You are on page 1of 13

Hingalangin

Lunes
Ang hingalangin ay isang paraan ng
pananalanging nakasentro sa paghinga. Sa
pamamagitan ng paghinga, tayo ay
nakikibahagi sa biyaya ng buhay. Sa pagpasok
ng hangin sa ating katawan, tayo ay
tumatanggap ng oxygen na kinakailangan ng
ating katawan upang mabuhay.
Sa paglabas ng hangin sa ating katawan, tayo ay
nagbibigay ng carbon dioxide na bumubuhay sa mga puno
at halaman sa ating kapaligiran.
Sa pamamagitan ng hingalangin, tayo ay namumulat sa
biyaya ng buhay. Kahit gaano kabigat ang ating
pinagdaraanan, ang paghinga ay nagpapaalala sa atin na
tayo ay pinagkakalooban ng buhay at pag-asa. Sa bawat
paghinga, tayo ay kinakalinga at binibigyang-buhay ng
Diyos. Tayo ay mag-Hingalangin.
Unang bahagi
Pagbasa mula sa aklat ni Propeta
Isaias.

Huwag kang mangamba dahil


ako ang Diyos mo. Palalakasin
kita at tutulungan. Iingatan kita
sa pamamagitan ng aking
kapangyarihan na siya ring
makapagliligtas sa iyo.
Ikalawang bahagi
Tumayo nang tuwid at ilagay
ang kanang kamay sa dibdib.
Awitin natin nang buong
puso ang ating pambansang
awit.
Panatang Makabayan

Iniibig ko ang Pilipinas,


aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.
School Hymn
Let’s
do the
exercise!

You might also like