyang sinabi at sa kanyang pag-aakala na ang

tinatanong ng kastila ay ang halamang Biga-a, at sumagot ang isang katutubo sa salitang Ilocano

na "Biga-a Apo". Ngunit hindi ito masabi ng isang Kastila, kaya naging Vigan ang pangalan ng

Lungsod na ito.

Bago pa man ang pagdating ng mga Kastila sa ating bansa, Ang lungsod ng Vigan ay kilala

na bilang isang Pook-pangkalakalan o Sentro ng kalakalan sa pagitan ng ating mga Katutubo at

mga dayuhang Intsik na sakay ng kani-kanilang barko na bumabagtas sa Ilog Meztizo upang

makipagpalitan ng mga kanilang produkto na katulad ng mga "exotic goods" na galing sa kaharian

ng Asya, para sa mga ginto, silk, beeswax at iba pang produkto na galing naman sa bundok ng

Cordillera. Ang mga dayuhan na karamihan ay mga Instik ay nanirahan at nanatili doon at

nakapag-asawa ng mga katutubo at doon nagsimula ang "multi-cultural" na lahi ng mga

Biguenyo.

Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, nang matapos si Don Juan de Salcedo na kilalang

mananakop na Espaol sa matagumpay niyang paglalakbay at pagtuklas sa

Norte, ginantimpalaan siya ng hari ng espaya para sa kanyang paglilingkod. Ibinigay at

ipinagkaloob sa kanya ang lumang lalawigan ng Ylocos bilang kanyang encomienda. Nang siya

ay encomiendero na at Justicia Mayor ng Ilocos, ay nagbalik siya sa Vigan na una niyang


natuklasan noong Hunyo 12, 1572. Maiinit at Malugod ang pagsalubong sa kanya ng mga katutubo

roon dahil sa naging mabuting pagtrato sa kanila ni Don Juan de Salcedo noon. Ginawa niyang

Kapital ang Vigan ng buong Ylocos na noon ay binubuo ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra, La

Union at ilang bahagi ng Mountain Province. Noong Enero 1574, nagsama siya ng mga

misyonerong Agostino upang mangaral tungkol sa Ebanghelyo at itinatag niya ang Vigan bilang

isang Kastilang lungsod upang mangibabaw sa mga kalapit-bansa ng Pilipinas.

Atin Namang Alamin ang mga Mga pamana at makasaysayang lugar Sa Vigan.

CALLE CRISOLOGO

Ang Calle Crisologo o Kalye Mena Crisologo sa Meztizo District ay isa sa

pinakamahalaga at pinaka pangunahing lugar sa Vigan. Ang pinaka mahalaga at pinaka

pangunahing lugar sa Vigan. Ito ay dinarayo ng maraming Turista.

Sa Calle Crisollogo ng Vigan ay naroon ang humigit-kumulang sa 150 na bahay na bato.

Makikita sa mga ito ang husay at galing ng mga artisanong Filipino bago pa dumating ang panahon

ng modernong materyales, kagamitan at teknolohiya sa pagtatayo ng gusali. Angmga bahay na

bato lamang ang nakatatagal sa lindol at bagyo na madalas tumatama sa rehiyon ng Ilocos. Yari

ang bubong nito sa Tisa at yari naman sa kahoy ang ikalawang palapag at ang sahig nito. Marami

sa mga ito ay nasa maayos pang kalagayan at ang ilan ay ginawang mga Hotel, museo, tindahan

ng mga souvenir, kainan o bar.

ST. PAUL METROPOLITAN CATHEDRAL


Ang St. Paul Metropolitan Cathedral na ipinatayo ng mga prayleng Agostino at

nakumpleto noong 1790 ay ginamitan ng katangi-tangi lamang sa mga Ilokano na estilong

Earthquake Baroque dahil sa mga lindol na naranasan noon sa Ilocos at may disenyong paulit-ulit

na ginamit sa kabuuan na istilong Neo-Gothic at Romanesque. Sa Plaza Burgos matatagpuan ito,

ang kampanaryo (mahigit isang dantaon nang naitayo) nito at ang bahagi ng Seminaryo ng Vigan

na hindi tinupok ng apoy. Ang loob ng simbahan ay may tatlong nabe (nave), labindalawang (12)

altar at isang choir loft. Ang Impluwensya ng tsino ay makikita sa altar sa baptistry, sa pinanday

na tansong communion handrail, sa dalawang asong Fu sa labas lamang ng katedral at sa

hugisoctagon ng pinakaulo (dome) ng katedral.

