You are on page 1of 3

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si LEUDEMER G. LABRA, nasa hustong edad, at kasalukuyang residente ng Barangay Sta. Ana,
Pateros, Metro Manila ay malaya at kusang loob na nagsasaad:

Na ako ay dating empleyado ng Barangay Sto. Rosario Kanluran bilang isang GAD/BADAC Focal Person;

Na bukod pa dito ay dati rin kaming matalik na magkaibigan ni Kapitan Marvin Ponce;

Na halos lahat ng kaganapan sa pagpapalakad sa barangay ay personal kong alam dahil pinapag-usapan
namin ito ni Kapitan Marvin bago pa man ito mangyari o maisakatuparan;

Na isa na rito ang pagpayag ng barangay na ayon na rin sa desisyon ni Kapitan Marvin na ipaupa kay Ms.
Patricia Añasco ang gilid na bahagi ng barangay hall na nakadikit sa may panulukan ng Cortez Drive at
College St.;

Na ang planong ito ni Kapitan Marvin ng ihayag sa akin ay napakagandq, dahil magagamit ang bakanteng
parte ng barangay hall upang maging isang “income generating asset” ng pamahalaang barangay sa
ilalim ng kaniyang liderato;

Na sa aking pagkaka-alala, ang tindahan ni Pat ay nag-umpisa bandang last quarter ng 2019;

Na nung ito ay mag-umpisa ay naglatag lamang ng tarapal o lona sa nasabing gilid at mga karton at
manipis na plywood ang pinaka-pandingding;

Na ang initial na upa ni Pat sa nasabing pwesto ay Php 6,000.00 kada buwan;

Na aking pinaalalahanan nuon si Kapitan Marvin na dapat ay gawaan niya ito ng lease agreement upang
maging black and white, at ipa-apruba sa Sangguniang Barangay upang iwas problema siya;

Na ang isinagot niya sa akin ay, “pangsamantagal” pa lang naman iyan, titignan pa kung kikita si Pat o
hindi;

Na bago matapos ang taon ng 2019, ay ipinaayos na ito gamit ang pondo ng barangay at ipinakontrata
kay Mr. Ogo Lugiano;

Na ng pumasok na ang taon ng 2020, nakumpleto na ang pagsasa-ayos ng nasabing puwesto, naging
hollow blocks na ang dingding, at yero ang bubong ng nasabing tindahan ni Pat;

Na nagkaroon na siya ng mga gamit tulad ng electric fan, refrigerator, at freezer, kaya itinaas na ang
kaniyang upa sa Php 8,000.00, kung saan ang dagdag na Php 2,000.00 ay para sa kuryente na Php
1,500.00 at tubig na Php 500.00, dahil duon na rin nakatira sa tindahan si Pat at kapag weekend ay ang
asawa nito na stay-in worker sa trabaho sa Valenzuela;

Na ayos naman nuong unang 2 buwan ng 2020 ang pagkuha sa upa ni Pat, subali’t ito ay nabago nuong
Marso 2020 nang mangyari ang Covid 19 Pandemic;

Na bigla ay inutos ni Kapitan Marvin na direkta na sa kaniya pupunta ang upa ni Pat para gamitin daw sa
pagkain ng mga tanod;
Na maganda para sa paniniwala ko nuon ang hakbang ni Kapitan Marvin dahil ang mga tanod kabilang na
ako na itinalaga niya bilang Covid 19 TF OIC ay halos 24 oras na nag-duty upang bantayan ang mga
Quarantine Control Point kasama pa ang mga pulis ng PCP 3;

Subali’t nalaman ko na meron pala pondo ng barangay na inilalabas si Tresurero Rolando Wagan para sa
purpose na ito;

Duon ko napagtanto na ang upa ni Pat na pinapasingil niya kay Alex Delos Santos na nuong parte ng taon
na iyon ay kaniya pang-personal na secretary ay sa sarili niyang bulsa napupunta;

Na ako ay nagsawalang kibo na lamang dahil para sa akin, maaaring may personal na dahilan si Kapitan
Marvin sa ginagawa niya, at ayaw ko siyang mapahiya sa akin;

Na sa katunayan, nang malaman kong dumadaldal si Barangay Record Keeper Marvin Francisco na ka-
tropa din namin nina Kapitan Marvin patungkol dito ay nagagalit pa ako at sinabi ko sa kaniyang kausapin
niya ito na itigil ang pagkokomento ng mga bagay na ito;

Na ginawa ko ang Sinumpaang Salaysay na ito upang aking patunayan ang buong katotohanan ng aking
salaysay na nasa itaas at panindigan ko ito saan man at kanino man;

SA KATUNAYAN ay nilalagdaan ko ito ngayong ika-5 ng Hunyo taong 2023 dito sa bayan ng Pateros, Metro
Manila.

LEUDEMER G. LABRA
Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-5 ng Hunyo 2023 dito sa Munisipalidad ng Pateros,
Kalakhang Maynila.

___________________
Notaryo Publiko

You might also like