You are on page 1of 2

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si JINNA B. DE LEON, nasa hustong edad, at kasalukuyang residente ng Barangay Sto. Rosario
Kanluran, Pateros, Metro Manila ay malaya at kusang loob na nagsasaad:

Na ako ay dating nagtrabaho sa Barangay Sto. Rosario Kanluran bilang Clerk sa Treasury Office;

Na sa panahon ng aking panunungkulan bilang clerk mula November 2020 hanggang December 2021 ay
alam ko na ang upa ng tindahan ni Ms. Patricia Añasco o mas kilalang Ate Pat ay si Kapitan Marvin Ponce
ang direktang kumukuha;

Na kaya ko ito alam ay una, saksi ako sa pag-uutos ni Barangay Treasurer Rolando Wagan sa aking
kasama na Clerk na si Jennifer Labra na puntahan si Ate Pat upang tanungin ang bayad sa upa na
nagkakahalaga ng ₱ 8,000.00 kada buwan;

Na kapag nagreport na si Jennifer Labra kay Tresurero Rolly Wagan na ang sabi daw ni Ate Pat
ay…”kausap ko na si Kap…” o kung minsan ay yung si Alex na Barangay Secretary ni Kapitan Marvin ang
sinasabi nitong nakausap na niya;

Na ang ganitong kalakaran ay alam ni Tresurero Rolly at pinapagtakpan niya ito;

Na bukod pa dito, ay madalas din magsalita si Marvin Francisco na siyang Barangay Record Keeper na
taga-encode ng mga ini-isyu na Official Receipt ng barangay na, “…wala na naman resibo yung kay Ate
Pat, diretso na naman kay Palos yung pera…”;

Na ang alyas na tawag nila kay Kapitan Marvin ay “Palos”;

Na ginawa ko ang Sinumpaang Salaysay na ito upang aking patunayan ang buong katotohanan ng aking
salaysay na nasa itaas at paninindigan ko ito saan man at kanino man;

SA KATUNAYAN ay nilalagdaan ko ito ngayong ika-5 ng Hunyo taong 2023 dito sa Bayan ng Pateros, Metro
Manila.

JINNA B. DE LEON
Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-5 ng Hunyo 2023 dito sa Munisipalidad ng Pateros,
Kalakhang Maynila.

___________________
Notaryo Publiko

You might also like