MUSEO CRISOLOGO

Nasa pangangasiwa ng Pambansang Museo ang Museo Crisologo ng Vigan na nag-iingat

ng memorabilia ng yumaong Kongresista Floro Crisologo at ng mga orihinal na kagamitang dating

nakikita sa mga Bahay sa Vigan

MUSEO NUEVA SEGOVIA

Nasa loob ng Palasyo ng Arsobispo ang Museo Nueva Segovia na may koleksyon ng mga

mamahaling antigong kagamitang pansimbahan at relikya mula sa mga simbahan sa rehiyon ng

Ilocos. Ilan sa mga ito ay ang mga larawan ng mga sinaunang obispo, mga imaheng kahoy ng mga

santo, mga kasuotan ng pari at obispo at isang sambahang pilak na ginagamit hanggang ngayon

tuwing Semana Santa. Naroon din ang artsibo ng arkidiyosesis at ang throne room. Ang Palasyo

(Arzobizpado) ang nagsilbing punong-himpilan ni Heneral Emilio Aguinaldo noong 1889.


MUSEO SAN PABLO

Makikita sa silangang bahagi ng katedral ang Museo San Pablo. Mga kagamitang

pangrelihiyon, mga materyales sa paggawa ng mga Bahay sa Vigan at mga larawan ng Vigan

noong ika-19 na siglo ang makikita rito.

(https://kagandahanngvigangroup3.blogspot.com/2016/01/kagandahan-ng-vigan.html)

Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang mga magagandang lugar na maaaring dalawin sa

syudad ng Vigan. Kasama sa mga bagong atraksyon na talaga namang nanghahatak ng turista ay

ang dancing fountain na siyang matatagpuan sa plaza salcedo. Ito noon ay isang lumang lagoon

na wala nang pumapansin at itoy dinadaan daanan nalang ng mga tao, ngunit noong mga

nagdaang taon ay itoy na-renovate upang gawing dancing fountain na siyang kinahuhumalingan

ngayon ng mga turista.

Ang dancing fountain ay libre lang at walang entrance fee kaya naman maraming turista

at pati na rin ang mga nakatira sa lungsod ng nanunuod kayat mas maiigi kung maaga palang ay

nandoon na sa plaza. Tuwing weekdays ay isang beses lang itong naipapalabas ngunit pag

weekends naman ay dalawang beses. Itoy nagsisimula ng 7:30 hanggang 8:30 ng gabi, at kung

sa pangalawang palabas naman ay nagsisimula ng 8:30 hanggang 9:30. May ibat ibang kulay

din ng laser beams na siyang nakadagdag sa kagandahan ng palabas.


Malaking tulong ito sa paglago ng turismo sa lugar. Dahil din sa mga bagong atraksyon

sa Vigan ay mas umangat ang pangalan ng bayan at siya ring dahilan ng pagkasali sa New 7

Wonder Cities.

B. Mahahalagang Tanong

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang bisa ng Dancing Fountain sa

paghatak/ pagdami ng mga turista sa Vigan.

Ito ay naglalayong bigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anong dahilan ang pagpunta mo sa dancing fountain?

2. Ano ano ang mga patunay na ang dancing fountain ay nagaanyaya sa pagdagsa ng

mga turista sa bansa?

3. Ano ang iyong may mumungkahi para sa ikagaganda ng dancing fountain?

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may layuning ipaalam kung gaano kalakas ang hatak ng dancing

fountain sa mga turista na maglalayong magbakasyon sa Siyudad ng Vigan.

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na kagaya ko upang magkaroon sila ng ideya

kung gaano kahalaga ang pagpapanatili ng kagandahan ng dancing fountain upang magtuloy-

tuloy ang pag-angat ng turismo saa lungsod.


Ito rin ay mahalaga sa mga mamamayan sa Vigan dahil na rin sa kadahilanang

nakatutulong rin ang mga mamamayan upang makatulong rin sila sa pagpreserba sa kagandahan

at kalinisan ng dancing fountain.

Ito rin ay importante sa pamahalaan ng vigan sapagkat ito ay ngbibigay ng magandang imahe sa

ating siyudad. Sa tulong nito ay mas lumalago ang turismo ng Vigan na siya namang

pinakikinabangan ng pamahalaan at ng mga mamayan nito.

