You are on page 1of 2

#042 Purok 2

San Sebastian
San Luis, Pampanga
September 11, 2023

KAPATID EDUARDO V. MANALO


Tagapamahalang Pangkalahatan,
IGLESIA NI CRISTO
# 1 Central Avenue, Diliman, Quezon City

THRU:

KAPATID BHEL JOHN UBALDO


Tagapangasiwa ng Distrito
IGLESIA NI CRISTO
Distrito ng Pampanga East

MAHAL NA TAGAPAMAHALA:

Ako po si Kheme Andrei P. Catapang, ng Barangay San Sebastian, aking


ipina-aabot ang isang taos-pusong pagbati ng isang magandang araw sa inyo Punong
Ministro ng Iglesia ni Cristo. Sa darating pong halalan sa October 30, 2023 ay nais ko po
na tumakbong para sa posisyon ng Sangguniang Kabataan (SK) Kagawad sa aming
barangay, sa ilalim po ng partido ni Aspiring SK Chaiwoman Mary Grace P. Punu.
Ako po ay lumiham upang magpakumbaba at nagagalak na hilingin na mapabilang sa
susuportahan ng kaisahan ng Banal na Iglesia ni Cristo.

Ako po ay kasalukuyang kumukuha ng kursong BS in Criminology 2nd year


college. Ang layunin ko sa aking pagtakbo ay upang mabigyang pansin at pangalagaan ang
ating mga kabataan at upang makatulong pa sa lalong pagpapalago at pagpapaunlad ng
aming minamahal na barangay.

Kapag ako po ay palaring mahalal bilang isa sa mga SK Kagawad, aking pong
pangunahing isusulong ang programa sa isports. Ito ay magbibigay daan para sa mas
maging aktibo ang mga kabataan sa larangan ng isports. Ako po ay magiging katuwang ng
aming running SK Chairwoman sa kanyang programang: "iSports para king
Kayanakan" bilang naatasang Comittee on Sports Development upang masiguro ang
pagsasakatuparan ng layunin nitong:

 Basketball League
 Volleyball League
 E - Sports Tournament
 Open for other Sports Competition

Kung ako po ay palaring mahalal bilang SK Kagawad ay gagampanan kong nang


walang pag-iimbot ang mga pananagutang kaakibat po ng aking posisyon sa gabay at
patnubay ng Panginoong Diyos. Hindi rin po ako gagawa ng anumang bagay na ikasisira
ng reputasyon ko bilang isang indibidwal at hindi gagawa ng mga bagay na lalabag sa
doktrina at tuntunin ng Iglesia ni Cristo. Akin rin po ipapakita ang buong pusong malasakit
at pag-ibig sa mga kapatid nating kasapi ng Iglesia.

Umaasa po ako sa inyong positibong pagtugon sa liham na ito at sa inyong


mahalagang pagsuporta.

Marami pong salamat!

Mabuhay po ang Iglesia ni Cristo!

Lubos na gumagalang,

KHEME ANDREI P. CATAPANG


Kandidato, SK Kagawad

You might also like