You are on page 1of 1

Nuestra Señora Del Carmen Parish

BARASOAIN CHURCH
Brgy. San Gabriel, Malolos City, 3000, Bulacan, PHILIPPINES (044) 794-4340

ANG BAYAN ng DIYOS


ay binubuo ng mga mananampalatayang nakahandang maglingkod para sa ikauunlad
nito. Sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag tinanggap ko ang aking pananagutan
upang maging kapakipakinabang sa pagbuo ng Sambayanang Kristiyano at
pamumuno sa adhikain at simulain tungo sa higit na maunlad na apostolado.

Kaya, Ako si

_________________________
sa abot ng aking kakayahan, talino at pagsisikap ay nangangakong aking
isasakatuparan ng buong puso, sa ngalan ni Hesus na aking Panginoon, ang
tungkuling ipinagkatiwala sa akin, patuloy na isakatuparan ang mga simulaing
naitatag na, ayon sa mga alituntunin ng Sub-Parish Pastoral Council at maging tapat
sa pamamahala nito hanggang sa panahong itinakda sa tungkuling ito.

KASIHAN NAWA AKO NG POONG MAYKAPAL

at Ako, si

RDO. P. DARS V. CABRAL

Kura Paroko, ang nagtatalaga sa inyo sa tulong ng biyaya ng Diyos at


pananampalataya ng Simbahan ay pormal na kayo ay binabasbasan at
itinatalaga sa tungkuling inyong sinumpaan. Manatili nawa sa inyo ang gabay
at patnubay ng Banal na Espiritu,
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen

RDO. P. DARS V. CABRAL


Kura Paroko
January 23, 2021

You might also like