Sa mga Mag-aaral- Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa mga mag-aaral dahil

madaragdagan ang kanilang kaalaman, mapagsisikapan pa nila ang kanilang pag-aaral.

Makatutulong sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan at upang mabigyan nila ng halaga ang

Dancing Fountain sa Siyudad ng Vigan.

Sa mga Guro- Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga guro na madagdagan ang abilidad

nila sa pagtuturo. Mapapataas ang kalidad ng edukasyon at mahahasa sila sa paraan ng kanilang

pagtuturo. Makatulong rin ito sa pagbibigay kasagutan sa mga katanungang naglalaro sa isipan ng

mga estudyante.

Pamahalaan- Malaki ang maiaambag ng resulta ng pag-aaral na ito sa pamahalaan dahil

malalaman nila kung ano ang magiging resulta o bunga ng paksa. Bukod dito, mas mapag-aralan

nila kung ano pa ang ikauunlad at ikagaganda ng Dancing Fountain. Nakapag-aambag din ito sa

turismo ng Siyudad.

D. Balangkas Konseptuwal

INPUT OUTPUT
Socio-Demographic Profile PROCESS Dancing Fountain: Hatak sa
ng mga Respondent Turista
Survey at
Pangalan 1. Ano ang masasabi
Pakikipanayam
mo sa pisikal na anyo ng
Edad Dancing Fountain at bakit?
Larawan I

Paradim Ng Pag-aaral

Makikita sa ilustrasyon sa itaas ang batayan o direksyon ng pananaliksik na ito. Sa unang

kahon makikita ang sosyo demographic profile ng mga respondent na nakalimit sa pangalan,

edad, kasarian, kapanganakan, tirahan, edukasyon at hanapbuhay. Samantalang ang susunod na

kahon ay makikita angg prosesong gagamitin para sa pangangalap ng bagong datos at

impormasyon para sa ikatatagumpay ng pagaaral na ito

E. Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus at limitado ito sa bisa ng dancing fountain sa

paghatak ng mga turista sa Vigan.


Ang pagaaral na ito ay may layuning tuklasin ang bisa ng o hatak ng dancing fountain sa

pagdagsa ng turista sa syudad ng Viga, ay binuo ng 20 respondent kung saan kinabibilangan ng

10 na lalake at 10 na babae. Ang mga respondent ay nagmula sa ibat ibang lugar sa Ilocos Sur

ngunit pawing bumisita o pumupunta sa Dancing Fountain matapos matayo ito.

Ang pagaaral ay umiikot sa katanungang nasa ibaba:

1. Ano ang masasabi mo sa pisikal na anyo ng Dancing Fountain at bakit?

2. Masasabi mo ba na dumami ang turista sa syudad ng Vigan, simula noong ipinatayo

and Dancing Fountain?

3. Ano ang iyong maimumungkahi para sa ikauunlad at ikagaganda ng Dancing

Fountain?

Ang pananaliksik na ito ay sinimulan noong Agosto 2016 at natapos noong unang Linggo

ng Pebrero 2017.

F. Depinisyon ng mga Termino

Ang mga sumusunod ang karpus ng mahahalagang terminong pananaliksik:

Awit kanta, himig

Banyaga dayuhan, taga ibang bansa

Bigaa - isang uri ng halaman na na tumutubo at nakikita sa pampang ng mga Ilog.


Dagsa- pananagana, pagkakatusak, bugsong dating ng marami.

Dancing Fountain- isang uri ng fountain na nabibigyang buhay sa pamamagitan ng pag

gamit ng ibat ibang ilaw na lumilikha ng isang aesthetic disenyo (kabilang ang tatlong-

dimensional imahe) upang magbigay aliw sa mga manonood.

Encomienda sa pananaliksik na ito, ibig sabihin ay pamana ng isang hari sa kanyang

anak.

Hatak Hila

Kastila- tawag sa mga taong taga-Espanya; wika o salita ng mga taga-Espanya

Katutubo likas, sibol o ipina nganak sa gayong pook, bayan, atb.

Lagoon- danaw

Misyonero - tagapaghatid ng salita ng Diyos

Mungkahi Palagay

Pakinabang benepisyo

Plasa Salcedo - Ang Plasa Salcedo ay pinangalan sa pangalan ng isang Spanish Conqueror

na si Juan de Salcedo.

