You are on page 1of 24

Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

PAGDIRIWANG NG EUKARISTIYA
DAKILANG KAPISTAHAN NI
SAN BARTOLOME, APOSTOL

Parokya ng San Bartolome Apostol


Tugatog, Lungsod ng Meycauayan, Bulacan
August 24, 2019 | 5:00 P.M.

na pangungunahan ng

LUBHANG KGG. DENNIS C. VILLAROJO, D.D.


Obispo ng Malolos

| 1
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

PAUNANG SALITA

Commentator:

Mga minamahal na kapatid, ngayon ay ipinagdiriwang natin ang


Dakilang Kapistahan ng ating patron, si Apostol San Bartolome. Ang
pagdiriwang natin ngayon ay natatangi dahil ipinagdiriwang din natin
ang ikadalawampu’t limang taon ng pagkakatatag ng ating
pamayanang kristiyano.
Sa Ebanghelyo natin ngayon, itinampok ni Jesus si Natanael
bilang isang tunay na Israelita dahil sa kanyang katapatan at hindi
pagdaraya. Sinabi din ni Jesus na si Natanael ay nakita niya sa ilalim
ng puno ng igos. Sa kultura ng mga Hudyo, ang ilalim ng puno ng
igos ay naglalarawan sa isang pangangaral o pagpapahayag ng turo
tungkol sa Kautusan. Batid natin na si San Bartolome ay naging isang
tapat at totoong tagapagpahayag at tagapalaganap ng Mabuting Balita
ng Panginoon. Sa ating pagdiriwang ngayon, hilingin natin sa ating
mahal na patron na mas lumalim pa ang ating ugnayan sa Panginoong
Jesus at sa pamamagitan nito ay maibahagi natin ang kanyang
Mabuting Balita at pag-ibig sa ating kapwa.
Ang ating punong tagapagdiwang ay ang Lubhang Kagalang-
galang, Dennis Cabanada Villarojo, Doctor of Divinity, bagong
talagang Obispo ng Diyosesis ng Malolos. Magsitayo po ang lahat at
sumabay sa pambungad na awit.

PANIMULA
Kapag natitipon na ang sambayanan, pasisimulan na ang Maringal na Pagpasok ng mga tagapaglingkod
at kaparian. Ang mga pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa dambana samantalang ang
awiting pambungad ay ginaganap.

| 2
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

PAMBUNGAD NA AWIT
Pagsapit sa dambana, ang mga pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa
hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang mga pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa
ibabaw. Iinsensuhan ng Obispo ang Altar at pagkatapos ay paroroon sa kanyang upuan.

PAGBATI

Obispo: Sa ngalan ng Ama, +at ng Anak, at ng Espiritu Santo


Bayan: Amen
Obispo: Sumainyo ang kapayapaan.
Bayan: At sumaiyo rin.
Obispo: Mga kapatid, buong galak tayong natitipon sa hapag ng
Panginoon upang magpasalamat sa kanyang mga
biyaya at pagpapala. Sa araw na ito, ginugunita natin
ang Dakilang Kapistahan ng ating mahal na patron, si
San Bartolome, isa sa labindalawang apostol.
Nagpapasalamat din tayo dahil dalawapu’t limang taon
na ang nakalipas mula nang gawing isang komunidad
kristyano ang ating pamayanan dito sa Tugatog at
ganap na naging parokya noong nakaraang taon.
Samahan rin ninyo ako sa pagpapasalamat sa
pagkakatalaga sa akin bilang inyong bagong Obispo.
Sa diwa ng kagalakan, nagpapasalamat tayo sa nag-
uumapaw na kabutihan at awa ng Panginoon sa
pamamagitan ng pamamatnubay ni San Bartolome.
Upang maging marapat tayo sa gagawing pagdiriwang,
tumahimik tayo sumandali, ating aminin at pagsisihan
ang ating mga kasalanan.
(Sandaling katahimikan)

| 3
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

Lahat: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo, mga kapatid
na lubha akong nagkasala
ang lahat ay dadagok sa dibdib.
sa isip, sa salita at sa gawa
at sa aking pagkukulang.
kaya isinasamo ko
sa mahal na Birheng Maria
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Obispo: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Bayan: Amen
PANGINOON KAAWAAN MO KAMI
(Aawitin)

PAPURI SA DIYOS

Obispo: Gloria in excelsis Deo!


