You are on page 1of 43

You are invited ! You are invited !

August 26, 2019 (Monday) August 26, 2019 (Monday)


At 3:00 Pm At 3:00 Pm
Baron’s Compound Baron’s Compound
Carbajosa St.Brgy. Suba Carbajosa St. Brgy. Suba
Calatrava Neg.Occ Calatrava Neg. Occ.

You are invited ! You are invited !

August 26,2019 (Monday) August 26, 2019 (Monday)


At 3:00 Pm At 3:00 Pm
Baron’s Compound Baron’s Compound
Carbajosa St. Brgy. Suba Carbajosa St. Brgy. Suba
Calatrava Neg. Occ. Calatrava Neg. Occ.
You are invited ! You are invited !

August 26 , 2019 (Monday) August 26, 2019 (Monday)


At 3:00 Pm At 3:00 Pm
Baron’s Compound Baron.s Compound
Carbajosa St. Brgy. Suba Carbajosa St. Brgy. Suba
Calatrava Neg. Occ. Calatrava Neg. Occ
-
AGENDA :
1. REVIEW OF SCHOOL RULES AND REGULATIONS
2. HABITUAL ABSENTEESM, CUTTING CLASSES, TARDINESSdwad
3. GRADING SYSTEM
4. HOMEROOM PTA ELECTION OF OFFICERS
5. OTHER CONCERNS

*REVIEW OF SCHOOL RULES


1. SCHOOL UNIFORMS
2. HAIRCUT

OTHER CONCERNS:
BRING THE FF. ( STUDENTS)
TOOTHBRUSH
TOOTHPASTE
PLASTIC CUP
TOWEL

* PROJECT - FOOTsocks
WATER
Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English?
Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School)

Lakandiwa:
Minamahal naming mga kamag-aral
Mga magulang, mga guro at prinsipal
Mga panauhing pinagpipitaganan
Naririto ngayon sa’ting paaralan.
Magandang umaga po, ang bating marangal
Ang Buwan ng Wika ating ipagdiwang
Ikalimang baitang ang amin pong alay
Ipagmamalaki, isang balagtasan.
Wikang Filipino ay sariling wika
At ang wikang English ay wikang banyaga
Kapwa ginagamit ng may pang-unawa
Higit na mahalaga, alin na nga kaya?
Sa umaga pong ito, aking ipinakikilala
Dalawang mahusay, maganda at batikang makata
Sa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanila
Masigabong palakpakan pasalubungan natin sila.
Sa wikang Filipino ang mangangatuwiran
Si Bb. Irish ng Grade V- Emerald
At sa wikang English ang makakalaban
Bb. Lariza ng Grade V- Section one.

Wikang Filipino:
Sa puso at diwa, ako’y Pilipino
Mgandang Pilipinas ito ang bayan ko
May sariling wika, wikang Filipino
Na s’yang nagbubuklod sa sambayanan ko.
Wikang Filipino ay wikang panlahat
Ang ilaw at lakas ng tuwid na landas
Sa pagkakaisa naipahahayag
Mabisang kalasag tungo sa pag-unlad.

Wikang English:
Alam nating itong English, isang wikang pandaigdig
Sa lahat ng pag-aaral pangunahing ginagamit
Ang mga asignaturang Science, English at Mathematics
Paano mo ililiwat, di malirip, di maisip.
Ang bagong alpabeto hindi mo ba napapansin
Ang dating A B K D ngayon ay A B C D na
May computer, may internet, Facebook at may Google plus pa
Ito’y mga pagbabagong Wikang English ang simula.

Wikang Filipino:
Alam nating sa’ting mundo marami ng pagbabago
Makabagong teknolohiya patuloy sa pag-asenso
Mentalidad na kolonyal dayuhan ang pasimuno
Ngunit naghihirap pa rin ang maraming Pilipino.
Sariling wika ay salamin nitong ating pagkatao
Matibay na pundasyon ng ating pagka-Pilipno
Isang wikang kinagisnan minana pa sa ninuno
Nararapat alagaan, itaguyod nang lumago.

Wikang English:
Sapagkat itong English isang wikang unibersal
Wikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan
Sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan
Upang itong mga bansa ay magkaunawaan.
Kahit hindi ka nakatapos sa iyong pag-aaral
Kung mahusay kang mag-English sa call center ka mag-apply
Siguradong matatanggap at kikita rin kaagad
Kaya nga lang, mga dayuhang makukulit, kausap mo sa magdamag.

Wikang Filipino:
Sa mahal kong katunggali na kapwa ko Pilipino
Huwag nating kalimutan, dapat nating isapuso
Itong wikang kinagisnan, ang Wikang Filipino
Gamitin nating sandigan sa pag-unlad, pag-asenso.

Wikang English:
Hindi ko nalilimot na ako ay Pilipino
Mahalaga rin ang English at ‘yan ay nababatid mo
Lalo na kung may balak kang sa ibang bansa ay magtungo
Ang pandaigdig na wika, dapat pag-aralan mo.