Reputasyon may pangalan, may kabantugan, pagkilala ng madla

Siyudad- ay isang pook na may makapal na populasyon

Turismo- isang akto ng paglalakbay para sa layunin ng rekreasyon


Turista - Tinatawag na turista ang sinumang naglalakbay ng 50 milya (80.5 kilometro) na

layo mula sa kanyang tirahan.

UNESCO - United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization, hinihikayat

ng internasyonal na kapayapaan at unibersal na paggalang sa mga karapatang pantao sa

pamamagitan ng pagtataguyod ng pakikipagtulungan sa mga bansa.

Vigan - Ang Lungsod ng Vigan ay isang lungsod sa lalawigan ng Ilocos Sur, Pilipinas.

Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 47,246 katao sa mga kabahayan.

Dito mo rin mahahanap ang Century Old Houses.

G. Kaugnay na Pag-aaral o Literatura

Ang makasaysayang Lungsod Vigan ay matatagpuan sa hilaga kanlurang bahagi

ng baybaying lalawigan ng Ilocos Sur, Rehiyon ng Ilocos, Luzon, Pilipinas. Isa ito sa

dalawang lungsod ng lalawigan. Kilala ang lungsod dahil sa makasaysayang mga bahay

at gusaling pinagplanuhan, idinisenyo at itinayo na may impluwensiyang Asyano,

Europeo at Latino Amerikano na matagumpay na naalagaan ng mga mamamayan nito

mula pa noong ika-16 na siglo. Ang Vigan lamang ang pinaka-iingatang halimbawa ng

Spanish colonial town at European trading town sa Pilipinas at maging sa buong

Silangang Asya at Timog Silangang Asya kung kayat noong Disyembre 2, 1999 ay

napili itong mapasama sa UNESCO World Heritage List at naging component city noong

Enero 21, 2001. (https://piliinmorinangpilipinas.wordpress.com/)

Ang Lungsod ng Vigan ay dating Isla na napapalibutan ng Ilog Abra, Ilog

Govantez at Ilog Meztizo na umiikot sa paligid nito. Ang pangalan ng lungsod na ito ay

nagmula at nakuha sa pangalan ng isang uri ng halaman na tinatawag na Biga-a na


tumutubo sa pampang ng mga Ilog dito at kadalasang nakikita sa mga ilog dito noon. Ang

Halamang Biga-a ay kauri/kalahi ng isa ring uwi ng halaman na Gabi. Nakuha ang

pangalang Vigan dahil sa isang kuwento o anekdota na galing pa sa mga nakalipas na

henerasyon, na meron daw isang Kastila na may nakasalubong na isang katutubo at

tinanong nya dito kung ano ang pangalan ng lugar, ngunit hindi ito maintindihan ng isang

katutubo ang kanyang sinabi at sa kanyang pag-aakala na ang tinatanong ng kastila ay

ang halamang Biga-a, at sumagot ang isang katutubo sa salitang Ilocano na Biga-a

Apo. Ngunit hindi ito masabi ng isang Kastila, kaya naging Vigan ang pangalan ng

Lungsod na ito.

(https://kagandahanngvigangroup3.blogspot.com/2016/01/kagandahan-ng-vigan.html)

Una nang kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural

Organization (UNESCO) ang Vigan bilang nag-iisang Heritage City ng Pilipinas.

(http://www.remate.ph/2014/12/vigan- ilocos-sur-isa-na-sa-new7wonders-cities/#)

H. Metodolohiya /Disenyo

Ang metodolohiya/ disenyo ng pananaliksik na ito ay kwalitatibo. Ito ang disenyo ng pag-

aaral dahil ang interpretasyon ng mga datos ay nakabatay sa mga teksto at hindi sa estadistika.

Ito ay pinag-aralan sa kanilang likas na kapaligiran. Ipinapaliwanag ang mga suliranin ayon sa

obserbasyon, pananaw at pag-aaral sa mga salitang binaggit ng mga respondente.

