You are on page 1of 2

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si RUPERTO C. DE LEON, nasa hustong edad, at kasalukuyang residente ng Barangay Sto. Rosario
Kanluran, Pateros, Metro Manila ay malaya at kusang loob na nagsasaad:

Na ako ay kasalukuyang miyembro ng Sangguniang Barangay ng Sto. Rosario Kanluran bilang isang
Kagawad;

Na nuon pang taong 2020 ay napansin na ng ilan sa mga kasamahan kong kagawad ang pagkakaroon ng
isang tindahan o sari-sari store sa may gilid ng aming Barangay Hall;

Na ang nasabing tindahan pag-aari ng isang Patricia Añasco o mas kilala sa tawag ng mga tanod at
empleyado ng barangay na si Ate Pat;

Na nuong Marso 2023 nang si Kapitan Marvin Ponce ay mapatawan ng 60-days Preventive Suspension at
si Kagawad Candido R. Cadacio Jr. ang maitalaga bilang Acting Kapitan, ay naglunsad kami ng
imbestigasyon tungkol sa nasabing tindahan;

Na ang mga kasama ko sa ginawang pag-imbestiga ay si Acting Kapitan Cadacio, Kagawad Cristina S. Rico,
at Kagawad Mark Arce;

Na aming ipinatawag si Ms. Patricia Añasco upang tanungin kung siya ba ay libreng gumagamit ng
espasyo ng barangay hall para sa kanyang tindahan o siya ay umuupa;

Na ang kaniyang sagot ay, siya ay umuupa;

Na ang kausap daw niya ay si Barangay Treasurer Rolando Wagan;

Na dito daw niya binibigay ang kaniyang upa na nagkakahalaga ng Php8,000.00 kada buwan;

Na ng aming tanungin si Ms. Añasco kung siya ba ay may kontrata, ang sagot niya ay wala;

Na ng aming tanungin ko siya ba ay binibigyan ng Official Receipt sa tuwing siya ay magbabayad, ang
kaniyang sagot ay “oo”;

Na amin siyang tinanong kung maari niya kaming bigyan o pakitaan ng kopya ng nasabing mga Official
Receipt, ang sagot niya ay hahanapin niya ang kaniyang mga kopya;

Na hindi nagpakita si Ms. Añasco ng kahit isang resibo sa amin, at sa misteryosong kadahilanan, ay
biglang nagsara ito ng tindahan at nawala sa Sto. Rosario Kanluran nuong kahabaan ng pag-upo ni Acting
Kapitan Candido R. Cadacio Jr.;

Na sadyang alam ko na walang maipapakitang resibo si Ate Pat dahil mula pa 2020 ay si Kapitan Marvin
Ponce na ang kumkuha ng upa mula sa kaniya;

Na ito ay matatawag na isang “open secret” sa aming mga palaging nagtitigil sa opisina ng Treasury dahil
si Barangay Record Keeper Marvin C. Francisco mismo na taga-tala ng mga ini-isyu na Official Receipts ng
barangay ang nagkokomento na, “katulad niyan wala na naman resibo yun kay Ate Pat, nakay Palos na
diretso yun pera eh..”;

Na ang tinatawag ni BRK Francisco na “Palos” ay si Kapitan Marvin Ponce;


Na ang nangyayari na ito ay alam ni Barangay Treasurer Rolando Wagan at kaniya lamang pinagtatakpan;

Na ang pagpapaupang ito ng bahagi ng barangay hall ay iligal sapagka’t hindi ito dumaan sa pag-apruba
ng Sangguniang Barangay;

Na ginawa ko ang Sinumpaang Salaysay na ito upang aking patunayan ang buong katotohanan ng aking
salaysay na nasa itaas at paninindigan ko ito saan man at kanino man;

SA KATUNAYAN ay nilalagdaan ko ito ngayong ika-5 ng Hunyo taong 2023 dito sa Bayan ng Pateros, Metro
Manila.

RUPERTO C. DE LEON
Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-5 ng Hunyo 2023 dito sa Munisipalidad ng Pateros,
Kalakhang Maynila.

___________________
Notaryo Publiko

You might also like