Lakandiwa:
Tama na, sukat na, mahuhusay na makata
Ang pagtatalo n’yo ay h’wag nang palawigin pa
Sa madlang nanonood kayo na po ang magpasiya
Alin ang mas mahalaga, sariling wika o wikang banyaga?
Kaming tatlo ay narito, sa inyo’y nagpapasalamat
Mahal naming kamag-aral, mga guro at magulang
Taos pusong bumabati, maligayang pagdiriwang
Ang hiling po namin, masigabong palakpakan.
Balagtasan sa Pistahan
written & moderated by Greg B. Macabenta for the San Franciso Pistahan, Aug. 14-15, 2010. With Rodel Rodis & Rudy Asercion

MODERATOR:

MAGANDANG ARAW PO, MGA KAIBIGAN -

WELCOME TO PISTAHAN AND THIS BALAGTASAN.

ANG PAGTUTUNGGALI ATING SISIMULAN,

NANG MADAGDAGAN ATING KARUNUNGAN

ANG INYONG LINGKOD AY MAKATANG PULPOL -

TAGALOG BALI, ENGLISH AY BULOL

ANG MAGKATUNGGALI, SI RODEL AT SI RUDY,

PAREHONG MAGITING, MAGANDANG LALAKI.

DILA’Y MADULAS, ANG ULO’Y MATALAS

SA ARGUMENTATION HINDI PALALAMPAS.

THE TOPIC TODAY AY NAPAKAINIT -

SO HOT, IT IS BURNING, WE ALL WANT TO HEAR IT.

IT’S ALL ABOUT MARRIAGE, TUNGKOL SA KASALAN.

IT’S ALSO ‘BOUT LOVE, ANG PAGMAMAHALAN

WHEN TWO ARE IN LOVE, ANO ANG HANTUNGAN?

HINDI BA SA MARRIAGE, SO THEY CAN BE ONE?

ANG LOVE AT KASALAN AY NATURAL LAMANG.

DAPAT BANG PIGILAN, DAPAT HADLANGAN?

RUDY:

PROBLEMA NITO, KUNG ANG MAGKASUYO

AY KAPWA BABAE O LALAKING PAREHO.

SABI NG BATAS, IYAN AY HINDI OKAY -

KINAKASAL LAMANG, LALAKI’T BABAE.

RODEL:

SAGOT KO NAMAN, KAHIT NA PAREHO -

THE SEX DOES NOT MATTER - KUNG NOBYA AT NOBYO.

AY NAGMAMAHALAN, DAPAT IKASAL.

NO ONE SHOULD PREVENT IT, DI DAPAT IBAWAL;

MODERATOR:

IYAN NGA ANG PAKSA NG ATING DEBAH-TE

SANDATA’Y TULA AT HINDI KARATE.

THEIR LOGIC THEY’LL USE, TO SUPPORT THEIR POSITION

SA PANGANGATUWIRAN, FOR JUSTIFICATION.


ATIN NANG SIMULAN ITONG BALAGTASAN

SA HARAP NG BAYAN, DITO SA PISTAHAN.

WE WILL NOW BEGIN THIS BATTLE OF WITS -

OF POETIC MISSES AND VERSIFIED HITS.

DAPAT BANG PAYAGANG SA KASAL ITALI -

BABAE SA BABAE, LALAKI SA LALAKI?

WE’LL SAY IT IN ENGLISH, SO YOU’LL UNDERSTAND -

SHOULD SAME SEX MARRIAGE BE ALLOWED OR BE BANNED?

RUDY:

AKING PANIWALA’Y DI DAPAT PAYAGAN.

I BELIEVE THAT MARRIAGE IS FOR WOMAN AND MAN.

IT IS AGAINST NATURE, SABI NG BIBLIYA,

DI GUSTO NG DIYOS SA KANYANG NILIKHA.

RODEL:

SALUNGAT PO NAMAN ANG AKING OPINYON

WHEN FOLKS LOVE EACH OTHER, JUST LEAVE THEM ALONE

BABAE-BABAE, LALAKI-LALAKI

IF THEY ARE IN LOVE, TO MARRY IS OKAY

MODERATOR:

SO LET US BEGIN, SIMULAN ANG DEBAH-TE

GIVE YOUR ARGUMENTS AND MAKE TALUMPATI

KUNG SINO ANG TAMA AT SINO’NG MALI

BAYAN HUHUSGA, SA DULO’T SA HULI

KUNG OKAY ANG PUNTOS, DAPAT PALAKPAKAN

KUNG BALUKTOT NAMAN, PUEDENG KANTIYAWAN

HUWAG LANG BABATUHIN NG BULOK NA KAMATIS

PLEASE DON’T THROW TOMATOES, SABI NGA SA INGLIS

UNANG RARATSADA SI RUDY ASERCION

AYAW SA KASALAN, SALUNGAT ANG POSISYON

RUDY:

NUONG UNANG PANAHON NILIKHA SI ADAN

GOD CREATED ADAM AND MADE HIM A MAN

BUT HE WAS ALONE AND COULD NOT REPLICATE

AND SO GOD MADE EVA SO THEY COULD PROCREATE

ANG SABI NG DIYOS GO OUT, MULTIPLY

THEY WERE MADE FOR EACH OTHER; SILA’Y BAGAY NA BAGAY

KUNG BAGA SA SUSI, ANONG PAG-GAGAMITAN?

