You are on page 1of 2

THE ROMAN CATHOLIC BISHOP OF SAN PABLO

Bishop’s Residence, M. Paulino St. San Pablo City


4000 Laguna, Philippines

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Ako, REV. FR. REX MP. DE LOS ANGELES, taglay ang matibay na
pananampalataya, ay sumasampalataya at tinatanggap ang bawat isa at
lahat ng nasa simbulo at pananampalataya gaya ng sumusunod:

Sumasampalataya ako sa iisang Diyos, Amang Makapangyarihan sa


lahat, na may gawa ng langit at lupa, ng lahat ng nakikita at di nakikita.

Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Hesukristo, bugtong na


Anak ng Diyos, nagmula sa Ama bago pa lamang nagsimula ang
panahon, Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa liwanag, Diyos na
totoo buhat sa Diyos na totoo, Ini-anak, hindi nilikha. Kaisa sa pagka-
Diyos sa Ama. Sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat, na dahil sa
ating mga tao at sa ating kaligtasan ay nanaog buhat sa langit.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhen at
naging tao. Ipinako sa krus dahil sa atin, sa ilalim ng kapangyarihan ni
Poncio Pilato; naghirap, namatay at inilibing. Muling nabuhay sa
ikatlong araw ayon sa kasulatan. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan
ng Ama. Pariritong muli puspos ng kaluwalhatian upang hukuman ang
mga buhay at mga patay, at ang kaharian niya’y walang hanggan.

Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay


buhay, na nanggagaling sa Ama at sa Anak, na sinasamba at
niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak. Nagsasalita sa
pamamagitan ng mga propeta.

Sumasampalataya ako sa isang Iglesiang Banal, Katolika at Apostolika


kinikilala ko ang isang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay at ang buhay na
walang hanggan. Amen.
Sinasampalatayanan ko ring matatag ang lahat ng nakapaloob sa Salita
ng Diyos na isinulat o kaya’y isinalin sa tradisyon at inihahandog ng
simbahan, sa pamamagitan ng maringal na kahatulan o kaya sa
kaparaanan ng ordinaryo at pangkalahatang Magisteryo, bilang
katotohanang ipinahayag ng Diyos at dapat sampalatayanan.

Matatag ko ring tinatanggap ang bawat isa at lahat ng itinuturo ng


Iglesia Katolika tungkol sa pananampalataya at magandang kaugalian.

Sa wakas, ako’y sumasang-ayon nang may kusang loob na pagtalima sa


isip at damdamin, sa mga aral na itinuturo ng Santo Papa o kaya ng mga
kapulungan ng mga Obispo, kung sila ay gumaganap ng tunay na
Magisteryo, kahit na ipinahahayag ang mga aral na ito sa pamamagitan
ng isang kautusang di natitiyak.

Buong puso kong ipinangangako ito, tulungan nawa ako ng Diyos at ng


Mabuting balita na aking hinahawakan.

+BUENAVENTURA M. FAMADICO. D.D. ______________________________


Obispo ng San Pablo Lagda

Ika-25 ng Hulyo 2019 ______________________________


Saksi

You might also like