You are on page 1of 2

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Ako, Rev. Fr. John C. Jayoma, TC, taglay ang matibay na


pananampalataya, ay sumasampalataya at tinatanggap ang bawat
isa at lahat ng nasa simbolo at pananampalataya gaya nang
sumusunod:

Sumasampalataya ako sa iisang Diyos Amang


makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa, ng lahat
ng nakikita at di-nakikita.

Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Hesukristo,


bugtong na Anak ng Diyos. Nagmula sa Ama bago pa nagsimula ang
panahon, Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa liwanag. Diyos na
totoo buhat sa Diyos na totoo. Ini-anak, hindi nilikha. Kaisa sa
pagka-Diyos sa Ama.

Sa pamamaguitan Niya ay nilikha ang lahat, na dahil sa ating


mga tao at sa ating kaligtasan ay nanaog buhat sa langit.

Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang


Birhen at naging tao. Ipinako sa krus dahil sa atin, sa ilalim ng
kapangyarihan ni Poncio Pilato; naghirap, namatay at inilibing.

Muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat


sa langit, naluluklok sa kanan ng Ama. Pariritong muli puspos ng
kaluwalhatian upang hukuman ang mga buhay at mga patay, at ang
kaharian niya’y walang hanggan.

Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at


nagbibigay buhay, na nanggagaling sa Ama at sa Anak, na
sinasamba at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak.
Nagsasalita sa pamamagitan ng mga propeta.
Sumasampalataya ako sa isang Iglesiang Banal, Katolika at
Apostolika. Kinikilala ko ang isang binyag sa ikapagpapatawad ng
mga kasalanan. Hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng
nangamatay at ang buhay na walang hanggan. Amen.

Sinasampalatayanan ko ring matatag ang lahat ng napapaloob


sa Salita ng Diyos, na sinulat kaya’y isinalin sa tradisyon at
inihandog ng Simbahan, sa pamamagitan ng maringal na kahatulan
o kaya sa kaparaan ng ordinario at pangkalahatang Magisterio,
bilang katotohanang ipipnahayag ng Diyos at dapat
sampalatayanan.

Matatag ko ring tinatanggap ang bawat isa sa lahat na


itinuturo ng Iglesia Katolika tungkol sa pananampalataya at
magandang kaugalian.

Sa wakas, ako’y sumasang-ayon nang may kusang-loob na


pagtalima sa isip at damdamin, sa mga aral na itinuturo ng Santo
Papa o kaya ng Kapulungan ng mga Obispo, kung sila ay
Gumaganap ng tunay na Magisterio, kahit na ipinahahayag ang mga
aral na ito sa pamamagitan ng isang kautusang di natitiyak.

Rev. Fr. John Jayoma, TC


LAGDA NG KURA PAROKO

PETSA: ika-16 ng Setyembre 2012

Most Rev. Luis Antonio G. Tagle, DD


LAGDA NG ORDINARIO

You might also like