HINDI BA ANG BUTAS NA SINUSUSIAN?

SO WHAT IS A KEYHOLE IF NOT FOR A KEY?

YAN DIN ANG BABAE PARA SA LALAKI.

WHEN TWO PEOPLE HAVE SEX AS WOMAN AND MAN

ANG RESULTA’Y SANGGOL, IN LINE WITH GOD’S PLAN

KUNG PAREHONG LALAKI O KAPWA BABAE

MAKAGAGAWA BA NG TUNAY NA BABY?

IF THEY’RE THE SAME GENDER THEY CAN’T MULTIPLY

PAG IYAN ANG MANGYARI ALL MANKIND WILL DIE

THE WHOLE HUMAN RACE WILL BECOME EXTINCT


THE IMPACT ON MANKIND IS WORSE THAN YOU THINK

RODEL:

ITO’NG SI ASERCION IS THINKING THE WORST

THE LOGIC YOU’ARE USING I WILL EASILY BURST

PASASABUGIN KO ANG ‘YONG KATUWIRAN

PAGKA’T LOGIC MO’Y, WALANG KATUTURAN

THE RELATIONSHIP BETWEEN MAN AND WOMAN

HINDI APEKTADO SA ATING USAPAN.

TULOY DIN ANG MARRIAGE NI MARIA’T JUAN -

THAT WILL NOT BE AFFECTED BY LIFTING THE BAN

EVEN IF YOU DISMANTLE PROPOSITION EIGHT

THE WOMEN AND MEN WILL CONTINUE TO MATE.

THAT WILL NOT ARREST POPULATION EXPLOSION

WITH WOMEN AND MEN IN SEXUAL FUSION

BUT THE RIGHT TO GET MARRIED AND EXCHANGE SOLEMN VOWS

KAHIT ANONG GENDER, WE MUST SIMPLY ALLOW

WE SHOULD NOT DEPRIVE THEM OF THEIR HUMAN RIGHT

THE LOGIC IS CLEAR AS DAY FOLLOWS NIGHT

RUDY:

THE LOVE OF TWO PEOPLE, WHATEVER THEIR SEX

WE DO NOT OBJECT TO, THAT MUCH WE RESPECT.

MAG DOMESTIC PARTNERS, MAGSAMA SA BAHAY

MAGSIPIN SA KAMA, MAG-BOND HABANG BUHAY

PERO ANG KASALAN, ATING IBAHIN;

IYAN AY INSTITUTION NA DAPAT GALANGIN.

SA HARAP NG DIYOS, SA HARAP NG BATAS

HINDI MAGKABAGAY ANG BUTAS SA BUTAS.

SA JUDGE O SA PARI, ANG PAREHO ANG ARI

DI DAPAT IKASAL, DI DAPAT MANGYARI

RODEL:

ANG NGALAN NG DIYOS LABAS SA USAPAN

BATAS NA SIBIL IBA SA SIMBAHAN.

THERE IS SEPARATION OF CHURCH AND OF STATE

AND THIS HAS A BEARING ON THIS GREAT DEBATE

EXAMPLE NA LAMANG, SI BARACK AT HASSAN

KUNG DI MAN KRISTIYANO AY NAGMAMAHALAN

PIPILITIN MO BA, GINOONG ASERCION

NA SUMUNOD SA UTOS NG IYONG RELIHIYON?

ACCORDING TO LAWS OF THIS SOVEREIGN NATION

WE HAVE EQUAL RIGHTS IN OUR CONSTITUTION.

KRISTIYANO, HUDEO, MUSLIM O PAGANO

THEIR RIGHTS ARE PROTECTED NG ATING NINUNO.

DI MAN NATIN GUSTO, LIFESTYLE NG IBA,

DAPAT NATING IGALANG ANG BUHAY NILA

RUDY:

THERE ARE LAWS OF NATURE THAT YOU CAN’T DEFY

BATAS KALIKASAN YOU CANNOT DENY -


HUMAN BEINGS OR BEASTS, HAYUP MAN O TAO

AY DAPAT SUNDIN ANG BATAS NG MUNDO

MANIWALA KA’T DILI SA DIYOS O SIMBAHAN

DI MAIKAKAILA ANG KATOTOHANAN -

THE FEMALE AND MALE ARE FACTS YOU CAN’T HIDE;

THE OPPOSITE SEXES CANNOT BE DENIED

THEY’RE MEANT FOR EACH OTHER, LIKE ARROW AND BOW

WILL YOU TRY TO CHANGE THIS? I JUST DON’T KNOW HOW.

HAYUP MAN O TAO DAPAT MAGKABAGAY

WHY YOU SHOULD DENY THAT, I’LL NEVER KNOW WHY

IKAW MISMO RODEL, ANO ANG KABIYAK?

HINDI BA SI EDNA AT KAYO’Y MAY ANAK?

HUWAG MONG IPAGLABAN ANG DI MO GAWA -

HINDI BA BABAE ANG IYONG ASAWA?

