You are on page 1of 2

#005 Purok 1

San Sebastian
San Luis, Pampanga
September 11, 2023

KAPATID EDUARDO V. MANALO


Tagapamahalang Pangkalahatan,
IGLESIA NI CRISTO
# 1 Central Avenue, Diliman, Quezon City

THRU:

KAPATID BHEL JOHN UBALDO


Tagapangasiwa ng Distrito
IGLESIA NI CRISTO
Distrito ng Pampanga East

MAHAL NA TAGAPAMAHALA:

Ako po si Cris James O. Natividad ng Barangay San Sebastian, akin pong


ipina-aabot ang isang mainit na pagbati ng isang magandang araw sa inyo, Punong
Ministro ng Iglesia ni Cristo. Sa darating pong halalan, ika-30 ng Oktubre, taong 2023, nais
ko pong ipagbigay-alam na ako po ay tatakbo sa posisyon ng Sangguniang Kabataan
(SK) Kagawad, sa ilalim po ng partido ni Aspiring SK Chaiwoman Mary Grace P.
Punu. Ako po ay lumiham upang magpakumbaba at nagagalak na hilingin na mapabilang
sa susuportahan ng kaisahan ng Banal na Iglesia ni Cristo.

Ako po ay nakapagtapos ng kursong BS in Architecture sa Don Honorio Ventura


State University (DHVSU) at kasalukuyang nagtatrabaho bilang Junior Architect sa isang
construction company. Ang layunin sa aking pagtakbo ay upang makapaghatid ng
karagdagang pagbabago at makatulong sa lalong pagpapalago at pagpapaunlad ng aming
minamahal na barangay.

Ako po ay magiging katuwang ng aming running SK Chairwoman sa kanyang


programang: PEACE BUILDING AND SECURITY "PROJECT SKaisa” bilang
naatasang Comittee on Peace Building and Security upang masiguro ang pagsasakatuparan
ng layunin nitong:

 Disaster Risk Reduction Management


 Seminar and Talks about Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDT)
 Coordination with Government Sectors (PNP, NDRRMC, Red Cross)
 Annual Campaigns Promoting Peace and Order

Kung ako po ay palaring mahalal bilang SK Kagawad ay gagampanan kong nang


walang pag-iimbot ang mga pananagutang kaakibat po ng aking posisyon sa gabay at
patnubay ng Panginoong Diyos. Hindi rin po ako gagawa ng anumang bagay na ikasisira
ng reputasyon ko bilang isang indibidwal at hindi gagawa ng mga bagay na lalabag sa
doktrina at tuntunin ng Iglesia ni Cristo. Akin rin po ipapakita ang buong pusong malasakit
at pag-ibig sa mga kapatid nating kasapi ng Iglesia.

Umaasa po ako sa inyong positibong pagtugon sa liham na ito at sa inyong


mahalagang pagsuporta.

Marami Salamat!

Mabuhay po ang Iglesia ni Cristo!

Lubos na gumagalang,

CRIS JAMES O. NATIVIDAD


Kandidato, SK Kagawad

You might also like