(Aawitin ang Papuri sa Diyos)

| 4
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Obispo: Manalangin tayo


(sandaling katahimikan)
Ama naming makapangyarihan,
gawin mong matibay ang aming pananampalataya
na nag-ugnay kay Apostol San Bartolome
sa buklod ng hindi magdarayang pakikipag-ugnayan
ng Apostol na ito sa iyong Anak.
Bilang tugon sa kanyang pagdalangin,
ang sambayanan mo nawa’y maging pananda
ng iyong pagliligtas sa lahat ng bansa,
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen

| 5
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

Pagpapahayag ng Salita ng Diyos

Unang Pagbasa Pahayag 21, 9b-14

Ang pader ng lungsod ay may labindalawang


saligang-bato at nakasulat dito ang pangalan
ng labindalawang apostol ng Kordero.

Ang Salita ng Diyos mula sa aklat ng Pahayag


Wika ng anghel sa akin, “Halika,at ipakikita ko sa iyo ang Babaing
makakaisang-dibdib ng Kordero.” Nilukuban ako ng Espiritu, at inihatid
ako ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa
akin ang Jerusalem, ang Banal na Lungsod, na bumababa mula sa langit
buhat sa Diyos. Nagliliwanag ito dahil sa kaningningan ng Diyos;
kumikislap na gaya ng hiyas na haspeng sinlinaw ng kristal. Ang pader
nito’y makapal at mataas at may labindalawang pinto, bawat isa’y may
bantay na anghel. Nakasulat sa mga pinto ang pangalan ng labindalawang
lipi ng Israel. Tatlo ang pinto ng bawat panig: tatlo sa silangan, tatlo sa
timog, tatlo sa hilaga, at tatlo sa kanluran. Ang pader ng lungsod ay may
labindalawang saligangbato at nakasulat dito ang pangalan ng
labindalawang apostol ng Kordero.
Ang Salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos


Salmong Tugunan (Salmo 144, 10-11, 12-13ab, 172)
(Tugon: 12a)

Tugon: Talastas ng mga tao


dakilang paghahari mo
1. Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha pupurihin ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
At ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

| 6
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

Tugon: Talastas ng mga tao,


dakilang paghahari mo.
2. Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
Mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan,
Hindi magbabago.
Tugon: Talastas ng mga tao,
dakilang paghahari mo.
3. Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa:
kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao
Sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo.
Tugon: Talastas ng mga tao,
dakilang paghahari mo.

Ikalawang Pagbasa 1 Pedro 3, 14-17

Huwag kayong matakot sa kanilang


mga banta at huwag mabagabag.

Ang Salita ng Diyos mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, sakali mang pag-usigin kayo dahil sa paggawang


mabuti, mapalad pa rin kayo! Huwag kayong matakot sa kanilang mga
banta at huwag mabagabag. Idambana ninyo sa inyong puso si Kristong
Panginoon. Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang
magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa. Ngunit maging
mahinahon at mapitagan kayo sa inyong pagpapaliwanag. Panatilihin
ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga umaalipusta
at tumutuya sa inyong magandang asal bilang mga lingkod ni Kristo.
Higit na mainam ang kayo’y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali
mang loobin ito ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng
masama.

Ang Salita ng Diyos.

| 7
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

Alleluya
Aleluya! Aleluya!
Guro, Anak na butihin
ng Diyos Amang masintahin,
ika’y hari ng Israel
Aleluya! Aleluya!
Ebanghelyo (Juan 1, 45-51)
Pari: Sumainyo ang Panginoon
Bayan: At sumaiyo rin
Pari: + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Bayan: Papuri sa iyo Panginoon
Noong panahong iyon, hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito,
“Natagpuan namin si Hesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose, Siya ang
tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at gayun din ang
mga propeta.” “May magmumula bang mabuti sa Nazaret?” Tanong ni
Natanael. Sumagot si Felipe, “Halika’t tingnan mo.”
Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Hesus, “Masdan ninyo ang
isang tunay na Israelita; siya’y hindi magdaraya!” Tinanong siya ni
Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa
tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng
igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” wika
ni Natanael. Sinabi ni Hesus, “nananampalataya ka na ba dahil sa sinabi
ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga
bagay na higit kaysa rito!.” At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo:
makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay
manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”
Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon
Bayan: Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo
Commentator: Manatili pong nakatayo ang lahat.

