You are on page 1of 2

KATITIKAN NG IKALAWANG EMERGENCY MEETING NG

SPTA QUIRINO ELEMENTARY SCHOOL

PETSA : August 11, 2016

ORAS : 2:45 PM

MGA DUMALO: Pangulo : G. Jay Villaluna


Ikalawang Pangulo : G. Narry Hernandez
Kalihim : Gng. Rhoda Reyes -absent
Ingat Yaman : Gng. Maricris Bautista
Auditor : Gng. Rose Musa -absent
P.R.O : Gng. Rowena Cabrera -absent
Business Mngr : Gng. Eva Santiago
Gng. Aprilyn Diaz

Board of Director : G. Virgilio Pinlac -absent


: Gng. Cora Bernabe -absent

PAMBUNGAD NA SALITA
Nagpahayag ng pambungad na salita si Pres. Jay na ang emergency meeting na ipinatawag ay para sa
aktibidad na gaganapin ngayong buwan ng Agosto pati na ang proyektong binubuo ng SPTA.

TALA NG MGA NAPAG-USAPAN


 LINGGO NG WIKA
 Next week August 17, 2016 ay gaganapin ang Sabayang Bigkas Contest dito sa QES. Nagbigay ng
overview si Pres sa mga madalas irequest ng school sa SPTA.
 Martial - c/o Vice Narry under Martial Comm
 Stage Decor – decoration and purchase of materials.
Concern raise by Treas Maricris regarding sa purchase ng décor dahil
limited lang ang hawak nyang pondo ay mas nais nya na masecure ang pera na
nacollect pambayad para sa janitorial services.

Sabi naman ni Pres na meron tayong ibang malalapitan dahil may mga parent
naman na lumalapit at nagpapaabot na kung kailangan ng SPTA ng tulong ay handa
naman silang magbigay ng assistance.

 OFFICIAL UNIFORM (POLO SHIRT)


 Napagkasunduan na kukuha na lamang ng supplier na mangangasiwa nito
 Pipili sa mga supplier kung kanino mas maganda proposal. Request ni Buss. Mngr. Eva
Santiago na sana iin-include sa quotation ang price ng logo printing lang.
 Magbebenta din ng shirt para sa mga parents na interested bumili kahit hindi sila officer
sa room, papalitan na lang ng designation yung print ng shirt sa likod.
 Para mabigyan din ng official uniform ang mga board member na teacher
napagkasunduan na mag-ambagan na lang ang mga SPTA officers para dito.

 SEARCH FOR MR & MS QES, 2016


 Ang proyektong ito ay nakalaan sa pagbili ng ceiling fan o industrial fan, kung alin man sa mga
nabanggit ang kakayanin bilhin, na ilalagay sa covered court.
 Kung meron sosobra sa pera ang iba pang proyektong maaaring paglaanan ay ang rampa at
drinking fountain
 Binalangkas ang resolusyon na gagawin para sa Search for Mr. & Ms. QES, 2016
 Kasama na ang mechanics ng patimpalak
 Napagkasunduan na sa susunod na pulong ay pag bobotohan kung payag ba o hindi ang
majority ng officers ng SPTA na isali din ang kanilang mga anak sa nasabing contest.
 Kung maaayos agad ang resolusyon at mapirmahan ng lahat ng kinauukulan end of August ang
launching ng nasabing proyekto, at end ng canvassing ay November 12
 Open to all interested parties ang competition, kahit ilang entry sa isang section ay pwede
sumali
 Bukod sa pag fill-up ng registration form, ang contestant ay kailangan magbigay ng registration
fee in the form of 3k pet bottle.
 First elimination pipili ng top 10 (girls/boys) contestant na pinakamataas ang na naacumulate
na recycle materials.
 2nd elimination is top 5(girls/boys) contestant.
 Sa final top 5 (girls/boys) contender, ang placing ang paglalabanan nila, dito kukunin ang Mr &
Ms QES, 2016; 4th runner up; 3rd runner up; 2nd runner up at 1st runner up.
 Lahat ng runner ups ay makakatanggap ng throphy, certificate at sash each
 Mr & Ms QES, 2016 ay makakatanggap ng crown, certificate, sash at cash prize each
 Ang canvassing ay gagawin every Saturday.

 OTHER MATTERS
 Nabanggit ni Pres Jay ang nalalapit na pag reretiro ng ating Punong Guro na si Bb Gloria Huera,
napagkasunduan ng konseho na makipag-ugnayan si Pres Jay sa Pangulo ng Asosasyon ng mga
Guro para malaman kung ano ang kanilang balak at kung ano ang maaring iambag ng SPTA.
 Napagkasunduan na magkaroon muli ng emergency meeting sa darating na August 15, 2016,
10AM ng umaga, venue kung saan ang available sa araw na nabanggit. Agenda: final drafting ng
resolusyon ng Mr & Ms QES, 2016; mechanics ng nasabing proyekto at presentation and
approval ng proposal letter ng supplier ng SPTA uniform.

Dahil natalakay na ang lahat ng usapin. Tinapos ang pagpupulong sa oras na 4:45pm ng hapon.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

P A G T I T IB A Y

Ang pagpapatibay na ito ay isinagawa upang patunayan na totoo at tama ang daloy ng nasabing Katitikan ng
Pagpupulong na isinagawa noong August 11, 2016 na ginanap sa Quirino Elementary School, Barangay Quirino 2B,
Project 2, Quezon City.

Inihanda ni:

Gng. Rhoda Reyes


Kalihim ng SPTA

Pinagtibay nina:

G. Jay Villaluna G. Narry Hernandez Gng. Maricris Bautista


Pangulo ng SPTA Ikalawang Pangulo Ingat Yaman

Gng. Rose Musa Gng. Rowena Cabrera Gng. Eva Santiago


Auditor P.R.O. Business Mngr.

Gng. Aprilyn Diaz G. Virgilio Pinlac Gng Cora Bernabe


Business Mngr. Board of Director Board of Director

You might also like