You are on page 1of 1

ARSIDIYOSESIS NG LIPA

Parokya ng San Nicolas de Tolentino


San Nicolas, Batangas

Agosto 25, 2023 Control No. _______

Minamahal naming _______________________________________________________,

Pagbati ng Kapayapaan at pag-ibig mula kay Kristo at sa Mahal na Patrong San Nicolas de
Tolentino.
Ang Parokya ng San Nicolas de Tolentino sa Bayan ng San Nicolas ay magkakaroon ng Gabi ng
Koronasyon at Pagkilala para sa Ginoo at Binibining Parokya ng San Nicolas de Tolentino 2023 sa
darating na ika-8 ng Setyembre, 2023 bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na
Patron San Nicolas de Tolentino ngayong taon.
Kaugnay po nito, sa ngalan po ng pamunuan ng Parish Pastoral Council kasama po ng ating
minamahal na kura-paroko ay malugod po namin inaanyayahan ang inyong buong pamilya na
maging bahagi ng nasabing pagdiriwang sa pamamagitan ng inyong tulong-pinansyal para sa
mga gastusin sa nasabing gawain.

Umaasa po kami sa inyong taos-pusong pagtanggap sa aming paanyaya. Anuman pong halaga
ang inyong ipagkaloob ay bukal sa loob po naming tatanggapin kalakip ng aming mga panalangin
para sa inyong buong pamilya.

Maraming salamat po at nawa’y lalo pa kayong pagpalain ng ating Panginoon dahil sa inyong
kagandahang-loob.

Kaisa kay Kristo at ng Mahal na Patrong San Nicolas de Tolentino.

Engr. Oliver S. Dimailig


Parish Pastoral Council Coordinator

Rev. Fr. Magno S. Casala, Jr.


Parish Priest

“Ang bawat isa ay dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan
lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan” --- 2 Corinto 9:7

You might also like