You are on page 1of 66

1

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA


Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang ginampanan ng panitikan sa sangkatauhan ay walang katapusan na

pananagutan at t bungkulin kaya naman ito ay nakapaloob sa kurikulum. Ayon kina

Rufino Alejandro at Julian C. Pineda, ang panitikan ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng

katha na tumutulong sa wastong ikauunawa sa kahapon, ngayon at bukas sa isang bansa.

Kaugnay sa pagtuturo ng panitikan, ang kurikulum sa Filipino ay nakapokus sa

mahahalagang gawaing dapat isaalang-alang ng guro upang makamtan ng mga mag-aaral

ang mga tungkulin at layuning iniaalay ng pagbabasa ng panitikan. Nakasalalay sa

matapat at mapagkalingang pagsubaybay at pagtuturo ng guro ang ikatutupad ng mga

tunguhing ito.

Ang dulog Total Physical Response ay binuo ni Dr. James Asher noong 1970.

Siya ay isang propesor sa sikolohiya sa San Jose State University sa California. Ito ay

ibinatay sa pagsasaayos ng wika at galaw ng katawan. Sa dulog Total Physical Response

ang mga guro ay nagbibigay ng utos sa kanyang mga mag-aaral gamit ang pangalawang

wika. Sa pagtugon ng mga mag-aaral, unti-unti nilang mauunawaan ang pangalawang

wika na itinuturo.

Sa pag-aaral na ito, ninais ng mga mananaliksik na maipakita ang persepsyon ng

mga piling mag-aaral sa pagtuturo at pagkatuto ng dulog Total Physical Response sa

pagtuturo ng Panitikan. Ang Total Physical Response ay orihinal na dulog na ginagamit

upang ituro ang ikalawang wika (James Asher).


KOLEHIYO NG EDUKASYON
2
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Ayon sa libro nina Sekuler at Blake na Perception, ang persepsyon ay isang

natatanging larangan ng pagtatanong. Sa lahat ng maka-agham na disiplina, ang layunin

ay ipaliwanag ang mga dahilan ng mga pangyayari, kahit pa ang pagkilos ng isang

bubuyog o ang paggalaw ng mga planeta. Kapag sinabi nating pagdadahilan, ito ay ang

mga pangyayari na inaasahan nating maipaliliwanag ng mga nag-oobserba, maging

kapansin-pansin sa lahat, at hindi maging isang maling akala lamang. Sa pamamagitan ng

kakayahan ng isang nag-oobserba, ligtas nating maipapalagay na ang mga pangyayari ay

totoong nangyari kahit na may nakasaksi sa tunay na nangyari, mali man o isang ilusyon,

saka nating itama. Halimbawa, ang buwan ay parang gumagalaw kung ang mga ulap ay

dumadaan sa harap nito. Ngunit, alam nating ito`y isang ilusyon lamang; ang buwan ay

hindi talaga gumagalaw kasabay ng mga ulap at dahil doon, ang paggalaw nito ay dapat

na ipagwalang-bahala ng mga astronomo.

Ang mga pangyayari na sumasang-ayon sa agham ay kilala dahil sa persepsyon.

Bagama`t ang mga may katuturang pansin at puna sa ilang larangan sa makabagong

agham ay di-tuwiran.

Ayon naman sa libro ni Irvin Rock na An Introduction to Perception, ang

persepsyon ay may natatanging larangan ng pagtatanong. Sa lahat ng mga disiplinang

pang-agham, layunin nitong ipaliwanag ang katotohanan at pangyayari, kahit pa ito`y

kilos ng isang bubuyog o ang paggalaw ng mundo.

Sa larangan ng persepsyon, ang interes ay hindi ang layon, kun’di sa kung paano

nakikita ang isang bagay.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
3
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Kung kaya`t ang panitikan ay naging batayan sa maraming aktibong talakayan sa

silid-aralan. (Gambrell and Almasi, 1996). Ang interdisiplinaryong paggamit ng

panitikan patungo sa nilalaman ay malawak na may mangilan-ngilang gabay sa

pagsasama ng kurikulum sa mga hiram na libro.

Sa aklat na ito (Teaching Reaching using Literature). Savage (1990) binigyang

kahulugan ang panitikan batay sa pagbasa bilang isang programa na ginagamit ng mga

bata

sa panitikan bilang sentro para sa panuntunan ng wika. Ito rin ay isang programa kung

saan ang panitikan ay mahalagang bahagi ng pagtuturo sa mga bata kung paano ang

magbasa at magsulat at ang mga aklat ang gagamitin bilang kasangkapan. Sinasabi rin

niya na ang pagtuturo sa panitikan (Literature-based Program) ay sentro ng tunay na

salita para sa makabuluhang layunin.

Tinukoy niya ito bilang mga “Picture books”, librong pambata , nobela, at librong

pang-kaalaman na makikita sa mga bilihan ng mga libro at sa mga silid-aklatan at

nakasulat upang ipagbili sa publiko at hindi idinisenyo para gamitin sa paaralan.Ang

aklat ay binigyang kahulugan ni Savage bilang isang aklat na hindi bahagi ng mano-

manong gawa.

Sa panibagong pag-aaral ng mananaliksik ang Dulog Total Physical Response ay

ginamit bilang istratehiya sa pagtuturo ng Panitikan.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
4
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Kaligiran ng Pag-aaral

Sa pagpasok ng ika-21 siglo, ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang bagong

kurikulum na Outcomes-Based Education o OBE. Ang Outcomes-Based Education ay

isang teoryang pang-edukasyon na nakatuon sa kalalabasan ng pag-aaral ng mga mag-

aaral. Walang tiyak na istratehiya sa pagtuturo at pagtataya, sa halip ang lahat ng klase

ng pagtataya ay makatutulong upang makamit ang layunin.

Ang OBE ay nakatuon at nakaangkla sa kalalabasan ng pagkatuto ng mag-aaral.

Ang pangunahing layunin nito ay matuto ang mag-aaral gamit ang natatanging

kakayahan (Nicholson, 2011).

Ang paggamit ng Dulog Total Physical Response sa pagtuturo ng Panitikan ay

hindi lang para maaliw ang mga mag-aaral, sa halip ito rin ay nagsilbing instrumento

upang makagawa ng makahulugang kaalaman sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasalita.

Ang mga gawaing ito ay nagbukas sa maluwag at malayang talakayan sa klase na

nagmulat sa mga mag-aaral ng tunay na mensahe at tunguhin ng akdang binasa. Higit sa

lahat ay humikayat ito ng partisipasyon at pagbabahaginan ng mga kaisipang nagbigay-

daan sa pagtuklas at paglinang ng iba’t ibang katalinuhan ng mag-aaral. Naiugnay nila

ang mga ito sa totoong sitwasyon ng kanilang buhay lalo na sa paglutas ng mga suliranin

upang ang kabutihan ay mangibabaw sa mapipiling pagpapasya.

Ang kinalabasan ng pagkatuto ng mag-aaral ay nakabatay sa layunin ng mga

guro. Ayon kay Butler malinaw ang pagkatuto ng mag-aaral kung nailapat nila nang

maayos ang kanilang natutuhan sa kasalukuyang pag-aaral. Ayon naman kay Geyser ang

kakayahan ng mga mag-aaral ay nakabatay sa kung paano nila gamitin ang kanilang
KOLEHIYO NG EDUKASYON
5
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
natutuhan sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay. Sa pag-aaral ni Spady sinabi niya na

pagtuunan ng pansin ang pagtuturo kaysa sa pagpapaunlad ng kurikulum (Corpuz, 2015).

Samakatuwid, ang Dulog Total Physical Response o TPR ay nagamit na sa

pagtuturo ng Panitikan sa kasalukuyan, sa paraan ng pagsasagawa ng pangkatang gawain

na nakabatay sa kasanayan ng mga mag-aaral, pag-uulat batay sa napag-aralan, at

pagsasalaysay sa mga natutuhan.

Batayang Teoretikal

Sa pag-aaral at pananaliksik kaugnay ang paksang “Persepsyon ng Piling mag-

aaral sa Kabisaan ng Dulog Total Physical Response sa Pagtuturo at Pagkatuto sa

Panitikan” ay may isang teorya at paniniwala ang ginawang batayan upang lubos na

maintindihan ang nasabing pananaliksik.

Sa pangunahing pinagbatayan ng pag-aaral na ito ay ang pag-aaral ni James Asher

tungkol sa paggamit ng Dulog Total Physical Response orihinal na para sa pagkatuto ng

pangalawang wika. Ang pangunahing pamamaraan ng Dulog Total Physical Response ay

simple lamang. Ang mag-aaral ay sumusunod sa anomang inuutos ng guro gamit ang

simpleng salita upang unti-unting matutuhan ang kanilang pinag-aaralan. Nang lumaon

ang mga simpleng salita na ginagamit sa klase ay gagamitin na rin sa pagbibigay ng

panuto sa mga aktibidad na ginagawa sa klase. Sa pamamagitan ng pagtugon, pagkilos at

kasabay ng pagsasalita ng mga mag-aaral hindi nila inaasahan ang mabilis na pagkatuto

sa pangalawang wika. Ginamit naman ang teorya ni Howard Gardner na Multiple

Intelligences bilang suportang batayan ng pananaliksik na ito.


KOLEHIYO NG EDUKASYON
6
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Ang teorya ng Multiple Intelligences ay kinikilala ang pagkakaiba-iba ng

katalinuhan sa partikular na modalities sa halip na makita ang katalinuhang

nangingibabaw sa isang pangkalahatang kakayahan. Ipinanukala ni Howard Gardner ang

teoryang ito noong 1983 sa librong Frames of mind: The Theory of Multiple

Intelligences. Pumili ng walong kakayahan si Gardner na panghahawakan upang

makamit ang mga pamantayan: Musical/rhytmic, visual/spatial, verbal-linguistic,

logical/mathematical, bodily-kinesthetic, interpersonal, intrapersonal at naturalistic.

Bagamat ang pagkakaiba-iba ng mga kakayahan ay malinaw ng nailahad ni Gardner ang

ideya ng pag-uuri sa mga kakayahan ng bawat mag-aaral. Pinanatili ni Gardner na ang

kanyang teoryang Multiple Intelligences ay dapat na payabungin ang mga mag-aaral at

hindi dapat na magpokus lamang sa isang modality ng pagkatuto.

Pigura 1: Multiple Intelligence ni Howard Gardner

KOLEHIYO NG EDUKASYON
7
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Makikita sa teorya ni Gardner na nahahati sa walo ang kakayahan o talino ng

indibidwal. Ito ay ang interpersonal o kagalingan sa pakikisalamuha at pakikipagkapwa-

tao, intrapersonal o ang kakayahan na maintindihan at maunawaan ang sarili, verbal-

linguistic o ang kagalingan na may kinalaman sa wika at pagbasa, bodily-kinesthetic o

ang kakayahan na makontrol ang kilos ng katawan, logical-mathematical o ang

kahusayan sa lohikal na pag-iisip na kalimitang ginagamit sa pagresolba ng suliranin,

spatial o ang kakayahan na makita ang mga bagay sa masining na perspektiba ,

musical/rhytmic o ang kakayahan na pahalagahan ang mga tunog at kahulugan ng

musika, at naturalist o kalikasan. Ipinapakita lamang ng teorya ni Gardner na ang bawat

indibidwal ay may iba’t ibang talino o kagalingan na dapat na malinang at madiskubre ng

mga guro.

Sa pag-aaral na ito ang estilo ni James Asher ang ginamit sa pagtuturo ng

panitikan, gagamitan din ito ng pagkilos at pagsasalita gamit ang pangkatang gawain,

pag-uulat at pagsasalaysay ng mga natutuhan. Nalaman ng mga mananaliksik ang

kabisaan ng Dulog Total Physical Response sa pagtuturo at pagkatuto ng panitikan dahil

ang Multiple Intelligences ay naipakita ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng panitikan. Isa

rin sa dahilan kung bakit napili ng mga mananaliksik ang teoryang ito dahil ninais nila na

makita ang iba’t ibang kakayahan na mapapaunlad ng mga mag-aaral kung ang

gagamiting dulog ay ang Total Physical Response.

