You are on page 1of 12

Resolusyon o

Kapasiyahan

MARK LAURENCE J. FANO, LPT


Mga Layunin
• Nakikilala ang layunin, gamit, katangian, at anyo ng
resolusyon;
• Natutukoy ang kahalagahan ng resolusyon;
• Natutukoy ang katangian ng isang mahusay na resolusyon;
• Nakasusulat ng isang resolusyon na nakasusunod sa estilo
at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin;
• Nakabubuo ng isang resolusyon batay sa maingat, wasto,
at angkop na paggamit ng wika.
Resolusyon o Kapasiyahan
• pagpapahayag ng damdamin o pagpapaabot ng
kahilingan
• hindi na kailangan ng pagpapaskil
• hindi na kailangan ng pagpapalathala
• hindi na kailangan ng pagdaraos ng pampublikong
pagdinig
• hindi permanente at hindi na kailangan ang
pagrebisa ng nakatataas na sanggunian
• hinahalaw o sinisipi mula sa pinagtibay na
katitikan
Mga Bahagi

Heading (Pamuhatan)– nagsasaad kung saang barangay


isinagawa ang pagbabatas
Preliminary Information (Paunang Impormasyon) –
binabanggit ang impormasyon ukol sa petsa, oras, lugar at
mga kasapi ng Sanggunian na dumalo sa pagpupulong
Assigned Number (Itinalagang Bilang) - dapat continuous
upang masundan ang pagkakasunod-sunod ng pagpapatibay sa
mga resolusyon
Mga Bahagi

Author(s) Name (Pangalan ng May-akda)– upang banggitin ang


pangalan ng mahusay na kasapi ng Sanggunian na
nagpanukala ng resolusyon
Title (Pamagat)- Isang maikling pagkakakilanlan ng resolusyon
na kailangang nakasulat in bold letters
Rationale Clause/Body (Sugnay na Nangangatwiran/Katawan) -
paglalahad ng mga katwirang marapat upang pagtibayin ang
resolusyon (mga sugnay na nagsisimula sa “SAPAGKAT”)
Mga Bahagi
Main Resolving Clause (Pangunahing Sugnay na Nagreresolba) –
nagpapahayag ng tuwirang aksyon ng Sanggunian ayon sa kanilang
pangangatwiran
Secondary Resolving Clause (Pangalawang Sugnay na Nagreresolba)- upang
ipakita kung paano ipaabot sa mga tao o entidad ang resolusyon na
magpapatibay sa gusto ng Sanggunian, kasama na ang pamamahagi ng
kopya nito
Concluding Clause (Pangwakas na bahagi)- nakasaad ang petsa at lugar ng
pagpapatibay ng resolusyon, ang pagpapatunay ng Pinunong Nangulo, ang
pagpapabatid ng kalihim at ang pangwakas na pagpapatibay ng lokal na
punong tagapagpaganap.
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Bulacan
Bayan ng Plaridel Heading
Barangay Banga 1st

TANGGAPAN NG SANGGUNIANAG BARANGAY

SIPI NG KATITIKAN NG DI-PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BARANGAY NG BANGA 1ST,


PLARIDEL, BULACAN NA IDINAOS NOONG IKA-24 NG SETYEMBRE 2008 SA BULWAGANG PULUNGAN NG
BARANGAY GANAP NA IKA-8:00 NG GABI

MGA DUMALO :
KGG. BENJAMIN M. DELA CRUZ -Punong Barangay
KGG. GERONIMO D.P. GARCIA -Kagawad
KGG. VIRGILIO G. TUAZON -Kagawad Preliminary
KGG. DONATO D. DE DIOS -Kagawad
KGG. JOSELITO J. JAVIER -Kagawad Information
KGG. ALFONSO DC PUNONGBAYAN -Kagawad
KGG. TIRSO C. MANALAD -Kagawad
KGG. FERNANDO S. CABA -Kagawad
KGG. KENEDY S. GARCIA -Kagawad

HINDI DUMALO : WALA


KAPASYAHAN BLG. 10 S.2018 Assigned Number
Iniharap ni Kagawad JOSELITO J. JAVIER Author

ISANG KAPASYAHAN NA NAGPAPATIBAY SA PAGKAHIRANG KAY ANTHONY ESGUERRA Title


VILLANUEVA BILANG BAGONG KALIHIM NG BARANGAY BANGA 1ST, PLARIDEL, BULACAN

SAPAGKAT, ang kalihim na si PEPITO SANTOS SR. ay hindi na makakaganap sa kanyang


tungkulin bilang kalihim ng Sanggunian sa dahilang siya ay may karamdaman at siya ay kusang loob na
nagbitiw sa tungkulin bilang kalihim ng Sanggunian;
Primary Resolving
SAPAGKAT, ang Kalihim ng isang barangay ay lubhang mahalga at kailngan para sa maayos, Clause / Body
mabisa at masinop na pamamahala ng mga namumuno sa barangay, kaya’t

SA MUNGKAHI ni Kagawad JOSELITO J. JAVIER na pinangalawahan ni Kagawad Donato D. de


Dios at sinang-ayunan ng lahat, ay

IPINASYA, gaya ng dito ay ipinapasya, na pagtibayin ang pagtatalaga ni Punong Barangay Main Resolving
Clause / Body
Benjamin M. dela Cruz kay G. Anthony Esguerra Villanueva bilang bagong Kalihim ng Sanggunian
Barangay ng Banga 1st, Plaridel, Bulacan.
Secondary
IPINASYA PARIN na bigyan ng sipi ng Kapasyahang ito ang lahat ng kinauukulang tanggapan ng
Resolving Clause /
pamahalaan para sa kanilang kaalaman at pagsasaalang-alang. Body
PINAGTIBAY ngayong ika-24 ng Setyembre, 2008 sa Bulwagang Pulungan
ng Barangay Banaga 1st, Plaridel, Bulacan.

PINATUTUNAYAN KO ANG KAWASTUAN NG KATITIKANG NASASAAD SA


DAKONG ITAAS NITO

ALFONSO D.C. PUNONGBAYAN


Concluding
Pansamantalang Kalihim Clause

PINAGTIBAY:

BENJAMIN M. DELA CRUZ


Punong Barangay
Gawain!
• Alamin ang iba’t ibang bahagi ng isang resolusyon o
kapasyahan.
• Maghanap ng halimbawang resolusyon o kapasyahan at
tukuyin ang mga bahagi
• Mula sa nasaliksik, ilahad ang kahulugan ng kapasyahan
o resolusyon gamitin sa pagpapaliwanag ang mga
natukoy na bahagi at detalye sa halimbawang
resolusyon.

You might also like