You are on page 1of 35

Liturhiya ng Pagluluklok

sa
Banal na Bibliya
AGOSTO 22, 2022
Liturhiya ng
Pagluluklok sa
Banal na Bibliya
AGOSTO 22, 2022
Tawag sa Panalangin:
Pagpapatunog ng gong nang tatlong beses.
Lider: Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng
Espiritu Santo. Amen.

Bigyan  natin ang Bibliya ng isang espesyal na


lugar sa ating tahanan, malapit sa ating lugar
na pinag-aaralan. Ang Bibliya ay isang aklat na
kinapapalooban ng mga Salita ng Diyos.  Sa
kabuoan, ang mensaheng ito ay ang dakilang
pag-ibig ng Maykapal at ang Kanyang
pagtawag na mamuhay tayo bilang Kanyang
mga anak.
Lider: Ngayon, ihahanda natin ang altar kung saan
ilalagak ang Bibliya. Ang Bibliya ay ang Banal na
tala ng Salita ng Diyos na nagsasalaysay ng
kuwento ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.
Hindi ito dapat hayaang maalikabukan lamang sa
ating mga tahanan. Dapat itong basahin, ipahayag,
at ilagak sa isang maayos na lugar. Nawa’y sikapin
nating basahin ang Salita ng Diyos upang malaman
ang Kanyang kalooban at maisabuhay ito.
PUTING TELA – Ang
puting tela ay sumasagisag
sa kadalisayan ng ating mga
puso bago tayo mapunan ng
kasalanan. Habang
tinitingnan ang puting tela
sa altar, palayain natin ang
ating sarili mula sa galit at
kayabangan. Sa parehong
pamamaraan, lagi nating
panatilihin ang simbolong
ito na malinis at malayo sa
alikabok.
KANDILA – Ang ilaw ng
kandila ay nagpapaalala sa atin na
ang Bibliya ang ating gabay sa
buhay. Lahat ng ating ginagawa
ay dapat na naaayon sa Salita ng
Diyos. Masdan natin ang ating
mga kandila. Katulad ng isang
kandila, pinaaalalahanan tayo na
tinawag din tayo upang maging
ilaw sa mundo sa pamamagitan
ng pagpapahayag ng Mabuting
Balita sa iba.
BULAKLAK – Ang pag-aalay
ng bulaklak ay simbolo ng ating
pasasalamat sa kabutihan ng
Diyos. Tulad ng mga bulaklak,
ang Bibliya ay nagdudulot ng
kagandahan sa ating buhay.
Sinusugo rin tayo na magdala ng
kagandahan sa mundo sa
pamamagitan ng ating pagdadala
ng kaluwalhatian sa Diyos.
KRUSIPIHO – Si Hesus ay isinugo ng
Ama upang ihayag at tupdin ang
Kanyang plano ng kaligtasan. Sa
pamamagitan ni Hesus, nalalaman natin
ang tungkol sa Diyos. Si Hesus ang
Salitang naging tao. Sa pagtingin natin
sa krusipiho, naipaaalala sa atin ang
walang hanggang pagmamahal ng Diyos
na naitala sa Bibliya.
BIBLIYA –Ang Bibliya ay ang
buhay na pananampalataya ng
ating mga ninuno na
nagpapakita kung paano nila
naranasan ang Diyos sa
kanilang buhay. Ito ang
kasaysayan ng Diyos na
tumupad sa Kanyang
pangakong kaligtasan at ang
tala ng Kanyang walang
hanggang awa at pag-ibig para
sa ating lahat. Ito ang Bibliya,
ang Salita ng Diyos.
Tumayo ang lahat at ating
awitin ang pambungad na
awit
Pagbasa ng
Ebanghelyo:
Mateo 5:13-16

Pagbasa mula sa
Ebanghelyo ayon kay
San Mateo.
Papuri sa Iyo,
Panginoon.
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa
kanyang mga alagad, “Kayo’y asin sa
sanlibutan. Kung mawalan ng alat ang asin,
paano pang mapananauli ang alat nito?
Wala na itong kabuluhan kaya’t itinatapon
na lamang at niyayapakan ng mga tao.
“Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi
maitatago ang isang lungsod na
nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang
nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa
ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay
ito sa talagang patungan upang
matanglawan ang lahat ng nasa bahay.
Gayun din naman, dapat ninyong
paliwanagin ang inyong ilaw sa
harapan ng mga tao, upang makita
nila ang inyong mabubuting gawa,
at luwalhatiin ang inyong Amang
nasa langit.”
Ang Mabuting Balita ng
Panginoon.

Pinupuri Ka namin,
Panginoong Hesuskristo.
Nilay-sulat
Lider: Sa isang pirasong papel,
isulat ang (mga)
salitang pumukaw ng iyong
pansin o damdamin. Pagnilayan
ang mga isinulat at pagkatapos
ay ilagay nang maayos ang
iyong papel sa ibabaw ng mesa. 
(Gawin sa loob ng dalawang
minuto.)
Pag-aalay:
Lider: Nang may iisang puso at isipan
at kaisa si Hesus na ating
Panginoon, ihandog natin sa Ama
ang ating mga isinulat. (Ilagay
ang papel na naglalaman ng
Salita ng Diyos sa iyong
altar.) Hilingin natin sa Banal na
Santatlo ang inpirasyon at grasya
upang Siya ay kilalanin, mahalin,
at sundin.
Pagtatalaga sa Bibliya at
Pagbabasbas
Lider: Tumayo ang lahat. Kunin ang Biblya. Gamit
ang iyong mga kamay, ilapat ang iyong Bibliya
sa iyong dibdib at sabay-sabay nating dasalin

Lahat:  Mapagmahal na Ama, / kalakip ang kagalakan at


nagpapasalamat na mga puso, isinasamo namin sa
Iyo /ang lahat ng aming mga saloobin, salita at kilos./
Nawa'y palagi naming piliing / makinig sa Iyo. /
Tulungan Mo kaming makita ang aming buhay / sa
ilaw ng Iyong mga salita./ Sa ngalan ni Hesus. Amen. 
Pangwakas na
Panalangin:
Lider: Nawa’y palakasin tayo ng Diyos
sa pamamagitan ng Kanyang salita
at pagpalain tayo sa Ngalan ng
Ama, at ng Anak, at ng Banal na
Espiritu. Amen.
Tayo’y humayo nang mapayapa at
isapuso ang Salita ng Diyos.
Santa Scholastica at San
Benito,

Ipanalagin n'yo kami.


Maria, kaisa ng kanyang Anak
na si Hesus,
Pagpalain mo ang bawat isa
sa amin.

Nang sa lahat ng bagay, ang


Diyos ay papurihan.
Tumayo nang tuwid at
ilagay ang kanang kamay sa
dibdib. Awitin natin nang
buong puso ang ating
pambansang awit.
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at
marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo ng aking magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.

You might also like