RODEL:

LIHIS SA USAPAN, TINUTUKOY MO

HUWAG NATING ISALI, ITONG MISSES KO

KUNDI MGA TAO NA NAGMAMAHALAN

PINAGKAKAITAN NG KALIGAYAHAN.

LET’S NOT TALK OF OURSELVES AND THE THINGS WE ENJOY;

OF THINGS WE ARE USED TO BETWEEN GIRL AND BOY,

BUT DIFFERENT FOLKS ANG SIYANG PAGUSAPAN

NA TULAD DIN NATING MAY KARAPATAN.

HINDI KOMO’T TAYO GANITO’NG PANIWALA

PAG NAIIBA, MALI BA’’T MAY SALA?

DAPAT NATING IGALANG ANG LIFESTYLE NILA

HUWAG MONG PAIRALIN ANG MALING AKALA

RUDY:

GINAGALANG KO KANILANG PAMUMUHAY

DAPAT DING GALANGIN AT HUWAG SUSUWAY

TRADITION OF MARRIAGE DI DAPAT BALIIN

ITO’Y TRADISYONG DAPAT RESPETUHIN

OKAY LANG SA AKIN, KANILANG PAGSASAMA

AT SA HABANG BUHAY MAGMAHALAN SILA

ANO MAN ANG GAWIN SA SILID AT SA KAMA

DI KO HUHUSGAHAN KUNG MALI O KUNG TAMA.

KUNG PAYAG ANG BATAS NA MAGPARTNER SILA

OKAY DIN SA AKIN, HINDI KO PROBLEMA.

NGUNI’T ANG KASALAN AY DAPAT IGALANG

DI DAPAT BALIIN KAHIT BALAGTASAN

AT DIYAN TATAPUSIN AKING KATUWIRAN

DI MO MABABAGO ANG PANININDIGAN

THE TRADITION OF MARRIAGE WILL ALWAYS BE ONE

WHERE TWO PERSONS ARE JOINED AS WOMAN AND MAN

RODEL:

IKAW NAMAN RUDY, KAPUS KATUWIRAN

MALING PANIWALA PINAGPIPILITAN


KAHIT SINAUNA ANG LOGIC AT REASON

WHICH HAS NO MORE PLACE IN THIS TIME AND THIS SEASON

OLD-FASHIONED KA NGA, LIPAS NA SA MODA

AYAW MONG UMAMIN KAHIT NA MAY DUDA

RUDY:

KAHIT SINAUNA, AKING PANIWALA

IKAW MISMO RODEL DI NAIIBA

ANG MAYBAHAY MO’Y SI EDNANG GANDA

BINIBINING TUNAY, WALANG DUDA-DUDA

AT ANG IYONG MAGULANG AY WOMAN AND MAN

SA KANILANG PAGSASAMA KAYO’Y NAGLITAWAN

KUNG SILA KAYA , ANG SEX AY PAREHO

MAGKAKAROON BA NG RODEL NA GUWAPITO?

RODEL:

IKAW NAMAN RUDY, KAHIT TUTUO

HUWAG IPAGSIGAWAN NA AKO AY GUWAPO.

HUWAG MONG IDAAN ITONG BALAGTASAN

SA PURI’T KANTIYAW KUNG KAPUS SA KAT’WIRAN

MODERATOR:

SINO ANG PANALO SA PAGTATAGISAN

NG DUNONG AT DILA SA ‘TING BALAGTASAN?

MGA TAONG BAYAN ATING PAKINGGAN

SA PAGPAPALAKPAK INYONG HUSGAHAN

UNANG ITUTURO SI RUDY ASERCION

BILIB BA KAYO SA KANYANG POSISYON?

(AUDIENCE RESPONDS)

MODERATOR:

RODEL RODIS NAMAN, INYONG HUSGAHAN

IDAAN SA SIGAW AT SA PALAKPAKAN

(AUDIENCE RESPONDS)

MODERATOR:

KAYO ANG HUMUSGA, HINDI PO AKO

I DON’T WANT TO JUDGE IT, KUNG TALO’T PANALO

DITO TATAPUSIN, ATING BALAGTASAN

LABANAN NG MAKATA SA ATING PISTAHAN.

ANG INYONG LINGKOD MAKATANG PULPOL

ENGLISH AY BALI, TAGALOG BULOL

HANGGANG DITO NA LAMANG ANG ATING USAPAN

KAHIT WALANG BAYAD ENJOY PO NAMAN

MARAMING SALAMAT MGA KABABAYAN

TAPOS BALAGTASAN, TULOY ANG PISTAHAN


MATALINO VS. MAYAMAN

SINO ang mas sikat at higit na dapat hangaan:

MATALINO o MAYAMAN?

Mula sa panulat nina:

JULIET ASENITA — nagtanggol sa panig ng MATALINO; kasamang

sumulat ng iskrip si GONIE T. MEJIA

RAFAEL A. PULMANO — nagtanggol sa panig ng MAYAMAN

DOMINGO TOLENTINO — namagitan bilang LAKANDIWA


LAKANDIWA (Pagbubukas)

Muli ang Balagtasan ay sumasahimpapawid

Kababayang minamahal, ilakas ang radyo't makinig

Dalawang magaling na makata, Balagtasa'y ihahatid

Magandang gabi po muna sa lahat ang bati naming matamis.