Ang kwalitatibong pananaliksik ay paaraan ng pananaliksik na nagsusuri at sumasagot sa

hindi lang saan, kailan at sino pati na din kung bakit paano nangyari ang bawat sitwasyon. Ang

mga talumbuhay, paniniwala, kultura, ekspresyon, moralidad at imahinasyon ng tao ay napag-


aaralan sa kwalitatibong pananaliksik. Ito ay ang pangangalap ng impormasyon at deyta batay sa

mga taong nasa kalikasang anyo ng lugar na siya namang sinusuri ng mananaliksik mula sa

pagbibigay ng kahulugan ng tao sa kanila. Ang pagpili at pagrekord sa mga gawi ng tao ay

nakabatay sa obserbasyon na kadalasang ginagamit ng mga taong dakubhasa sa agham ng isip

(https://www.scribd.com/mobile/doc/174400108/Kabanata-3-Pamamaraang-Ginamit-Sa-

Filipino).

I. Metodo

Upang matugunnan ang mga datos o impormasyon na kinailangan ng pananaliksik na ito,

ang mga sumusunod na metodo ay ginamit:

Ang paksang ito ay naglalayong magkaroon ng kaalaman tungkol sa Bisa o hatak ng

Dancing Fountain sa pagdagsa ng turista sa Syudad ng Vigan. Sa pag aaral na ito, maraming

proseso ang kinakailangan upang magkaroon ng sapat at makabuluhang impormasyon. Ang mga

impormasyong nakalakip sa paksang ito ay nagmula sa ibat ibang literatura na may koneksyon sa

paksang ito.

Nakalikom ng mga bagong impormasyon at datos ang mananaliksik sa pamamagitan ng

pakikipanayam at sarbey.

J. Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos

Ang mananaliksik ay naglalayong ipakita ang interpretasyon at pagtatasa ng mga datos na

kanyang nakalap.
1. Ano ang demograpikong propayl ng mga respondent sa mga tuntunin.

Talahanayan1

Dami at porsyento ng pamamahagi ng mga respondent sa tuntunin ng Edad.

AGE INTERVAL FREQUENCY PORSYENTO

18-19 4 20%

24-37 10 50%

49-61 6 30%

TOTAL 20 100%

Talahanayan 2

Dami at porsyento ng pamamahagi ng mga respondent sa tuntunin ng kasarian

KASARIAN DAMI PORSYENTO

LALAKE 7 35%

BABAE 13 65%

TOTAL 20 100%

Talahanayan 3

Dami at porsyento ng pamamahagi ng mga respondent sa tuntunin ng pinag-aralan


PINAG ARALAN DAMI PORSYENTO

Hindi nakatapos sa 0 0%

Elementarya

Nakatapos sa Elementarya 0 0%

Nakatapos sa High School 3 15%

Hindi nakapagtapos ng 4 20%

Kolehiyo

Nakatapos ng Kolehiyo 13 65%

Kabuuan 20 100%

Talahanayan 4

1. Ilarawan ang Dancing Fountain?

Dahilan Respondante Porsyento

Napakaganda at nakaka aliw. 9 45%

Hindi masyadong maganda at 11 55%

nakakaaliw.

Kabuuan 20 100%
40% o 9 ang nag-sabing dahil ito ay maganda at nakak aliw. Samantalang 55% o 11 ang nag

sabing dahil Hindi masyadong maganda at nakakaaliw.

Talahayan 5

2. Kung isa kang Turista na pupunta sa Vigan, dadalawin mo ba ang Dancing Fountain?

Tugon Respondante Porsyento

Oo 20 100%

Hindi 0 0%

Kabuuan 20 100%

100% o 20 ang nagsabing Oo. Samantalang 0% o ang nagsabing Hindi

Talahanayan 5

3. Sa tingin mo, dumami ba ang turista dito sa Vigan simula noong naipatayo ang Dancing

Fountain?

Tugon Respondante Porsyento

Oo 19 95%

Hindi 1 5%

Kabuuan 20 100%

95% o 19 ang nagsabing Oo at 5% o 1 naman ang nagsabing Hindi.


K. Kongklusyon

Ang Dancing Fountain ay isa sa mga humahakot o nagdadala sa mga turista sa Siyudad

ng sa gayoy dayuhin nila ang Vigan at ibat bang mga tanawin ng vigan. Nang dahil sa pag

unlad ng turismo mas lumago pa ang mga negosyo o mga departamento katulad ng mga Hotel,

kainan at ibat-ibang produkto sa Siyudad ng Vigan. At mas umusbong pa ang ekonomiya ng

Probinsya ng Ilocos Sur.

Karamihan sa mga nakalap ng mananaliksik talagang nakakaaliw at nakakagalak na

panoorin ang Dancing Fountain dahil sa ibat-ibang mga pailaw at mga tugtugin nito na siyang

nagbibigay kasiyahan sa mga turista lalong-lalo na sa mga bata at matatanda.

