You are on page 1of 1

LUPON SA BATAS, TUNTUNIN AT REBISYON NG MGA ORDINANSA

MGA DUMALO:

KGG. LOUIE PHILIP J. CASTRO TAGAPANGULO


KGG. JOSEPH METZLER R. MASACUPAN PANG. TAGAPANGULO
KGG. RHONA V. BALBALOSA KASAPI
KGG. CARLA ANGELA S. VALDERRAMA KASAPI
KGG. HOMER R. SERRANO KASAPI

HINDI DUMALO:

ULAT NG LUPON BLG. 01, T. 2020

BUOD:

Ang bumubuo ng Lupon sa Batas, Tuntunin at Rebisyon ng mga Ordinansa ay nagsagawa


ng pulong noong ika-08 ng Enero 2019 sa ganap na ika-8:00 ng umaga, dito sa Bulwagang
Pulungan ng Sangguniang Bayan.

Ang paksang tinalakay ay may kaugnayan sa “ Ordinance Granting Franchise to United


Association Cockpit Owners and Operators of the Philippines, Incorporated and Broadcast Live
and Data Streamed Cockfighting Activities and Derbies at Commercial Establishments and to
Operate an Off Site Betting Station within the Municipality of Siniloan, Laguna.”

Matapos na marebisa at mapag-aralan ng bumubuo ng Lupon ang lahat ng mga probisyon/


seksiyon na napapaloob sa panukalang kautusang bayan na ito at sa kadahilanan na wala namang
nagpahayag ng pagtutol ay napagpasiyahan ng bumubuo ng lupon na maiharap ito sa ikalawang
pagbasa sa susunod na pangkaraniwang pagpupulong matapos na ito ay maiulat sa pag-uulat ng
lupon.

SA HULI, ay napagpasiyahan ng bumubuo ng Lupon sa Batas, Tuntunin at Rebisyon ng mga


Ordinansa na magalang na hilingin sa kapulungan ng Sangguniang Bayan na mabigyan ng
pagkilala at pagpapatibay ang Ulat ng Lupon, at matapos na mapagtibay ay maiharap sa ikalawang
pagbasa sa susunod na pangkaraniwang pulong.

PINAGTIBAY:

Enero 08, 2020

KGG. LOUIE PHILIP J. CASTRO KGG. JOSEPH METZLER R. MASACUPAN


Tagapangulo Pang. Tagapangulo

KGG. RHONA V. BALBALOSA KGG. CARLA ANGELA S. VALDERRAMA


Kasapi Kasapi

KGG. HOMER R. SERRANO


Kasapi

LAWS__

You might also like