You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES)

CITY OF MARIKINA ) S.S.


-----------------------------------------

AFFIDAVIT OF LOSS

Ako po si ZENAIDA FELICIANO, nasa hustong taong gulang, walang


asawa, Pilipino, at kasalukuyang naninirahan sa
______________________________, matapos makapanumpa sang-ayon sa batas,
ay malaya at kusang loob na nagsasalaysay; na –

1. Noong 31 Disyembre 2019, natapos po ang aking kontrata sa


pinagrerentahan kong puwesto para sa aking negosyong karinderia na matatagpuan
sa numero 55 Panorama Street, SSS Village, Barangay Concepcion Dos, Siyudad
ng Marikina.

2. Kinailangan ko pong isara ang nasabing negosyo ko noong 20 Pebrero


2020 sa kadahilanan na ibinenta na raw ng may-ari ang gusali kung saan
matatagpuan ang nasabing puwesto.

3. Noong panahon na ito, lingid po sa aking kaalaman na kailangan ko


po palang ibalik ang aking business permit sa Lungsod ng Marikina na siyang
nagbigay sa akin nito.

4. Matapos ko pong isara ang aking negosyo, ako po ay nagpunta ng


Pampanga upang doon ay magpahinga dahil sa lungkot dulot ng pagkasara ng
aking negosyo na sumabay pa sa pagkamatay ng aking nakatatandang kapatid.
Doon na po ako sa Pampanga inabutan ng lockdown dulot ng pandemya ng Covid-
19. Sa kadahilanang ako ay 75 anyos na at isang senior citizen, nakabalik lang po
ako sa aking tirahan sa Marikina noong natapos na ang nasabing lockdown.

5. Noong nakaraang 5 Nobyembre 2020, ako po ay nakatanggap ng


isang liham mula sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng Lungsod
ng Marikina. Nakasaad sa nasabing liham na kailangan ko daw pong ibalik sa
BPLO ang business permit ng aking sinarang negosyo.

6. Sa kasamaang palad at hinde sinasadyang pangyayari, natuklasan ko


na ang nasabing business permit ay nasira na pala noong ito ay nabasa dahil sa

1
tumutulong tubig mula sa kisame ng aking bahay na dulot ng malakas na ulan.
Dahil ito ay nasira na at nabasa, at dahil hinde rin alam ng aking anak na ito ay
isang mahalagang dokumento, minarapat ng aking anak na ito ay itapon na lang.

7. Humihingi po ako ng paumanhin dahil nasira ang nasabing business


permit. Hinde ko po alam na ito ay isang mahalagang dokumento na kailangan
ibalik sa BPLO; kung kaya ito ay hinde ko naitago sa mas ligtas na lugar.

BILANG PATUNAY, malaya at kusang-loob kong nilagdaan ang salaysay


na ito ngayong ika-______ ng Nobyembre 2020, dito sa Lungsod ng Marikina.

______________________
ZENAIDA FELICIANO
Nagsasalaysay/Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this _____day of ___, 2020,


affiant having exhibited to me her ________________________________ with
no. __________ issued on __________ at _____________, as competent evidence
of his/her identity.

Doc. No. ______ NOTARY PUBLIC


Page No. ______
Book No. ______
Series of 2020

You might also like