HOMILYA: LUB. KGG. DENNIS C. VILLAROJO


Obispo ng Malolos
| 8
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa isang Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na
may gawa ng langit at lupa, ng lahat ng nakikita at di nakikita.
Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak ng
Diyos, sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon. Diyos buhat sa Diyos,
liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo. Sumilang
at hindi ginawa, kaisa ng Ama sa pagka-Diyos, at sa pamamagitan niya ay
ginawa ang lahat. Dahil sa ating pawang mga tao at dahil sa ating kaligtasan,
siya ay nanaog mula sa kalangitan.
Sa pangungusap na “Nagkatawang tao siya” hanggang “nagging tao” ang lahat ay yuyuko

Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhen at naging


tao. Ipinako sa krus dahil sa atin. Nagpakasakit sa hatol ni Poncio Pilato,
namatay at inilibing. Muli siyang nabuhay sa ikatlong araw ayon sa Banal na
kasulatan. Umakyat sa kalangitan at lumuklok sa kanan ng Amang Maykapal.
Paririto siyang muli na may dakilang kapangyarihan upang hukuman ang mga
buhay at mga patay. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at
nagbibigay-buhay na nanggaling sa Ama at sa Anak. Sinasamba siya at
pinararangalan kaisa ng Ama at ng Anak. Nagsalita siya sa pamamagitan ng
mga propeta. Sumasampalataya ako sa iisang banal na Simbahang katolika at
apostolika gayundin sa isang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
At hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay at ang buhay na
walang hanggan. Amen.

PANALANGIN NG BAYAN
Obispo: Manalangin tayo sa Diyos na ating Ama
na nagbigay ng parangal kay San Bartolome
at naghatid sa kanya sa maluwalhating luklukan sa langit.
Ilapit natin sa kanya ang ating mga pangangailangan sa
tulong ni San Bartolome, ating iluhog:

Panginoon, sa tulong ni San Bartolome, dinggin mo ang aming


panalangin

| 9
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

1. Para sa ating Santo Papa Francisco, sa ating Obispong si Dennis, mga


obispo, mga pari at diyakono, mga seminarista at relihiyoso, nawa sa
pamamagitan ng kababaang loob, pagdarasal, at tunay na pagmamahal,
makatiyak sila sa pamamatnubay ng Espiritu Santo sa kanilang gawain.
Manalangin tayo sa Panginoon. (T)
2. Para sa mga nasa pamahalaan, nawa’y makinig sila sa tinig ng Diyos sa
pamamagitan ng Simbahan na nananawagang isulong ang karapatan sa
buhay ng tao. Manalangin tayo sa Panginoon. (T)
3. Para sa mga dukha at maysakit, nawa’y makabanaag sila ng pag-asa sa
tulong ng panalangin ni Apostol San Bartolome. Manalangin tayo sa
Panginoon.(T)
4. Para sa mga kabataan, nawa’y malayo sila sa mga tuksong dala ng
makamundong pag-iisip sa nagbabagong panahon at upang sila ay mahikayat
na maglingkod sa simbahan at sa kanilang kapwa. Manalangin tayo sa
Panginoon.(T)
5. Para sa lahat ng Kristiyano, upang tulad ni Apostol San bartolome, nawa’y
maging matatag tayo sa pananalangin at pagnanais na matupad ang kalooban
ng Diyos para sa ating kaligtasan. Manalangin tayo sa Panginoon.(T)
6. Para sa ating Parokya, nawa’y basbasan ito ng Panginoon ng pagmamahalan,
pagtutulungan at paglilingkod. Patnubayan nawa niya ang ugnayan natin sa
bawat isa sa tulong ni Apostol San Bartolome, ating pintakasi. Manalangin
tayo sa Panginoon.(T)

Obispo: Ama, habang ipinararating namin sa iyo


ang mga panalanging ito
sa tulong ni San Bartolome,
tulungan mo kaming magmahal sa iba
at magtiwala sa iyong pagpapala
sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.
Bayan: Amen

| 10
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

LITURHIYA NG EUKARISTIYA
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
Pagkatapos, sisimulan ang Awit sa Paghahanda ng mga Alay. Samantalang ito’y ginaganap,
ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang
kalis, ang pall at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng


pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Sa prusisyon ng mga alay, ang mga tatangap ng pakikinabang sa unang pagkakataon ay


makagaganap na tagapagdala ng tinapay at alak na kanilang pagsasaluhan.

Ngayon nama’y tatayo ang Obispo sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng
tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri Ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan.


Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para
maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Ang Obispo ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakn ng Obispo ang kalis nang


bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri Ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan.


Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.

Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, yuyuko ang Obispo habang dinarasal niya ng pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa Iyo ng buong puso.

| 11
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

Pagkatapos ang Obispo’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal


kasalanan ko’y hugasan
at linisin Mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik ng Obispo sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga
tao at muli niyang pagdaraupin habang ipinahahayag:

Obispo: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang


paghahain natin ay kalugdan ng Diyos
Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong


mga kamay sa kapurihan Niya at kabanalan sa ating
kapakinabangan at sa buo Niyang Sambayanang banal.

Pagkaraa’y, ilalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang panalangin ukol
sa mga alay.

| 12
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Obispo: Ama naming Lumikha,


sa kapistahan ngayon ni Apostol San Bartolome
tuwangan nawa kami ng kanyang pagdalangin
sa paghahain namin ng pagpupuri
at pagpapasalamat sa iyo,
sa pamamagitan ni Heskristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen

| 13
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

PREPASYO
Obispo: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumaiyo rin.

Obispo: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Obispo: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.
Obispo: Ama naming makapangyarihan
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Itinatag niya ang iyong Sambayanan


at ang mga apostol ay saliga’t katuwang
sa pagpapanatili ng iyong pagmamahal
na di magwawakas kahit kailan.
Kaming Sambayanan mo dito sa daigdig
ay katibayan ng pamumuhay sa langit.
Kaming narito ang tagapagpahiwatig
Sa pagkakaisa ng tanan sa iyong pag-ibig.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
(Aawitin ang Santo)

| 14
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

IKATLONG PANALANGIN NG PAGPUPURI’T PASASALAMAT


Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal
Obispo: Ama naming banal,
dapat kang purihin ng tanang kinapal
sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binibigyan mo ng buhay at kabanalan.
Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw,
maihandog ang malinis na alay
para sambahin ang iyong ngalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang kamay ay lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang
siya’y nagdarasal
Ama,
isinasamo naming pakabanalin mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa iyo
Pagdaraupin ng pari ang kanyang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal:

Ito nawa’y maging Katawan at Dugo (†)


ng iyong Anak at aming Panginoon Hesukristo.
Pag daraupin niya ang kanyang mga kamay.

Na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.


Ang mga salita ng Panginoon sa mga susunod na pangungusap ay ipapahayag ng malinaw at
mauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito

Noong gabing ipagkanulo siya,


Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihayag:

Hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
| 15
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipapamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba. Ang pari ay magpapatuloy

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis


muli ka niyang pinasalamatan
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-AALAALA SA AKIN.

Ipapamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan ni Kristo, at luluhad
siya bilang pagsamba.

Pagkatapos ipapahayag ng pari:

Obispo: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya


Ang mga tao ay magbubunyi

| 16
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Obispo: Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayundin ang kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik ay pinananabikan
kaya bilang pasasalamat ngayo’y aming iniaalay sayo
ang buhay at banal na paghahaing ito.
Tunghayan mo ang handog na ito
ng iyong Simbahan.
Masdan mo ang iyong Anak
na nag-alay ng kanyang buhay
upang kami ay ipakipagkasundo sa iyo.
Loobin mong kaming magsasalu-salo
sa kanyang Katawan at Dugo
ay puspos ng Espiritu Santo
at maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.
Nakikipagdiwang 1:

Kami nawa ay gawin niyang handog


na habang panahong nakatalaga sa iyo.
Tulungan nawa niya kaming magkamit ng iyong
pamana kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na
Birheng Maria, kaisa ng mga Apostol, mga Martir,
ni San Bartolome,
at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahang laging nakikiusap para sa
aming kapakanan.
Nakikipagdiwang 2:

Ama,
ang handog na ito
ang aming pakikipagkasundo sa iyo

| 17
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

ay bunga nawa ng kapayapaan at kaligatasan


para sa buong daigidig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng Iyong lingkod na si Papa FRANCISCO,
ang aming Obispo DENNIS
ng tanang Obispo at buong kaparian
at ng iyong piniling sambayanan.
Dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong angkan
na ngayo’y tinitipon mo sa iyong harapan.
Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng iyong
mga anak sa bawa’t panig at sulok ng daigdig.

