You are on page 1of 27

Pagpupuri sa

Umaga
Agosto 30, 2022
Martes
Lider : Papuri sa Umaga
Agosto 30 Baldoz, Eiyezha Gabrielle P.
Agosto 31 Calabita, Akeisha Sabine V.
Setyembre 1 Cardinoza, Riona Karel P.
Setyembre 2 Chang, Kailey Isha U.
Edwin Maravilla
Tawag sa
Pananalangin
Eiyezha Gabrielle P. Baldoz

Alalahanin natin na tayo ay nasa


banal na presensya ng
Panginoon.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at


ng Diyos Espiritu Santo. Amen.
Eiyezha Gabrielle P. Baldoz

Awitin natin ang

“Mahal Ako ni Kristo”.


Lahat

Pag-aalay sa Umaga
Panginoong Diyos, iniaalay namin sa Iyo sa
araw na ito ang lahat ng aming iisipin,
gagawin at sasabihin. Punuiin Mo ang
aming mga puso ng biyaya upang ang lahat
ng aming gagawin o hindi magagawa ay
naaayon sa banal Mong kalooban. 
Tulungan Mong mahalin Ka namin
nang buong puso, nang buong pag-
iisip at nang buong lakas. Nawa’y 
maging inspirasyon namin sa aming
mga gawain ang halimbawa ng  Mahal
na Birhen, ang mapagkumbaba Mong
lingkod at ang lahat ng mga santo na
matapat na naglingkod sa Iyo. Amen. 
Panimula:

Ipagpatuloy natin ang kuwento


ng buhay ni San Benito.
Buhay ni San Benito Nais ni Benito ang isang buhay
na higit pa sa mga papuri ng
mundo. Mas gusto niyang ilaan
ang kanyang lakas para sa Diyos
kaysa magtagumpay sa buhay o
maging dakila.

Isang araw, palihim niyang


iniwan si Cyrilla na kanyang
tagapag-alaga at nagtungo sa
liblib na lugar na tinatawag na
Subiaco.
Sa kanyang paglalakbay ay
nakilala niya ang isang monghe na
nagngangalang Romanus. Tinanong
siya nito: “Saan ka pupunta?” Sinabi
ni Benito ang kanyang mga nais.
Itinago ni Romanus ang kanyang
lihim at tinulungan niya si Benito.

Tinuruan ni Romanus si Benito ng


mga pag-uugali ng isang monghe at
inalagaan niya ito hanggang sa abot
ng kanyang makakaya.
Nang si Benito ay nakarating sa
Subiaco, siya ay pumasok sa loob ng
makipot na kuweba. Siya ay naglagi
roon nang tatlong taon. Walang
nakaaalam nito bukod kay Romanus.
       Si Romanus ay mabait at may
mabuting puso. Siya ay lihim na
umaalis paminsan-minsan upang
dalhan si Benito ng tinapay na kanyang
itinatabi ngunit walang daan patungo
sa kuweba mula sa kanilang
monasteryo.
Upang maipadala ang tinapay,
ikinabit ni Romanus ang tinapay
sa mahabang lubid kung saan siya
nagtali ng isang maliit na
kampanilya. Kapag tumunog ang
kampanilya, alam na ni Benito na
si Romanus ay may dalang tinapay
para sa kanya. Siya ay lumalabas
upang kunin ito.
Isang araw nakita ng demonyo ang
pagbaba ng tinapay. Naghagis ito ng
isang bato na sumira sa kampanilya.
Gayunpaman, ipinagpatuloy ni
Romanus ang kanyang serbisyo sa
ibang mga paraan.
Pagninilay

Tinanggap ni Romanus si Benito at tinulungan siya sa


pagnanais na mahanap ang Diyos.

Tanungin natin ang ating sarili: Sino ang mga taong


tumutulong sa atin na makilala ang Diyos?
Tinutulungan mo ba ang iyong pamilya, kaibigan, guro,
kaklase, at lahat ng taong nakasama mo para mahanap
ang Diyos?
Awitin natin ang

“Hymn to
St. Benedict”.
Panalangin kay
San Benito
Lahat

Diyos Ama, pinagpala Mo si San Benito sa


biyaya at kabantugan. Sa tulong ng kanyang
makapangyarihang pamamagitan, nawa’y
maisanggalang kami mula sa mga silo ng dyablo.
Nawa ay masumpungan namin ang 
kalakasan at kaginhawahan sa oras ng aming
kamatayan
 at magalak sa Iyong pagmamahal at
paglingap ngayon at sa bawat araw ng
aming buhay. Ito ang dalangin namin
sa pamamagitan ni Hesukristong aming
Panginoon.  Amen.
Eiyezha Gabrielle P. Baldoz

Santa Scholastica at  San Benito,


ipanalangin ninyo kami.

Maria, kaisa ng kanyang Anak na si Hesus,


pagpalain mo ang bawat isa sa amin.

Nang sa lahat ng bagay,


ang Diyos ay papurihan.
All
Vision
St. Scholastica’s Academy of Marikina envisions
a Christ-Centered Benedictine community,
where every member is a socially – oriented
servant leader, a responsive and responsible
innovator, and a lifelong learner, imbued with
the creative balance of Ora et Labora.
Mission

Impelled by the love of Christ, SSAM commits


itself to proclaim and uphold God’s kingdom
of truth, justice, peace, and integrity of
creation. 
To concretize this mission, SSAM intensifies
the programs of action anchored on
academic excellence as social responsibility,
where all sectors are involved in the integral
formation of the human person towards a
positive transformation of the society.
Tayo’y mag-
ehersisyo!

You might also like