You are on page 1of 2

umasampalataya ako sa isang Diyos Amang makapangyarihan sa

lahat, na may gawa ng langit at lupa, ng lahat na nakikita at


'di nakikita.

Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Hesukristo, Bugtong na


Anak ng Diyos, Sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon. Diyos buhat sa
Diyos, Liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo,
sumilang at hindi ginawa, Kaisa ng Ama sa pagka-Diyos, at sa
pamamagitan niya ay ginawa ang lahat. Dahil sa ating pawang mga tao
at dahil sa ating kaligtasan, Siya ay nanaog mula sa kalangitan.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhen at
naging tao. Ipinako sa krus dahil sa atin. Nagpakasakit sa hatol ni Poncio
Pilato, Namatay at inilibing. Muli siyang nabuhay sa ikatlong araw ayon
sa Banal na Kasulatan. Umakyat Siya sa kalangitan at lumuklok sa
kanan ng Amang Maykapal. Paririto siyang muli na may dakilang
kapangyarihan upang hukuman ang mga buhay at mga patay.

Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay-buhay


na nanggagaling sa Ama at sa Anak. Sinasamba siya at pinararangalan
Kaisa ng Ama at ng Anak. Nagsalita siya sa pamamagitan ng mga
propeta.

Sumasampalataya ako sa iisang banal na Simbahang Katolika at


apostolika gayundin sa iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga
kasalanan, At hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay
at ang buhay na walang hanggan. Amen.

Matibay ko ring pinananaligan ang lahat ng napapaloob sa Salita ng


Diyos, na nasusulat o isinalin mula sa tradisyon at itinuturo ng
Simbahan, maging ito ay ipinahayag sa maringal na pagpapasya o sa
isang pangkaraniwan at pangkalahatang pagtuturo, bilang pahayag ng
Diyos at humihingi ng pananampalataya.

Matibay kong tinatanggap at pinanghahawakan ang lahat at bawa’t


isang ipinahahayag ng Simbahan hinggil sa turo ng pananampalataya at
pag-aasal.

Bukod pa rito, pinanghahawakan ko ng buong kapakumbabaan at


pagsunod ng buong kalooban at pag-iisip ang mga itinuturo ng Santo
Papa o ang ipinahahayag ng kapulungan ng mga Obispo sa kanilang
tungkulin bilang tagapagturo kahit na ipahayag nila ang mga turo sa
isang hindi tahasang pamamaran.
ko, Rdo. Padre Jose Arturo C. Batac, sa pag-ako ng gampanin bilang
Kura Paroko ng Parokya ng San Bartolome, Apostol, ay nangangako na
sa aking mga salita at mga kilos, pangangalagaan ko sa lahat ng
pagkakataon ang pagkakabuklod ng Simbahang Katolika.

Sa masusing pag-iingat at pagkamatapat, aking isasakatuparan ang mga


gampanin na iniatang sa akin para sa Simbahan, sa malawak man o sa
partikular na anyo nito, na sa kanya, ayon sa itinatakda ng batas, ako ay
tinatawagang maglingkod.

Sa pagtupad sa atas na gawain sa ngalan ng Simbahan, itataguyod ko


ang nasasaad sa yaman ng pananampalataya. Matapat ko itong
ipalalaganap at ipaliliwanag, at iiwasan ko ang pagtuturo ng anumang
taliwas sa pananampalatayang ito.

Susundin ko at kakatigan ang disiplina sa buong Simbahan at


pananatilihin ang pagsunod sa batas ng simbahan, lalo na ang nasasaad
sa Batas Kanoniko nito.

Taglay ang diwa ng pagsunod, tatalima ako sa anumang ihahayag ng


mga Obispo bilang mga tunay na pantas at tagapagturo ng
pananampalataya at anumang kanilang itatakda bilang tagapangasiwa
ng Simbahan.

Buong katapatan akong tutulong sa mga Obispong diosesano,upang ang


pagpapatuloy ng gampanin ng mga apostol, na isinasakatuparan sa
ngalan at sa utos ng Simbahan, ay magkaroon ng kaganapan sa pakikiisa
sa Simbahan.

Tulungan nawa ako ng Diyos, at ng Kanyang Mabuting Balita na kung


saan nakapatong ang aking kamay.

RDO. PADRE JOSE ARTURO C. BATAC


Kura Paroko
Parokya ng San Bartolome, Apostol Sinaksihan ng Kinatawan ng Obispo ng Malolos,
Tugatog, Lungsod ng Meycauayan, Bulacan
RDO. MSGR. PABLO S. LEGASPI, JR., P.C.
Bikaryo Heneral
Ika-28 ng Pebrero, 2021
Ikalawang Linggo sa Panahon ng Kuwaresma
Taon ni San Jose
Taon ng Missio Ad Gentes sa Pilipinas

You might also like