You are on page 1of 1

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si JENNIFER E. LABRA, nasa hustong edad, at kasalukuyang residente ng Barangay Sta. Ana, Pateros,
Metro Manila ay malaya at kusang loob na nagsasaad:

Na ako ay dating nagtrabaho sa Barangay Sto. Rosario Kanluran bilang Clerk sa Treasury Office;

Na sa panahon ng aking panunungkulan bilang clerk na nagtapos nuong November 2022 ay alam ko na
ang upa ng tindahan ni Ms. Patricia Añasco o mas kilalang Ate Pat ay si Kapitan Marvin Ponce ang
direktang kumukuha;

Na kaya ko ito alam ay dahil madalas na inuutos sa akin ni Barangay Treasurer Rolando Wagan na
puntahan si Ate Pat upang tanungin ang bayad sa upa na nagkakahalaga ng ₱ 8,000.00 kada buwan;

Na kapag nakausap ko na si Ate Pat ang palagi niyang isinasagot ay…”kausap ko na si Kap…” at kung
minsan ay…”kinausap na ako ni Alex…”;

Na ang ibig sabihin lamang nito ay huwag na naming siyang singilin dahil ayos na yung bayad niya kay
Kapitan Marvin;

Na ang kapag ako ay nagrereport kay Tresurero Rolando Wagan ay mapapabuntung-hininga na lamang
ito dahil wala naman na siya magagawa;

Na ito ay ginagawan na lamang ng paraan ni Tresurero Rolando Wagan upang maitago;

Na ginawa ko ang Sinumpaang Salaysay na ito upang aking patunayan ang buong katotohanan ng aking
salaysay na nasa itaas at paninindigan ko ito saan man at kanino man;

SA KATUNAYAN ay nilalagdaan ko ito ngayong ika-5 ng Hunyo taong 2023 dito sa Bayan ng Pateros, Metro
Manila.

JENNIFER E. LABRA
Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-5 ng Hunyo 2023 dito sa Munisipalidad ng Pateros,
Kalakhang Maynila.

___________________
Notaryo Publiko

You might also like