Sa panahon ngayon na kung saan ang Teknolohiya ay napakalakas ng impluwensya,

taliwas naman ito sa pagpapahalaga ng mga kabataan. Ang ating kasaysayan at kultura ay

sadyang napaka yaman, sa tulong na rin ng makabagong Teknolohiya napapaganda ang mga ito.

Tulad na lamang ng Dancing Fountain na matatagpuaan sa Syudad ng Vigan, itoy isang rason

kung bakit nananalaytay parin sa mga Bigueno ang pagmamahal sa kultura at tradisyon.

Ang Dancing Fountain ay may malaking dulot sa pag unlad ng Turismo sa Syudad ng

Vigan. Ang pagnanaliksik na ito ay siyang nagpapatunay. Ang taglay na ganda ng Dancing

Fountain ay dulot narin ng modernisasyon. Bilang mamamayan ng Pilipinas, isapuso at bigyang

kabuluhan ang mga makasaysayang lugar sapagkat dapat Tangkilikin ang sariling atin!.

L. Rekomendasyon
Bilang isang kabataan , bagama't tayo'y walang posisyon sa gobyerno ay mayroon pa

rin tayong mga mumunting magagawa upang makatulong mapaunlad ang turismo sa ating bansa.

Tulad ng simpleng pagbabahagi sa Facebook at iba pang social media platforms ng mga larawan

ng magagandang lugar sa ating bansa. Buong mundo ang naabot ng internet at ang mga pinipost

nating mga larawan ay hindi malabong maka enganyo ng mga banyaga ng bumisita sa ating

bansa. Isang malaking ambag din ang ating pakikiisa sa mga adbokasiyang isinusulong ng mga

political at non-political groups na naglalayong mapreserba ang likas na ganda ng mga tourist

spot sa ating bansa .Isa sa mga simpleng kontribusyon nating mga kabataan ay ang pag-iwas na

gumagawa ng bandalismo gayundin ang pagre-report sa kinauukulan ng nasaksihang gumawa

nito.

Sa mga Mag-aaral- sa mga mag-aaral na may pag-aalala sa turismo at hinihiling ng

mananaliksik na sana sa mga susunod na taon pang dadating, at sana matuto lahat ng tao kung

paano gumawa ng mga bagay na makakatulong sa pagdami ng mga turista sa Siyudad ng Vigan

o sa bansang Pilipinas. At makatutulong sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan at upang

mabigyan nila ng halaga ang Dancing Fountain sa Siyudad ng Vigan.

Sa mga Guro- Pagbutihin nila ang kanilang pagtuturo at mas palawakin pa nila o mas ipaunawa

sa mga mag-aaral kung gaano kaimportante ang mga turismo sa ating lugar. Katulad ng Dancing

Fountain na isa sa mga trademark dito sa Siyudad ng Vigan na siyang dinarayo ng mga turista.

Sa mga Pamahalaan- mas pagtuunan nila ng pansin ang mga dumarayo na turista sa Siyudad ng

Vigan upang itoy maging kapanabik-nabik sa kanila. Lalong- lalo na sa kanilang kaligtasan sa

pamamasyal sa ating lugar. Kung nais talagang mapalakas pa ang turismo sa lugar ay gumawa o

magplano ng mas mapanibong atraksyon dito sa probinsya. Lalo pa sanang pag-ibayuhin ang
mga pagpapaganda sa mga pasyalan sa Siyudad ng Vigan at lalong-lalo na sa kalinisan sa mga

daan at pagrespeto sa laat ng bagay. At sana magkaroon ng pagkakaisa upang matamasa ang

kalinisan.

M. Curriculum Vitae

SUKTAM ETOY TI KASABIHAN

Personal Background
Pangalan: John Patrick Quisquirin

Kapanganakan: June 15, 2000

Tirahan: Naguilian,Caoayan,Ilocos Sur

Kasarian: Lalake

Edad: 16

Relihiyon:

Pangalan ng Tattay: Ronald Quisquirin Trabaho: MED.REP

Pangalan ng Nanay: Celi Quisquirin Trabaho: House Wife

Educational Background

Sekondarya: Divine Word College of Vigan

Burgos Street, Vigan City, Ilocos Sur

SY 2015-2016

Elementarya: Divine Word College of Vigan

SY 2012-2013

You might also like