Balangkas Konseptuwal

KOLEHIYO NG EDUKASYON
8
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Batay sa pag-aaral, ang mga mananaliksik ay gumawa ng sariling disenyo tungkol

sa balangkas konseptwal sa pag-aaral. Ipinakita rito ang mabisang pagkatuto ng mga

mag-aaral gamit ang Dulog Total Physical Response sa pagtuturo at pagkatuto ng

panitikan. Sa paggamit ng nasabing dulog, kaakibat nito ang mga gawaing tulad ng;

pangkatang gawain, pag-uulat at pagsasalaysay ng natutuhan. Sa bawat gawain, dapat na

makita at mapaunlad ang mga Multiple Intelligences tulad ng interpersonal, verbal-

linguistic, bodily- kinesthetic, spatial, at musical.

Pigura 2: Balangkas Konseptuwal sa Pag-aaral

KOLEHIYO NG EDUKASYON
9
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Ginamit ng guro sa pagtuturo ng panitikan ang Dulog Total Physical Response.

Ang nakapaloob na mga gawain sa nasabing dulog ay ang Pangkatang gawain, Pag-uulat

at Pagsasalaysay ng mga Natutuhan. Sa Pangkatang Gawain, naipapakita ang kakayahan

ng mga mag-aaral sa pagsasalita (verbal-linguistic), sa pagkilos o paggalaw gamit ang

katawan (bodily- kinesthetic), sa pakikipagsalamuha sa kapwa mag-aaral (interpersonal),

sa pag-awit (musical) at pagkamalikhain sa paggawa ng mga kagamitan sa pagsasadula

(spatial). Sa Pag-uulat naman naipakikita ang kakayahan ng mga mag-aaral sa

pagsasalita (verbal-linguistic) at pakikipagsalamuha (interpersonal) sa kanilang guro at sa

kapwa mag-aaral. Naipakikita ang kakayahan sa pagsasalita (verbal-linguistic) ng mga

mag-aaral sa pagsasalaysay ng natutuhan at ang pakikipagsalamuha sa kapwa mag-aaral

(interpersonal).

Sa pamamagitan ng mga gawain na nakapaloob sa Dulog Total Physical

Response ito ay naglalayon na matamo ang mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungang lubhang

mahalaga sa naturang pag-aaral:

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga respondente batay sa mga

sumusunod:

1.1 Kasarian

1.2 Pangkat na kinabibilangan

KOLEHIYO NG EDUKASYON
10
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
2. Ano ang persepsyon ng piling mag-aaral hinggil sa kabisaan ng Dulog Total

Physical Response sa pagtuturo at pagkatuto ng panitikan batay sa mga sumusunod na

gawain?

2.1 Pangkatang Gawain

2.2 Pag-uulat batay sa Napag-aralan

2.3 Pagsasalaysay ng mga Natutuhan

3. May signipikanteng kaugnayan ba ang persepsyon ng piling mag-aaral sa

nasabing dulog at mga gawaing nakapaloob kung pagbabatayan ang demograpikong

propayl.

4. Ano ang mga mungkahing programa na magpapaunlad sa paggamit ng Total

Physical Response bilang dulog sa pagtuturo at pagkatuto sa panitikan?

Haypotesis

Null hypothesis

“Walang signipikanteng kaugnayan sa persepsyon ng mag-aaral ang kabisaan ng

Total Physical Response bilang dulog sa pagtuturo ng Panitikan sa mataas na

pampublikong paaralan ng San Roque.”

Alternative hypothesis

KOLEHIYO NG EDUKASYON
11
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
“May signipikanteng kaugnayan sa persepsyon ng mag-aaral ang kabisaan ng

Total Physical Response bilang dulog sa pagtuturo ng Panitikan sa mataas na

pampublikong paaralan ng San Roque.”

Kahalagahan ng Pag-aaral

Umasa ang mananaliksik na nakapag-aambag ang pag-aaral na ito sa

pangangailangan ng mga sumusunod:

Sa Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay personal nilang nagamit sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino partikular sa Panitikan bilang isang guro sa hinaharap

at nagamit din nila ito upang magkaroon ng aktibong klase.

Guro. Nakatulong ang pananaliksik na ito sa mga guro upang gamitin ang Total

Physical Response bilang mas mabisa at epektibong dulog sa pagtuturo upang hindi

maging patay ang talakayan sa klase at magkaroon ng palitan ng ideya at opinyon sa

pagitan ng guro at mag-aaral.

Mag-aaral. Malaki ang naiambag ng pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sapagkat

mas nahasa ang kanilang talino, nailabas nila ang kanilang iba’t ibang angking kakayahan

o Multiple Intelligences at naging aktibo pa sila sa talakayan. Ang mag-aaral ang higit na

nakinabang sa kinalabasan ng pag-aaral na ito.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
12
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Komisyon ng Wikang Filipino. Ang pananaliksik na ito ay nakatulong sa

Komisyon ng Wikang Filipino upang mas lalo pang mapalawig ang kaalaman ng mga

mag-aaral gamit ang dulog na iminungkahi ng pananaliksik na ito sa pag-aaral ng

panitikan.

Sa susunod na mananaliksik. Ito ay nakatulong sa susunod na mananaliksik

dahil ito ay magsilbing batayan at mapagkukunan ng mga datos o ng mga impormasyon

na may kaugnay sa kanilang pag-aaral na sinaliksik.

Saklaw at Limitasyon

Sinaklaw ng pag-aaral na ito ang pagtukoy sa persepsyon ng mga piling mag-aaral

hinggil sa Dulog Total Physical Response mula sa ika-10 baitang sa taong panuruang

2017-2018 sa mataas na pampublikong paaralan ng San Roque, tungkol sa paggamit ng

Total Physical Response bilang Dulog sa Pagtuturo at Pagkatuto sa Panitikan kung

pagbabatayan ang kanilang kasarian at pangkat na kinabibilangan.

Ang mga mag-aaral ay tumugon batay sa kanilang persepsyon hinggil sa kabisaan

ng Total Physical Response bilang Dulog sa Pagtuturo at Pagkatuto sa Panitikan batay sa

mga gawain 1. Pangkatang Gawain, 2. Pag-uulat batay sa Napag-aralan at 3.

Pagsasalaysay ng mga Natutuhan.

Pagpapakahulugan sa mga Talasalitaan

KOLEHIYO NG EDUKASYON
13
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Bilang tugon sa mabilis at madaling pagkaunawa sa tinalakay ng pag-aaral na ito,

ang mga salitang ginamit ay binigyang kahulugan ayon sa kaugnayan ng pag-aaral.

Bodily-Kinetsthetic Intelligence. Ito ay ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga

kongkretong karanasan o interaksyon sa kapaligiran.

Dulog Total Physical Response. Ito ay ginagamit sa mabilis na pagkatuto ng

pangalawang wika.

Interpersonal Intelligence. Ito ay kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang

pangkat sa pamamagitan ng pakikipagkomunikasyon.

Gardner’s Multiple Intelligence. Isa itong teorya na nagpapakita ng iba’t ibang talino na

mayroon ang indibidwal.

Kabisaan. Terminong ginamit upang sukatin ang pag-aaral ng mananaliksik.

Kasarian. Terminong ginamit upang matukoy kung babae at lalaki.

Mag-aaral. Isang tao na nag-aaral na maaaring bihasa sa talino, sila ang respondente o

tagatugon ng mananaliksik.

Mananaliksik. Isang tagasiyasat, tagakoleta ng datos, at tagatala ng mga isinagawang

pananaliksik.

Pangkat. Terminong ginamit upang malaman kung saan nabibilang ang mga respondent.

Pangkatang gawain. Isang gawain na pinapagawa ng guro sa mga mag-aaral na

kapangkat.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
14
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Pagsasalaysay ng mga natutuhan. Isang aktibidad na humahasa sa pagpapaunlad ng

kumpiyansa sa sarili ng bawat mag-aaral.

Pag-uulat. Isang gawain na humahasa sa kakayahan ng isang mag-aaral sa pagsasalita at

kaalaman sa paksa.

Teorya. Tumutukoy ito sa pangkalahatang paglalarawan sa isang disiplina na maaaring

makatotohanan o kaya naman ay isang haka-haka lang.

Kabanata 2

PAGSUSURI SA MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumalakay sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

kinalap at binasa na mula sa mga aklat, tesis, at websayt na may kinalaman sa

pananaliksik.

Kaugnay na Literatura

Banyaga

Ang Total Physical Response (TPR) ay isang pamamaraan sa pagtuturo ng wika,

na nagtatatag ng ugnayan sa pagitan ng pananalita ang pangunahing pamamaraan sa wika

at pagkilos. Ang pamamaraan sa pagtuturo ng wika ay ang mga gawaing ginagamitan ng

kilos. Ang Total Physical Response ay sumasalamin batay sa pagtingin ng wika sa

balarila. Si James Asher isang amerikanong propesor ang nagpakilala ng Total Physical

KOLEHIYO NG EDUKASYON
15
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Response noong 1960. Ayon sa kanya “karamihan sa istruktura ng gramatika ng nais na

matutunang wika at daan-daang bokabularyo ang matututunan sa bihasang paggamit at

pagpapahalaga ng nagtuturo.”

Nagbunsod kay Yadav (Jai Pra Kash Songh 2011) na gumawa ng isang

eksperimentong pananaliksik patungkol sa kabisaan ng Total Physical Response at

nalaman niyang ito ay epektibo sa pagtuturo ng bokabularyo kumpara sa tradisyunal na

pamamaraan sa pagtuturo. Nakita niya rin na malaki ang impluwensya ng Total Physical

Response sa mga gawain ng mga mag-aaral na may kinalaman sa kakayahan sa pakikinig

at pagsasalita.

Lokal

Ayon sa aklat na “METODOLOHIYA” sa Pagtuturo ng Filipino, Mga Teorya,

Simulain, at Istratehiya na isinulat ni Paquito B. Badayos Ph.D. Nagkakaroon ng malalim

na pagpapahalaga sa panitikan ang mga mag-aaral kung ang gurong umaakay sa kanila

upang “maranasan” ang mga akdang panitikan ay may ganap ding pagkakilala at

pagpapahalaga sa iba’t ibang genre ng panitikan. Nais nating makawilihan ng mga mag-

aaral ang pagbabasa ng panitikan. Subalit hindi natin maipamamahagi ang pagkawiling

ito sa panitikan kung tayo sa ating sarili ay hindi kakikitaan ng pagkalugod sa pagbabasa.

Kung nais nating laging nasa isipan ng mga mag-aaral ang panitikan, kailangang handa

rin tayong bumigkas ng mga linya ng tula, kung hindi man ang buong tula sa harap ng

klase. Sa madaling salita, kailangang ipakita natin ang sariling interes sa panitikan kung

nais natin gustuhin ito ng ating mag-aaral. Hindi natin maibigay ang wala sa ating

katauhan.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
16
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Sa lawak ng pagtuturo ng panitikan ay may iba’t ibang pagdulog na maaaring

gamitin ang guro. Datapwat dapat maunawaan sa puntong ito na walang isang paraan o

dulog sa pag-aaral at pagsusuri na magbibigay ng tamang pagpapakahulugan sa binasa.

Nasa porma at nilalaman ng seleksyon ang pagpili ng angkop na pamaraan at pagdulog.

Sa pagtuturo ng panitikan, mayroong iba’t ibang uri ng dulog na maaaring

gamitin ng mga guro. Ito ay nakabatay sa kakayahan ng bawat mag-aaral. Higit na

mauunawaan ng mag-aaral kung ang guro ay gagamit ng iba’t ibang dulog kung saan

maipapakita nila ang kanilang husay sa pagkilos at pagsasalita sa asignaturang Filipino.

