You are on page 1of 1

___________ Street, Barangay ____________

Naic, Cavite, Philippines


September 6, 2023

KAPATID EDUARDO V. MANALO


Tagapamahala ng Pangkalahatan
IGLESIA NI CRISTO
#1 Central Avenue, Diliman, Quezon City

THRU:

KAPATID LARRY FAILANO


Tagapamahala ng Distrito
IGLESIA NI CRISTO
Distrito ng Naic, Cavite

MAHAL NA TAGAPAMAHALA;

Ako po si Gng. _________________________ ng Barangay ___________________, dating


Barangay Lupon at ngayon ay nagnanais na maglingkod bilang Barangay Kagawad ng aming barangay at
sa darating pong eleksyon ay lalahok bilang isa sa mga tatakbong Barangay Kagawad ng aming Barangay.
Ako po ay sumulat upang malugod na hilingin na mapabilang sa susuportahan ng kaisahan ng Banal na
Iglesia.

Kung ako po ay palaring maihalal bilang Barangay Kagawad ay nais ko pong mapalawak ang mga
proyekto, programa at aktibidad para sa mga concrete development gaya ng pang-imprastraktura na
kinakailangan para sa aming barangay, mas pagiigihan at gagampanan kong muli nang walang pag-
iimbot ang mga pananagutang kaakibat po ng aking posisyon sa gabay at patnubay ng Panginoong Diyos.
Hindi rin po ako gagawa ng anumang bagay na ikasisira ng reputasyon ko bilang isang indibidwal at hindi
gagawa ng mga bagay na lalabag sa doktrina at tuntunin ng Iglesia Ni Cristo.

Umaasa po ako sa inyong positibong pagtugon sa liham na ito at sa inyong mahalagang suporta.

Marami pong salamat!

Mabuhay po ang Iglesia Ni Cristo!

Lubos na gumagalang,

_____________________
Kandidato, Barangay Kagawad

You might also like