Kami po'y muling maghahandog sa inyo ng kasiyahan

Upang ang pagod ninyo sa trabaho ay maibsan

Ginaganap natin ito bawat unang Lunes ng buwan

Ang tagisan ng katuwiran na kung tawagi'y balagtasan.

Para kay Ginoong Robert Generao ng FT Construction

Tugon sa katanungan niya'y igagawad namin ngayon

Marami pong salamat sa panawagang kanyang tinugon

Ang paksang iminungkahi niya'y idadako sa kuwestyon.

Si Ka Domeng po ito, ang inatasang maging Lakandiwa

Na siyang papagitna at hahatol sa dalawang maghihidwa

Para naman inspirado, ang kaba ko ay mawala

Maaari bang makahiling ng palakpakang masagana!

Sa matunog nyong palakpak, ang sukli ko ay salamat

Dalawang angkan ni Balagtas ang siya ngayong maghaharap

Ang tagisan ng talino ngayong gabi'y magaganap

Pakinggan nating mabuti nang maunawaan nyong tiyak.

Akin na pong ihahayag ang paksa ng balagtasan

Na ang tema'y sino nga ba ang mas sikat at higit na hahangaan?

Ang may angking likas na talino o ang isang mayaman?

Ating sasagutin ngayon nang malutas ang katanungan.

Matapos na maihayag ang katanungang tutugunin

Ang dalawang maghihidwaan ay atin nang palitawin

Si Juliet Asenita ang siyang unang tatawagin

Sa matunog na palakpak siya'y ating suubin!

MATALINO (Pagpupugay)
Ang likas na kakayahang taglay ay walang katumbas

Kaya sa matalino ang mariin kong sagot na ihahayag

Pero bago muna, hayaan nyo bati ko'y maigawad

Maligayang pakikinig, magandang gabi po sa lahat.

LAKANDIWA

Taga-Dupax, Nueva Vizcaya po ang black byuting paraluman

Likas sa dugo't lahi niya ang walang takot kung lumaban

Pakinggan naman natin ang makatang makakapingkian

Iniwan niya ang mag-iina upang tayo'y matugunan.

Taga-Binan, Laguna po ang haharap na makata

Nakilalang magaling din sa larangan ng pagtula

Si Ralph Pulmano po, guwapo na may itsura pa

Salubungin natin siya ng palakpakang masagana!

MAYAMAN (Pagpupugay)

Salamat po, Lakandiwa at sa bayang nakikinig

Ako po ay bumabating buong galak, kinikilig!

Sa kalaban ko po namang madilim din yaong kutis

Kung sya po'y sa matalino, sa mayaman ako'y bilib.

LAKANDIWA

Sa pagpapakilala pa lang sa dalawang magpipingkian

Ay tila ba mainit na ang kanilang labanan

Para naman ang pananabik nyo ay hindi mabitin

Sila pong dalawa ay atin nang pagitnain.

MATALINO (Unang tindig)

Musmos pa man tayong bata'y pangaral na ng magulang

Ang talino'y kabahagi sa magandang pamumuhay

Ito'y isang katangiang tataglayin habang buhay

Karunungan ay hagdanan sa pag-abot ng tagumpay.

Ang bansa ay umuunlad kung dito'y nanunungkulan

Malawak ang nababatid, di kapos ang kaalaman

Ngunit kung ang namumuno'y masalapi ngunit mangmang


Magagapi ang pag-asa ng kanyang sinasakupan.

Sa karandamang mapanganib, lalapitan ba ay sino?

Di ba dalubhasang duktor sa lunas ay sigurado?

At sa mga paaralan, nagsisilbi'y mga guro

Dunong nila ang sandata nang tayo ay mapanuto.

Sariwain naman natin sa gunita ang lumipas

Sa dayuhang mananakop lumaya ang Pilipinas

Ito'y dahil sa utak ng isang henyo at pantas

Kay Gatpuno Jose Rizal na dunong ang itinumbas.

Maliwanag ang sagot ko sa tanong na tinutugon

Ang marapat na hangaan ay yung mga marurunong

Kahit ikaw ay mayaman, kung ulo mo ay mapurol

Kasikatan ay mailap, salapi man ay igugol.

LAKANDIWA

Ang panig po ni Juliet ay narinig ninyo

Higit na sisikat at hahangaan ay itong matalino

Pakinggan naman po natin ang makatang si Ralph Pulmano

Ihatid po natin siya ng palakpakang masigabo!

MAYAMAN (Unang tindig)

Kalaban kong paraluman ay masyado pong seryoso

Baka labis pong magdamdam kapag dito ay natalo

Yamang paksa nami'y tungkol sa mayama't matalino

Hayaan nyong sa inyo po ako muna ay magkwento.

Ang pulubing matalino at mayamang di marunong

Isang araw ay nagtagpo sa labas ng Mandaluyong

Mayaman ay walang kaya sa diskurso at diskusyon

Pagsapit ng tanghalian, matalino ang syang gutom.