Ang atensyon ng mag-aaral ay napupukaw kung nagiging aktibo sila sa talakayan at

nagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng guro at ng mag-aaral at sa mag-aaral kapwa

niya sa mag-aaral.

Sa akda ni Amado V. Hernandez ang “Panitikan ang dapat ituro at hindi ang kung

ano pa man.” Karanasan ang magpapatunay na kakaunting guro lamang ang “nagtuturo”

ng asignaturang ito. Batid nating may gurong nakapagbibigay ng mga kahanga-hangang

panayam tungkol sa mga kaligiran ng mga akda ni AVH. Ngunit ang panitikan ay hindi

kasaysayan. Kung gugugulin ng guro ang kanyang panahon sa pagtatalakay ng

pinagmulan ng isang naisulat na lathalain o ng mga detalye ng buhay ng isang manunulat,

hindi siya nagtuturo ng panitikan. Nagtuturo ng kasaysayan. Ang kaligirang pangkultura

at kalakaran ng panahon ng isulat ang akda ay maaaring kawili-wili ngunit ito’y hindi

panitikan

KOLEHIYO NG EDUKASYON
17
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Ang pagtuturo ng panitikan ay hindi lamang nakatuon sa kasaysayan nito kundi sa

mga paksang nakapaloob dito. Higit na matututo ang mag-aaral kung malalaman niya ang

iba’t ibang bahagi na bumubuo sa panitikan upang lubos niyang maunawaan ang mga ito.

Sa aklat na Educational Psychology na isinulat ni Bucu et.al. Ang epektibong

pagtuturo ay nakabatay sa kung paano maipakikita ang iba’t ibang kakayahan ng mga

mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Upang matamo ang epektibong pagkatuto,

kinakailangang pagsama-samahin ang kakayahan ng tao na makipag-ugnayan sa iba,

paghatol sa desisyon, kaalaman sa paksang aralin, at pag-unawa sa pagkatuto sa hindi

nagkakaisang pagkilos na nagiging resulta upang mas mapabuti ang pagkatuto ng mga

mag-aaral. (Kauchak and Eggen)

Ayon kay Cole and Chan, ang epektibong pagtuturo bilang isang aksyon ng mga

propesyunal na tao na nahasa ang kognitib, personal, sosyal, at pagbabagong pisikal ng

mga mag-aaral. Binibigyang diin nito ang kakayahan at katangian upang mapabuti ng

mga mag-aaral ang kanilang kaalaman. Sumang-ayon ang dalawang nagbigay ng

katuturan sa epektibong pagtuturo na kinakailangan ng mga mahuhusay na guro ng may

natatanging kakayahan upang magkaroon ng epektibong pagkatuto.

Kaugnay na Pag-aaral

Banyaga

Ang Social Learning Theory ni Albert Bandura ay nakabatay sa mga ideya na

ating natututuhan sa pamamagitan ng pakikipag-interaksyon sa ibang tao. Sa

KOLEHIYO NG EDUKASYON
18
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
pagmamasid ng pag-uugali ng iba, ang tao ay bumubuo ng kaparehong ugali. Ang

panggagaya ay nakapaloob sa aktwal na paglaganap ng motor na aktibidad (Nabavi 2012)

Batay sa kabuuang prinsipyo, ang pagkatuto ay nagaganap ng walang pagbabago

sa pag-uugali. Sa madaling salita, ayon sa mga nag-aaral tungkol sa pag-uugali, ang

pagkatuto ay naglalarawan ng permanenteng pagbabago ng ugali, samantalang sinabi ng

mga Social Learning Theorist, ang tao ay natututo sa pamamagitan ng pagmamasid, ang

kanilang pagkatuto ay hindi kinakailangang ipakita sa kanilang mga gawain.

Malinaw na ipinapakita ng teoryang ito na ang pagkatuto ng mag-aaral ay sa

pamamagitan ng pagmamasid sa kilos at galaw ng kapwa mag-aaral. Sa pagkakaroon ng

interaksyon ng guro sa mag-aaral at mag-aaral sa kapwa niya mag-aaral ay nagkakaroon

ng malawak na pagkatuto ang bawat isa.

Sa pag-aaral na ginawa ni Michael K. Brune bilang kahalili ng klasikal na Total

Physical Response ang pundasyon nito ay binubuo ng isa sa pinaka epektibong

pamamaraan o metodo sa pagtuturo at pagpapalawak ng bokabularyo, gayunpaman ay

nakaangkla pa rin ito sa klasikal na Total Physical Response. Nalagpasan ng Total

Physical Response Storytelling ang mga hadlang na kinahaharap sa pag-aaral na nakatuon

sa pagkilos sa pamamagitan ng paglalakip ng unibersal na sining ng pagkukwento. Kahit

na ito ay limitado pa sa pagtuturo ng istruktura ng diskurso.

Sa patuloy na paglago ng Total Physical Response Storytelling kaalinsabay nito

ang kanyang pag-unlad, kinakailangan na malaman at maipakilala na ang Total Physical

Response Storytelling ang mga isyu na isinusulong ng pananaliksik na ito nang sa gayon

ay maipagpatuloy ang pagpapaunlad dito. Dahil nga nakapaloob ang mga ideya na ito sa

KOLEHIYO NG EDUKASYON
19
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
pagtuturo ng mga tanyag na wika, ang mga klase na nagtuturo ng banyagang wika ay

maaaring maging kasiya-siya at epektibo sa lahat ng mga kasangkot.

Ayon sa ginawang pananaliksik ni Michael K. Brune na ang Total Physical

Response ay isa sa dulog na ginagamit ngayon upang mas madaling maunawaan ng mag-

aaral ang banyagang wika sa pagkukwento. Ito ay may kaugnay sa pag-aaral ng

mananaliksik sapagkat ang Total Physical Response naman ay ginamit nila bilang dulog

sa pagtuturo ng panitikan.

Ang paggamit ng Total Physical Response sa pagtuturo ng wika sa loob ng silid-

aralan ay may iba’t ibang dimensiyon, at ginagamit din sa iba’t ibang layunin. Ito ang

pinakapaki-pakinabang na metodo o pamamaraan sa mga guro na naniniwala na ang

kawilihan ng mga mag-aaral habang nagtuturo ay mahalaga at pinaniniwalaan na ang

mga mag-aaral ay kinakailangan ding turuan sa iba’t ibang pamamaraan upang mapunan

ang iba’t ibang pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang estilo sa pagkatuto ay

sumasalamin sa iba’t ibang pamamaraan kung saan ang tao ay natututo. Halimbawa, sa

United Arab Emirates, ang mga mag-aaral ay madaling natututo kung sila mismo ang

gumagawa gaya ng itinuturo sa kanila ng kanilang pamilya; sila ay Kinesthetic learners

at ang Total Physical Response ay epektibo sa kanila. Sa parehas na paraan, ang Total

Physical Response ay may kaugnayan sa iba’t ibang estilo ng pagkatuto, ito ay may

kaugnayan sa walong Multiple Intelligences na ipinakilala ni Howard Gardner. Isa sa

walong multiple intelligences ay ang bodily-kinesthetic intelligence na may kinalaman sa

paggamit ng pino at maayos na pagkilos upang makapagsagawa ng mga paggalaw.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
20
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Malaking kapakinabangan ang paggamit sa Total Physical Response bilang dulog

ang pagtaas ng kawilihan ng mga mag-aaral upang matuto. Ang mga mag-aaral, lalong-

lalo na ang kalalakihan, ay mabilis na mabagot kaya mas gusto nila na laging nakikilahok

sa klase. Dahil ang layunin ng Total Physical Response ay pakilusin ang mga mag-aaral,

napupukaw nito ang kawilihan ng mga mag-aaral. Sa pagtuturo naman ng wika, ang mga

guro ay karaniwang dumidepende sa mga utos sa paggamit ng Total Physical Response.

Ayon kay Freeman at sa kanyang librong ESL/EFL Teaching: Principles for Success

(Sakhaweti, 2004), “ang pag-asa sa mga utos, matitiyak ang aktibong partisipasyon ng

mga mag-aaral.”

Sinasabi sa pananaliksik ni Fayaqa Abdul Hussain Sakhaweti kung gagamitin ang

Total Physical Response bilang dulog sa pagtuturo ng Panitikan, lalo na sa pagtuturo ng

tula at mga dula, magiging kasiya-siya at mapupukaw nito ang kawilihan at interes ng

mga mag-aaral dahilan upang mas matuto at mas bigyang-tuon ang pagkatuto sa

Panitikan. Ayon din sa kanyang pananaliksik, magiging buhay ang pag-aaral ng Panitikan

at mababawasan ang mga mag-aaral na nababagot sa klase.

Kaugnay na Pag-aaral

Lokal

Ayon sa pananaliksik na ginawa ni Llagas, may tatlong teorya siyang sinaliksik

hinggil sa pagtuturo ng panitikang Filipino.

Ang una ay ang Transfer Theory (Llagas 2015), binibigyang diin ng teoryang ito

na ang kaalaman ay naipapasa mula sa guro patungo sa mga mag-aaral sa pamamagitan

ng mga epektibong mga elemento sa pagtuturo tulad ng mga estratehiya, kaalaman, at


KOLEHIYO NG EDUKASYON
21
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
mga teknik. Ang mga mahuhusay na elemento sa pagtuturo ang magiging daan sa mga

mag-aaral upang matamo ang karunungan sa mga araling pinag-aaralan.

Nangangahulugan na ang isang guro ay dapat magkaroon ng malawak na kaisipan hinggil

sa mga epektibong elemento sa pagtuturo nang sa gayon ay makatulong sa mga mag-

aaral upang mapalawak ang kaalaman sa bawat aralin. Ang teoryang ito ay nakasandig

sa kakayahan ng isang guro sa pagtuturo.

Ang ikalawang teorya naman ay nakasandig sa mga mag-aaral. Ito ay ang

Growing Theory ni Perkins (Llagas 2015). Naniniwala ang teoryang ito na ang isang

paraan upang malaman kung ang pag-aaral ay naging epektibo, ito ay nakatuon sa

intelektuwal at emosyonal na pag-unlad kung napaunlad ang aspektong intelektuwal ay

emosyonal ng mga mag-aaral.

Ang interaksyon naman ng tatlong aspekto ng pagkatuto ay binibigyang halaga sa

teorya ni Cruicksshank (Llagas 2015). Sinasabi sa kanyang Product-Process Presage

Theory na ang produkto ay ang pagkatuto sa parte ng mga mag-aaral habang ang process

ay sa interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at guro. Ang Presage ay kakayahan ng isang

guro, antas ng karanasan, tagumpay at iba pang katangian ng guro. Sinasabi ang Presage

ay nakaaapekto sa Process at ang Process ay nakaaapekto sa Product. Nangangahulugan

na ang bawat aspekto ay may ginagampanang tungkulin sa pagkatuto, ngunit binibigyan

diin dito ang Presage na kung saan nakapanig sa kakayahan ng guro. Mahihinuha sa

teoryang ito na nasa guro magkakaroon ng implikasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa mga teoryang ito, makikita ang ugnayan ng guro at mag-aaral. Ipinapakita ng

mga teoryang ito, ang kahalagahan ng interaksyon upang matamo ang layunin ng bawat

KOLEHIYO NG EDUKASYON
22
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
aralin. Sa papamagitan ng mga teoryang ito, mas napalalawak ang kaalaman ng bawat

isa, sapagkat ang bawat indibidwal ay hindi lamang natututo sa kanyang sarili kundi

maging sa ibang tao na kanilang nakakasalamuha. Tumatatak sa bawat mag-aaral ang

kanilang mga natututuhan at nagagamit nila ito sa pangaraw-araw na pamumuhay.

