You are on page 1of 3

Front Row: Kapos

Sa isang natatanging palabas, na tinanghal na 2015 Gold World Medal Awardee bilang

Best Public Affairs Program ng prestihiyosong New York Festivals at nagkamit din ng Gold

Camera at One World Award sa US International Film and Video Festival, inihatid ng Front Row

ang dokumenteryo ni Joseph Conrad Rubio at Ian Carlos Simbulan na pinamagatang “Kapos”

ang mahirap na buhay ng labing tatlong taong gulang na batang nangngangalang John Lloyd at

labing apat na taong gulang na si Jonathan. Ini-ere ito noong April 18, 2018 sa GMA News TV

Channel 11 sa ganap na 11:45 ng gabi.

Ipinakita ng Front Row ang apat na pangunahing pangangailangan ng bata na dapat

tinutugunan: pagkain, damit, tirahan at seguridad. Ngunit, Lahat ba ay may panglaman sa

kumakalam na sikmura? May saplot na pambalot ng katawan? May maayos at disente bang

masisilungan? Lahat ba ay nasa ligtas na kapaligiran? Sa kasamaang palad ay hindi lahat ng bata

ay natutugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan. Sa unang bahagi ng dokumentaryo

ay tampok ang kuwento ng ilang batang kumakalam ang tiyan at walang akmang saplot sa

katawan. Isa sa mga batang ito ay ang labing tatlong taong gulang na si John Llyod, dahil sa labis

na kahirapan ay napipilitin silang kainin ang janitor fish na isang uri ng maruming isda dahil

sinisipsip nito ang anumang dumi na nasa tubig. Ngunit hindi alintana ni John Lloyd ang

posibleng kapahamakan malamnan lang ang mahapding sikmura. Kapag walang namang huli

ay asin lamang ang ulam ng buo niyang pamilya.

Sa ikalawang parte naman ng dokumentaryo ay inihayag din ang kalunos- lunos na

kalagayan ng mga batang walang pambili ng damit at sapin sa paa. Isa sa mga batang ito ay ang
labing apat na taong gulang na si Jonathan. Umaakyat siya ng bundok kasama ang ilang kapatid

upang makatulong mag-uling sa kanyang lolo. Matarik at mabato man ang daan paakyat at mas

pinahihirap pa ito ng kawalan nila ng tsinelas. Bilang remedyo, namumulot sa tambakan ang

kanilang ama at masuwerte raw kapag may naligaw na lumang tsinelas dito. Kanila itong

isinusuot kahit na magka-iba pa ang pares. Maging ang ilan sa kanilang damit, pinupulot lang

daw ng kanilang ina sa tambakan ng basura para makatipid.

Katulad na lamang ng aking naging karanasan nung ako ay nasa apat na taong gulang

pa lamang. Ang aking ina nung panahon na iyon ay hirap din sa buhay idagdag pa na hiwalay na

sila ng aking ama. Kung kaya’t siya lamang ang magisang nagpapakain sa aming magkapatid.

Naranasan ko na dahil sa kakapusan ay ang pinapainom sa akin bilang pampalit sa gatas ay ang

tubig na pinag-saingan o Am. Ang damit din namin ay galing lamang sa tulong ng ibang tao. Sa

ngayon, maayos na an gaming pamumuhay sa kadahilanang, napagpasyahan ng aking ina na

ako ay ibigay na sa aking ama na may kakayahang ibigay ang aking bawat pangangailangan.

Matapos kong panoorin ang dokumentaryo ay isang tanong ang pumasok sa aking

isipan. “Hanggang kailan sila mapagkakaitan ng mga pangangailangan na kung tutuusin ay

pangunahin nilang karapatan?” Sa aking napanood ay napagtanto ko na ang aking naranasan

dati ay walang wala kung ikukumpara sa kasalukuyang nararanasan ng mga bata sa

dokumentaryo. Ang klase ng hirap na kanilang dinaranas ay nakakalungkot sapagkat ang

karapatan nila ay tila ba pinagkakait sa kanila dahil sa sobrang kahirapan ng kanilang pamilya.

Aking naisip na kung sana ang batas natin dito sa Pilipinas ay maabot at mabibigyang atensyon
ang mga batang tulad ng nasa dokumentaryo ay mas mapapadali na matulungan ang mga

batang nakakaranas ng kalunos-lunos na pamumuhay.

Ang dokumentaryong ito ay tila nagsilbing pang-gising sa akin upang makuntento sa

bagay na mayroon ako sa ngayon at hindi maging reklamador kung hindi ko man nakukuha ang

lahat ng gusto ko. Na kung tutuusin ay napakaayos ng pamumuhay ko para magkaroon ng

dahilang mag-reklamo. Ako ay nagkaroon ng realisasyon na maraming bata at pamilya ang

naghihirap sa ibat- ibang parte ng mundo kung kaya’t tayo ay nangangailangan na magkaroon

ng bukas na isipan at mata sa mga naghihirap sa paligid, at kung kakayanin ay magkaroon ng

oras upang mag-abot ng kamay bilang tulong.

You might also like