Sa byahe ng Continental Airlines, minsan, nagkatabi

Matalinong contract worker at mayamang negosyante

Ang bitbit ng matalino'y diploma at pasaporte,

Ang mayaman, pasalubong na pinakyaw sa Duty Free.


Matalino'y nag-aabroad, tinitiis yaong hirap

Mayaman din, nag-aabroad, para naman magpasarap

Sino nga ba sa dalawa ang mas lamang at mas sikat?

Kahit sa tulad kong mangmang, ang sagot po'y maliwanag.

May oras pa, katalo ko, upang ikaw'y makaatras

Balutin na ang dila mo habang di pa nagkakalat

Balagtasa'y hindi laging labanan ng mauutak

Kung minsan din, nagwawagi'y ang makatang may pambayad!

LAKANDIWA

Iyan po ang katuwiran ng makatang taga-Binan

Lalo daw sikat at dapat hangaan ay yung mga mayayaman

At para naman lalo nating ito'y maunawaan

Magpapatuloy po sila at atin namang palakpakan!

MATALINO (Ikalawang tindig)

Malabo po ang pananaw sa tunay na nagaganap

Nitong aking katunggaling panalo ang siyang hangad

Magagawa bang gutumin ang may utak at ng lakas?

O baka po nagbibiro dahil siya ang babagsak!

Marunong ang naglilingkod sa negosyo ng mayaman

Upang lalo pang lumago sa panahon mang daratal

Ano kayang mangyayari kung wala yaong may aral?

Baka itong masalapi'y hahantong sa basurahan.

Ang dalawa'y naisipang mag-aplay patungong langit

Ang marunong ay pumasa sa ginawang pagsusulit

Nang mayaman ay lumagpak, kay San Pedro iginiit

Limpak-limpak niyang salapi, sa impyerno siya'y napiit.

Yaman ba ang magdadala sa tugagog ng pangarap?

Ang kinang ba ng salapi sa paghanga ay pambihag?

Dahil yata puro pera sa katalo'y nasa utak

Pati yaong baluktot na'y tuwid pa ring sinusulyap.

MAYAMAN (Ikalawang tindig)


Katalo ko'y kay-aga pong kasalana'y 'kinumpisal

Inamin pong ang may aral, lingkod lamang ng may yaman

Pag nagsara ng negosyo ang mapera't may puhunan

Ang kawawa'y ang marunong na kawaning swelduhan lang!

Bilib ka sa matalino, ganyan din si Eba't Adan

Paraiso'y nakamtan na, wala pa ring kasiyahan

Sa hangad na magmarunong, nilabag ang kautusan

Pati dunong ng Maylikha ay nais na mapantayan!

Kahit ubod ka ng galing at nuno ng karunungan

Yagit ka ring ituturing hangga't di ka yumayaman

Ang taginting ng salapi ay musika sa lipunan

Pag tama mo sa swipistik, daig mo pa ang superstar!

Kayamanan, pag labis na, marami ang natutuwa,

Matatag ang ekonomiya, masagana itong bansa

Ang dunong ng isang tao, pag sumobra ay masama,

Sa mental po humahantong, nagbibilang na ng tala!

LAKANDIWA

Sandali muna akong sa labanan ay papagitna

Ang sagutan ng dalawa'y nagiging pabigla-bigla

Para bang mga teksas, sa kulunga'y nagwawala

Sa pagnanais na makasipa at makatuka!

Ang nais ko't hiling sa dalawang naghihidwa

Sana ang hinahon sa inyo'y hindi mawala

Muli ay tumindig at sa labanan ay pumagitna

Ihatid naman natin sila ng palakpakang pampasigla!

MATALINO (Ikatlong tindig)

Mahirap pong umunawa ang makatang mukhang pera

Ang sabi ko, ang may aral, sa mayaman ang nagdadala

Kung sa mental humahantong ang may dunong na sumobra

Sa walang alam pagkat tanga, may ospital nga ba kaya?

Sobrang silaw sa salapi ay malaking kapintasan

Pagkat walang itatangi kundi yaong kumikinang

Dahil dito'y nalilimot sa puso ang kabutihan

Nang dahil din po sa pera, nandyan ang kapalaluan


Ang buhay natin sa mundo, kung inabot ng finished contract

Kaluluwa ng may dunong sa langit ay natitiyak

Dahil sinamba ng mayaman, ginto, salapi at pilak,

Na-cancel ang entry permit, inabot ay hanggang ulap.

MAYAMAN (Ikatlong tindig)

Wala nga pong pagamutan sa mapurol ang isipan

Dahil hindi pa po sira, pwede pa ring pagtyagaan

Ang malungkot ay sila pang ignoranteng kababayan

Ang madaling naloloko ng rekruter na maalam!

Hindi lahat ng may pera'y sumasamba sa salapi,

Tulad ni Job, mas maraming sa D'yos Ama'y nagpupuri

Kalulwa ng may talinong sa kapwa ay nanduhangi

Made-deport sa impyerno pagkat passport pala'y peke!

Tigilan na ang pagsabing matalino'y syang may dala

Sa mayaman, pagkat baka makulitan ang balana

Pasalamat ka na lamang, kaydami ng may diploma

Kinakalawang ang utak, walang trabahong makita!