Ayon kay Allen at Campbell (Castillo, Mj. 2013) nilinaw nito na ang

pagkakaibang tatlo sa How of Teaching ay: (1.) Ang estratehiya ay hindi

maisasakatuparan kung walang pamamaraan at wala din mabubuong paglalapat kung

hindi magagawa ang isang method o pamamaraan. (2.) Ang istratehiya ay isang hanay ng

mga pagpapalagay upang maiugnay sa proseso ng pagtuturo. Pagiging malinaw na kung

saan ito ay naglalarawan sa likas na katangian ng paksa na itinuro. Ito rin ay

nagpapahayag ng isang punto de bista at pilosopiya. (3.) Ang paglalapat ay isang

pangkalahatang plano para sa maayos na presentasyon ng isang aralin, Ang paglalapat ay

isang pamamaraan na kung saan sa loob ng isang istratehiya, maaaring magkaroon ng

maraming mga pamamaraan o metodo. (4.) Ang istratehiya ay isinasagawa ng aktwal sa

silid–aralan.

Sa pag-aaral na ginawa ni Ariola, C.D. 2004 may iba`t iba pang dulog ang

maaaring gamitin sa pagtuturo, ang ilan sa mga ito ay ang:

Cooperative Learning

Sa pamamaraang ito ang mga mag-aaral na iba-iba ang kaalaman, kakayahan at

kapasidad ay kailangan magsama-sama para sa isang layunin na matuto sa bawat isa.

Hinihikayat na ang bawat mag-aaral ay makikipag-ugnayan at makapagbabahagi ng

KOLEHIYO NG EDUKASYON
23
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
kanilang mga karanasan at pananaw sa kapwa mag-aaral at magsasagawa ng pagsusuri at

sabay-sabay na bumuo ng mga bagong ideya.

Ang bawat mag-aaral ay maaaring italaga sa iba`t ibang gampanin. Katulad ng

Facilitator, recorder, reporter, illustrator, peer tutoring at pair group.

Experiential Learning

Sa dulog na ito ang kaangkupan ng konteksto ay pinagkakaloob sa pagpapaunlad

ng kaisipan at kasanayan tulad sa wika at konseptong pang-akademiko sa mga mag-aaral

sa iba`t ibang antas ng kahusayan sa wika.

Whole language Approach

Ayon kay Goodman, 1986 ang pilosopiya na pangkalahatang wika ay batay sa

pangangailangan ng mga mag-aaral upang maranasan ang kahalagahan ng wika. Kung

nakatuon sa pangangailangan ng mga mag-aaral ang pagtuturo gamit ang wika na nasa

loob ng konteksto, ito ay mahalaga at makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

“Strategies may include dialogue, journals preaching response, journal log, process

based writing and language stones”. (Arrola 2004).

Graphic Organizer

Ito ay ang pagsasaayos at pagpapakita ng mga impormasyon upang higit na

maunawaan at maisagawa ng mga mag-aaral ang kanilang mga pinag-aandar sa paaralan.

Gumagamit ng graph, realia, tables, maps, flow charts, timeline at venn diagram upang

matulungan ang mga mag-aaral upang mangalap ng mga komprehensibong aralin galing

sa aklat.
KOLEHIYO NG EDUKASYON
24
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Ang ugnayan ng pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng guro ay magagamit

sa pangkatang-gawain at mga gawaing pangmotibasyon. Ayon kay Nystrard, et. al (1993)

ang pangkatang gawain ay daan upang ang mga mag-aaral ay magkaroon ng

komunikasyon sa isa`t isa at maipakita ang kanilang natatanging kakayahan sa loob ng

silid-aralan na magiging dahilan upang madagdagan ang kanilang tiwala sa sarili.

Ayon kay Dionisio, 1994 (Justo, R.E 2005) sa sistema ng edukasyon, ang mga

mag-aaral ay maaaring maimpluwensyahan ng kanyang guro at kapwa mag-aaral at sa

mga aklat na kanilang nababasa na makapagbibigay ng karagdagang kaalaman sa kanila.

Ang mga babae ay hiwalay sa mga lalaki. Ang mga babae aya inaasahan na magaling sa

asignaturang Ingles, Filipino at Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan na hindi

gaanong ginagamitan ng pagkilos. Ang mga lalaki ay inaasahan na magaling sa

Matematika at Agham na masusukat ang kanilang kakayahan sa pag-iisip. Ang paaralan

at mga guro ay inaakma ang mga aktibida sa magkaibang ugali ng lalaki at babae. Sa

sekundaryang edukasyon, ang itinuturo sa kalalakihan ay ang pagkakarpentero at mga

elektrisidad na gawain at ang kababaihan ay tinuturuan ng pagluluto at pag-aalaga. Ang

nilalaman ng mga aklat ang mga kagamitan pampagtuturo ay maaaring gamitin ng lalaki

at babae.

Ayon naman kay Mangahas, 1997 (Justo, R.E 2005) sa sistema ng paaralan, mas

marami ang babae sa Kagawaran ng Edukasyon sa Kultura at Isports. Ayon sa sarbey,

84% ng elementarya at sekundarya ang gurong babae samantalang 16% lamang ang

lalaki. Pareho rin ito sa Kagawaran ng mataas na edukasyon (pampubliko at pampribado),

57% ang babae at 43% ang lalaki. Samantalang sa hanay naman ng tagapamahala ng

DECS, ang bilang ng kababaihan ay bumaba. Ang ibig sabihin nito ay ang mga babae ay
KOLEHIYO NG EDUKASYON
25
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
mayroong mababang oportunidad, puwesto ng pagiging isang ina, asawa at

tagapangalaga ng kalalakihan.

Sinabi rin ni Hoffman, 1997 (Justo, R.E 2005) ang mga babae ay sumasali sa mga

aktibidad ng paaralan na mayroon lamang kaunting gagawin gaya ng sa pananahi, dulaan,

musika, at pagsayaw. Ang mga lalaki ay sumasali sa mga aktibidad na maraming

gagawin at lakas na maibibigay gaya ng sa palaro, paghahalaman, pag-aayos o pagbuo ng

mga bagay, artes, at iba pa.

Sa pananaliksik na ginawa ni Justo, R.E 2005, ang kababaihan ay makatuwiran

dahil sa mababang edukasyon. Ito ay pinagtatalunan na mawasto ang pagkapantay-pantay

ng oportunidad para sa kababaihan (Wollstone Caft, 1986). Ang iba naman ay ang

pagpilit sa kababaihan noon na nagpapaliwanag na hindi lang tuloy-tuloy ng mataas na

posibilidad na magkaroon ng anak ang kababaihan rin ay mayroong mataas na

posibilidad na mananatili na lamang sa bahay upang tulungan ang kanilang ina (Tinker,

1990). Gayunpaman, ang pag-aaral na ito ay nagpapakita na ang kakulangan sa

edukasyon ay hindi pangunahing dahilan kung bakit ang kababaihan ay mas mababa

pagdating sa tungkulin ng paaralan sa paghubog ng kasarian, ugali, at estereotipya.

Ang kawalan ng katarungan ay nagsisimula noong pre-school na ang mga lalaki

ay nakatatanggap ng higit na pagtuturo at atensyon sa guro (AAVW, 1992). Ang paunang

pag-aaral ay ginawa ni Hale sa silid-aralan ng Kindergarten noong 1993. Ipinakita ang 42

na lalaki at 7 na babae na nakipagtulungan sa loob ng 30 minuto (Hale, 1993). Ang

disenyong ito ay nananatili mula elementarya pataas. Ang pag-aaral na ito ay nagsasabi

na: a.) Ang pakikipag-ugnayan ng guro ay nananatili sa kung ano ang kasarian nito; b.)

KOLEHIYO NG EDUKASYON
26
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Ang mga guro ay nagbibigay ng mas maraming atensyon sa mga mag-aaral na lalaki; c.)

Ang kalalakihan ay nakatatanggap ng mas maraming tanong na kinakailangan ng mataas

na pag-iisip. d.) Ang mga mag-aaral na lalaki ay mas nakikipag-ugnayan sa guro. (kahit

na makikita natin na ang parehong kasarian ay nakikipag-ugnayan ng pareho). At e.) Ang

mga mag-aaral na lalaki ay mas nakatatanggap ng maraming oportunidad na makilahok

sa klase. Ang papel na ito ay nagbibigay ng limang mungkahi para malunasan ang hindi

pantay na sitwasyon. (Barbara and Saundra,1999).

Ang isa sa dahilan ng hindi pagkapantay-pantay ng mga lalaki ay ang

paghahangad ng maraming atensyon. Ang mga lalaki ay mahilig magbigay ng komento

sa klase (Wollstonecraft,1986). Kapag ang babae ay nagpakita ng parehong pag-uugali,

sila ay sinasaway at pinapaalalahanan na tumaas ng kamay (Wollstonecraft, 1986). Ang

mga lalaki ay labingdalawang ulit na madaldal sa klase kaysa sa babae at limang ulit

naman ang pagkuha ng atensyon ng kanilang guro. (Rupp,1994). Ang mga lalaki ay

nakatatanggap ng maraming papuri sa pagiging malinis kaysa sa babae. Ang resulta nito

ay ang mga babae ay nakatatanggap ng mas konting pakikipag-ugnayan sa kanilang guro

at kapag sila ay nakatanggap ng atensyon. Ang mga guro ay nilulutas ang problema para

sa kanila habang ang mga lalaki naman ay nahahamon sa pag-analisa ng kanilang

problema at masolusyunan ng sarili nila (Sadler, 1994).

Ayon naman kay Harrel (1992) ang pinagasgas na mensahe ay ang “Appropriate

behavior for boys includes power over girls”. Dahil dito, ang mga babae ay dapat

nagpapahayag ng kanilang nararamdaman tungkol sa pagiging walang kakayahan at

biktima at kadalasan ang sistema ng paaralan ay palakasin ang mga kaparusahan sa mga

nagkamit ng sala o `di kaya`y ang `di pagpansin sa mga isyu.


KOLEHIYO NG EDUKASYON
27
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Isa sa importanteng natuklasan ay ang pananaig sa “Learned helplessness” sa

mga babae. Ito ay may kakulangan sa pagsisikap sa akademiko na naging sanhi ng

walang kakayahan ng babae, may pag-aalangan sa pagsagot at mas higit ang tiwala sa

pamamatnubay ng guro. Ang mga guro ay may malakas na ideya tungkol sa pag-iisip ng

mga babae at lalaki sa pamamagitan ng pagsasalita at paggalaw, palalakasin nito ang mga

mensahe ng magulang.

Kung sinomang nagtuturo ng Ingles o kung sino ang may gustong magsulat o

mag-ulat ay kailangan maging sensitibo sa mga isyu ng kasarian na may karapatan sa

wika katulad ng paggamit ng opisyales ng mga kapulisan, hindi pulis, Flight attendants

hindi stewardesses, o `di kaya`y bukod tangi sa paggamit ng mga “Masculine Pronoun”

kung ito ay matagal ng pamantayan. Iwasan dapat ng mga manunulat ang may

kinikilingan sa kasarian sa pamamagitan ng “gender-neutral plural noun” na

pinapahintulutan ang paggamit ng plural noun, ito ay gender neutral. Ang paggamit ng

“sila” at “nila” bilang singular pronoun, ay magiging malawak at katanggap-tanggap

kahit na ang indefinite pronouns ay singular.

Ang mga eksperto sa gramatika ay nagmungkahi na ang mga manunulat ay

kayang mabago ang alin man sa mga pangungusap na ginagamitan ng gender-specific

pronoun, sa paraan na ang pronoun ay inaalis nang sama-sama.

Ang mga tagapagturo sa Ingles ay nagdesisyon na kapag ang interes ng

pagtutuwid sa makasaysayan, sila ay maaaring gumamit ng Feminine Pronoun at

itaguyod ang paggamit ng Feminine Pronoun na nag-iisa sa sanggunian na gender-

neutral pronoun (Soles, 1999).

KOLEHIYO NG EDUKASYON
28
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Malinaw sa lipunan na sadyang ang babae at lalaki ay may magkaibang direksyon

kadalasan walang pakundangan sa indibidwal na pangangailangan, kakayahan at interes.

