You are on page 1of 1

KAPASIYAHAN NG BUMUBUO NG SANGGUNIANG BAYAN NG SINILOAN,

LAGUNA NA MABIGYANG PAGKILALA AT PAGBATI SA KANIYANG IKA-65 NA


PAGDIRIWANG NG TAUNANG KAARAWAN SA NAKALIPAS NA OKTUBRE 31,
2020 ANG TAGAPAMUNO NG IGLESIA NI CRISTO, KGG. EDUARDO V. MANALO.

Nagpanukala: Kgd. Carla Angela S. Valderrama

SAPAGKAT, ang minamahal na Tagapamuno ng Iglesia ni Cristo, Kgg. Eduardo V.


Manalo, ay nagdiwang ng kaniyang ika-65 na kaarawan noong Oktubre 31, 2020;

SAPAGKAT, ang Bayan ng Siniloan, Laguna ay kumikilala sa karangalan at kabutihang


loob ni Kgg. Eduardo V. Manalo;

SAPAGKAT, nais iparating ng bumubuong miyembro ng Sangguniang Bayan ng


Siniloan ang kahilingan nitong patuloy na pagkakaroon ng mabuting kalusugan at nag-uumapaw
na biyaya para sa minamahal na Tagapamuno ng Iglesia ni Cristo.

DAHIL DITO, sa mungkahi ni Kgd. Carla Angela S. Valderrama, na pinangalawahan ng


lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan na dumalo sa pulong, ay

IPINASIYA, tulad ng dito’y pagpapasiya, na mapagtibay ang KAPASIYAHAN NG


BUMUBUO NG SANGGUNIANG BAYAN NG SINILOAN, LAGUNA NA MABIGYANG
PAGKILALA AT PAGBATI SA KANIYANG IKA-65 NA PAGDIRIWANG NG
TAUNANG KAARAWAN SA NAKALIPAS NA OKTUBRE 31, 2020 ANG
TAGAPAMUNO NG IGLESIA NI CRISTO, KGG. EDUARDO V. MANALO.

IPINASIYA PA RIN, na ang sipi ng Kapasiyahang ito maipadala kay Kgg. Eduardo V.
Manalo para sa kaniyang kabatiran.

You might also like