MATALINO

Katunggali ang nagsabing ang tanga ay naloloko

Matuwid ang kahulugang dapat magpakatalino

Si Abraham at Isaac maging si Job ay may ulo

Kaya sila nagsiyaman, dahil hindi mga bobo.

Hindi ka ba nagtataka? Sikat ka't hinahangaan,

Kahit ikaw ay mahirap, talino mo'y sa bigkasan

Talo mo pa si Ayala, Sarmiento at Lardizabal,

Marami sa 'yong nakikinig dahil sa iyong kaalaman!

MAYAMAN

Bakit ko ba hahangaring ako'y maging marunong pa

Gayong halos lahat naman, nabibili na ng pera

Talino ng abugado, duktor, hilot, kumadrona

Ay may presyong kagaya rin ng kakaning tinitinda!

Sa labanang pasikatan, sino'ng unang papansinin?

Sino nga ba'ng hahangaan kung dalawa'y pagtabihin?


Matalinong mukhang engot dahil pobre at gusgusin?

O mayamang mukhang "genius", pagkat porma'y mamahalin?

MATALINO

Di katumbas ng halaga ang magandang kalooban

Iyan namang salapi mo'y palamuti lang ng katawan

Di sa panlabas na anyo nakikita ang katinuan

Kundi sa gawa ng taong may inaangking kaalaman.

MAYAMAN

Ako yata ay naligaw sa labanang napasukan

Akala ko, paksa dito'y sino'ng sikat, hahangaan?

Kayamana'y panlabas nga, sapagkat ang kalooban

Ay di tayo ang hahatol, yan ay D'yos lang ang may alam!

MATALINO

Sa landas mang pagkalinis, ang mangmang ay naliligaw

Ang paghanga sa marunong, maingat sa daraanan!

MAYAMAN

Ngayo'y di na mayaman ang binubugbog ng kalaban

Sa marunong versus mangmang napalihis ang usapan!

MATALINO

Kamangmangan ng mayaman ang siya kong tinutukoy

Mahirap makaintindi, kalaban ko'y nagmamaktol!

MAYAMAN

Ako pa raw ngayon itong pang-unawa'y kinukulang

Magkano ka? Sabihin mo, matahimik ka na lamang!

MATALINO

Katalo ko'y di lang bobo, abusado pa rin pala!

MAYAMAN
Sagot ko na ang ticket mo, may pam-pocket money ka pa!

MATALINO

Marunong ang hahangaan, di mayamang walang alam!

MAYAMAN

Sa gobyerno ay kaydaming matalinong magnanakaw!

LAKANDIWA

Akin na pong pipigilin ang talaktakan ng dalawa

Ako namang Lakandiwa ang papasok sa eksena

Ang hiling ko sa dalawang makata ay magkamay na

At sa inyo, mga kababayan, palakpakan muli sila!

Mahirap man ang humatol ay akin nang gagawin

Sa katwiran ng dalawa na mahirap arukin

At sapagkat ang dalawang ito'y kapuwa magagaling

Marahil ay mahihirapan akong matuwid nila'y limiin.

Sa panig ng matalino na si Juliet Asenita

Dahil daw sa talino, nakilala ang ating bansa

Talino raw ang puhunan sa buhay ay pakikibaka

Matalino raw ang siyang sikat at hahangaang talaga.

At si Ralph Pulmano po sa panig ng mayaman

Dahil daw sa yaman, sisikat ka at hahangaan

At kung mayaman ka, magpakahirap ay di na kaylangan

Tila may katwiran din ang makata ng Binan.

Kung ang talino'y ginamit sa mabuting paraan

Walang pagsalang ito'y dapat nating hangaan

Ngunit kung ginamit ito sa kapwa ay panlalamang

Bagkus ay dapat pang ito ay pintasan.

Hahangaan mo rin ba ang isang mayaman

Kung wala namang malasakit sa kapwang nahihirapan?

Datapwa't kung ang yaman ay ginamit sa katuwiran

Walang pag-aatubili, sisikat siya at hahangaan.


Kung sa tugatog ng tagumpay ay marunong ang kailangan

Datapuwat kakailanganin din ang puhunan ng mayaman

Yaman ang magpapakilos sa matalinong tauhan

Ngunit matalinong tauhan din, magpapatakbo ng negosyo ng mayaman.

Ang paksa ay sino nga ba ang higit na hahangaan

Ang may angking talino ba o ang isang mayaman?

Narito ang hatol ko sa dalawang naghidwaan:

Patas po ang naging laban, sila'y ating palakpakan!

Araling Panlipunan 7

Unang Markahang Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at hanapin ang pinakatamang sagot sa mga pagpipilian. Isulat ang letra ng

tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Isang katangiang pisikal ng kapaligiran ng Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands.

Alin sa mga uri ng grasslands ang may damuhang matataas at malalalim ang ugat na nasa ilang bahagi ng Russia at

Manchuria?

a. Prairie b. savanna c. steppe d. tundra

2. Ang tawag sa pinakamalaking dibisyon nglupain ng daigdig.

a. Heograpiya b. kontinente c. Rehiyon d. Plates

3. Ang Asya ay binubuo ng iba’t ibang uri ng Anyong lupa. Anong talampas ang itinuturing na pinakamataas sa buong mundo

at tinaguriang “ Roof of the world”?

a. Talampas ng Deccan b. Indo -Gangetic plain c. Tibetan Plateau d. Himalayas

4. Dahil sa Asya ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire, tinatayang nasa humigit kumulang 300 aktibong bulkan sa Asya.