Ito ay paraan upang i-promote ang sex segregation na itinatanggi ang pagpapahalaga sa

mga kasarian na magiging halimbawa sa bawat isa ang kagustuhan at gawain.

Sa kabila ng kalamangan na nangyayari sa kababaihan at mga babae mula noong

1960`s. Maraming bagay na tungkol sa negatibong impluwensya ng sariling

pagpapahalaga ng mga babae sa sistema ng edukasyon at dahil dito limitado lamang ang

kanilang katuparan sa akademiko at potensyal. Samakat’wid, suportado sa pananaliksik at

programa kung direktang ipararating ang isyu na kailangang ituloy at ang mga

tagapagturo ay kailangan manatiling alerto at sensitibo sa mga pagsubok sa isyu.

Ang paaralan ay isa sa mga maimpluwensiyang katiwalang panlipunan sa

oryentasyon ng kasarian ng mga nakatatanda sapagkat ito ang pangalawang tahanan ng

mga bata upang ipakita ang kanilang sarili bukod sa kanilang pamilya. Dito nabubuo ng

mga bata ang pagkakaibigan at pakikipagkapwa-tao sa kanyang mga ka-edad o sa mga

mas nakatatanda o nakababata sa kanila. Dito natututo ang mga bata ng iba`t ibang

oryentasyon at isa sa mga ito ay ang kanilang pananaw sa mga gampanin ng bawat

kasarian.

Ang diskriminasyong panlipunan ay nagsisimula sa pagkasilang at nagpapatuloy

sa pagkakaroon ng mga gampanin. Ang ganitong pag-uugali at pagkakaiba-iba ng mga

gampanin sa loob ng tahanan ay pinalawak na sa dating pag-aaral at dinala na sa tratong

panlipunan sa kalalakihan at kababaihan sa pangkalahatan. (Rojas-alerta et. Al, 1979)

KOLEHIYO NG EDUKASYON
29
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Ang mga bata ay natututo sa loob ng paaralan ng iba`t ibang “stereotyping” at

gampanin na nagmumula sa tahanan. Ang paaralan ay mayroong tiyak na patakaran at

pagsasanay tulad ng paghihiwalay ng lalaki sa babae sa pagpila at sa loob ng silid-aralan.

(Rojas-Aleta, Silva & Eleatar, 1979)

Ang paaralan ay patuloy na nagtuturo at nag-iimpluwensiya sa oryentasyon ng

kasarian hanggang sa ang bata ay may kasapatan ng magdesisyon para sa kanyang

kapakanan. Ang pakikihalubilo sa kaparehong kasarian at gamapanin ay pinalawig mula

sa tahanan hanggang sa paaralan. Ang pamamalakad ng paaralan ay pinatatatag ang

pagkakaiba- iba ng mga kasarian sa mga gawain na imungkahi sa kurikulum, aklat, at sa

pamamagitan ng pag-uugali ng guro.

Ang paaralan ay mayroong tiyak na patakaran at pagsasanay tulad ng

paghihiwalay ng lalaki sa babae sa pagpila at sa loob ng silid-aralan. (Rojas- Aleta, Silva

& Eleatar, 1979.)

Tulad ng sinabi ni Licuanan (2003), ang pamilya at ang paaralan ay mga lakas ng

lipunan sa pagkakaiba-iba ng oryentasyon at pagpapahalaga ng mga Pilipino. Ang

kabataan ay naeengganyo sa kanilang pananatili sa paaralan. Simula 1960 hanggang

1990, ang pagpapatala sa paaralan ay tumaas mula 27% sa kalalakihan at 25% sa

kababaihan edad 15-19 to 40% at 37%, ayon sa pagkakabanggit.

Sa pag-aaral na ito na isinagawa ni Justo, R.E 2005, ang mga lalaki at babae ay

tinanong tungkol sa impluwensya ng paaralan sa kanilang oryentasyon ng kasarian.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
30
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Male`s orientation as influenced by the school

Ang kalalakihan ay nakikisama sa paaralan sa mabuting paraan tulad ng

paggalang sa mga tao ng hindi tumitingin sa kasarian at pakikipagkaibigan. Ang paaralan

ay mayroon ding impluwensya sa kanila sa hindi magandang paraan, tulad na lamang ng

pagiging salbahe.

Ang pagtuturo ng paggalang ay nagsisimula sa tahanan sa tulong ng mga

magulang, nakatatanda, kamag-anak, o kapatid. (Mendez et. al, 1984)

Ito ay ipinagpapatuloy ng paaralan kung saan natututo ang mga bata kung paano

gumalang sa paaralan. Unang nakakasalamuha ng ibang tao ang isang bata bukod sa

pamilya at kamag-anak nito. Mula sa una nitong pakikisalamuha, ang tao ay mauunawaan

na ang paggalang ay isinasagawa hindi lamang sa miyembro ng pamilya, kun’di pati na

rin sa iba pang kasapi ng lipunan.

Sintesis ng Pagsusuri sa mga Literatura at Pag-aaral

Malaki ang naitulong sa mga mananaliksik ng mga nakalap na banyagang

literatura dahil ito ay may katibayan na epektibo ang paggamit ng Total Physical

Response bilang dulog sa pagtuturo ng Panitikan. Nagkaroon ng motibasyon ang mga

mag-aaral upang sila ay matuto sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasalita. Sa paraang

ito, naipamamalas nila ang iba’t ibang kakayahan sa loob ng silid-aralan. Marami mang

iba’t ibang klase ng dulog ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng Panitikan, ngunit may

iisa pa ring partikular na dulog na ginamit ang guro upang lubos na maunawaan ng mga

KOLEHIYO NG EDUKASYON
31
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
mag-aaral ang paksang tinatalakay. Isa sa mga kakayahan na dapat taglayin ng isang

guro ay ang pagkakaroon ng malawak at makabuluhang kaalaman tungkol sa paksa na

ibabahagi sa mga mag-aaral.

Ang mga kaugnay na banyagang pag-aaral ay lubos na nakatulong sa mga

mananaliksik sapagkat tinukoy nito ang kahalagahan ng paggamit ng Total Physical

Response bilang dulog sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Malaki ang naitulong nito upang

mapukaw ang interes at atensyon ng mga mag-aaral tungo sa pagkatuto ng Panitikan.

Natuto sila sa pamamagitan ng pagkilos na may kaugnayan sa walong Multiple

Intelligences ni Howard Gardner. Ang mga kaugnay na lokal na pag-aaral ay labis na

nakatulong sa mga mananaliksik hinggil sa pagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng

guro sa kanyang mga mag-aaral at mag-aaral sa kapwa niya mag-aaral upang makamtan

ang lubos na pagkatuto, dahil hindi lang natututo ang isang indibidwal sa kanya, kun’di

maging sa mga taong kanyang nakakasalamuha na magbibigay sa kanya ng dagdag na

kaalaman. May iba`t-iba pang mga dulog ang maaaring gamitin ng guro sa pagtuturo ng

panitikan na makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ayon sa isang pag-aaral, Ang heterogenous o non-graded education ay isang

kasanayan sa larangan ng pagtuturo, na ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang edad at

lebel ng kakayahan o kahusayan na ipinagsasama sa iisang silid-aralan at hindi

ipinagpapangkat batay sa kanilang grado.

Kabanata 3

DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK

KOLEHIYO NG EDUKASYON
32
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Ang kabanatang ito ay naglahad ng pamamaraang ginamit, populasyon at bilang

ng kalahok. Paraan ng pagpili ng mga kalahok, deskripsyon ng mga kalahok,

instrumentong ginamit, paraan ng pangangalap ng datos at uri ng ginamit na istadistika

ng mga mananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang ginamit na disenyo ng mga mananaliksik ay deskriptibong pamamaraan ng

pananaliksik. Ayon kay Sevilla et.al,(2002) ang pamamaraang deskriptibo ay

kinapapalooban ng mga sistematikong paglalarawan ng mga kalagayan at kaisipang nais

ipabatid ng anomang pahayag sa loob ng teksto. Mahalaga ang paggamit ng

pamamaraang deskriptibo sa nasabing pag-aaral dahil mas maayos na matatalakay dito

ang mga paglalarawan sa mga datos na makakalap sa mga magiging kalahok ng

pananaliksik.

Metodo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Kwantitatibo upang mangalap ng datos

tungkol sa nasabing pag-aaral gaya ng persepsyon at pananaw sa pamamagitan ng sarbey

at paggamit ng estadistika.

Respondente ng Pananaliksik

Random Sampling ang ginamit ng mga mananaliksik sa isinagawang pag-aaral

dahil pinili lamang ang mga magiging respondente na gumagamit ng Total Physical

Response bilang dulog sa pagtuturo at pagkatuto ng Panitikan. Ang respondente ay

KOLEHIYO NG EDUKASYON
33
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
tutugon sa kanilang persepsyon hinggil sa kabisaan ng Total Physical Response bilang

dulog sa pagtuturo at pagkatuto sa Panitikan na nakatuon lamang sa tatlong gawain

nakapaloob dito. Ito ay ang Pangkatang Gawain, Pagsasalaysay sa natutunan at Pag-uulat.

Marami ang mataas na pampublikong paaralan sa Marikina, ngunit ang pinili ng

mga mananaliksik ay ang San Roque National High School upang pagkuhanan ng

magiging respondente sa kanilang pag-aaral, sapagkat noong mayroon ang mga

mananaliksik ng kursong Field Study ay kanila nang naobserbahan na mayroong guro sa

paaralan na ito na gumagamit ng Dulog Total Physical Response sa pagtuturo ng

panitikan.

Nasa ika-10 baitang ang napiling pagkuhanan ng datos ng mga mananaliksik

sapagkat ang baitang na ito ay nasa mataas ng antas ng pag-aaral ng panitikan. Ang mga

bahagi at sangkap na bumubuo sa Panitikan ay kanila ng pinag-aaralan kung kaya’t ang

mga gawain na nakapaloob sa Dulog Total Physical Response ay kasalukuyan ng

nagagamit ng guro bilang pagtuturo ng Panitikan.

Binubuo ang Grade 10 ng 220 na mga mag-aaral. Ang Grade 10-Comet at

Grade10-Andromeda ang mga napiling pangkat upang maging respondente na tutugon sa

isinagawang pag-aaral. Kumuha lamang ng tig-40 na respondente sa bawat pangkat na

may kabuuang 80. Nakuha ang bilang ng mga respondenteng mag-aaral gamit ang

Slovin`s Formula.

n= N

1+ N(e)2

KOLEHIYO NG EDUKASYON
34
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
n= Bilang ng mga respondente

e2= Marginal error

N= Kabuuang populasyon

N= 220

1+ 220 (0.09)2

= 220

1+ 220(0.0081)

= 220

2.782

= 79.079 o 80

Talahanayan 1

Bilang at bahagdan ng mga respondente batay sa kasarian at pangkat na

kinabibilangan

Distribusyon ng mga respondente sa bawat pangkat.

Pangkat Lalaki Babae Bahagdan Kabuuan

Gr. 10- Comet 20 20 50.91% 40

Gr. 10-Andromeda 20
KOLEHIYO 20
NG EDUKASYON49.09 40

Kabuuan 40 40 100% 80
35
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Instrumento ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, ginamit ng mga mananaliksik ang mga libro sa silid-

aklatan ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, Philippine Normal University Library at

sa Internet upang mangalap ng mahahalagang datos tungkol sa pag-aaral ng persepsyon

ng piling mag-aaral sa kabisaan ng Dulog Total Physical Response sa pagtuturo at

pagkatuto ng Panitikan.

Instrumentong Ginamit

Ginamit ng mga mananaliksik ang talatanungan para sa mga mag-aaral. Mayroon

itong limang bahagi.

Ang unang bahagi ay naglalaman ng mga tanong tungkol sa personal na datos ng

mga mag-aaral.