Nakikipagdiwang 3:
Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.
Kami ay umaasang makararating sa iyong piling
at samasamang magtatamasa ng iyong kaningningang
walang maliw sapagka’t aming masisilayan
ang iyong kagandahan
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo
na siyang pinagdaraanan
ng bawa’t kaloob mo sa aming kabutihan.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinapahayag:

Obispo: Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo
Diyos Amang makapangyarihan
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Ang mga tao ay magbubunyi: Amen.

| 18
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

Ang Pakikinabang
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng Obispo nang may magkadaop na
mga kamay.
Obispo: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos
at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas loob:
Ilalahad ng Obispo ang kanyang mga kamay at ipapahayag niya kaisa ng lahat.

AMA NAMIN Aawitin

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng Obispo sa pagdarasal:

Obispo: Hinihiling naming


kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin ng
ganitong pagbubunyi:

| 19
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

SAPAGKAT Aawitin
Sapagka't iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng Obispong nakalhad ang mga kamay:

Obispo: Panginoong Hesukristo,


sinabi Mo sa Iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan Mo ang aming pananampalata
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa Iyong kalooban.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:


Bayan: Amen.

Ang Obispo’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa


pagpapahayag.

Obispo: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging


sumainyo.
Bayan: At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng Obispo:

Obispo: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay magbibigayan ng
kapayapaan. Ang mga tatanggap ng banal na pakikinabang sa unang pagkakataon at ang lahat ay
makapagbibigay ng pagbati ng kapayapaan.
Pagkatapos, hahawakan ng Obispo ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Obispo: Sa pagsasawak na ito ng Katawan sa Dugo ng


aming Panginoong Hesukristo tanggapin nawa

| 20
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

namin sa pakikinabang ang buhay na walang


hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati ng ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na
Kordero ng Diyos.

KORDERO NG DIYOS Aawitin


Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito’y maiuulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati ng tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa
lamang idurugtong ang “ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng Obispo sa pabulong na pagdarasal.

Obispo: Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kaloob ng Ama kasama ng Espiritu Santo, binuhay
Mo sa Iyong kamatayan ang sanlibutan.
Pakundangan sa Iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya Mo ako sa tanang kasalanan at lahat ng
masama, gawin Mong ako’y makasunod lagi sa Iyong
mga utos, at huwag Mong ipahintulot na ako’y
mawalay sa Iyo kaylan man.
o kaya:
Ang pakikinabang sa katawan Mo, Panginoong
Hesukristo, ay huwag nawang magdulot ng
paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa Iyong dakilang pag-ibig nawa’y aking
matanggap ang pagkupkop mo sa akin at kaloob
Mong lunas.
Luluhod ang Obispo at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan o kalis. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

| 21
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

Obispo: Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa Kanyang
piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Bayan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa Iyo,


ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa buhay na


walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:


Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na
walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.


Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawa't nakikinabang habang sinasbi:

Obispo: Katawan ni Kristo.


Ang nakikinabang ay tutugon:

Bayan: Amen.

Samantalang nakikinabang ang Obispo, sisimulan ang awit sa pakikinabang.


Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa
kalis na huhugasan ng Obispo o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap
ng Obispo, pabulong siyang magdarasal:

Obispo: Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon ay amin
nawang mapakinabangan at ang iyong
ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

| 22
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Obispo: Manalangin tayo


Kung hindi pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan, ang
panalangin pagkapakinabang ay ipapahayag ng paring nakalahad ang kamay

Obispo: Ama naming mapagmahal


ngayong kapistahan ni Apostol San Bartolome
aming pinagsaluhan ang haing nagbibigay-buhay.
Sa paglingon namin at pagtanaw ng utang na loob
kami nawa’y makarating sa paroroonang ligayang
lubos sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen
Mauupo ang lahat parasa ilang pabalita at pasasalamat

| 23
Dakilang Kapistahan ni Apostol San Bartolome

PAGBABASBAS AT PAGHAYO

Obispo: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.
Obispo: Purihin ang ngalan ng Panginoon.
Bayan: Ngayon at kailanman.
Obispo: Sa ngalan ng Panginoon tayo’y tinutulungan.
Bayan: Siya ang may gawa ng langit at sanlibutan.
Obispo: Pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos, (†) Ama
at (†) Anak, at (†) Espiritu Santo.

Bayan Amen.

Obispo: Humayo kayo taglay ang kapayapaan


upang ang Panginoon ay mahalin at Paglingkuran.
Bayan: Salamat sa Diyos!

| 24

You might also like