Piliin sa ibaba ang hindi kabilang sa mga bulkan.


a. Kara Kum b. Mayon c. Semero, Krakatoa d. Fuji

5. Matatagpuan sa Asya ang iba’t ibang sikat ng bundok. Ano ang pinakatanyag na bulubundukin ang matatagpuan sa Asya?

a. Mt. Kachenjunga b. Mt. K2 c. Mt. Everest d. Mt. Mayon

6. Ang Asya ay binubuo ng maraming kapuluan. Ilan lahat ang pulo ng bansang Indonesia?

a. 13,000 pulo b. 12,000 pulo c. 10,000 pulo d. 7,107 pulo

7. Bulubundukin ang tawag sa hanay ng mga bundok. Ano ang pinakatanyag na bulubundukin ang matatagpuan sa Asya?

a. Hindu Kush b. Tien Shan c. Himalayas d. Ghats

8. Sa uri ng damuhang ito ay mayroong maraming halamang nabubuhay dahil sa may pantay na panahon ng tag-ulan at tag-araw.

a. Tundra b. Tropical Rainforest c. Savanna d. Prairie

9. Dahil sa patuloy na pagdami ng populasyon, nagkakaroon ito ng malaking epekto sa ating kalikasan. Alin sa mga sumusunod

ang hindi nito epekto?

a. Nangangailangan ng malawak na lupain upang mapagtaniman.

b. Nangangailangan ng cellphone ang mga tao upang mabuhay.

c. Nangangailangan ng sapat na espasyo upang gawing tirahan.

d. Dumarami ang produksiyon ng basura.

10. Isa sa suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa Asya ay ang pagkakasira ng kagubatan. Alin sa mga sumusunod ang

hindi kabilang sa mga dahilan ng pagkasira ng kagubatan?

a. Patotroso b. pagkakaingin c. pagpuputol ng puno d. paggamit ng dinamita

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan ng mga salita sa Hanay A. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat.

Hanay A Hanay B

1. Ito ay tumutukoy sa malayong lugar , malayo sa A. Siltation


urbanisadong lugar.

2. Nagpoprotekta sa mga tao mula sa radiation na dulot ng B. Desertification


sinag ng araw.

3. Parami at padagdag na deposito ng banlik sa isang lugar. C. Red Tide

4. Tirahan ng hayop at iba pang bagay. D. Salinization

5. Pagkaubos at pagkawala ng punong kahoy sa gubat E. Habitat

6. Tumutukoy sa pagkasira ng lupaing tuyo o bahagyang tuyo. F. Global Climate change

7. Sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat. G. Hinterlands

8. Paglitaw ng asin sa ibabaw ng lupa. H. Ecological balance

9. Pagbabago ng pandaigdigang klima. I. Ozone layer

10. Balanseng ugnayan ng kapaligiran at buhay. J. deforestation

Panuto: Ibigay ang sagot sa mga tanong sa ibaba.

1-7. Ibigay ang 7 kontinente sa daigdig.

8-15. Magbigay ng 8 uri ng Anyong Lupa.


16-20. Magbigay ng 5 uri ng Vegetation cover o uri ng damuhan sa Asya.

Panuto: Ipaliwanag:

1. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong upang mabawasan ang produksiyon ng basura sa inyong lugar?

( minimum of 3 sentences)

2. Para sa iyo, paano natin maiiwasan ang pagkakasira ng ating kapaligiran? Magbigay ng 5 paraan upang hindi masira

ang kalikasan.
RICO L. BORNEA 2

FRANCLEN A. FERNANDEZ 21 OSCAR C. HILAGA 14 RIAJEAN N.JACOSALEM 9

RIZZAJANE V. MORANTA 22 JOHN FEL R. SILABAY 16 ARGIE T. ABELLA 17

AARON JHESD V. LISCANO 24

ROLANDO V. BASTIDA 27

REYMART Y. CLABARIO 18

MANNY C . JELLEGAN 21

MARY KAYE J. MAG-USARA 21


JOHN PAUL R. ALBIAR 21

JAY E. BARQUIO 5 JESHA MARITTE MARTORILLAS 25

MELVIN R. GEQUE 22 PINKY A. CARAMBIAS 29

AIAH JANE P. BAYER 3

MARVEN Q.LANDASABAL 18

RICHARD T. RABAGO 27

RJ MAE SABIQUEL 17

ROXANNE B. ROCAMORA 2

ETHAMAE JEAN E. FERNANDEZ 4 JHON PATRICK R. ALBIAR 6

RONNA L. BUGTONG 12 MARILYN E. TRIBUNALO 16

ANGELO R. GEQUE 27 METCHIE A. ASEGURADO 20

KIM LESTER P. CAÑAMO 20

JAMES C. LACIO 25

You might also like