Ang pangalawa at pangatlong bahagi ay gagamitan ng Rating Scale na may

kaugnayan sa mga gawaing isinasagawa ng guro sa paggamit ng Dulog Total Physical

Response sa pagtuturo ng Panitikan.

Ang huling bahagi ay tanong na tumutukoy sa mungkahing programa na

magpapaunlad sa paggamit ng Total Physical Response bilang dulog sa pagtuturo at

pagkatuto ng Panitikan.

Ang rating scale na ginamit ng mga mananaliksik sa pangalawa at pangatlong

bahagi ng talatanungan upang makakuha ng mga kagustuhang tugon o antas ng

kasunduan sa isang pahayag o set ng pahayag na mayroon lamang lima na opsyon na

nakapaloob dito.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
36
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey kwestyuner sa paraang Rating

Scale: Likert Scale at open ended question na naglalayong makahanap ng mga datos

upang malaman ang persepsyon ng piling mag-aaral sa kabisaan ng Dulog Total Physical

Response sa pagkatuturo at pagkatuto sa panitikan na saklaw ng pananaliksik.

Gumawa ang mga mananaliksik ng liham na ibinigay sa Punong Guro ng Mataas

na Pampublikong Paaralan ng San Roque upang pahintulutan na magpasagot ng sarbey

kwestyuner sa kanila.

Nagtanong din ang mga mananaliksik sa gurong kinatawan ng Ikaapat na Baitang

tungkol sa kanilang kabuuang bilang.

Kagamitang Pang-Istadistika

Dahil ang pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral at hindi pa naman

isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng disertasyon, walang

ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa mataas at

komplikado na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga sipi sa bawat

pagpipilian ng bawat aytem sa talatanungan ang aalamin ng mga mananaliksik.

Samakat’wid, ang pagkuha ng datos mula sa respondente at pagkukuha ng porsyento


KOLEHIYO NG EDUKASYON
37
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
lamang ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik sa gagawing pag-aaral.

Maaaring gamitin ang mga sumusunod na kagamitang pang-istadistika:

Frequency/Percent Distribution – Ang pormulang ito ay ginamit sa pagkuha ng

eksaktong bahagdan ng mga respondente sa pananaliksik. Angkop ang pormulang ito

dahil dito makukuha ang eksaktong bilang at bahagdan ng mga respondente para sa

pananaliksik.

Formula:

f
x= X 100
n

x –Bahagdan n - Bilang ng respondente

f –Frequency

Weighted mean – Ito ay ginagamit upang makuha ang timbang o bigat ng mga puntos

na nakalap sa bawat bilang o tanong. Angkop ang pormulang ito upang lubos na

malaman ang puntos at bigat ng naging kasagutan ng mga respondente na bibigyan ng

berbal na interpretasyon ng mga mananaliksik.

Formula:

KOLEHIYO NG EDUKASYON
38
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Efx
x=
N

x –Weighted mean N –Bilang Respodente

Efx – Kabuuan ng rating ng product at frequency

Pearson-Product Moment Correlation – Ito ay ginagamit upang makita ang

signipikanteng kaugnayan ng mga factor. Angkop ang pormulang ito dahil nais ng

mananaliksik na malaman ang signipikanteng kaugnayan ng persepsyon ng piling mag-

aaral sa dulog TPR batay sa kanilang demograpikong propayl.

Formula:

n ∑ xy−∑ x ∑ y

R= ________________________________

√ [ n ∑ x❑2−( ∑ x ) ❑2 ] ¿

Frequency Distribution

Rating Scale

(5) Lubos na sumasang-ayon (LSA) 4.50-5.00

(4) Sumasang-ayon (SA) 3.50-4.49

(3) Di-Gaanong sumasang-ayon (DGA) 2.50-3.49

(2) Hindi sumasang-ayon (HSA) 1.50-2.49

KOLEHIYO NG EDUKASYON
39
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
(1) Lubos na hindi sumasang-ayon (LHS) 1.00-1.4

Kabanata 4

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA NAKALAP NA

DATOS

Matutunghayan sa kabanatang ito ang mga nakalap na datos sa pamamagitan ng

iba`t ibang metodo batay sa unang kabanata. Ang mga talahanayan ay nagpapakita ng

kinalabasan sa ginawang pangangalap ng datos ayon sa persepsyon ng mga piling mag-

aaral hinggil sa pagtuturo at pagkatuto sa Panitikan.

1.0 Demograpikong Propayl ng mga Respondente

Talahanayan 1.1

Bahagdan ng mga Respondente Batay sa Kasarian

Kasarian Bilang Bahagdan


Lalaki 40 50%
Babae 40 50%
Kabuuan 80 100%

KOLEHIYO NG EDUKASYON
40
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

Ipinapakita sa Talahanayan 1.1 ang bahagdan ng mga respondente batay sa

kanilang kasarian.

Sa kabuuan, mayroong 80 respondente ang naturang pag-aaral na binubuo ng 40

na lalaki at 40 na babae .

Sinadyang pinantay ng mga mananaliksik ang bilang ng lalaki at babae upang

hindi magkaroon ng pagkiling sa magiging kalalabasan ng datos.

Talahanayan 1.2

Bahagdan ng mga Respondente Batay sa Pangkat na Kinabibilangan

Pangkat na

kinabibilangan Bilang Bahagdan


Gr. 10-Comet 40 50%

Gr. 10-Andromeda 40 50%


Kabuuan 80 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 1.2 ang bahagdan ng mga respondente batay sa

pangkat na kinabibilangan. Ang bawat pangkat ay kinuhaan lamang ng pantay na bilang

ng respondente upang sumakto sa aktwal na bilang ng respondente.

Ang mga nagsilbing respondente ay mula sa unang pangkat na Gr.10-Comet at

huling pangkat na Gr.10-Andromeda.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
41
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Ang nasabing pangkat ang ginagamitan ng dulog Total Physical Response sa

pagtuturo ng panitikan kaya’t ito ang kinuha ng mga mananaliksik upang malaman ang

kaibahan ng pananaw sa pagitan ng dalawang pangkat na ito.

2.0 Persepsyon ng Respondente Hinggil sa Kabisaan ng Dulog Total Physical

Response

Talahanayan 2.1

Persepsyon ng mga Respondente Tungkol sa Pangkatang Gawain

Weighte Berbal na

Aytem d Mean Interpretasyon

1. Nakukuha ang aking atensyon na matuto kung

ang bawat gawain ay gagamitan ng pagkilos at 4.63 LSA

pagsasalita.
2. Naipakikita ko ang aking pagiging malikhain sa

pagsasagawa ng pagsasadula tungkol sa 4.03 SA

Panitikan.
3. Naipakikita ko ang aking iba`t ibang talento

kagaya ng pag-awit, pag-sayaw, pag-arte at 3.90 SA

pagguhit.
4. Nakapagbabahagi ako ng ideya tungkol sa

paksang ibinigay ng guro sa bawat pangkat. 4.13 SA

KOLEHIYO NG EDUKASYON
42
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
5. Naipakikita ko ang aking husay sa pagsasalita sa

harap ng klase batay sa napag-usapan ng pangkat. 4.03 SA

Weighted Average Mean 4.144 SA

Ipinapabatid sa Talahanayan 2.1 ang resulta sa naging persepsyon ng mga

respondente tungkol sa Pangkatang Gawain. Ang mga nakalap na datos ay may kabuuang

Mean na 4.144 na nangangahulugan na ang mga respondente ay sang-ayon sa lahat ng

aytem na nakapaloob sa Pangkatang Gawain. Ang mga respondente ay lubos na

sumasang-ayon sa aytem #1 na may kabuuang Mean na 4.63. Sumasang-ayon din ang

mga respondente sa aytem #3 na may pinakamababang kabuuang Mean na 3.90.

Ang lahat ng mga respondente ay sumang-ayon sa mga katanungan sa

Pangkatang-Gawain. Maaaring mahinuha rito na ang mga respondente ay talagang

natututo kung ang guro ay magsasagawa ng Pangkatang-Gawain sa pagtuturo ng

Panitikan.

Sa gawain na ito, kakikitaan ng tatlo sa walong Multiple Intelligences ni Howard

Gardner na bodily-kinesthetic, verbal-linguistic at interpersonal. Kahit na nakakuha ng

mababang mean ang pagpapakita ng iba’t ibang talento ng mga mag-aaral na kakikitaan

din ng mga multiple intelligence, maipamamalas pa rin ito kapag isinasagawa ang

Pangkatang Gawain sa pamamagitan ng Differentiated Instruction. Isa ring kakayahan na

nahahasa ay ang interpersonal o ang kakayahan na magkaroon ng mabuting

KOLEHIYO NG EDUKASYON
43
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
pakikipagkapwa dahil sa gawain na ito, kinakailangan na ang lahat ay dapat na

makapagbahagi ng ideya.

Ang mga respondente ay lubos na sumang-ayon sa aytem na #1 at sumang-ayon

sa mga aytem na #2, #3, #4, at #5. Sa kabuuan, mahihinuha rito na ang mga respondente

ay nahahasa ang pagkuha ng kanilang atensyon na matuto kung ang bawat gawain ay

gagamitan ng pagkilos at pagsasalita.

Talahanayan 2.2

Persepsyon ng mga Respondente Tungkol sa Pag-uulat

Weighte Berbal na

Aytem d Mean Interpretasyon


1. Naipamamalas ko ang aking kahusayan sa

pagsasalita sa pamamagitan ng pag-uulat 3.99 SA

tungkol sa Panitikan.
2. Nakapagbabahagi ako ng mga ideya sa iba at

nakabubuo ng bagong kaalaman mula sa naiulat. 4.16 SA

3. Nagkakaroon ako ng lakas ng loob na humarap

sa klase. 4.16 SA

4. Naipakikita ko ang aking husay sa pagsasalita sa

pamamagitan ng pakikipagkomunika. 4.20 SA

KOLEHIYO NG EDUKASYON
44
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
5. Napapaunlad ko ang aking pag-iisip dahil sa

malalim na kaalaman tungkol sa paksang tinalakay. 4.28 SA

Weighted Average Mean 4.158 SA

Ipinababatid sa Talahanayan 2.2 ang resulta sa naging persepsyon ng mga

respondente tungkol sa pag-uulat.

Ang mga nakalap na datos ay may kabuuang Mean na 4.158 na nangangahulugan

na ang mga respondente ay sang-ayon sa lahat ng aytem na nakapaloob sa pag-uulat. Ang

mga respondente ay sumasang-ayon sa aytem #5 na may pinakamataas na kabuuang

mean na 4.28. Sumasang-ayon din ang mga respondente sa aytem #1 na may

pinakamababang kabuuang Mean na 3.99.

Makikita sa talahanayan na ang aytem #1 ang may pinakamababang nakuhang

mean dahil maaaring ang mga respondente ay hindi gaanong naipapamalas ang husay sa

pagsasalita sa pamamagitan ng pag-uulat ngunit ang may pinakamataas na kabuuang

mean ay ang aytem #5 dahil mas napapaunlad ang kanilang pag-iisip dahil sa malalim na

kaalaman tungkol sa paksang tinalakay.

Sa gawain na ito, kakikitaan ng dalawa sa walong multiple intelligences ni

Howard Gardner na verbal-linguistic at intrapersonal. Kahit na nakakuha ng mababang

mean sa pagsasalita maipamamalas pa rin ang kahusayan sa pagsasalita sa patuloy na


KOLEHIYO NG EDUKASYON
45
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
paggamit nitong gawain. Isa ring kakayahan na mahahasa ay ang intrapersonal o ang

kakayahan na maintindihan at maunawaan ang sarili sapagkat natututo ang mga

respondente na mag-aral ng sarili at matutuklasan nila ang kanilang kalakasan at

kahinaan.

Ang mga respondente ay sumang-ayon sa mga katanungan na nakapaloob sa Pag-

uulat. Sa kabuuan mahihinuha rito na ang mga respondente ay nahahasa ang mga

kaisipan, naipamamalas din nila rito ang husay sa pagsasalita at tumataas ang kanilang

tiwala sa sarili na humarap sa maraming tao.

Talahanayan 2.3

Persepsyon ng mga Respondente Tungkol sa Pagsasalaysay ng mga

Natutuhan

Weighte Berbal na

Aytem d Mean Interpretasyon

1.Nadaragdagan ang aking kaalaman sa pagkakaroon LSA


4.51
ng interaksyon sa guro at sa kapwa mag-aaral.

2.Nakapagsasalaysay ako ng mga natutuhan mula sa 4.11 SA

paksang napag-aralan sa Panitikan.

3.Nakabubuo ako ng bagong ideya mula sa sagot ng 4.09 SA

kapwa ko mag-aaral.

4.Nakapagbabahagi ako ng mga karanasan na may


4.15 SA
kaugnayan sa aralin.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
46
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
5.Nagkakaroon ako ng tiwala sa sarili na maipahayag
4.45 SA
ang kaalaman sa klase.
Weighted Average Mean 4.262 SA

Ipinababatid sa Talahanayan 2.3 ang resulta sa naging persepsyon ng mga

respondente tungkol sa pagsasalaysay ng mga natutuhan. Ang mga nakalap na datos ay

may kabuuang Mean na 4.262 na ngangahulugan na ang mga respondente ay sang-ayon

sa lahat ng aytem na nakapaloob sa pagsasalaysay ng mga natutuhan. Ang mga

respondente ay lubos na sumasang-ayon sa aytem #1 na may pinakamataas na kabuuang

Mean na 4.51. Sumasang-ayon din ang mga respondente sa aytem #3 na may

pinakamababang kabuuang Mean na 4.09.

Napatutunayan na sa pagsasalaysay ng mga natutuhan, naipamamalas ng mga

respondente na bumuo ng bagong ideya mula sa paksang napag-aralan. Sa pamamagitan

nito, nagkakaroon din ng pagkatuto ang kanilang kapwa mag-aaral at maging ang

kanilang guro.

Sa gawain na ito, kakikitaan ng tatlo sa walong multiple intelligences ni Howard

Gardner na interpersonal, intrapersonal at verbal-linguistic. Kahit na nakakuha ng

mababang mean sa pagbuo ng bagong ideya mula sa sagot ng kapwa mag-aaral,

maipamamalas pa rin ang kahusayan sa pagbuo ng ideya sa patuloy na paggamit nitong

gawain. Isa ring kakayahan na nahahasa ay ang intrapersonal o ang kakayahan na

maunawaan ang sarili sapagkat natututo ang mga respondente na ipahayag ang mga

natutuhan at matutuklasan ang kanilang kalakasan at kahinaan.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
47
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

Ang mga respondente ay lubos na sumang-ayon sa aytem na #1 at sumang-ayon

sa mga aytem na #2,#3,#4 at #5. Sa kabuuan, mahihinuha rito na ang mga respondente ay

nadaragdagan ang kaalaman sa pagkakaroon ng interaksyon sa guro at sa kapwa mag-

aaral.

Talahayanan 2.4

Paglalagom ng mga gawain na nakapaloob sa Dulog Total Physical Response

Verbal
Aytem M
Dulog Total Physical E Interpretation
Response A
N
(5) (4) (3) (2) (1)
LSA SA DGSA HSA LHS

PANGKATANG GAWAIN

1. Nakukuha ang aking


atensyon na matuto kung ang
bawat gawain ay gagamitan ng 51 28 1 0 0 4.63 LSA
pagkilos at pagsasalita.

2. Naipakikita ko ang aking


pagiging malikhain sa 25 34 19 2 0 4.03 SA
pagsasagawa ng pagsasadula
tungkol sa Panitikan.

3. Naipakikita ko ang aking


iba`t ibang talento kagaya ng 27 27 20 3 3 3.90 SA
pag-awit, pag-sayaw, pag-arte at
pagguhit.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
48
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

4. Nakapagbabahagi ako ng
ideya tungkol sa paksang 29 33 17 1 0 4.13 SA
ibinigay ng guro sa bawat
pangkat.

5. Naipakikita ko ang aking


husay sa pagsasalita sa
harap ng klase batay sa 25 36 16 2 1 4.03 SA
napag-usapan ng pangkat.

PAG-UULAT
1. Naipamamalas ko ang aking
kahusayan sa pagsasalita sa
25 31 21 2 1 3.99 SA
pamamagitan ng pag-uulat
tungkol sa Panitikan.

2. Nakapagbabahagi ako ng mga


ideya sa iba at nakabubuo ng
29 37 12 2 0 4.16 SA
baging kaalaman mula sa
naiulat.

3. Nagkakaroon ako ng lakas ng 4.16


33 28 18 1 0 SA
loob na humarap sa klase.

4. Naipakikita ko ang aking husay


sa pagsasalita sa pamamagitan 4.2
ng pakikipagkomunika. 34 32 11 2 1 SA

5. Napauunlad ko ang aking pag-


iisip dahil sa malalim na 4.28
kaalaman tungkol sa paksang 30 38 8 2 2 SA
tinatalakay.

PAGSASALAYSAY NG MGA NATUTUHAN


1. Nadaragdagan ang aking
kaalaman sa pagkakaroon ng 48 26 5 1 0 4.51 LSA
interaksyon sa guro at sa kapwa
KOLEHIYO NG EDUKASYON
49
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
mag-aaral.

2. Nakapagsasalaysay ako ng
natutuhan mula sa paksa na napag- 27 38 13 11 0 4.11 SA
aralan sa Panitikan..

3. Nakabubuo ako ng bagong ideya


mula sa sagot ng kapwa ko mag- 36 22 16 5 1 4.09 SA
aaral.

4. Nakapagbabahagi ako ng mga


karanasan na may kaugnayan sa 31 33 14 1 1 4.15 SA
aralin.

5. Nagkakaroon ako ng tiwala sa sarili


na maipahayag ang kaalaman sa 45 26 9 0 0 4.45 SA
klase.

Ipinapakita sa Talahanayan 2.4 ang paglalagom sa tatlong gawain na nakapaloob

sa dulog Total Physical Response. Mapapansin na sa bawat gawain ay mayroong

nangibabaw na aytem na lubos na sinang-ayunan ng mga respondente.

Sa Pangkatang Gawain, ang lubos na sinang-ayunan ng mga respondente ay ang

aytem #1 na may mean na 4.63. Sa Pag-uulat, ang lahat ng aytem na nakapaloob dito ay

sinang-ayunan ng mga respondente. Ngunit, makikita rin na ang aytem #5 ang nakakuha

ng pinakamataas na mean na 4.28. Sa Pagsasalaysay ng mga Natutuhan, lubos na sinang-

ayunan ng mga respondente ang aytem na #1 na may mean na 4.51.

Sa kabuuan, ang may pinakamataas na kabuuang mean ay ang gawain na

Pagsasalaysay ng mga Natutuhan. Mahihinuha rito na ang pinakamabisang gawain sa

tatlo na nakapaloob sa dulog Total Physical Response ay ang Pagsasalaysay ng mga

KOLEHIYO NG EDUKASYON
50
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Natutuhan sapagkat mas natututo ang mga respondente kung sila ay nagkakaroon ng

interaksyon sa guro sa kapwa mag-aaral.

3.0. Kaugnayan ng mga Pananaw ng Respondente sa Dulog Total Physical

Response

sa kanilang Demograpikong Propayl.

Talahanayan 3.1

Kaugnayan ng kasarian sa Persespyon sa dulog Total Physical Response

Mga Gawain sa Dulog Total Pearson Interpretasyon Desisyon

Physical Response r.

Pangkatang Gawain 0.334 Low Positive MSK

Correlation

Pag-uulat -0.195 Negligible WSK

Correlation

Pagsasalaysay ng mga 0.977 Very high positive MSK

Natutuhan Correlation

Inilalahad ng Talahanayan 3.1 ang kaugnayan ng kasarian sa persepsyon ng mga

respondente batay sa tatlong gawain na nakapaloob sa Dulog Total Physical Respoonse.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
51
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Ang nakuhang Pearson r. ng Pangkatang Gawain ay 0.344. Ang pag-uulat naman ay

nakakuha ng Pearson r. na -0.195 at ang nakuha ng Pagsasalaysay ng mga Natutuhan na

Pearson r. ay 0.997.

Mapapansin sa Talahanayan na ang Pag-uulat ang nakakuha ng pinakamababang

Pearson r. na nangangahulugang na walang signipikanteng kaugnayan ang persepsyon ng

kasarian sa Pag-uulat. Ayon kay Wholestonecraft noong 1986 na mas naghahangad ng

atensyon at mahilig magbigay ng komento ang mga lalaki samantala ayon naman kay

Sadler noong 1999 na ang mga babae ay hindi masyadong nakikipag-ugnayan sa kanilang

guro, dahil dito hindi pareho ang persepsyon ng dalawang kasarian na ito pagdating sa

gawaing Pag-uulat.

Nahihinuha na ang Pangkatang Gawain at Pagsasalaysay ng mga Natutuhan ay

pareho na may sigpikanteng kaugnayan sa persepsyon batay sa kasarian, ngunit kapansin-

pansin na ang pinakamabisang gawain ay Pagsasalaysay ng mga natutuhan, dahil ang

parehong kasarian ay nadadagdagan ang kaalaman at nakabubuo ng bagong ideya sa

pagkakaroon ng interaksyon sa guro at kapwa mag-aaral. Nagkakaroon din ang mga

respondente ng tiwala sa sarili na maipahayag ang kaalaman sa klase.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
52
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

Talahanayan 3.2

Mga gawain sa Dulog


Pearson Interpretasyon Desisyon
Total Physical Response
r.

Pangkatang Gawain 0.976 Very High Correlation MSK

Pag-uulat 0.254 Negligible Correlation WSK

Pagsasalaysay ng mga MSK


0.840 High Positive Correlation
Natutuhan
Kaugnayan sa pagitan ng persepsyon sa kanilang Pangkat na

Kinabibilangan

Inilalahad ng Talahanayan 3.2 ang kaugnayan ng pangkat na kinabibilangan sa

persepsyon sa dulog Total Physical Response.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
53
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Makikita ang Pangkatang Gawain na mayroong Pearson r. na 0.976 na

nangangahulugang may signipikanteng kaugnayan. Sa pagsasalaysay ng natutuhan

naman ay nakakuha ng 0.840 na may signipikanteng kaugnayan din. Nakakuha ng 0.254

ang pag-uulat na nangangahulugang walang signipikanteng kaugnayan.

Mahihinuha na ang pangkatang gawain ang nakakuha ng pinakamataas na

Pearson r. na 0.976 na nangangahulugang may signipikanteng kaugnayan at ang pag-

uulat naman ang nakakuha ng pinakamababang Pearson r. na 0.254 na nangangahulugang

walang signipikanteng kaugnayan, kahit na mataas ang sagot ng dalawang pangkat wala

pa ring signipikanteng kaugnayan ang sagot nila sa gawain na pag-uulat sapagkat random

o halo-halo ang ginawang pagpapangkat sa mga respondente. Hindi nakabatay ang

pangkat na kanilang kinabibilangan sa kanilang kakayahan o kahusayan. Ayon sa isang

pag-aaral na aming nasaliksik, ang heterogenous o non-graded education ay isang

kasanayan sa larangan ng pagtuturo, na ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang edad at

lebel ng kakayahan o kahusayan na ipinagsasama sa iisang silid-aralan at hindi

ipinagpapangkat batay sa kanilang grado.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
54
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

4.0. Mungkahing Makatutulong sa Pag-unlad ng Pagtuturo at Pagkatuto ng

Panitikan Gamit ang Dulog Total Physical Response.

Gawain/

Layunin Programa Inaasahang Kalalabasan

 Naipakikilala ang Total Sa pagtatapos ng seminar,


S
Physical Response bilang inaasahan na ang mga guro;
E
isang dulog sa Pagtuturo  Nabatid na ang paggamit ng Total

ng Panitikan. M Physical Response bilang dulog

 Naipababatid ang I
sa pagtuturo ay mainam.

kahalagahan ng dulog  Nalaman ang kahalagahan ng


N
Total Physical Response sa dulog Total Physical Response sa

Pagtuturo upang A Pagtuturo upang magkaroon ng

magkaroon ng Pagkatuto R Pagkatuto ang mga mag-aaral.

ang mga mag-aaral.  Nagamit ang dulog Total

 Nailalapat ang Total Physical Response sa Pagtuturo

Physical Response biilang hindi lamang sa Filipino kun’di

KOLEHIYO NG EDUKASYON
55
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
dulog sa Pagtuturo, hindi maging sa iba pang asignatura.

lamang sa Filipino kun’di

maging sa iba pang

asignatura.

Nagkakaroon ng T
Sa pagbibigay ng Teacher’s Manual
kaalaman tungkol sa E
(Booklet) sa mga guro, inaasahan na;
dulog Total Physical A
 Nagkaroon ng kaalaman ang
Response C
mga guro kung paanoo gamitin
 Nalalaman ng mga guro H
ang Total Physical Response sa
ang mga dapat isaalang- E
Pagtuturo.
alang sa paggamit ng R
 Nalaman ng guro ang mga
dulog Total Physical ’S
dapat at hindi dapat gawin sa
Response sa Pagtuturo
Pagtuturo gamit ang nasabing
ng Panitikan upang M
dulog, upang maging mabisa
magkaroon ng A
ang kanilang Pagtuturo.
Pagkatuto. N
 Nailapat ng guro ang dulog
 Nagagamit ang Total U
Total Physical Response sa
Physical Response A
Pagtuturo ng iba pang
bilang dulog sa L
asignatura.
Pagtuturo hindi lamang

sa asignaturang Filipino (Booklet)

kun’di maging sa iba

KOLEHIYO NG EDUKASYON
56
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
pang asignatura.

Kabanata 5

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Matutunghayan sa kabanatang ito ang lagom na natuklasan sa pag-aaral na ito,

konklusyon at rekomendasyon.

Mga Lagom na Natuklasan sa Pag-aaral

Sa pag-aaral ng mga mananaliksik natuklasan na;

2.1 Sumang-ayon ang mga respondente sa Pangkatang Gawain. Mababatid dito na

mabisa ang pagkatuto kung napupukaw ang atensyon ng mga mag-aaral sa

bawat gawain na ginagamitan ng pagkilos kasabay ng pagsasalita na nakakuha

ng pibnakamataas na weighted mean na 4.63

2.2 Sumang-ayon ang mga respondente sa Pag-uulat. Mababatid dito na

nagkakaroon ng pagkatuto ang mga mag-aaral kung napauunlad nila ang

kanilang pag-iisip dahil sa malalim na kaalaman tungkol sa paksang tinalakay

na nakakuha ng pinakamataas na weighted mean na 4.28.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
57
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
2.3 Sumang-ayon ang mga respondente sa Pagsasalaysay ng mga Natutuhan.

Kapansin-pansin na lubos na sumasang-ayon ang mga respondente sa

pagkakaroon ng tiwala sa sarili na maipahayag ang kanilang kaalaman sa klase

na nakakuha ng pinakamataas na weighted mean na 4.45.

3.1. Ang nakakuha ng pinakamataas na Pearson r. ang Pagsasalaysay ng mga

Natutuhan batay sa kasarian na mayroong 0.977 na nangangahulugan na mayroong

signipikanteng kaugnayan ang persepsyon ng mga respondente batay sa kanilang

kasarian.

3.2. Ang nakakuha rin ng pinakamataas na Pearson r. ang pagsasalaysay ng mga

Natutuhan batay sa pangkat na kinabibilangan na mayroong 0.840 na

nangangahulugan na may signipikanteng kaugnayan ang persepsyon ng mga

respondente batay sa kanilang pangkat na kinabibilangan.

Konklusyon

Napatunayan sa Pananaliksik na ito na;

2.1 Nakukuha ang atensyon ng mga mag-aaral na matuto kung ang bawat gawain

ay gagamitan ng pagkilos at pagsasalita.

2.2 Nagkakaroon ng pagkatuto ang mga mag-aaral kung napauunlad ang kanilang

pag-iisip dahil sa malalim na kaalaman tungkol sa paksang tinalakay.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
58
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

2.3 Nagkakaroon ng tiwala sa sarili ang mga mag-aaral kapag naipahahayag nila

ang kanilang kaalaman sa klase.

3. Pinabulaanan ang haypotesis ng pag-aaral sapagkat lumalabas sa pagtataya na

may signipikanteng kaugnayan ang persepsyon ng mga respondent sa dulog Total

Physical Response batay sa kanilang kasarian at pangkat na kinabibilangan.

Rekomendasyon

Sa mga susunod na mananaliksik, mas bigyang-pansin ang pagkalap ng mga

kaugnay na literatura at pag-aaral, lokal man o banyaga na gagamitin upang mapatibay

ang mga katanungan na nakapaloob sa paglalahad ng mga suliranin.

1. Sa mga susunod na mananaliksik, iminumungkahi ng pag-aaral na ito na

dagdagan pa ang variable na gagamitin sa pananaliksik na maaaring magpabago

sa persepsyon ng mga respondenteang. Maaaring idagdag bilang variable ang

relihiyon, grado at katayuan sa buhay. Ang bilang naman ng mga lalaki at babae

na magiging respondente sa bawat pangkat ay dagdagan pa at huwag pagpantayin,

maaari ring gamitin bilang respondente ang iba pang pangkat upang makita ang

iba pang anggulo ng kanilang mga persepsyon.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
59
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
2. Para sa mga guro na nagtuturo ng Panitikan, iminumungkahi ng pag-aaral na ito

na dagdagan pa ang mga gawain na nakapaloob sa Dulog Total Physical

Response para makita ang persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa iba pang

gawain. Maaaring idagdag bilang gawain ang Demo Teaching at Quiz Bee.

3. Sa mga susunod na mananaliksik, iminumungkahi ng pag-aaral na ito na alamin at

tukuyin kung mayroon bang signipikanteng kaibahan ang persepsyon ng mga

respondente sa kanilang demograpikong propayl.

4. Mula sa naging resulta ng pananaliksik, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang

isang seminar na tumatalakay sa mga magagandang dulot ng paggamit ng dulog

Total Physical Rsponse hindi lamang sa asignaturang Filipino, kun’di pati na rin

sa iba pang asignatura. Layunin ng seminar na; (a) Maipakilala ang Total

Physical Response bilang dulog sa Pagtuturo ng Panitikan; (b) Maipabatid amg

kahalagahan ng dulog Total Physical Response sa Pagtuturo upang magkaroon ng

Pagkatuto ang mga mag-aaral; (c) Mailapat ang Total Physical Response bilang

dulog sa Pagtuturo, hindi lamang sa Filipino kun’di maging sa iba pang

asignatura. Inaasahan sa mga guro na sa pagtapos ng seminar; (a) Mabatid na ang

paggamit ng Total Physical Response bilang dulog sa Pagtuturo ay mainam; (b)

Malaman ang kahalagahan ng dulog Total Physical Response sa Pagtuturo upang

magkaroon ng Pagkatuto ang mga mag-aaral at; (c) Magamit ang dulog Total

Physical Response sa Pagtuturo, hindi lamang sa Filipino kun’di maging sa iba

pang asignatura.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
60
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
5. Isa pang mungkahi ng mga mananaliksik ay ang Teacher’s Manual (booklet) na

kinapapalooban ng mga impormasyon tungkol sa dulog Total Physical Response.

Layunin ng Teacher’s Manual (booklet) na; (a) Magkaroon ng kaalaman tungkol

sa dulog Total Physical Response; (b) Malaman ng mga guro ang mga dapat

isaalang-alang sa paggamit ng dulog Total Physical Response sa Pagtuturo ng

Panitikan upang magkaroon ng Pagkatuto ang mag-aaral at; (c) Magamit ang

Total Physical Response bilang dulog sa Pagtuturo, hindi lamang sa asignaturang

Filipino, kun’di maging sa iba pang asignatura. Matapos na maipamahagi at

mabasa ng guro ang Teacher’s Manual (booklet), inaasahan na sila ay; (a)

Magkaroon ng kaalaman kung paano gamitin ang dulog Total Physical Response

sa Pagtuturo; (b)

Malaman ang mga dapat at hindi dapat gawin sa Pagtuturo gamit ang mga

nasabing dulog upang maging mabisa ang kanilang Pagtuturo at;

(c) Mailapat ang dulog Total Physical Response sa Pagtuturo ng iba pang

asignatura.

KOLEHIYO NG EDUKASYON
61
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

MGA SANGGUNIAN

Ariola, Cleofe D. (2004) Suggested Interactive Strategies in Teaching literature in the

third year high school students in the city division of Sorsogon.

Asher, J. S. (1969). “The Modern Language Journal” Vol. 53 No. 1

https://en.m.wikipedia.org/wiki/total_physical_response

Badayos, P.B. Ph.D. (1995). METODOLOHIYA sa Pagtuturo at Pagkatuto ng sa

Filipino Mga Teorya, Simulain, at Istratehiya

Blake, Randolp & Sekuler, Robert (1985) Perception, North EasternUniversity

Brune, M.K. (2004). Total Physical Response Storytelling an analysis and

application.https://scholarsbank.uoregon.edu/xmlui/bitstream/hanldle/179/310/TP

RSthesisFINISHED.pdf?sequence=1

Castillo, MJ (2013). Makabagong metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa

Kolehiyo ng mga mag-aaral sa Pasig Catholic College.

http://www.academia.edu/4217366/baby_thesis

KOLEHIYO NG EDUKASYON
62
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Corpuz, B.B. Ph.D. & Gloria G. Salandanan Ph.D. (2015). Principles of Teaching 2

Butler (2004), Geyser (1999) & Spady (1994). Principles of Teaching 2 Meaning

of Outcomes p.3

Nicholson (2011). Principles of Teaching 2 Meaning of OBE p.1

Gardner, H. (1993). Frames of Mind: The Theory of Multiple Intelligences

https://en.m.wikipedia.org/wiki/Theory_of_multiple_intelligences

Justo, Rossel E. (2005) Gender Orientation of Filipino Adolescents in selected school

setting.

Llagas, R.D. (2015). Pananaliksik hinggil sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino

Longcop, R. (2014). Interaktibong Pagtuturo ng Panitikan

Norman C. Miranda. Psychology: “Essentials to understanding behavior” p.141

Nabavi, Razieh Tadayon. (2014). Theories of Developmental Psychology: Bandura’s

Social Learning & Social Cognitive Learning Theory (2011-2012) p. 5-6

Pinon, N.A. “Mga Interaktibong Gawain sa Pagtuturo ng Panitikan”

Rock, Irvin (1975) An Introduction to Perception

Sakhaweti, F.A.H. (2004). The use of Total Physical Response as a Classroom

Management

http;//Marita.hct.ac.ae/files/2011/06/The-use-of-total-physical-Response-as-a

-classrom-management-strategy-pdf

KOLEHIYO NG EDUKASYON
63
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
Singh, P.J. (2011). Effectiveness of Total Physical Response .Academic Voices , A

Multidisciplinary Journal Vol. 1, No. 1, 2011 p.22

Spady W. (1994). “Outcomes-Based Education: Critical Issues and Answer”

http://www.fluentu.com/educate/blog/ total-physical-response/

Stevie D. (2017). More and Groove: 5 Total Physical Response Activities that’ll Have

soaking language like a sponge (Blog)

http://www.fluentu.com/educator/blog/total-physical-response/

KOLEHIYO NG EDUKASYON
64
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

KOLEHIYO NG EDUKASYON
65
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

KOLEHIYO NG EDUKASYON
66
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

KOLEHIYO NG EDUKASYON

You might also like